Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31. Push and Pull

Klairey

-

They said, "you are in this lifetime for a purpose".

Noon, naiisip ko lang, siguro ang purpose ko sa buhay ay para buhayin lang ang baboy kong kapatid, magbayad ng utang na loob sa mga nagpalaki sa akin at magsilbi sa libu-libong tao sa pinagtatrabahuhan ko.

Let's face it. This world is the reality. And it's undeniably unpredictable.

Akalain mong sa liit ng mundong ginagalawan ko noon, madadagdagan pa rin pala ng rason kung bakit ako nasa mundong ito ngayon.

I made friends. Which I didn't expect at all. Never kong in-attach ang sarili ko sa iba sa ilang taon dahil naisip kong sa huli ay iiwanan pa rin naman ako.

Sa buhay na ito, wala kang ibang maasahan kundi sarili mo. Iyan ang nakatatak sa utak ko. Kaya ayokong umasa sa iba lalo na kung kasiyahan ko ang pinag-uusapan.

Happiness is a choice. Work hard. Enjoy the fruits of your labor then you can be happy. Simple. Never mong iasa sa iba ang happiness mo.

But it sucks knowing that one day, upon waking up, may mga tao kang naiisip na gusto mong maging parte ng buhay mo. Nang pang-habangbuhay.

Na hindi mo namalayan, ah, gusto ko silang makasama. Gusto kong maging masaya kasama sila. Gusto kong maging parte ako ng buhay nila at maging masaya sila dahil nariyan ako. Na naa-appreciate nila ako. Na gusto rin nilang masaya ako kagaya ng pakiramdam ko tuwing kasama ko sila.

Akalain mo? Umabot ako sa puntong iyon.

Tapos, pagsisisihan ko lang pala ulit ngayon.

I should have known.

Tama ang paniniwala ko sa mahabang panahon.

I've learned how to be genuinely happy for other people aside from my family. I've given chances to people who wants to climb the wall I built just to be with me.

Above all, I learned how to love again.

Pero masakit man, I have to let them go for me to not hurt myself more. I'm way too far from being selfless. I only think of myself. And I don't consider being selfish as a weakness. Being selfish is self-preservation. At least, I don't need to blame others for my mistakes.

After that trip with Ate Melody, bumalik ako sa trabaho ko. Nasagi man sa isip ko ang mag-resign at magpakalayo-layo, pinigilan ko ang sarili ko. What I also don't want to feel? Guilt.

Never nila akong kinakausap maliban kung related sa work. Ganito naman talaga kami dati. Dapat sanay na ako pero minsan, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako.

The good side? Naging mas matatag ako. I have to give credit to myself for being stronger.

"Let's go, guys?" Ate Celine said nang pumatak ang alas singko. Nagkatinginan silang lahat at nahuli ko pa sina Kuya Dong na sumulyap sa akin.

"Bibisitahin namin si Renz sa ospital. Baka gusto mong sumabay. Dala namin—"

I cut Kuya Dong off. "Pakikumusta na lang po ako, Kuya."

Nagulat na lang kami nang binagsak ni Crisha ang bag sa table nito sabay bulong na halos dinig naman ng lahat. "Ang kapal ng mukha," she said sarcastically.

I glanced at her emotionlessly bago sinalampak na lang lahat ng gamit ko sa bag at lumabas na ng office.

I don't want to talk to anyone as much as I don't want to disappoint other people.

This is so not me but fuck this! I badly want to cry at this very moment!

I wanted to run. I wanted to shout!

Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Gusto ko lang malayo sa kahit na sino sa kanila.

I think I just lose myself. Matagal ko ring kinimkim ang mga parinig niya sa akin. Of all people, sa kanya pa nanggagaling ang mga salitang never kong na-imagine na sasabihin sa akin ng isang tao.

If she hates me, I hate her more! Ang hindi ko maintindihan, bakit ganoon siya ka-affected? Gusto ko siyang maintindihan pero mas malaki ang respeto ko sa sarili ko kaysa sa curiosity ko.

Maaga pa naman pero napansin kong mas lumamig at dumilim na ang paligid. Hindi muna ako dumiretso sa bahay pero dinala ako ng mga paa ko sa park.

Wala na halos tao at bukas na ang ilaw sa mga poste. What's funny is that, nang makaaupo ako sa isang bakanteng bench, tumulo kaagad ang luha ko.

"So this is how it feels like?"

Funny because I sobbed hard and it felt so good. Parang kinimkim ko ang lahat then all of a sudden, gumaan nang bahagya ang pakiramdam ko.

I've never felt this heartbroken for so long. Iba pa rin talaga kapag kaibigan ang nawala sa yo. Mas doble ang masakit.

Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin. Kung tatawanan man ako ng ibang tao o kung anong iisipin nila kaya umiiyak ako. I never even bother covering my face. Nanlalabo na ang paningin ko sa luhang dire-diretso lang sa pagtulo.

Ang mahalaga, mailabas ko itong sakit sa dibdib ko.

I'm so helpless and weak that I think I'm going to lose my mind at this very moment.

Then somebody eventually sat down in front of me, with a Yakult and hanky offered to me, a smile plastered on his face which I wanted to avoid and just wanted to see at the same time.

"Sorry, Ma'am. Hindi ko na kasi matiis na tinitingnan lang kita sa malayo. Isa pa, baka isipin nila, iniwan ka ng jowa mo, eh, hindi pa naman tayo—joke lang, 'wag ka nang umiyak," bigla naman siyang nagpanic nang magsimula na naman akong humagulgol.

Gusto kong magmaldita but I was just too vulnerable to make face.

And the fact that seeing him again makes my heartbeat go wild again.

"Ayan, ayaw na kitang patahanin. Lalo ka namang umiiyak eh. Sige na, iyak ka lang."

Hindi ko siya pinansin at mas lalo nga akong naiyak. Umupo lang ito sa tabi ko at may inilapag na panyo sa hita ko na agad ko namang kinuha at siningahan.

"Bakit—bakit nandito ka?" pilit kong inayos ang tanong ko sa gitna ng paghikbi. Ilang beses din akong huminga nang malalim bago kumalma nang bahagya.

"Kasi nandito ka. Kapag nandun ka, nandun din ako. Kapag wala ka rito, wala rin ako—"

Sinamaan ko siya ng tingin. Siguro sobrang pula at maga na nang mata ko pero sinubukan ko pa ring samaan siya nang tingin. Pinipilosopo pa ako.

"Joke lang! Eto naman kasi, sobrang seryoso. Hehe," kamot nito sa ulo at napailing.

Tumingin siya sa malayo at nang mapansin niya na hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kanya, sinulyapan niya ako ulit sabay tingin na naman sa kabilang banda. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa napagod na rin akong samaan siya nang tingin.

"Di ko kaya-" sabi niya na parang kausap ang sarili. Umiiling iling pa. "Di ko talaga kinakaya. Ganda talaga kahit umiiyak."

"Gusto mo sapak?" alok ko.

"Ayaw." Lumayo ito kunyari at itinaas ang dalawang kamay. "Tanong mo anong gusto ko, dali—"

"Umalis ka na nga lang," sabi ko. Kahit ang totoo, sa loob-loob ko, walang halong kaplastikan, seryoso hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito...

Masaya ako.

"Wag kang kikiligin, Ma'am, ha? Pero gusto ko—"

"Shut up. Wag na wag kang magsasalita. Sisipain talaga kita!" banta ko kahit kamao ko ang nakaamba sa kanya.

"To naman, bigyan mo kasi ako ng chance magsalita," sabi niya nang natatawa pa at kunyari ay naka-defense mode.

"Not the right time for your lame jokes, Yulian. Try again next time." Kung tutuusin, ang harsh ko sa kanya at medyo pinagsisihan kong sinabi ko iyon. Here comes guilt again. I hate it.

Napangiti ito at sa di maipaliwanag na kadahilanan ay tumayo, napayuko ito at parang kiti kiting nilagyan ng asin.

"Tinawag mo ako sa pangalan ko tapos sinabi mo pang i-try ko ulit next time. So kailan ko pwedeng i-try again, Ma'am?"

"Alam mo... inuubos mo pasensya ko."

"Luh? Bakit?"

"Tangina, Yulian naman, oh?! Pwede ba? Magseryoso ka naman!"

He was stunned and I saw a glint of hurt in his eyes. He sighed.

"Gusto lang kitang pangitiin, Klai. Gusto ko lang makita ulit 'yong mga ngiti mo na dahilan ko kung bakit gusto ko pang ipaglaban tong nararamdaman ko para sa yo. Sorry. Sorry kung mali yong paraan ko kung paano kita gustong mapasaya. Sorry kasi medyo matagal din bago ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ka. Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko inisip ang nararamdaman mo noong mga panahong iyon."

Katahimikan lang ang kasunod niyon.

Ang tagal kong nagmatigas pero bakit bigla akong nanlambot. Nahiya ako bigla sa sarili ko at sa taong kaharap ko ngayon.

"Klai, ganito kasi yan... May mga tao pang natitira sa mundo na nagmamalasakit sa yo. May mga tao pang gustong makita kang masaya. May mga tao pang lagi lang na nasa tabi mo kahit hindi mo ramdam. Nandito pa ako. Isa ako sa mga taong 'yon. Hindi mo naman kasi kailangang umiwas, pwede naman nating harapin yong mga pinagdadaanan mo. Dalawa tayo. Kakampi mo ko."

Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Those are the words that I want to hear noong mga unang araw na mas mabigat ang loob ko.

"But I don't need you. Hindi ko kailangan ng kakampi. I can fight my own demons without anybody's help." I firmly said.

He scoffed and looked far away.

"Ganoon na lang yon? Babalewalain mo na lang yong mga taong gustong tumulong sa yo? Ganoon ba ang gusto mo?"

"Kaya kong mabuhay nang hindi humihingi ng tulong sa iba."

"Tss."

I think, he lost it. I think, he'll get enough of me. He'll probably leave me here alone. I think that's enough for him.

Napalunok na lang ako. I stood up and about to leave him alone when he suddenly grabbed my elbow that makes me face him.

"Kung hindi mo ako kailangan, ako, Klairey, kailangan kita. Pasensya ka na pero matigas ang ulo ko. Hindi ako pinanganak ng nanay ko para sumuko nang ganun ganun lang. Alam kong kailangan mo ng kaibigan. Kahit hanggang kaibigan na lang muna, sige, okay lang. Basta hayaan mo akong manatili sa tabi mo."

Tears rushed down my face again as I looked at him and he said those words sincerely.

He took a step forward and wrapped his arms around me. I buried my damp face on his chest and he just pulled me closer and tighter as if if he never want to let go.

I tried. I tried to fight with my head but my heart still wins.

I loved every second that I'm in his arms. I loved how warm it feels. I loved how surrendering to someone else makes my heart at ease.

I've never felt so cherished like this before. I hope it won't last. I hope I can survive this weight on my chest with him by my side.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro