Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3. Are You Ready For It?

Klairey

-

Back to normal ang buhay ko nang matapos na ang enrollment period. Documentations and filing naman ang aatupagin namin ngayon sa office dahil kailangang maayos ang sorting ng files namin. Of course, there's a cheerful, full of energy Hazel to help me out.

It was our morning break. Niyaya ako ni Hazel na lumabas saglit but instead of going to the canteen, pinili kong ihilig ang mukha ko sa table ko, left cheek rested on the table then I closed my eyes.

Mayamaya ay naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya napamulat ako ng mga mata ko only to be startled by Hazel. Nakalapat din ang pisngi nito sa table ko at nakangiting nakaharap sa akin.

Bumangon na lang ako at inayos ang pagkakaupo. Nakangiti pa rin ito sa akin na parang may gusto itong sabihin.

"Ano?" pagtataray kong tanong.

"Ate Klai?" she asked, looking at me intently. I felt awkward kaya nag-iwas ako ng tingin. I don't usually meet people's eye. Pakiramdam ko kasi ay hinahalungkat nila ang buong pagkatao ko. I don't like it. It's invading my personal space.

"I have a question," Pause. She seems uncomfortable this time. "Curious lang po ako. Do you have a boyfriend?"

Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko. That's so sudden! Ni hindi ko man lang na-imagine na itatanong niya ito sa akin.

"Mukha bang meron?" I asked curiously. Tumango ito. "What's your basis?"

Saglit itong nag-isip. "To be honest, I saw you with a guy. He's taller than you, tapos, uhmm, he's so gwapo, Ate. Ang astig niya tingnan. Kinikilig ako sa inyo! Bagay kayo," she exclaimed.

Napangiwi naman ako. Maliban sa baboy kong kapatid ay wala naman akong nakakasamang ibang lalaki. Hindi kaya si Klover ang tinutukoy ni Hazel?

"Ah!" sabi ko na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap sa gallery ang picture ni Klover. "Eto ba?"

She took a glance bago niya kinuha ang phone sa akin. Napakunot ang noo nito at natawa naman ako. Iyon kasi ang picture ni Klover na naka-topless siya at mukhang basang sisiw na giniginaw. I took that photo noong family outing namin last year. Sobrang nakakatawa ng mukha ni Klover doon, as funny as Hazel's reaction towards the photo.

"Ah, eh. Mukhang siya nga, Ate?" she answered, unsure.

"Kapatid ko 'yan."

"Really?!" mataas na tonong tanong niya. Nagulat naman ako pero agad siyang nakabawi. "Talaga po? Ah. I see." Isang ngiting tagumpay ang nasilayan ko rito.

"You're interested in him?" direktang tanong ko.

"No! I mean, hindi ah. Akala ko lang talaga, boyfie mo siya. Kaya pala magkahawig kayo."

Magkahawig? Hindi naman ako mukhang baboy, ah?

"Hey, guys! What's for lunch? Pa-deliver tayo. Sweldo naman, eh," announce ni Kuya Dong.

"Sa Pandem Express ba tayo? Oh my. Sana si Yulian baby ang mag-deliver," kilig na sabi naman ni Crisha, isa rin sa mga officemate ko. Crush nito lahat ng lalaki na napapadpad dito.

Paborito nila ang PanEx dahil sa delivery boy nitong si Yulian. Ever since naging delivery boy ito roon ay naging suki na ang mga officemates ko maging taga-ibang department. Basta ako, labas ako riyan, pagkain talaga nila ang gustong gusto ko lalo na 'yong pansit bihon nila. Just by the thought of food makes my stomach growl. Ba't kasi kape lang ang breakfast ko kanina? Ugh.

"Sus! Wala kayong mapapala do'n. Andito naman kami ni Renzo, oh?" sagot ni Kuya Dong sabay hila kay Renzo sa leeg gamit ang braso niya. Pulang pula si Renz sa kahihiyan at nagtawanan naman ang lahat, maliban sa akin, dahil wala namang nakakatawa. What's funny is that, kaka-snack lang nila pero pagkain na ulit ang iniisip.

Si Kuya Dong at Renz lang kasi ang lalaki sa department namin, maliban kay Sir Jim na minsan lang naman nasa office. Kuya Dong is 30+ years old, I'm not so sure with the exact figures while Renz is just 25. Ka-batch ko ito nang pumasok sa office pero hindi kami close dahil parang may weirdness akong nararamdaman sa kanya. Besides, wala naman talaga akong ka-close dito. I don't think Hazel and I are close enough, but we're getting there. I think so.

"Oh, siya. Ano na ang io-order natin nang mai-deliver sa tamang oras." That's Ate Celine, our senior. Siya ang pinakamatagal na rito sa department namin at tumatayong nanay namin. She's caring and I like how mother-like she is to us, though I don't show my appreciation.

Tumayo naman si Hazel at nag-volunteer na kukuha ng orders. Nagpresinta naman si Crish na siya ang tatawag dahil magbabaka sakali ito na si Yulian ang makasagot.

"At least, sa phone man lang, sagutin ako ni Yulian, 'no?" Crish said.

"Pansit bihon, two-piece chicken with rice sa akin," sabi ko kay Hazel nang kunin niya ang order ko. Nagke-crave kasi talaga ko ngayon dahil paparating na yata ang buwanang bisita ko. Sinulat naman ito ni Hazel na may kasama pang pa-sway sway ng ulo.

"Alam ko, hindi ka iinom ng soda and you prefer iced tea, right?" Tumango naman ako bago itinuloy ang trabaho ko. Bahala na sila as long as nasabi ko na ang order ko at nagbayad na ako.

Sa isang buwan na stay ni Hazel dito ay mukhang marami na itong nalalaman tungkol sa akin. I don't know how did it happen pero parang matic na na nai-express ko ang sarili ko sa kanya. Kahit tanong ito nang tanong tungkol sa personal life ko ay hindi ako nakukulitan sa kanya. It's as if she's just curious and out of the blue ay magtatanong lang ito. Minsan sinasagot ko, minsan naman ay hindi. Nakakatamad magsalita, eh.

Tinanggal ko ang suot kong headset dahil sa malakas na patugtog ni Crish. I cringed pagkarinig ko palang ng intro ng kantang iyon.

"Ate Klai, I am so bored. Sana enrollment period na lang lagi," biglang wika ni Hazel pagkababa ng telepono.

"No way. Mas peaceful kaya ngayon. Oh, eto. I-sort mo 'to. Bored ka, 'di ba? Gawin mo 'yan." I handled her a bundle of documents at inabot naman niya nang naka-pout. I wasn't serious kaya binawi ko iyon. Gawain ko iyon at mas prefer ko na tambakan ako ng paper works kaysa mag-entertain ng mga estudyante sa window.

"Mas masaya kaya, Ate. Hindi ako napapanisan ng laway, unlike now. Hindi mo naman kasi ako kinakausap, eh. Tapos, 'yong mga taga-faculty lang nakakausap ko sa telephone." I simply rolled my eyes. Hindi ko siya maintindihan.

"Hindi naman kasi tayo narito para mag-chikahan," I said in a matter-of-fact tone.

"Oo nga. Andun na po ako. Kaso, minsan, chill ka lang din. 'Yong i-rest mo rin ang sarili mo sa work. Hindi 'yong subsob na subsob ka riyan. Kulang na lang, eh, maging ulirang empleyado awardee ka na. Sige ka, tatanda ka nang mas maaga."

"I don't mind as long as I'm earning."

"Nasasabi mo lang iyan kasi wala pa si Mr. Right mo, Ate. Malay mo, biglang may kumatok sa puso mo tapos ni hindi ka man lang nakapagsuklay, oh?"

The moment Hazel reached for my hair is the very same moment na may kumatok sa window sa harapan ko.

🎶Ikaw na ba si Mr. Right?
Ikaw na ba'ng love of my life?
Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?🎶

"Good morning, Ma'am Ganda!" rinig kong bati ng tao sa window. Naka-helmet ito at nakataas 'yong parang salamin, bahagyang nakikita ang mukha nito. It's Yulian, 'yong delivery boy na crush ni Crish.

"Oh my gosh! Ateee~" Inaalog ni Hazel 'yong clerical chair ko sa kilig. Wait. Pati si ba naman si Hazel? Hindi ko na lang ito pinansin.

Ngumiti ako ng pilit dito. "Yes? Ano pa'ng hinihintay mo riyan?" Nambola pa. Akala niya naman, madadaan niya ako sa paganyan-ganyan niya. Late na kaya siya ng 3 minutes.

"Sungit naman. Maganda sana," sabi nito sabay kindat. Binawi ko na lang ang ngiti ko at tinawag si Crish.

"Crush, este, Crish. Andito na crush mo!"

"Omo, omo! Come here, baby!" Sinenyasan niya si Yulian sa window at nakangiting tumango naman ito.

Ang weird talaga nitong si Crish. Hindi ito nahihiya na malaman ng isang tao na gusto niya ito. Pinapahalata talaga niya na may gusto siya sa isang tao. Minsan nakaka-curious din kung paano ba ginagawa iyon? Ah! Erase, erase, Klai. Aanhin mo naman ang knowledge na iyon!

"Hi, Yulian. Kumusta ka na?"

"Okay lang po, Ma'am Crish. Pasensya na po at medyo na-late. Marami kasing orders, eh," nahihiyang sabi nito.

"'Wag na kasi 'yong Ma'am, papatawarin kita agad." Napansin kong natawa naman si Yulian. Ibinaba na nito sa table ang dalang mga pagkain. Naamoy ko naman iyon bigla kaya lalo akong nagutom at... nahilo?

Eto kasing si Hazel ay kanina pa niyuyugyog ang upuan ko habang paulit-ulit na sinabi ang "Ate Klai, Ate, Ate!"

"Ano ba? Nahihilo na ko sa ginagawa mo, Hazel, ah?!"

"Ate Klai, narinig mo ba 'yon? Narinig mo ba 'yong boses niya? Ang deep tapos ang lambing pakinggan, 'di ba? Ang manly, 'di ba? Nakakakilig, 'di ba? Sabihin mo, oo!" sunod-sunod na sabi nito. "Tapos tingnan mo, Ate, ang gwapo niya, 'di ba? Lalo na no'ng tinanggal niya ang helmet niya. Gosh! He. Is. So. Hot!" dagdag pa nito na may papaypay ng daliri effect pang ginagawa.

"Maghunos-dili ka, Hazel." Ang OA nang batang ito. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin na cute nga itong si Yulian. Whoah! Kasasabi ko lang ba talaga na "cute si Yulian"? Hindi ko naman kasi masyadong pinapansin iyan dahil nasanay lang siguro ako na nakikita siya palagi.

"Hi, Kuya! I'm Hazel. May girlfriends ka na ba?" tanong ni Hazel. Mula sa likod ko kanina ay mabilis itong nakapunta sa harapan ni Yulian.

Nakita kong nagulat si Yulian sa pagsulpot nito at lalo na sa tanong nito. Kahit ako ay nagulantang rin. May balak ba siyang ligawan ito kaya niya tinatanong? Natahimik naman kaming lahat. Tila naghihintay rin sa isasagot ni Yulian lalo na si Crish na kung anytime na mali ang isagot ni Yulian ay susunggaban niya ito ng sampal.

"Girlfriends po talaga? Isa nga, wala, marami pa kaya?" Kinamot nito ang likod ng ulo. Tss. Pabebe nitong Yulian na 'to.

"Yes! Yes! Tayo na la-" biglang hinawakan nina Kuya Dong at Renz ang magkabilang braso ni Crisha para awatin ito sa kayayakap sa braso ni Yulian. Makatsansing kasi, wagas!

"Hep! Nasaan na ang resibo, Yulian, at nang mabayaran ka na namin at hindi ka na maistorbo? Pagpasensyahan mo na itong mga kasama ko. Na-miss ka siguro," sabi ni Ate Celine. Saved by the bell naman si Yulian. Agad naman nitong inabot ang resibo kay Ate Celine.

"Kuya, Kuya! Sure ka, wala kang girlfriends, ha?" 'Yong totoo, Haze? Liligawan mo nga? Napakunot talaga ang noo ko sa inaakto nito. Ganoon na ba talaga ang impact ni Yulian sa kanya? Pambihira! Hindi ko na-imagine na ganito ka-liberated itong batang ito. Alam ko, medyo isip-bata pa siya at pabebe rin minsan pero ang manligaw ng lalaki? No.

"Single din kasi si Ate Klairey, eh."

Oo, alam ko naman 'yon. Kailangan ipangalandakan pa? Bakit, may masama ba? Wala naman, ah? Sino ba kasing- ANO?!

"Hoy!!!" Sa dami ng naimbentong salita sa mundo, ito lang talaga ang nasabi ko. Bakit bigla-bigla ay ako na ang nasa hotseat ngayon?

"Hahaha! Ang sama ng tingin mo, Klai, ah?" tanong ni Kuya Dong.

"Kuya, ligawan mo na lang kaya-"

"No!" sigaw agad ni Crish. "Kapag lang talaga nagkatuluyan kayong dalawa-ano, ano!!! Ia-uncrush talaga kita, Yulian baby! Wala nang kasing pretty ko na magkakagusto sa iyo! Hmp!"

"Oy, teka nga! Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na, m-magkakaanuhan kami niyang si Yulian?" Teka rin. Ba't ba ako nauutal? Eh, nako-concious ako, eh! Ayoko ng ganitong feeling. Utang na loob, spare me!

"Wala namang masama, ah? Pareho naman kayong single," panunukso rin ni Ate Cel.

"Ayiii~" duet nina Hazel at Kuya Dong.

Wala sa isip na napatingin ako kay Yulian at nakatingin din ito sa akin sabay kindat. Tusukin ko kaya mata nito?! Puro lang siya paganyan. Ni hindi man lang humihindi o magsalita man lang.

Sinamaan ko silang lahat ng tingin. 'Yong klase ng tingin na sasamain ka talaga kapag hindi mo naintindihan. Ayoko kasi talaga na tinutukso ako sa iba. Minsan na akong nakaranas ng ganyan at hindi naging maganda ang resulta.

"Kain na tayo?" baling ni Kuya Dong kay Ate Celine.

"Oo nga. Tara na po? Thanks, Yulian baby. Balik ka ulit. Kiss muna ko," sabi ni Crish sabay baling sa akin. "Ay, 'wag na lang pala."

"Thank you po. Enjoy your meal," sabi nito bago sinuot ang helmet.

"Bye, Kuya," kumakaway na sabi ni Hazel.

Nahihiya kunwari na kumaway rin itong si Yulian, saglit na tumingin sa akin at tumango bago tuluyang lumabas ng pinto.

Napahinga naman ako nang maluwag. Hindi naman sa pagpapabebe pero never ko talagang na-imagine na, kunyari, kami ni Yulian ? Sa halos araw-araw naman kasi talaga na nakikita ko siya rito o sa labas ng office ay parang wala lang, normal lang.

Wala naman akong paki pero bakit ngayon? Bakit parang may kaunting malisya na? Ganito ba talaga kapag tinutukso ka sa iba? May kaunting part sa iyo na alam mo na, mag-iisip din na baka nga pwede naman talaga?

Argh! Magtigil ka, Klairey. Hindi talaga magiging maganda ang resulta ng isiping iyan! Distraction lang iyan. Wala kang mapapala sa mga ganyang bagay. Hindi mapagkikitaan ng pera 'yan. Magastos pa nga, eh. Simpleng tuksuhan lang, naba-bother ka na? Babae ka pero 'wag kang maging marupok kagaya ng iba!

Basta... Huwag muna, puso, ha? Hindi ka pa prepared, sabi ni isip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro