Chapter 33. Worries
Klairey
-
Sana kasing bilis ng paglipas ng panahon ang paghilom ng sugat ng kahapon. It sounds ridiculously rhyming but this is how I feel everytime the calender changes its month.
Ilang buwan na ba ang nakalilipas?
I haven't heard anything from Crish since she resigned a week after our confrontation. Habang si Renz naman ay nagpalit ng branch at minsan na lang namin kung makausap.
The whole time, Hazel was there for me. Madalas na awkward sa office. Hindi na ganoon kaingay pero hindi na rin sobrang awkward kagaya ng unang mga buwan.
I don't know if may idea sina Ate Celine but I chose not to open up about it. Ayos na na ilan lang ang nakakaalam.
"Ate, what's your plan on your birthday?" Hazel asked. We're taking our lunch break sa cafeteria.
Sinamaan ko ito ng tingin. Napatingin din ako sa katabi niya. They have this equal amount of anticipation as if I am going to give them my answer already.
Binaba ko ang hawak na kutsara at tinidor. Nag-iwas naman sila ng tingin sa akin. I can also see their elbows nudging at each other.
Lagi silang ganyan tuwing nabo-brought up ang topic. Sa mga isipin ko, hindi ko naman na sana priority ang pagse-celebrate ng birthday.
Kaso paano mawawaglit sa isipan ko kung lagi naman akong pinapaalahan ng dalawang ito?
"Ikaw talaga Haze ang kulit-kulit ng lahi mo, no? Ayaw nga ni Ma'am sa ganyang topic eh! Hayst!" sabi ni Yulian na sobrang weird ng tono. Tumataas bigla ang boses.
"Eh, Kuya naman eh! Ikaw kaya-" He stuffed the whole piece of fried chicken sa bibig ni Hazel bago pa man ito matapos sa pagsasalita.
Napailing ako at itinuloy na lang ang pagkain. They may be annoying sometimes pero nasasanay na lang ako. Napapadalas nga lang these past few days ang pagsabay ni Yulian sa amin. Parang may secret na naman silang dalawa at nahuhuli ko pang nagbubulungan sa likod ko minsan.
What will I expect? Close sila eh. Edi sila na close.
"Magsisimba," I told them. Napa-attention sila at tahimik na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Bakit?"
"And then?" Hazel asked. "Hindi ka naman magli-leave di ba? That's Friday pa naman."
"Pinag-iisipan ko pa. Wala naman akong gagawin sa bahay."
Tumango-tango silang dalawa. Lahat yata ng galaw nila, in sync masyado. Napaghahalataang may kalokohan na namang pinaplano.
"Don't think of surprising me with decorations on my table, lagot kayong dalawa sa akin!" Pagbabanta ko.
Sobrang embarrassing ng ganoon. Alam nila na hindi ako mahilig sa mga bagay na makakapag-draw ng atensyon sa akin.
I saw her nudge his elbow again and whispered. "Plan B, Kuya!" which I didn't hear clearly.
"Teka nga Yulian! Bakit ba laging dito ka nagla-lunch?" Noong mga nakaraan kasi ay paminsan lang naman.
I appreciate him being with me the whole time na halos isisi ko ang lahat ng nangyari sa sarili ko. Every time that I need him, he's always there, fooling around just to make me feel better.
I looked at him. He's smiling from ear to ear na parang nagdadalawang isip pa na sabihin ang nasa isip niya.
"Wag mo nang sagutin kung kakornihan lang yan," sabi ko kaagad.
"Ma'am naman parang ayaw mo na yata akong makita." He smiled and bat his eyes na parang napupuwing.
Hindi naman sa ganoon. "Slight."
"Ouch! Aray talaga! Grabe grabe!" He acted hurt again. Napapadalas na rin ang ka-OAyan. "Date na lang tayo sa birthday mo, Ma'am. Mag-leave ka na lang," dirediretsong sabi nito.
Bigla akong natameme. Hindi ko na-process kaagad yung mga sinabi niya at nakatitig lang ako sa kanya.
"Kaya manok kita Kuya eh!" Sabi ni Hazel at nag fist bump pa sila. "Sakto ate Klai, Valentine's day yon and may program naman sa campus!"
Nakangiting nakatitig lang si Yulian sa akin. I can't even look at him longer than how he's doing.
"P-pag-iisipan ko muna. Okay lang ba?" I asked in a very low voice.
Although he said that it's okay, I can sense a hint of frustration in his smile.
May isang linggo pa naman bago ang birthday ko.
~*~
Habang palapit na ang Friday, parang dumudoble na ang kaba na nararamdaman ko. I always feel anxious sa mga panahong ganito.
I don't want to radiate negativity but every single time, I was reminded of what happened few years ago.
Napangiti ako ng mapait. Dapat turuan ko na rin ang sarili ko na makalimot na ng tuluyan. The rest of the year, okay naman eh. Kapag ganitong parating na naman yung araw, bumabalik na naman eh.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng baboy kong kapatid. Hindi niya ako pinansin. Sinitsitan ko na. Dedma pa rin.
Kaya tinulak ko na lang siya sa sofa at ayun, sa sahig ang bagsak niya.
"Ano ba!? Kita mong naglalaro yung tao!" Banas na sabi nito. Kinapa pa ang puwet bago nahiga ulit sa sofa at inayos ng suot ang headset.
"Weh, tao ka?!" I mocked.
"Bakit ikaw ba tao ka? Kung hindi ako tao, edi ikaw rin, hindi. Magkapatid tayo di ba?!"
"Hala? Di ka na-inform? Ampon ka lang!"
"Ano bang problema mo?! Maghanap ka nga ng makakausap doon!" Kumamot pa ito sa puwet bago inabot ang kamay sa akin. "Oh eto piso, maghanap ka ng makakausap mo!"
Nagpanic ako at agad na lumayo sa kanya na ikinatuwa ng baboy. Makakarating talaga tong kababuyan na to sa mga classmates nya.
"Yuck ka talaga!"
Napaupo ito at naupo rin ako sa kabilang upuan. Tahimik na siya ulit habang naglalaro at ako naman, patingin tingin sa kanya. "Problema mo?!" Tanong ulit nito.
"W-wala namang naghahanap sa kin sayo di ba?" I finally asked.
Natigilan ito. He smirked. "Wag kang mag-alala. Naka-move on na yon."
Napatingin ako sa labas dahil biglang lumakas ang hangin. "Sinabi mo rin yan last year."
He tapped his phone again and continued playing. "Nandyan naman na si bayaw eh."
"Bayaw ka dyan! Hindi pa kami nun!"
"Oh, bakit bitter ka?!"
Nakakainis lang talaga makipag-usap sa lalaking to! Tumayo ako at tinampal ang cellphone niya na muntik nang mahulog saka ako tumakbo papuntang kwarto.
"Unggoy ka! Kapag nasira to-"
Sinara at nilock ko kaagad ang pinto ko para hindi ko na siya marinig.
I checked my phone and may missed call from Ate Melo. I dialed her number right away.
"Eklaaaaai! Misyuuu!"
Napangiti ako. "Ate~ Miss na rin kita."
"Your birthday is coming! Wanna party? Tatakas ako kay Jim!" She lowered her voice and giggled when I heard Kuya Jim complaining on her side.
"Ayoko ng party, ate. Alam mo naman," I said.
"It's really not a party but we'll just celebrate like before! You know I missed your birthday two years in a row. Ayoko na ma-miss ngayon! Come with me okay? I'll pick you up after work, okay?"
"Ah, Ate kasi..."
"Sige na Eklaaai please? Besides, I have something to tell you!" Excited na sabi nito kaya hindi na ako nakaimik pa.
"Sige ate, see you!"
"Yey!" She exclaimed. "This would be fun!"
Sana nga.
~*~
Hazel
"Kuya, ano na? Bakit ba kasing fast ka ng turtle?" I asked Kuya Yulian. May binili kasi si Ate Klai kaya nagka-chance.
"Di na nga ako nagpaliguy-ligoy oh? Kung alam mo lang! Parang may tumatambol sa dibdib ko! Pinagpapawisan din ako kahit malamig pa ang panahon!" Sabi naman nito na obvious na nakahinga nang maluwag.
"Ramdam ko nga eh! Parang ako pa ang kinabahan para sa yo! Nakakaloka ka." Pinaypayan ko ang sarili at pinaypayan ko rin siya kunyari. "Please, ask her to be your girlfriend na para official na. Hindi yung pasaring ka lang lagi! Ikaw rin, baka maunahan ka na naman."
Nakita ko na na-feeling down si Kuya bigla. This is unusual of him but I get used to it na rin since he's sharing his feelings sometimes about Ate Klai and how frustrated he is.
"Alam mo naman kung bakit, di ba? Masyadong maraming iniisip si Ma'am. Dumagdag pa yung utang ng parents niya at pinapaaral niya pa si bayaw. Yung kina Renzo. Sa trabaho. Saan ako sisingit dyan?"
"Awit, Kuys! I understand. But I trust you and Ate Klai. Alam nyo naman ang priorities nyo eh. Ikaw rin naman ah? Breadwinner ka rin. Halos parehas lang kayo ng sitwasyon ni Ate kaya for sure, maintindihan niyo ang isa't isa."
"Nabawasan nga ako ng part time eh. Pero kaya ko nang gawan ng paraan yon."
Tinapik ko ang braso niya. I saw Ate Klai going back. "Laban, Kuya!"
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro