Chapter 25. D-Day
B/N: OMG! I'm back! LOL kala mo talaga may naghihintay. So sorry for the delay. Sisihin ang katamaran at adulting!
This chapter is sabaw and contains spoiler ng very slight lang. I hope you still enjoy and thank you so much sa nagbabasa pa rin sa story ni Klai. By the way in-unpublish ko muna yung story ko na Jennie in the Battle kasi may babaguhin lang me. Thanks! xoxo
Klairey
-
"Hello there, gorgeous!"
Jacob poked my cheek that made me glare at him. Kanina lang ay nasa harap pa ito ngayon naman ay nasa tabi ko na.
Kung pwede lang itali ko siya sa upuan para hindi siya makalapit sa akin. He must thank his job today.
"Hey! Don't touch me!" iritang sabi ko.
He pushed his finger on his lips, hushing me. "Ikaw, nasa loob ng simbahan pero ang taray mo pa rin! Buti hindi ka nasusunog-aray! Ba't mo ko tinapakan?"
"Magpasalamat ka kasi hindi pa kita mahahampas ng takong ng sapatos na ito! Pwede ba? Magtrabaho ka nga, bakit ba ako ang kinukulit mo!?"
Tinuro nito ang isang photographer na nasa pwesto niya kanina. "Umupo lang ako saglit. Teka, kanina pa masama ang timpla mo ah? Can you just let this day pass? Parang araw-araw ka na lang galit sa earth."
"Nakikita ko kasi mukha mo!"
"You mean, you're distracted to me?"
Tinaasan ko ito ng kilay. Seriously? Hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya?
"Okay fine. Joke lang okay?" Nakakaloko ang ngiti nito at napatingin sa gilid ng simbahan. "Klai, mamaya baka magka-stiff neck ka niyan!"
"Shut up!"
"He's with a pretty sweet young girl, huh?"
"So?"
"I'm right! You knew! I knew it! So... You jealous?"
"Why would I?" Napataas ang boses ko kaya bigla akong nahiya nang may narinig kaming hush. Gosh! This annoying guy is really getting in my nerves!
Okay. I am not jealous! Ano naman kung may kasamang babae si Yulian? Pakialam ko ba?
Kanina ko pa sila napapansin na parang ang saya-saya nilang nag-uusap. Tapos, may mga time pa na may sinasabi siya at napapangiti ang babaeng parang kanina pa hindi mapakali. May misa tapos nag-uusap? Respect naman sana. Tsk.
Hindi ko lang alam kung sino yong babae. Ayoko ring magtanong dahil para saan? Ano naman kung malaman ko?!
Inayos ko ang upo at napatingin sa kinakasal. Hindi ako makapag-focus dahil sa nakikita ko sa paligid ko.
Ako lang yata ang maid of honor na hindi inaayos ang role sa kasal!
"Jim, you may now kiss your bride!" the priest announced.
All of us cheered as they shared their first kiss as Mr. & Mrs. Inocencio.
After some time, nag-umpisa na rin ang picture taking with the entourage, family & friends.
"Congratulations, Ate & Kuya!"
"Thank you, my Eklai!"
An angel-like voice filled the church after a while. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko sa may choir's area ang babaeng kasama ni Yulian kanina. So she's the one Ate Melo's talking about? Klover's friend?
Hinanap ko si Klover sa mga groomsmen at nakatingin din ito sa babae. Nilapitan ko ito at tinapik.
"Hoy baboy! Sino yan? Girlfriend mo?"
Nagulat naman ito at hinarap ako. Kung kanina ay parang ngiting ngiti ito, ngayon ay bumusangot kaagad.
"H-hindi ah! Parang adik to."
"Oh, chill! Galit kaagad? Defensive ng baboy na to!" Nakakagulat din tong may saltik na to ah! Bakit parang galit na galit siya kaagad? Guilty? May gusto ba siya sa babaeng yon?
"She's great. Sure ka, hindi mo igi-girlfriend yan?" I don't know what tempt me to tease him. Pikon kasi ito minsan.
"Pwede ba? Wag kang gumawa ng issue dyan? Palibhasa, nagseselos ka kasi kanina pa silang magkasama ni baya-este Mr. Wirdo mo. Wag kang mag-alala, ibinilin ko lang si Jennie sa kanya kasi wala naman siyang ginagawa. Kaysa naman titigan ka lang niya buong araw," asik nito.
"Excuse me! I am not jealous!" Ilang beses ko ba ulit sasabihin iyan? Hindi ba sila convinced na wala lang sa akin kung may kasama mang iba si Yulian? That's his life, bahala siya! "Teka nga, bakit ba ang init ng ulo mo, ha?"
Umiwas ito ng tingin at lumakad palayo. "Wala!"
Okay. So dapat masaya lang ngayon pero bakit parehas na mainit ang ulo naming magkapatid?
Napalingon akong muli kay Jennie. She's adorable and has a great voice. Imposible talagang hindi ito magugustuhan ni Klover. At... kahit na sinong lalaki.
I took a glance at Yulian. He's listening intently while holding his proud look. Ano siya? Kapatid? Parent? Kairita.
Nagtatalo pa kami ng isip ko kung ia-approach ko ba ito para i-confront tungkol sa note niya kahapon doon sa fast food chain nang may kumalabit sa akin.
"Hi, Klairey!" It's Renzo, kasama nito sina Hazel at Crisha.
He surrendered his hands at natawa lang. "I'm not your enemy!" biro pa nito, dahil siguro sa sama ng tingin ko.
"Groufie!" Hazel announced at nakailang shots din kami.
Lumapit si Renz sa akin at bumulong, "you look extraordinarily beautiful today, Klairey. Ay mali, lagi naman pala," he said while looking at me.
Napangiti naman ako rito. "Thanks, Renz."
Hindi ako usually tumatanggap ng compliment dahil tingin ko, may kailangan lang sila sa akin but his sincerity is beyond his words.
"Can I send you home later after the party?"
Tumango ako at bigla namang hinila ako ni Hazel. "Ate pa-selfie naman!"
"Oy, ako rin! Pasali!" singit naman ni Chrish.
After the post nup shoot, sumabay na lang ako kina Renz sa sasakyan niya. Kasama pa rin namin sina Hazel at Crisha na parang hindi mapaghiwalay.
Inalalayan naman ako ni Renz nang makababa na kami ng sasakyan. Medyo rough kasi yong daan at hindi ako masyadong sanay sa ganitong heels.
Hinanap namin ang table nila and thank God hindi ito ganoon kalayo sa table namin. Naroon na rin sina Kuya Dong at Ate Celine.
"Naks naman! Ganda ng Klai-Klai namin, ah! Lumalaway na naman ang tulo ni Renzo!"
Tinapik ito ni Ate Celine. "Dong, ang sagwa namang pakinggan noon! Nasa harapan tayo ng pagkain," saway nito.
Napa-peace sign naman si Kuya Dong at natawa ako.
Umupo na ako sa harap katabi ang ibang mga bridesmaid. Wala naman akong kakilala kaya humalukipkip lang ako sa tabi.
Mayamaya ay may dumaang waiter at naglagay ng tubig sa mga baso.
"Miss, kayo po ba si Maam Klairey?" tanong nito.
"Ako nga po." tipid kong sagot.
May inabot itong papel at may hula na ako kung kanino galing. "Pinapabigay ni bossing," sabi nito sabay turo sa likuran ko.
Nakita ko naman si Yulian na nakatayo sa gilid. He waved at me at ngumiti lang ako nang tipid. Napansin ko kasi kaagad na nasa di-kalayuan lang si Jennie, parang bantay-sarado niya ito.
I opened the note.
Miss na kita, baby hindi ko na kaya
"Yon lang? Gumawa pa siya ng note para dito?"
Tumayo na lang ako at dumiretso sa kinatatayuan niya. His smile grew wider and it irks me. Parang pinagtatawanan niya kasi ako.
"Problema mo?" bungad ko.
"Di mo rin ako natiis, Ma'am! Miss mo rin ba ko?"
"Never kitang na-miss! Siya nga pala, paanong-"
"Kuya Yulian," biglang may tumawag dito at papalapit nga si Jennie. "Ay, sorry po sa abala. I'm Jendale Niecolette, I mean, Jennie. Kayo po yong maid of honor, di ba po? Ang ganda-ganda n'yo po!" She exclaimed like a fangirl. Eh?
Napangiwi naman ako dahil sa energy nito. Mga bata talaga.
"Ah, Jennie, siya si Klairey, girlfriend ko, este, siya nga yong maid of honor. Ganda, no? Kaya crush ko yan, eh!" sabat ni Yulian.
Napasinghap ito at napatakip pa ng bibig. "Oh M! Really? So, you're courting her Kuya?"
"No." sagot ko kaagad. "Don't mind her, Jennie, maloko lang talaga itong si Yulian."
"Aw! Kuya, you're losing your chance! Baka maunahan ka pa ng iba kay Ate Klairey, oops, I can call you Ate, right?"
Tumango ako. "I'm Klover's sister."
"Really!? Klo is my favorite guy friend! No wonder like rin kita kaagad, Ate Klairey!"
Eh? Favorite guy friend? Like?
"Sure ka? Favorite friend mo yong baboy na yon?"
Natawa naman ito. "You're both funny talaga, Ate! He's a good friend! He's like a kuya na rin to me! I swear, your baby brother is a gentle guy!"
Wait lang. Hindi ko na kinakaya itong batang to. Hearing those words from her makes me cringe! Like how?! He's a pig! Baby brother my foot!
"Ganyan talaga yan kay bayaw, este kay Klover lover boy! Akala mo, hindi magkapatid, eh!"
Napatikhim na lang ako. "By the way, Jennie you're a great singer! Ang ganda ng boses mo," compliment ko rin dito which made her smile from ear to ear. Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong niyakap.
"Thanks, Ate! Thank you so much! Oh my! I'm gonna cry! I'm so touched! I'm trembling so bad sa kaba!"
"Hey! Don't cry!"
Kinalma nito saglit ang sarili. "I've been dying to hug someone kanina pa!"
"Dapat ako na lang niyakap mo," suggest ni Yulian. Sinamaan ko ito ng tingin.
"But you said you have a girlfriend kaya off-limits ka!" she said, pouting.
"You have a girlfriend?" I fired right away.
"Oy, Jennie. Wala akong sinabing ganoon!"
"That's your intro kanina kaya!"
Sa inis ko ay sinipat ko na lang ang hawak na cellphone. "Anyway, maiwan ko muna kayo, may kakausapin pala ako."
I excused myself at biglang nalungkot naman si Jennie. "Bye Ate. Talk to you later."
Girlfriend my foot! May girlfriend pala ta's nakikipag-flirt pa rin sa iba! Ibang klase talaga tong mga lalaking to. Bahala na nga siya sa buhay niya!
Yulian Rosario, ang landi mo!
The program continues at kung anu-anong wedding traditions ang sunod-sunod na ginawa. Like mag-cut ng cake, pati yong doves. Very traditional kasi gusto ng parents nila na ganoon. At hindi na nga nawala ang paghagis ng bouquet at garter.
"Okay, single ladies! To the front, please?" the emcee announced.
Ayoko sanang sumali kaso hinila ako kaagad nina Hazel nang mapadaan ito sa pwesto ko. Maging si Ate Melo ay tinawag ako kaya wala na talaga akong kawala.
Hindi naman kasi ako naniniwala na kung sino ang makakasalo ng bouquet eh siya na ang next na ikakasal, sabi lang nila. Lalo na kung single ka at walang jowa. Hashtag hindi ako bitter, okay.
"On three... one, two, three!" the emcee shouted kasabay ng paghagis ni Ate Melo nang nakatalikod.
Okay, I did not expect this to happen but I thought for a second, sa akin nga papunta ang bulaklak but Crisha was too fast to catch it.
Everyone clapped at bumalik na ako sa upuan ko after congratulating Crish.
Next naman ay ang garter. Si Sir Jim ang maghahagis nito at nakalinya na sa harap ang mga lalaki. Sumali sina Renz at Yulian dahil napilit din ng mga kasama nila.
In the end, a certain guy na hindi namin kilala ang nakasalo. Parang relative ito ni Sir Jim. He's quite tall and parang gwapo rin naman. Knowing Crish, she'll be delighted upon the sight of him. She's the type na mabilis magka-crush sa isang lalaki.
Akala ko ay makikita kong tuwang tuwa si Crish na nasa mini stage but I was wrong. Ibang iba sa ekspresyon na ini-expect ko. Hindi siya nakangiti. Masama rin ang tingin nito pero napunta ang atensyon ng emcee sa kanya kaya bigla itong ngumiti. What's the catch?
Nagtilian naman ang mga girls nang pinaupo si Crish para isuot sa kanya nung guy ang garter.
"What's your name?" tanong ng emcee kay Crish.
"Crisha po," sagot nito.
Tinanong din yong guy. "Christian," tipid din nitong sagot.
"Wow! What a coincidence! Halos parehas lang ang pangalan ninyo."
Napuno naman ng tukso ang hall. Namumula pa ang mukha ni Christian at si Crish naman ay parang kinilig din kahit pa paano. Siguro, tinablan na rin siya ng charms ni Christian. He seemed like a very neat and nice guy. And our Crish is a bubbly one. I think they can be a great couple.
But wait, I forgot I'm not Cupid. Bakit parang ang expert ko bigla sa matchmaking?
Napansin kong nag-vibrate ang phone ko kaya in-open ko iyon.
YR:
Sinadya kong hindi saluhin. Kung ikaw sana yung nakasalo ng bulaklak, baka nakipagpatayan pa ako para sa garter na yon Maam
Gusto kong mangiti at the same time gusto kong kurutin ang sarili ko dahil bakit ako kikiligin sa isang lalaking may tinatagong girlfriend!
Me:
Shut up! May girlfriend ka na di ba
YR:
Selos ka kaagad Maam, binibiro ko lang si Jennie kanina
Me:
Really
YR:
yes naks english
Me:
k
YR:
as in kyot?
Me:
baliw haha
YR:
hulaan mo kanino ako baliw
Eto na naman ang gasgas niyang linya. Parang tanga talaga 'to.
YR:
maam ano sagot!
sayo kasi
Ini-expect ko na 'to pero natawa pa rin ako. Nag-iisip pa ako ng isasagot ko kaya ang tagal kong mag-reply. Wala na kasing pumapasok sa isip ko. Baliw talaga!
YR:
ano maam? ako na sumagot para sayo
kapag di ka sumagot iisipin ko kinikilig ka
At hindi na nga lang ako sumagot.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro