Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32. Confrontations

Klairey

-

If I could choose, I'll just let things happen as it is. I will never bother myself again with the same dilemmas I'm facing right now.

I should value myself more. I shouldn't be worried about what others will think of me and treat everyone as if they're nonexistent.

But this annoying guy pushed me so hard to have the courage to talk to them.

Kaya nandito ako ngayon sa coffee shop malapit sa ospital. Maybe it's a wrong idea that I ordered coffee kasi mas lalo akong kinabahan.

"Mukha ka namang ano niyan, Ma'am. Gusto mo ba magbanyo muna?" he teased me. Yung sinasabi nyang 'ano', buti hindi niya tinuloy, kung hindi, mapapaligo ko sa kanya tong kape.

I shot a glare at him. Gusto ko siyang kalmutin. He's not helping!

"Joke lang! Ikaw talaga kahit kailan, di ka mabiro!"

"Shut up, Yulian! Uuwi na ako-"

"Op! Ops! Hindi. Bawal kang umuwi. Andito na tayo. Pinayagan na nga kita na dumaan muna rito imbes na didiretso tayo, eh!"

I just sighed. Okay fine! Nandito na nga kami, eh, ano naman? Di naman nila alam na nandito kami. I can still back out-

"Ate Klai? Kuya Yuls?"

Bigla akong napalingon sa likuran ko at nakatayo roon si Hazel, may hawak itong takeout bags. Tahimik na lang akong napasinghal sa loob ko.

"Oh, Haze! Bakit ka nandito?" tanong ni Yulian.

Tinaas nya ang hawak na bags, "bibisita po ako kay Kuya Renz." nahihiya pa nitong sagot. Hindi ko na lang siya pinansin. "Pupunta po kayo? S-sabay na tayo."

"No-"
"Sige!"

Napapikit na lang ako sa frustration ko sa katapat ko. Ngumisi pa at kumindat. Kaunti na lang talaga at masasakal ko na to.

Sabay nga kaming tatlo na pumasok ng ospital. Silang dalawa lang ang busy mag-usap. Nagka-catch up yata sa buhay ng isa't isa. Nagtatawanan pa nga, eh. Eh, di sila na ang masaya.

Kabang kaba na ako. Yung script na inaral ko kagabi, hindi ko na maalala. Magso-sorry na lang siguro ako nang makaalis na agad.

"Hala!" gulat na gulat na sabi ni Hazel. "Nakalimutan ko po yung isang bag sa coffeeshop! Ah!! Babalik po muna ako!"

"Samahan na kita." sabi ni Yulian. "Ma'am, mauna ka na, ha?"

"Ah- ano?! Sandali!"

Mabilis na silang nakaalis at tarantang taranta naman ako. Kinalma ko muna ang sarili bago pinagpasyahang dumiretso na lang.

Nasa tapat na ako ng Room 412 at bahagyang nakaawang ang pinto. Bubuksan ko na sana nang marinig kong tumaas ang boses ng isang babae. Nabosesan ko naman iyon at tama nga ako, si Crisha nga iyon at mukhang galit na galit.

"Renzo naman? Akala ko ba, tutulungan mo ako? Anong kalokohan tong pinagsasasabi mo ngayon? Hindi mo ba alam kung gaano na karami ang pinagdaanan ko para lang masira ang dalawang yon?!"

Nanuyo bigla ang lalamunan ko at mas lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Bakit parang hindi ako handa na marinig ang mga sasabihin pa nila sa loob. Napako na rin ang mga paa ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Nakatalikod naman kasi si Crish at hindi rin visible si Renzo sa pwesto ko kaya hindi pa nila napapansin ang presenya ko.

"Crish, can you please calm down? I'm sorry. Pasensya ka na talaga. Hindi na kaya ng konsensya ko. Hindi na rin kita maintindihan."

"Ano? Konsensya? Pinagpasensyahan na nga kita nung umatras ka sa panliligaw sa babaeng yon! Kasi KINONSENSYA KA! Lintek naman, Renzo! Akala ko ba mahal mo ko?!"

"O-oo nga, mahal kita, mahal kita kaya-"

"Putangina! Mahal? Nagpapatawa ka ba?"

"Crisha, please?"

Napasinghap na lang ako at lalong naguluhan. Anong ibig sabihin nito?

"Muntik na akong mamatay, Renz. Sisirain ko na rin sana ang relasyon ni Jimmy at Melody pero nangialam ka! Anong ending? Si Yulian ang sinama ni Jimmy sa venue! At anong nangyari? Mas napalapit yung dalawa imbes na-"

That's it! Hindi ko na kayang makinig. Pabalibag kong binuksan ang pinto dahilan para makuha ko ang atensyon nila. They both looked surprised by my presence.

"Ang husay!" I said with a straight face & clapped while entering the room. Kailangan kong bigyan ng award ang sarili ko mamaya.

"K-klairey-" si Renzo, muntik na akong maawa dahil sa ipinayat nito. May benda pa ito sa ulo. "Klai, look, I'm sorry. I-"

I smirked. "Sorry? Okay, apology accepted."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Renzo. Kahit ako rin ay nagulat sa sinabi ko. Sa pagkakaintindi ko sa narinig ko kanina, hindi siya ang may pakana ng lahat ng ito. "But I'll never forget this, Renzo. Tinuring kitang totoong kaibigan."

"Wow, kaibigan talaga, Klairey? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko, sarili mo lang ang iniisip mo."

Pumikit ako nang mariin bago asiwang tumingin sa mukha ng babaeng kanina ko pa gustong kalmutin sa mukha. "Crisha, kung may makasarili man dito, ikaw 'yon!"

Gusto kong magmura. Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sugurin pero hindi ako makagalaw. Bilib na nga ako sa sarili ko at kinaya ko silang harapin dito.

"Bakit, Crish? Bakit mo ginawa to?"

"Kasi mang-aagaw ka! Lahat na lang, Klairey! Una, sa posisyon ko dapat, pangalawa kay Yulian! Pati sa atensyon ng mga tao!"

"A-ano?"

"Ayan! Diyan ka magaling, eh. Painosente ka pa? Malandi ka naman! Pinagpasensyahan lang kita pero di ko talaga kaya! Nakakairita ka na!"

"Crisha!" sigaw ni Renzo.

"Ano!? Akala mo ba, hindi ko rin naramdaman na may nararamdaman ka na para kay Klairey kaya ka tumigil? Kunyari ka pa sa konsensya na sinasabi mo, ang totoo, nagkagusto ka na rin sa kanya? Ayan, isa ka pa! Nagpaagaw ka naman! Sinungaling ka, Renzo! Sabi mo, mahal mo ako."

Tuluyan nang napaupo sa sahig si Crisha at umiyak nang umiyak. Nang titigan niya ako ay kitang kita mo ang galit sa mga mata niya. Napatayo na rin si Renzo at aalalayan sana siya pero winaksi niya ang kamay nitong nakabenda pa. Ngumiwi ito sa sakit at nataranta ako.

"Klairey, ang selfish mo! Ang selfish-selfish mo! Hindi ko maintindihan bakit gustong gusto ka pa rin ng mga tao. Hindi mo sila pinapansin pero ikaw pa rin ang gusto nilang lahat! Ako itong nag-e-effort para sa kanila, ikaw naman ang sumasalo ng atensyon!"

"Crisha, hindi ko-"

"SHUT UP! Shut up! Dyan ka magaling! Tangina! Muntik mo na nga rin akong makuha, eh. Pero hindi, di ako maloloko ng maskara mo! Gusto mo lang ng atensyon, pero pabida ka pa rin! Mang-aagaw ka! Mang-aagaw ka!" Humagulgol na lang ito at paulit ulit akong pinagsasalitaan ng masama.

Awang awa naman na nakatingin lang dito si Renzo at palihim na rin na umiiyak.

Ako? Wala. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa na lang din. Saglit akong nagduda sa sarili ko. Ganoon ba talaga ako para sa ibang tao? Oo, aaminin kong wala akong pakialam sa iba pero natutunan ko namang mag-alala sa sarili kong paraan.

Siguro, hindi enough yung effort ko para sa iba. Siguro nga, nagkulang din ako. Naging manhid, naging insensitive.

"Crisha, I'm... I'm s-sorry!" I tried to hold her shoulder but she pushed me away kaya napaupo na lang din ako sa sahig.

"Wag mo akong hawakan!"

"Klai!" boses ni Yulian, nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko na rin namamalayan na umiiyak na ako. "Ayos ka lang ba?" Niyugyog nya pa ng mahina ang braso ko at bakas ang alala sa tono niya.

"Wow, ang sweet naman talaga. Mga walang hiya!"

"Ate Crisha! Tumigil ka na, please?! Itigil mo na 'to! Ikaw ang lumalabas na desperada rito!"

"At talagang kampi ka pa sa babaeng ito, Hazel?"

"Ate, matagal ko na pong alam ang plano mo. Hindi ko na rin kaya na magbulag-bulagan lang." Lumingon naman ito sa akin. "Ate Klai, sorry po. Hindi ko masabi sa yo kaya si Kuya Yulian lang ang nasabihan ko. Hindi ko po alam kung paano makakatulong kaya siya lang lagi ang kinakausap ko. Sorry po talaga." Naiyak na rin si Hazel. Tinulungan naman ako ni Yulian na makatayo at pinagpag pa nito ang tuhod ko.

"Ha! I feel so betrayed." Crish sarcastically said. "Wala na talagang nagmamahal sa akin sa mundong to. Mga peke kayong lahat!"

Inayos nito nang bahagya ang sarili at tinitigan kami isa-isa ng puno ng puot. "Di ko makakalimutan ang araw na 'to." Pinulot nito ang bag sa taas ng lamesa at binangga pa ako bago lumabas ng kwarto.

Katahimikan lang sa loob ng mga sumunod na minuto. Maliban sa tahimik na paghikbi ni Hazel. Natulala na lang din kasi ako at wala na akong maiyak pa.

Hindi pa matanggap ng utak ko ang mga nalaman ko ngayon. Hindi ako naging mabuting tao at naiinis ako sa sarili ko.

Hawak-hawak lang ni Yulian ang kamay ko. I appreciate his gesture, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa kahit na ganito ako kawalang kwentang tao.

"Klairey, I'm really sorry. I swear, I tried to stop her." Renz broke the silence.

Tumingin ako sa kanya. "I can forgive you, Renz. Kahit na si Crisha. Naiintindihan ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo."

Tumango lang ito at tumingin sa labas ng bintana.

"Crisha loved you so much that it hurts, Yulian." Ngumiti pa ito ng mapait. "Nagkaroon ako ulit ng insecurities sa katawan ko. Bumalik yung inis ko sayo mula pa nung bata tayo. Ako etong mas maraming na-accomplish pero hindi pa rin maiwasan na ikumpara ka sa akin. Talino lang daw ang meron ako. Pero ikaw, matalino, mabait, maabilidad pa raw. Papaaralin ka pa nga sana, di ba? Umayaw ka lang kasi gusto mong magsumikap ng mag-isa. Bilib na bilib sila sa yo, samantalang ako, ni hindi nakakarinig ng maganda mula sa lolo.

Kaya siguro naintindihan ko rin si Crisha. Parehas kami ng pinagdaanan. Eventually, I loved her. Pero one-sided nga lang. Ikaw talaga yata ang mahal non, eh. Ikaw na naman."

Humiga na itong muli at tumalikod sa amin. "Pakisara na lang ang pinto paglabas n'yo."

-

Nag-resign si Crisha sa trabaho at pinayagan naman ng management na immediate ang effectivity non. It never helps, though.

Ilang araw ko na rin kasing iniisip ang mga bagay-bagay. Naintindihan ko siya. More like, inintidi ko siya. Kahit naman kasi hindi niya naramdaman, totoong nag-care ako sa kanya. I treat her as a friend, more like a sister.

Nakakalungkot nga lang na hindi ko yata naiparamdam ng tama. That's my greatest weakness, eh. Showing how much I appreciate someone.

Medyo awkward sa paligid lalo na nung nakabalik si Renzo but we tried to act normal and professional towards work.

I can't blame him, too. Nagmahal siya, nagkaroon din ng insecurities which is part of being a human.

Natawa lang ako kina Hazel at Yulian kasi nag-explain sila sa akin kung bakit sila madalas na mag-usap, sa personal man o sa chat. Si Yulian daw kasi, kahit na seryoso ang usapan, pinapasok pa rin ang kalokohan. Kaya tawa naman nang tawa si Hazel. Saka nahuli rin ni Yulian na may nanliligaw kay Hazel, na mas bata sa kanya kaya lagi rin siyang pinagdidiskitahan ng isa. Kaya pala lagi silang ganoon.

"Alam ko naman na selos na selos ka, Ma'am pero sabi ko nga sa yo, di ba? Ikaw lang ang MAAMahalin ko."

Muntik ko na siyang mabugbog. Sabihin ba naman sa harap ni Hazel? Ang corny corny kaya! Sobrang nakakahiya!

Weekend.

Gusto ko lang humilata sa loob ng kwarto ko pero may maagang nanggulo sa bahay namin!

"Good morning sa pinakamagandang babae sa mundo." Sabi nito nang makapasok sa gate namin.

"Alam mo? Ang aga mong panggulo. Kakagising ko lang, sinira mo agad ang araw ko."

"Hala? Grabe? Sinira agad? Di ba pwedeng binuo ko nga agad ang araw mo?" sabi nito sabay angat ng bitbit na plastic. "May dala akong lugaw na may itlog, pansit at pandesal. Masarap 'to, Ma'am. Kasing sarap ko," sabi nito sabay kindat ulit.

"Iww." Tinaasan ko ito ng kilay at hinablot ko naman ang plastic pumasok sa bahay. Napangiti na lang ako nang tinalikuran ko ito.

"Sus, kilig naman yan. Seryoso nga, Ma'am. Kasing sarap ko yan."

"Tigilan mo ko, Yulian ha? Nawawalan ako ng gana sa yo!"

"Hala? Kakainin mo ba ko, Ma'am? Yiii~"

Sinamaan ko ito ng tingin. Inamba ang kutsilyo na pinanghihiwa ko ng kalamansi. "Isa pa."

"Ikaw talaga, Ma'am. Parang lagi kang may dalaw!"

"Babae kasi ako."

Natawa na lang ako ulit. Hindi na kami makatwiran na dalawa.

Nagulat na lang ako nang yumakap ito sa likuran ko nang kukuha na sana ako ng mangkok. Naramdaman ko ang hininga nito sa sa leeg ko at di ko maiwasan na maasiwa. Hindi pa ako naliligo tapos siya ang bango-bango!

"Yulian, isa-"

"HAAAAY NAMAN! ANG AGA-AGANG NAGLALANDIAN! UTANG NA LOOB PATULUGIN NYO KO!" Kinalampag ni Klover ang pinto at naiinis ang tono.

"Ikaw kasi, eh." Hinarap ko si Yulian pero hindi pa rin niya kinalas ang yakap niya kaya nasa likod ko naman ngayon ang mga kamay niya. Napakalapit ng mukha nito sa mukha ko. I bit my lower lip. Nakakaduling makipagtitigan dito.

"Ma'am, sinasabi ko sa yo, wag mo akong titingnan ng ganyan." seryosong sabi nito na pabulong din.

Nag-iwas ako ng tingin at mahinang kumalas. "Nagugutom na ako, Yulian. Gusto mo ba ng kape?"

Natawa ito at napalabi. Tumango lang din siya. "Gusto ko, ikaw, eh."

"Gutom lang yan, kumain ka na. Saka, hinaan mo boses mo. Pag nagising yung alaga kong baboy, nag-a-attitude."

"Ikaw, Ma'am, grabe ka talaga kay bayaw!"

Ang bango ng pagkain. Gutom na gutom na ako. Matagal na akong nagke-crave ng lugaw, eh. Nabanggit ko lang sa kanya kagabi, tas ngayon, may dala na.

Naupo ito sa tapat ko at ramdam ko na nakatingin lang siya sa kin. "Akin na to lahat, ha? Mukhang ayaw mo naman kumain, eh."

"Busog na ko, makita lang kitang kumakain."

"Ay, seryoso yan, ha? Sige, wag kang kakain." Kukunin ko na sana yung bowl nya ng lugaw pero hinila naman nya.

"Naisip ko lang Ma'am, ha? Kailangan ko rin ng sustansya sa katawan, hindi lang vitamin K."

"Bwisit ka!"

"ISA PA TALAGA! NAIIRITA NA KO SA INYO! UMAYOS KAYO!"

Napa-zipper ng labi si Yulian habang ako ay napailing lang. Sumubo naman ito at kinindatan ako. Muntik pa akong mabulunan kasi kakasubo ko lang din ng lugaw. Akmang susuntukin ko sana siya pero tinuro nya yung pinto ni Klover kaya napigil ako.

Kumain kaming dalawa nang tahimik pero napuwing yata siya on the way kaya kindat nang kindat. Nakakainis. Tutusukin ko talaga mata nito mamaya.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro