Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29. Faulty

B/N: few chapters left and we'll say goodbye to dwk 🙃

Klairey

-

"Ate Klai, I'm happier that you look very happy. Any progress with you and Kuya Yuls?" Hazel asked out of nowhere. Busy pa rin ito sa ginagawa kaya hindi ito nakatingin ng diretso sa akin. Siguro ayaw niya rin na isipin ng iba na nagchichikahan lang kami.

Napangiti ako at sinulyapan siya saglit. "I'm glad he finds me."

She gasped a little. "You found each other even though it takes quite some time. So he already told you." This time napalingon na ako sa kanya. It's a statement.

"You knew?" I asked, surprised.

Tumango ito. "Yup. Mukhang natagalan si Kuys, ah. Lagi naming pinag-uusapan kung kailan siya aamin sa yo at kung kailan niya sasabihin ang totoo. Nakakatuwa nga si Kuya, eh. Maloko pero torpe din deep inside. Pa-cool lang pero may tinatago ring kaba." natatawa nitong sambit.

I tried to sense bitterness on her voice but found nothing. And I knew it. Ako talaga ang pinag-uusapan nila all along.

"Pinag-uusapan n'yo pala ako, ha?"

"Minsan lang naman, Ate. Hihi. After few attempts, finally, he made it."

"What is it? What is it?" sabat ni Crish.

"Nagkaaminan na ang ship ko!" excited na tugon ni Hazel. I didn't see her reaction but she cleared her throat.

"T-that's great! Siya nga pala, Klairey, may hinahanap si Sir Jim na docs, sa yo ko raw kunin?"

"Ah, oo. Kunin ko lang sa file room."

Crish acted weird ever since the wedding is through. Hindi ko na rin ito natanong kung sino ang kausap niya dahil ayoko namang magmukhang usisera.

It's alarming dahil baka kung ano na naman ang maisip nito. Baka may pinagdadaanan siya ulit? Sa work o tungkol ulit sa mama niya. I think I have to talk to her.

Napatingin ako sa pwesto ni Renz. Absent na naman ito, napapadalas na at nag-aalala na rin kaming lahat. Lalo na ako. Kahit gusto ko siyang kausapin, pinipilit ko na huwag na lang siyang gambalain. Hindi ko rin masiguro kung totoo nga ba ang sinasabi niyang 'I'm okay'.

Isang linggo pa ang nakalipas, at hayon na nga ang kinatatakutan ko. Sinabi sa amin ni Sir Jim sa GC namin na naaksidente raw ang minamanehong sasakyan ni Renz. Overspeeding at driving under influence of alcohol.

Agad akong nagpahatid kay Klover papuntang ospital nang gabing iyon. Pinauna ko na siya dahil may pasok pa ito bukas. Alam ko rin na ayaw niya ang pumasok sa ospital.

Maging ako sana ay nais kong iwasan ang ospital hangga't maaari pero nilabanan ko ang lungkot na bumalot sa akin nang tumapak ako sa entrance nito.

The familiar smell and feeling enveloped me. May mga naka-hospital gown, puro nakaputi at nagkalat na mga alaala na pilit kong binabaon sa limot.

Para sa akin, ospital ang pinakamalungkot na lugar sa buong mundo. But I have to fight this. I need to see him right now.

Naabutan ko sa labas ng emergency room ang mama ni Renz at isang pamilyar na babae. Naroon na rin sina Kuya Jim at Crisha kaya agad ko silang dinaluhan.

Hindi ko alam kung kanino ako unang lalapit dahil iyak nang iyak si Crisha at ang babae na inaalo niya. Hindi nga yata nila agad napansin ang presensya ko.

"Kuya, kumusta na po ang lagay niya?" tanong ko kay Kuya Jim.

Malungkot itong napatingin sa pinto ng emergency room. "Medyo kritikal daw pero ginagawa naman ng mga doktor ang lahat."

"Oh my God!" sambit ko na lang at napatutop ng bibig. Wala akong masabi at mabilis lamang na nagsihulugan ang mga luha ko.

Renz, lumaban ka!

Sinalubong ako ng babaeng katabi ni Crisha kanina at tinulak ako sa balikat. "Kasalanan mo ito! Kasalanan mo 'to! Ang Kuya Renzo ko!" humagulgol ito ng iyak na ikinagulat ko naman.

"T-teka, miss?" naguguluhan kong tanong. Oo, alam kong nasaktan ko si Renzo pero hindi ko aakalain na magiging dahil talaga sa akin kaya siya naaksidente ito.

"Rein, kumalma ka muna. Mag-usap tayo," sabi ni Crisha. Magkakilala sila?

"Paalisin n'yo rito ang babaeng yan! Wag na wag n'yo siyang papalapitin sa Kuya ko kung ayaw n'yong sumunod yan sa emergency room!"

Natigilan ako sa mga sinabi nito. Nanlilisik ang maga nitong mga mata at dinuduro pa ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko maintindihan ang galit niya.

"Reina!" sigaw ng mama niya. "Maghunos-dili ka." Nilingon ako nito. "Ija, pakiusap, umalis ka na lang muna. Pasensya na pero ayaw rin kitang makita rito." Malamig nitong sabi sa akin.

Mistulang nanlambot ang mga tuhod ko at kung hindi dahil sa suporta ni Kuya Jim ay baka natumba na ako sa sobrang pagkabigla sa lahat ng mga nangyayari.

"Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko nga ito, Kuya. Kuya! Si Renzo.. dahil sa akin—" nanginginig na wika ko habang inaalalayan niya ako palayo sa ER.

Parang nakaangat lang ako sa hangin habang papalabas kami at doon naman namin nakasalubong si Yulian na humahangos din papasok ng ospital. Nang makita ako ay parang kumalma naman ito.

Binilin ako ni Kuya Jim sa kanya at bumalik na muna sa loob.

Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyayari. Ang alam ko na lang ay nakaupo na kami sa loob ng taxi ni Yulian. Nagtagal din yata kami roon bago ko naramdaman na may nakapatong na jacket na sa balikat ko.

"Nanginginig ka na sa lamig. Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita."

Umiling ako at nakatulala pa rin. Naririnig ko siya pero parang wala akong pakiramdam. Kung malamig man, hindi ko rin alam.

"Si Renzo... kasalanan ko 'to. Tama yong babae. Kasalanan ko to." humagulgol na naman ako sa sobrang pagka-guilty.

Hinawakan ni Yulian ang kamay ko at hinaplos ang pisngi kong basa ng luha.

"Klairey, hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan nito. Wag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente iyon." sabi nito.

Umiling ako. "Hindi. Kasalanan ko ito."

"Shhh. Wag ka nang magsalita. Iuuwi na kita, ha?"

"Pero si Renz, kailangan niya ako..."

Natigilan si Yulian at napalingon sa labas ng bintana at hindi umimik. Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Kapag lumabas ka riyan, anong magagawa mo? Doktor ka ba? Sa tingin mo ba kaya mo siyang gamutin? Kaya mo siyang iligtas sa lagay niyang iyon?"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. "A-anong sabi mo?"

Hinilamos niya ang mga palad sa mukha at napasabunot sa sariling buhok. "Klai, kumalma ka muna, magpahinga. Wala tayong ibang magagawa kundi ang ipagdasal na lang ang kaligtasan niya."

"I can't believe you! Pinsan mo pa rin siya pero parang wala ka man lang awa sa kanya!"

"Hindi naman sa ganoon—Klairey, bumalik ka rito!"

Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at patakbong pumasok ulit sa loob ng ospital. Nagpasalamat na lamang ako at hindi niya ako hinabol. Baka mas lalo lamang na sumama ang loob ko sa kanya kapag pinilit niya pa akong umuwi.

Kahit hindi ako mismong naroon basta nandito lang ako. Hihintayin ko na maging maayos ang lagay niya saka lang ako uuwi. Nilalamon ako ng guilt dahil sa nangyari sa kanya.

Hindi dapat ako naniwala na sabi niya ay okay lang siya. Dapat yata, mas kinausap ko siya nang maayos at hindi basta-basta na nagpasya.

Siguro hindi ito nangyari. Hindi mag-aalala ang marami. Kung hindi lang sana ako naging selfish. Kung marunong lang sana akong makiramdam, hindi ito mangyayari sa mga taong malapit sa akin. Una si Crisha, ngayon naman si Renzo.

Mararamdaman ko pala ulit ang ganitong pagkalumo. Yong tipo na tingin ko ay wala akong kwentang tao, makasarili at walang pakialam sa nararamdaman ng iba.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ni Crish. Nabigla ako sa tono nito at sa hitsura niyang halos kagaya noong babaeng tinawag niyang Rei kanina.

"C-crish, kumusta na ang lagay ni Renz?" nagtataka man ay naitanong ko pa rin iyon sa kanya. Nilapitan ko pa siya at hinawakan ang braso niya na dagli niya namang iwinaksi. "C-crish."

"Wag mo nga akong hawakan! Kung hindi dahil sa yo, hindi sana magkakaganito si Renzo!" sigaw nito. "Klai naman, bakit ba kasi sobrang makasarili mo?"

"Crisha, hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang—"

"Ang sabihin mo, malandi ka! Ang landi-landi mo to the point na kailangan yong magpinsan pa ang t-in-arget mo!"

Hindi ko na napigilan at nasampal ko ito sa pagkabigla ko na mabilis ko namang pinagsisihan. "Crish, sorry! I'm sorry! Nabigla lang ak—!"

She left a smirk on her face while cupping the cheek that I slapped. "Tss. Hindi mo matanggap ang katotohanan, ano? Ganoon naman talaga, eh. Kung sino pang guilty, siya pa ang galit. Wow! Napakahusay!"

May kaunting pag-asa pa sa sarili ko na iko-comfort ako ni Crish, na iko-comfort namin ang isa't isa pero nagkamali ako. Akala ko pa naman, magiging kakampi ko siya ngayon. Mas lalo akong na-guilty, ganoon na pala ako kalala? Hindi ko alam. Naging ganoon ba talaga ako?

Ang sakit lang. Napakasakit na marinig iyon mula sa taong natutunan mo nang pahalagahan. Mabuti pa talaga noon, mabuti pa noong mga panahong sarili ko lang ang iniisip ko. Ganoon pa rin pala, may pahalagahan ka man o wala, may masasabi pa rin sa yo ang ibang tao.

Sana panaginip lang ito. Sana po panaginip lang ito. Sana bukas pag gising ko, mawawala na ang lahat ng mga nangyari ngayong gabi.

Babalik din ang lahat sa dati. Tahimik na buhay, busy lang sa trabaho at gawaing bahay. Walang nasasaktan. Wala lahat ng masamang bangungot na ito.

Things went black all of sudden and I couldn't remember what happened to me back then. All I remember for the last time is Crish's angry stare at me bago ako tuluyang bumagsak sa pavement.


Kinabukasan, nang imulat ko ang mga mata ko, nasa loob na ako ng kwarto ko. Masama ang pakiramdam ko. Panaginip nga ba ang lahat ng iyon?

Agad kong hinanap ang cellphone ko na nasa ulunan ko na. Lagi kong inilalagay iyon sa table pero ngayon, nasa tabi ko lang.

Binuksan ko ang GC namin at bigla akong nanlumo nang mabasang muli ang mensahe ni Sir Jim na naaksidente si Renz. Totoo nga talaga ang mga nangyari kagabi.

Nadagdagan na iyon ng mga mensahe ng pangungumusta at sa ngayon daw ay stable na ang lagay niya. Marami daw talagang nawalang dugo mula sa mga sugat niya sa katawan at ulo kaya naging kritikal ito.

Kasalukuyan pa rin siyang nasa ICU pero kapag mas umayos ang lagay niya, maililipat na siya sa private room bukas.

Imbes na makampante ako na maayos na siya ay mas lalo lamang akong naiyak at inatake na naman ako ng sobrang pagka-guilty. Nahihiya akong magpakita sa kanila. Parang ayoko ng magpakita sa kanilang lahat.

Lahat sila galit na sa akin. Lahat sila, masama na ang tingin sa akin.

Isang masakit na katotohanan na hindi naman ako kawalan.

Gusto kong magpakalayo-layo.

Gusto kong mawala na lamang.

Gusto kong bumalik na lang sa umpisa.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro