Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28. No More Tears

Klairey

-

Bakit pakiramdam ko, bigla akong nagiging teenager na kinikilig tuwing nakikita ko siya sa harap ng bahay namin o sa labas ng opisina?

Okay, the truth is kinikilig naman talaga ako. Yulian has been my happy pill every time he keeps that loving smile on his face when he looks at me. After a stressful and tiring day at work, nare-recharge ako kaagad tuwing nakakasama ko na siya.

Sometimes, he fetch me with his motorcycle, sometimes, the taxi which he was about to drop because he said, he's finding another job.

"Yong totoo, ilang trabaho ba ang kailangan mo? Aminin mo nga, sa akin... may anak ka na, 'no?"

He burst out laughing at me. "Ma'am naman? Tatay na ba ang tingin mo sa akin?"

Ugh, my hunch sometimes are horrible but I can't help but think about it.

"No, but--"

"Wala po, wala pa akong anak." Tumingin ito nang naka-smirk sa akin. "Wag mong sabihin na nagsa-suggest ka sa akin, Ma'am, ha? Pwede naman--"

"Tusukin ko ng stick mata mo, gusto mo yon?" pagbabanta ko. Ang sarap niya talagang tusukin sa mata!

"Joke lang! Pulang pula ka naman diyan, gusto mo tala--hindi na nga, sabi ko nga hindi naman ako nagsa-suggest, kalma ka lang, Ma'am. Puso mo."

"Shut up!" minsan nakakainis na talaga ang pagiging madaldal nito. Yong mga green jokes pa naman niya, hindi nakakatuwa.

Natawa lang ito ulit. "Tara sa park?" pagyaya niya.

Dala ang pinamili naming Yakult ay dumiretso na kami sa park. Umupo kami sa isang bench na may shed. Cold wind blew my hair and I felt shivers run down my spine. Ber month na nga, Christmas is already in the air. I looked up and saw the sky blanketed with stars. Good thing, we came here. It calms my senses.

"Nilalamig ka ba, Ma'am? Sorry, wala akong dalang jacket ngayon. Dumiretso kasi ako galing trabaho, eh."

"Ayos lang." sagot ko.

"Di bale, hot naman ako."

I glared at him. "Okay."

"Ikaw talaga, Ma'am, hindi ka na lang matawa o kaya kiligin man lang kahit kaunti! Saka kaunting support naman diyan," may halong pagtatampo nitong sabi.

Hindi ko maamin na natatawa naman talaga ako, at oo na, kinikilig din minsan kaso nga mas nauunang mag-react ang mukha ko. Nasanay na rin kasi akong laging naiirita at nambabara, kay Klover palang, eh.

"Hayaan mo, pag-iisipan ko 'yan," biro ko.

"Pramis 'yan, Ma'am ha?"

Tumango naman ako kunyari pero natatawa.

"Kasi kailangan masanay ka na," sabi nito nang nakangiti. Nakakagigil talaga yong maliit niyang dimple, gusto ko sanang i-poke, minsan lang.

"Bakit naman?"

"Kasi kapag kinasal na tayo, araw-araw mo nang maririnig ang mga havey kong pickup lines. Pagkagising mo pa lang sa umaga, hanggang sa matutulog na, pero bago matulog, alam mo na--"

"Yulian, isa!"

Humagalpak na naman ito ng tawa. "Totoo naman, Ma'am."

"What makes you think na pakakasalan kita?"

"Hala, hindi ba? Paano yon Ma'am, live in lang tayo, gano-- aray! 'Wag diyan, may kilit ako diyan!"

Di ko na talaga napigilan at nakurot ko na siya sa tagiliran. Napaangat pa ito sa inuupuan. Hindi niya talaga ramdam na hindi ako komportable sa ganiyang topic. Hindi naman sa conservative ako, okay!

"Isa ka na lang talaga sa kin!"

"Sorry naman. Advance lang ako mag-isip!"

"Sad to burst your bubble, Mr. Rosario pero matatagalan pa tayo sa stage na iyon," I said in a matter-of-fact tone.

"Roger! Willing to wait!"

I smiled at him while he salutes at me.

"Hindi mo pa sinasasagot ang tanong ko-- bakit marami kang pinapasukan na trabaho kung wala ka namang sinusustentuhan?"

Napabuntong hininga ito at biglang naglaho ang ngiti sa mata nito, nakangiti ito pero malungkot ang mata.

"Ganito kasi yan. Ako ang nagpapaaral sa bunsong lalaki namin saka tumutulong ako sa nanay ko sa gastusin sa bahay at pambayad ng iniwang utang ng magaling kong tatay." When he uttered his father, mistulang naging bitter ito, halata rin ang disgust sa mukha niya. "Magha-highschool pa lang kasi si Julian, ako lang ang inaasahan sa amin dahil walang kwenta ang tatay ko. Iniwan niya kami na lugmok na lugmok. Nalulong sa bisyo, eh, ayon, binalikan ng karma, patay."

"Sabi ko, ayokong maging katulad niya, ayoko ring makita muli na naghihirap ang nanay ko. Minsan, naiisip ko na lang na mabuti na rin na nawala na siya, wala nang magpapaiyak sa nanay ko pero ganoon pa rin pala, iiyak pa rin siya dahil sa pagkawala niya. Mahal na mahal niya ang tatay namin kahit ilang beses na siyang sinaktan nito, emosyon at pisikal. Kaya eto, nagpapakalunod ako sa trabaho hangga't kaya ng katawan ko."

I never imagined seeing this side of Yulian, iyong may halong lungkot at galit. Bigla akong naawa sa kanya, nalungkot din ako para sa kanya. Sa kabila ng mga kalokohan niya, marami pala itong pinapasan sa balikat niya.

"Iniwan nga ako ng ex ko dahil wala na raw akong oras sa kanya. Medyo bata pa naman kasi kami noon at mas importante ang pamilya ko kaysa sa kalandian ko." Natawa ito ng bahagya pero halata namang malungkot ito. "Di ko naman siya masisisi kasi may pagkukulang naman talaga ako... pero dati pa yon Ma'am, ha? Iba na ngayon. 'Wag kang mag-alala, kaya kong buhayin ang pamilya natin." Nakuha niya pa ring magbiro sa lagay na ito kaya natawa na lang din ako.

"Sira! Sakali namang magkaroon tayo ng pamilya, magtatrabaho pa rin ako, 'no? Ayoko ngang umasa lang sa asawa ko--" Natigilan ako nang ma-realize ko ang sinasabi ko. Uminit pa lalo ang pisngi ko nang mapansing abot hanggang Pluto ang ngiti ni Yulian.

"Ayii~ iniisip mo na rin pala ang future natin, Ma'am ha? Akala ko, ako lang ang advance mag-isip. Ikaw talaga, pinapakilig mo ako lagi!"

Nakakainis talaga. He got me there! "A-ano ka ba? Joke lang yon, ' no? Ikaw lang ba ang marunong magbiro?! Pero, Yulian, I'm sorry. Ang insensitive ko para magtanong."

"Wala 'yon Ma'am. Kailangan mo rin naman akong makilala, 'di ba, sabi mo? Kilalanin muna natin ng lubusan ang isa't isa?" napangiti naman ito at tumango lang ako. "Ikaw, Ma'am? May maikukwento ka ba? Kahit ano lang."

Napaisip naman ako. Wala namang interesting sa buhay ko. All my life, bahay-paaralan to bahay-trabaho lang ako. Umiiwas sa mga tao, hindi sumasama sa outings, nagkukulong lang sa kwarto at mase-stress sa kapatid ko.

I shrugged. "Wala akong mase-share tungkol sa buhay ko, eh."

"Okay, sige, si Klover lover boy na lang ang pag-usapan natin," biro nito pero naisip ko, why not?

"Sigurado ka? Marami talaga akong maikukwento na tungkol sa kanya!" natatawa na nae-excite rin akong magkwento.

"Ikaw--"

"Kasi dati, hindi talaga kami close niyan, sabagay wala naman akong naging ka-close, pero yon na nga, lagi kaming nag-aaway, wrestling, sabunutan, pikunan talaga. One time, dinikitan niya ng bubblegum yong buhok ko, iyak ako nang iyak non kasi ayaw matanggal, nataon pa na sa may hanggang balikat ko iyon nadikit kaya wala sa isip ko, ginupit ko na lang ang buhok ko kaysa humingi ng tulong sa parents namin. Sa pagkakaalala ko, yong ganti ko naman, tinago ko yong mga laruan niya, as in binaon ko sa lupa! Yong iba, sinabit ko sa puno. Akala niya, ha?"

Natatawa kami pareho sa kwento ko. "Ang kulit n'yong dalawa. Ibig sabihin, close na kayo ng lagay n'yo na 'to ngayon?"

Bigla rin akong inatake ng lungkot. Parang natuyo ang lalamunan ko kaya uminom na lang muna ako ng Yakult na dala namin. "Naging close lang kami isang buwan yata after noong ginupit ko ang buhok ko. Naospital kasi yong lola namin na pinakapaboritong lola ni Klover. Noon ko lang siya nakitang sobrang lungkot, iba kasi ang alaga sa kanya ng lola namin na iyon kaya noong naospital siya, nanghina rin si Klover at nagkasakit din. Ayaw kumain, eh. Lagi lang nasa kwarto ng lola namin hanggang bumigay na nga ang katawan niya. Nag-stop siya sa school noon at na-confine din sa ospital. Lagi ko siyang dinadalaw, dinadalhan ng prutas, pinapakain, tinuturuan ko rin siya ng ilang aralin.

Hanggang di rin nagtagal, lumala ang kalagayan ng lola ko. Ayaw sana naming ipaalam kay Klover kaso mapilit talaga ang batang iyon, tumakas at pinuntahan si lola sa ICU. Iyak siya nang iyak at niyayakap ko lang siya nang mahigpit. Ilang beses niya akong tinataboy pero hindi ko siya iniwan. Sinabi ng parents namin na hayaan ko na lang muna siya, feeling ko, wala akong kwentang ate noon. Ni hindi ko matanggal ang lungkot ng kapatid ko. Kung saan-saan ako napadpad sa loob ng ospital hanggang napunta ako sa chapel at doon ako umiyak nang umiyak."

Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. May kirot pa rin sa puso ko tuwing maalala ang helpless state ni Klover. Akala ko, baka pati siya ay kunin din sa amin. Kaya simula noon, kahit nag-aaway kami, mas maalalahanin na ako sa kanya. Inaaway ko ang mga nang-aaway sa kanya ng hindi niya alam. Dinadagdagan ko rin ang baon niya na binabawas ko sa baon ko. Patpatin kasi siya noon. Akalain mo namang mas malaki pa siya sa kin ngayon.

Lumapat bigla sa pisngi ko ang daliri ni Yulian. "Kwento lang dapat, walang iyakan. Sorry din, Ma'am."

Natawa na lang ako at ako na mismo ang tumuyo sa luha ko. "Kasalanan mo 'to!"

"May secret akong sasabihin sa 'yo."

Napatingin ako sa kanya. "Ano na naman yang kalokohan na yan?" natatawa kong tanong. Baka kasi walang katuturan na naman, eh.

"Naalala mo ba noong pre-nup nina Ms. M sa isla? Yong ahas? Ay. 'Wag mo pala alalahanin." Natatawa niyang sabi. "Sabi ko sa 'yo, may naalala ako noong iyak ka nang iyak."

"Oh, tapos?"

"Kung saan kasi na-confine 'yong tatay ko noong unang beses na sinugod namin siya sa ospital, kabaliktaran mo, ayaw kong makita ang nanay ko na iyak nang iyak kaya umalis ako sa sa pasilyong iyon. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa may marinig na naman akong umiiyak. Sinundan ko iyon kahit medyo natakot ako. Naisip ko, baka multo na hindi makatawid sa langit. Yon pala, may batang babae, na maikli ang buhok, ang umiiyak sa pinto ng kapilya. Tingin ko, ayaw niyang pumasok pero napadpad lang din siya roon. Tapos noong mas tinitigan ko yong bata na halos kasing edad ko, masama ang tingin niya sa harap. Parang may kaaway."

Nanlaki lang ang mga mata ko sa mga sinasabi ni Yulian. Don't tell me... siya 'yon? Hindi si...

"Naalala ko 'yong mga mata niyang puno ng luha pero matalim ang tingin. Pulang pula na ang ilong nito at tumutulo na ang sipon sa kaiiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Iniisip ko, may sakit din ba ang tatay niya at galit din siya sa tatay niya? Kung ganoon, parehas kami ng pinagdadaanan." pagpapatuloy nito.

"Alam mo ba ang sabi niya? 'Wala namang masakit sa akin pero bakit ako umiiyak ? Akala ko ba, kapag nagpe-pray ka, tutulungan ka niya? Bakit wala naman siyang ginagawa?' Hindi ko siya masagot. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya sinamahan ko na lang siya roon hanggang sa humupa na ang galit niya at tumahan na ito.

Matagal kong hinanap ang sagot sa mga tanong niya at noong nagka-isip na talaga ako, sabi ko, kapag nagkita kami ulit dapat dala ko na yong sagot doon, dapat makikita ko na ring ngumiti ang magaganda niyang mata. Hindi na siya ulit iiyak pa. Hindi na siya malulungkot. Kaya Ma'am, susubukan kong sagutin 'yong mga tanong mo noon." Humarap ito sa akin at hindi ko alam ang mararamdaman ko. Bigla akong kinabahan. Anong nangyayari? Bakit parang hindi nagpa-function nang maayos ang sistema ko?

"Minsan kasi, may sakit na hindi natin maintindihan. Kapag nasasaktan ang mga taong mahalaga sa atin, mas doble ang sakit na nararamdaman natin. Natural iyon dahil nagmamalasakit at nagmamahal tayo, eh. Minsan kailangan nating iiyak ang sakit dahil kung hindi, naiipon yon sa dibdib natin. Kailangan lang nating ilabas para kahit pa paano, kapag humupa na ang emosyon natin, mas makakapag-isip na tayo ng maayos. Gumagawa lang din ang Diyos nang mga paraan para mas maging malakas tayo para sa mga taong mahalaga sa atin. Hindi lang natin maintindihan ang paraan niya pero sa paglipas ng panahon, maiisip natin na kung hindi nangyari ang mga bagay kahapon, magiging ganito ba ako katatag na tao ngayon?"

"Y-yulian, i-ikaw 'yon?"

Naalala ko, ayoko talaga ng ibang makakausap noon. Halos ipagtabuyan ko yong batang ayaw umalis sa tabi ko. Hindi ko maaninag ng klaro ang mukha nito dahil sa pag-iyak. Ayoko rin siyang tingnan nang matagal dahil hindi ako sanay na makisalamuha sa iba. Hindi naman siya umiimik at hindi niya ako kinulit pero sa kanya ko na lang ibinunton ang galit ko. Sa kanya ako nagtanong. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa napagod ako at nakatulog sa may gilid ng kapilya.

Pero...

"Sorry kung iniwan kita. Sorry kung hindi na kita nahintay na magising. Binalikan kita. Kaso umepal yong pinsan ko, eh. Pagbalik ko, kausap ka na niya. Ngumingiti ka na. Ayos na rin sa akin 'yon. Kahit pa paano, nakita rin kitang nakangiti."

Nakangiti itong nagkukwento sa akin at seryoso lang akong nakikinig. "Kaya, Ma'am, kapag iiyak ka ulit, dahil na lang sa tuwa ha?"

Akalain mo 'yon? Kung tutuusin, wala lang sa kin yon noon. Iyon nga lang, akala ko, nakilala ko na ang lalaking iyon noong college na kami. Naging secret crush ko pa nga, eh.

"Bakit ngayon mo lang kinuwento 'to?"

"Hindi kasi ako sigurado noong una. Tapos noong nakita kitang umiyak dahil sa takot mo sa ahas, doon ko lang napagtanto na ikaw nga 'yon. Sasabihin ko na rin sana noong nasa pool tayo kaya umurong dila ko, eh."

All this time, iba ang akala ko. "Ibig bang sabihin... 'Yong pinsan mo--"

"Oo, Ma'am. Pinsan ko si Renzo."

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro