Chapter 24. Is It Possible
Klairey
-
You:
You are that bee?!
I texted. He's creeping the hell out of me. Is he stalking me? Bakit kung nasaan ako ay naroon din siya? Baka akala niya wala lang sa akin pero nagulat din ako nang mag-text ito sa akin. He also know my number!
YR:
Hahaha hindi po
Gusto kong tadyakan ang taong ito. Yong totoo, lahat na lang ba ng sideline, papasukan niya? Medyo hindi na kasi nakakatuwa.
You:
You're unbelievable!
YR:
I'm unBEElibabol hahaha sorry na maam
Nataon lang talaga to pramis hahaha
Padabog kong pinatay ang cellphone ko dahil nakarating na ako sa hotel room na inuukopahan namin ng mga bride's maid, nasa ibang rooms din ang kasama sa entourage para sama-sama na bukas dahil may kaunting shoot pa.
Niyaya ko na agad si Renz na umalis na kami roon dahil ayoko na magkaabutan pa kami ni Yulian. Wala lang, ayoko lang kasi ang awkward no'n.
Kapag lang talaga isa pa si Yulian sa mga hotel staff dito, puputulan ko na ng paa ang taong iyon!
Dumiretso na ako sa room namin ni Ate Melo after kong makausap ang receptionist na may reservation kami. She gave me the spare key dahil wala si Ate Melo sa room nang tawagan ito.
"Hello? Ate? Where are you?"
"Eklai, I'm at the spa with mom. Ikaw?"
"Hala, sorry. Naistorbo ko kayo. Nasa room na." I said as my back touches the softness of the mattress.
"No, it's okay. You want to join here? Nasa first floor lang to."
Ayokong maging epal sa mother and daughter bonding moment nila since bubukod na sina Ate Melo so I said no at magpapahinga na lang ako sa room.
"By the way, is it okay na makakasama rin natin si Jam sa room?"
"Okay lang, Ate. Nakaalis na ba sila sa church?"
"Oo, she said they're on their way here. Sinabi ko na rin ang room number so any time, may kakatok na lang diyan."
"Okay, Ate. Enjoy kayo! Bye~"
The suite is big enough for the three of us. Tiningnan ko ang view sa terrace and wrong move, nalula lang ako. To think na nasa 7th floor lang ito. Maganda sana ang view kaso takot na ako sa heights. Takot na.
Bumalik na lang ako sa loob at nahiga.
Hihintayin ko na lang muna siguro si Jam bago ako umidlip. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako physically and emotionally.
They're draining me especially Yulian and Renzo.
Renz is special to me since I realized that I'm infatuated to him. Noong panahong hindi pa kami nagkakausap at noong misteryo pa lang siya sa akin. But right now, habang tumatagal, parang hindi ko na makapa yong dating feeling.
Parang nawala na yong spark?
Ang bilis naman. Ganoon na lang ba yon kadali?
Is it possible to lose the feelings you kept for a long time when you eventually became close to the one you like?
Kasi parang ganoon ang nararamdaman ko or it's just too early to say that?
Kung sabagay, dalawang linggo palang naman iyon.
Sa isang araw nga, napakaraming pwedeng mangyari, sa dalawang linggo pa kaya?
Ang sakit sa ulo. Kinokontra ko lang din ang mga sinasabi ko.
Isa pa yang Yulian na iyan. Hindi talaga ako natutuwa. Papatayin niya ba ang sarili niya katatrabaho? Kung totoo man na hindi siya yong nasa loob ng mascot, kung ganoon, nasaan siya? At sino'ng naglagay ng note na iyon?
Yong bata? Yong nagdala ng additional order namin? O yung mascot?
Ano na? Pati ba yan poproblemahin at iisipin ko? Napakarami ko ng issues sa buhay, dagdag na naman to, ha? Lagi na lang ba?
I heard knocks on the door kaya mabilis akong tumayo upang pagbuksan iyon.
Sinalubong naman ako ng isang flash ng camera. For a second, I felt blinded. I hate it!
Jam waved at me when I blinked my eyes. "Hi Klairey!" she said, apologetic at the same time.
"Hi tigress! Rawr!" Jacob greeted at kakababa lang ng hawak na camera.
Nginitian ko si Jam. "Hi," bati ko at bumaling kay Jacob, "get lost!" I immediately shifted to my bitch mode at hinila ko na papasok si Jam.
Kumatok katok pa ang isang iyon pero naka-lock na ang pinto so bahala na siya sa buhay niya.
"Pagpasensyahan mo na si Jacob, palabiro lang talaga iyon," pag-e-explain ni Jam.
Naku! Naghanap pa talaga ng kakampi yon. "Seryoso bang nasa iisang team kayo? Kung ako, di ko matatagalan ang taong iyon."
Nilapag niya ang mga gamit sa table. Marami pala iyon at mukhang mabigat. Mali na hindi ko pinapasok si Jacob para ipasok sana ito rito sa loob. Oh, well. Deserve naman niya ang mapagsarhan ng pinto.
Natatawa itong napatingin sa akin, displaying her perfectly white set of teeth at maliit na dimples sa gilid ng labi. "He's fun to be with, Klairey. Hindi rin naman kita masisisi kasi noong una, ganyan din ang naramdaman ko. Maloko lang talaga, touchy pa pero he's caring and thoughtful. Idagdag mo pa na sobrang passionate siya sa trabaho niya. You'll fall for him once you knew him well."
Naupo kami sa kama. Tinanggal naman nito ang suot na sandals at minasahe ang binti.
Makahulugan na tingin ang iginawad ko rito at itinago ang pagka-cringe ko sa mga sinabi niya. "So basically, you're telling me that you fall for him?" tukso ko at sobrang namula ito. Tinakpan niya pa ang mukha dahil sa hiya.
"Hindi naman. Matalik na kaibigan ko lang talaga siya. He's the one I can lean on in times of trouble." Sus. Halata namang gusto niya si Jacob, at gusto rin siya ni Jacob, ba't di pa magkaaminan? Uh. Sound ironic. Di pa magkaaminan my ass!
"Okay, sabi mo, e." Hindi ko na ipinilit ang panunukso dahil una sa lahat, hindi naman kami close. Pangalawa, ayokong topic si Jacob. Pangatlo, alam ko ang awkward sa feeling kapag tinutukso ka sa isang tao.
"Ah, nga pala, Klairey. Yong guy ba sa church is your boyfriend?" She asked hesitantly. Parang gusto niya lang din i-divert ang topic.
Umiling naman ako. "No. Nanliligaw palang."
"Oh, sorry. I see! Akala ko, bantay-sarado ka talaga ng boyfriend mo kasi kung makatitig siya ng masama kay Jake, wagas." She laughed in a girlish way. Kumbaga, mahinhin pa rin and may poise pa. "So you like him?"
Nakaramdam ako ng ilang. Ngayon lang yata may nagtanong sa kin nito at parang nahihirapan akong sumagot.
But Jam here is a stranger. They say, mas maganda raw na mag-share minsan sa estranghero dahil hindi ka nila ija-judge. Kumbaga, neutral lang kasi wala naman silang background sa attitude mo.
I puffed some air before letting out my thoughts. "Honestly, I'm not sure anymore. I liked him... but now, it's different."
Tumango-tango ito. "I understand. So you like someone else?"
Napayuko ako. "I think I'm starting to like someone and I'm fighting with myself not to because we might end up hurting each other. I'm not that dense but I don't want to assume. Baka kasi nilalandi lang ako tas ako naman, aasa at mafo-fall."
"I think, you're the type nga na hindi mag-a-assume but if you're saying that, maybe he gave you signals. Did he say something? Or nagpaparamdam lang talaga?"
"Hindi ako sigurado, e. Malabo."
Tumango ito and she turned her gaze to me at medyo natawa. "Naguguluhan ka pero hindi halata sa mukha mo, a? Ni hindi man lang nalukot."
Napangiwi lang ako sa kanya. Yong totoo? Seryosong usapan ba ito o pagtatawanan niya lang ako? Kung sabagay,
"May naikwento sa akin si Jake noong pre-nup shoot nina Ate Melody. A guy is with you. Yulian? Is he the one you're talking about?"
Hindi ako nagsalita but I nodded and smile.
"I have this invisible wall over here," I spread my arms widely on my side and in front of me. "But he make his way to reach for me. It's quite alarming but I didn't know that I'll be used to seeing him eventually."
Tumango siya at nahiga. She patted the space next to her at nahiga na lang din ako.
"Aww! I feel you!"
A comfortable silence followed. Biglang ayoko nang magkwento. Hindi kasi ako sigurado sa mga sasabihin ko so it's better to keep it. Napahinga na lang ako nang malalim.
"You know, me and Jake are so close that it's hard not to fall for him. I told you how nice he is. But then he said that he likes someone already, like he always say pero that moment, iba e. I can see a different side of him so I backed out when I was about to confess to him." She stopped and realized that she just spilled the beans. "Please keep this as secret!"
"I see." Tumango lang ako. Natatawa man dahil nadulas na ito, I still love her spirit. Sana all, matapang mag-confess. "Tapos?" All of a sudden, naging curious na ako. Tingin ko rin, nakagaanan niya na ako kaagad ng loob. It's an achievement for someone like me, isn't it?
"Umiyak ako nang umiyak, then someone comforted me and he admitted that he likes me so being the broken and marupok girl that I am, hinyaan ko na lang siyang ligawan din ako and eventually, naging kami."
"Oh, so you have a boyfriend now?"
She hummed a yes. "That was a wrong move. You know, I realized na nagpadalos-dalos ako. Ginawa ko siyang rebound and he felt it, I know, but he kept silent and showed me the love I don't deserve."
"Aw." That's all I can utter.
"Sorry kung napakwento ako, ah?"
"Wala yon. Nakakabilib ka nga, e! At least, alam mo kung ano talaga ang nararamdaman mo. Sigurado ka kahit may maling desisyon ko mang nagawa."
Natawa ito nang bahagya. "You just have to let your heart feel it, Klairey. Mararamdaman mo naman kung the person is worth keeping. Kaya nga nag-stay ako sa team, kahit alam kong may masasaktan ako. I said, I'll just endure until I can't feel the same way anymore. I don't believe na kailangan kong umiwas. I also want to stay beside him. Yes, it's selfish of me. But what can I do? I'm a very complicated person who follows happiness."
***
Nagising na lang ako nang makabalik na si Ate Melo sa kwarto. May dala itong pagkain at na-realize ko na gutom nga ako at gabi na pala sa labas.
I feel bad for sleeping kahit nagkukwentuhan kami ni Jam kanina. Pagod yata talaga ako. I also feel bad dahil nag-abala pa si Ate Melo sa pag asikaso ng pagkain namin when in fact, she should be resting now.
"I already ate. Kumain muna kayo," sabi nito sa amin but something is visible in her face.
She walks back and forth while bitting her fingernail.
"Nahihilo na ako sa yo, Ate," I beamed.
Napalingon siya sa akin, still with a confused look on her face. "Eklai, I'm going insane! Napa-paranoid ako. What if something will go wrong tomorrow? What if J-jim will not show up? What if my parents change their minds and not let me marry Jim? What if--"
"Ate Melody, kalma lang." Tumayo si Jam at pinaupo si Ate Melo sa sofa. Tapos na kaming kumain so I do the honors to clean. "I told you to take a beauty rest dahil bukas na ang pinakahihintay nating araw. Nothing will go wrong. Don't attract negativity dahil nakakapangit!" natatawa nitong sambit habang minamasahe ng bahagya ang balikat ni Ate.
Good thing, she's here. Kung ako lang, wala na. Baka mas na-paranoid na itong bride. Tell me about useless maid-of-honor?
"I want to see Jim right now!"
Umiling si Jam. "Not now, Ate. Magagalit ang parents mo. Sige ka. Di ba, binilin sa yo ng mom mo to stay inside the room until tomorrow?"
Tumango ang huli kahit naka-pout na ito at paluha na. "O-oo nga pala. Superstitious beliefs na hindi naman dapat pinapaniwalaan."
"Call him instead, Ate?" I suggested.
Lalo itong nag-pout. "Katatapos lang namin mag-usap, e. But I already miss him at eto, napa-paranoid na. Malay nyo, di ba?"
Sa ilang taon din na nakasama at nakilala ko si Ate Melo, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka helpless. Hindi kasi talaga ito nagse-share sa akin noon ng mga frustrations niya maliban sa parents niya. To think na bukas na ang araw ng kasal niya? I think this is unhealthy.
I tried finding some comforting words to utter pero in the end, wala akong matinong maisip. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong usapan. Alangan namang sabihin kong "okay lang", "ganyan talaga", "think positive", akala mo naman e napagdaanan ko na. Err.
"You'll understand me once you get in my shoes." Nagkatinginan kami ni Jam at natawa na lang. "Eklai will panic but her unbothered face will still remain." I just nodded kahit parang hindi yon compliment talaga. "You Jam, sure ako, you will be like me."
"Oh my God, Ate Mels. Is that a curse?" Lalo naman kaming natawa sa sinabi ni Jam. "Please, just sleep? Maaga pa tayo bukas. I know how excited you are but please?"
"Be like Klairey!" I exclaimed trying to sound energetic but ended up being awkward and failed.
Pinagtawanan tuloy nila ako.
#
B/N:
Lame update para matuloy na ang kasalan! Ahhh! Mianhae~
YUKLAI or KLAIZO moment at the wedding? Hmmm???
Sinong sasalo ng bouquet?
Sinong sasalo ng garter?
Sinong sasaluhin ni Klairey? HAHAHAHA!
balakajanbhem#
alisname#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro