Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23. Tigress Turned Kitten

B/N: Vote and comments are highly appreciated! Thanks in advance :)

-

Klairey

-

Hindi ko muna masyadong ini-entertain sa ngayon si Renz. Though he brings me food and flowers, hindi na ako sumasama sa kanyang kumain sa labas o mamasyal, lalo na kapag niyaya niya akong manood ng sine.

Kahit gustong gusto ko yung movie, tinanggihan ko ang alok niya. Libre naman daw niya, pero tingin ko, magkakautang lang ako.

Given naman na nga, na nililigawan ka tapos paggagastusan ka pero hindi kasi ganoon ang gusto ko. Hindi ako materialistic na tao kaya sakto na sa akin ang kaunting effort, na kahit hindi involve ang malaking gastos.

Sakto na muna na ganito, kaunting usapan tuwing break time kagaya ngayon.

Apat na kami sa table, parang last week lang, tatlo lang kami, a.

Tho close naman ng dalawa si Renz, medyo naiilang pa rin ang mga ito. They wanted to excuse themselves para daw may getting to know each other portion kami pero sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Malapit na pala ang kasal nina Sir Jim, no?" basag ni Renz sa katahimikan.

"Oo nga pala. This Sunday na. Yong rehearsal, sa Saturday pa, di ba, Klai?" Crish asked.

Tumango lang ako. Nae-excite na rin ako at nagpapasalamat ako kasi kahit pa paano, nada-divert ang isip ko sa ibang bagay.

"Saan ang rehearsal n'yo, Ate Klai? Anong oras?" tanong ni Hazel, who's attention is divided between us and her phone, as usual.

"Syempre sa simbahan. Morning," tipid kong sagot na halos maging sarcastic na ang tono.

"Gusto mo ba, samahan na kita, Klai? I can drive you there. Hihiramin ko yong kotse ni Papa." Renz offered like he knew I'll consider it.

Nginitian ko lang siya. "Sige. Thanks."

He already knew where I live dahil kapag dala niya ang sasakyan ay hinahatid niya ako. Sa ganoong paraan na lang daw dahil hindi naman ako sumasama sa kanyang lumabas. Kinonsensya pa ako, e, wala naman ako noon.

He met Klover, too, and it seems like they somehow know each other. Sinabi ko na rin sa baboy na manliligaw ko si Renzo and hindi man lang ito nabigla o nanlait man lang which is strange.

Nagkakilala na raw sila noong bachelor party ni Sir Jim. Naku-curious tuloy ako kung nagkausap ba sila o alam niya na kapatid ko si Klover? Pero mukha namang walang reaksyon si Renz nang ipakilala ko ito sa kanya.

Yon lang, para silang masyadong pormal sa isa't isa. Understandable naman kay Renz pero kay Klover? Not his thing. Yong tingin niya pa minsan, parang may meaning. Don't tell me, crush niya si Renz, sapakin ko siya!

Mabuti pa nga na inaasar niya na lang ako kaysa sa patingin tingin niya na ganoon. Akala mo kasi, may silent war sa kanilang dalawa kaya naiilang ako.

"Ayiii~" tukso ni Crish. "Mukhang napapadalas na yan, a! Ano, kayo na ba? Hindi pa? Sabi ko nga."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad napaatras ang dila ni Crish—speak or I'll choke her. Ayoko talaga na tinutukso niya ako kay Renzo. Naiilang ako.

Napansin ko namang napa-pout si Hazel while looking at her phone. "What's wrong?" I asked.

"Wala, wala naman po." Nag-iwas ito ng tingin bago pinatay ang cell phone. Bumulong pa ito na hindi ko naman naintindihan.

**

Weekend comes.

Sinundo nga ako ni Renzo. Nakangiti ito habang nakasandal sa kotse pag labas ko ng bahay. His angelic smile is such a good scenery in the morning.

He's wearing a simple powder blue tees at white knee-length shorts. What attracts me the most is suot niyang muli ang round eyeglasses nito.

"Good morning, Klai!"

"You're early."

"Yup! So we could have this!" itinaas niya ang dalang coffee at sa kabilang kamay naman niya ay may bungkos ng pulang rosas.

Napangiti ako, which is napapadalas na. Knowing that someone exerts extra effort to make you feel special, it's overwhelming.

It's so sweet of him. He's too pure and he deserves great things in the world that I don't think I am one of those.

"Honestly, Renz, you don't have to always do this." Alam ko kung gaano kamahal ang bouquet. Ganunpaman, kinuha ko pa rin iyon nang iabot niya sa akin. "Thanks. Pasok ka."

"You don't like it?" he asked, pouting. Oh come on, not-so-little boy! Ang aga-aga, nagpa-cute na naman siya.

Umiling ako. I appreciate his efforts. Of course. This adorable guy right here deserves a pinch on the cheeks sometimes. Uh! I'm weird, too. Why would I?!

"Kumain ka na ba?" I asked.

"Yup. My mom wouldn't let me go with an empty stomach," he said proudly while tapping his flat tummy.

Bumukas naman ang pinto ng pig pen at ang naka-topless na Klover ang sumalubong sa amin, displaying his body na pinaglalawayan daw ng mga kababaihan, sabi niya.

"Oh, may bisita pala tayo."

"Good morning!" tipid na bati ni Renz. Tumango lang ang baboy at dumiretso sa CR. Pagkasara niya ay saka ito umutot ng sobrang lakas. Ni hindi man lang ni-silent mode!

I pursed my lips upon hearing it. Napatingin ako kay Renz at pinipigilan nito ang tawa.

Ang baboy talaga ng kapatid ko! I want to disown him right now!

"Pasensya ka na, a! May sa baboy kasi talaga tong kapatid ko. Ritual na niya yan." nilakasan ko ang explanation ko para marinig niya sa loob. Hindi ko talaga maintindihan bakit may nagkakagusto sa isang to.

"Ayos lang."

"Ayusin ko lang yong mga dadalhin ko tapos alis na tayo."

On our way to the church, we take our coffees. Nag-stop muna kami sa park malapit sa simbahan para magpahangin saglit. Maaga pa naman kaya naglakad-lakad muna kami at umupo sa bakanteng bench.

"Sayang, hindi ako ang partner mo, Klai. Naiinggit ako sa best friend ni Sir Jim," nakangiting sabi nito at nakatingin sa malayo.

I bit my lower lip to suppress my smile at umingos. "Bakit ka naman maiinggit?"

He shook his head. "Nothing. I just wish I could be your partner, too. Perhaps in real life?" biro niya then poked my arm.

"Baliw!"

"I'm not! I'm serious."

Aw. For a moment, akala ko, sasabihin niya na 'baliw sa 'yo'. What's on my mind?

"Who knows?" I shrugged.

"We'll work on it," he said, determined.

"Since when you start liking me, I mean, you said you like me," magulo man pero gustong gusto ko na kasing itanong sa kanya.

Bigla itong namula. "Hindi ako handa, a! Wait lang. Hmmm? Kailan nga ba?" he held his chin as if thinking so hard. "Teka, na-pressure ako. Hindi ko na kasi maalala talaga, naramdaman ko lang bigla na nahuhulog na ang loob ko sa 'yo. Noong sabay tayong nakapasok sa office years ago, I know there's something in you that I like. Yong tipong, totoo sa sarili, walang arte kahit medyo suplada."

Napapangiti pa ito habang nagkukwento. He glances on me once in a while at ako naman ay nakatutok lang ang atensyon sa mukha niya habang nagkukwento siya.

"You know what, I'll be honest with you. There's something bothering me when I look at you before, too. Super honest that it may offend you but..."

He looked at me intently pero more on excited ang expression niya kahit sinabi kong offensive ang isisiwalat ko.

"...I thought you were gay."

He almost choke at my words. Napangiwi ako nang umubo pa ito. When he recovered, napapailing itong ngumiti.

"I almost die! I-I'm not, okay?"

"Tingin ko lang naman. Wag kang defensive, baka maniwala ako sa kutob ko!" I laughed the thought. "Tara na nga! Ubos na ang kape natin. Doon na lang tayo maghintay." Tumayo na ako at bigla niyang hinigit ang palapulsuhan ko which made me sit again.

"Why?"

"You owe me one, Klairey. I'm a bit offended." seryoso niyang sabi kaya medyo kinabahan ako.

"S-sorry! I didn't mean to," sabi ko na lang. Sana yata, hindi ko na lang sinabi? Minsan talaga akong ganito. Minsan pagsisisihan ko, madalas hindi. Pero ngayon, yong nauna yata.

"Let me wait for you until you're done on rehearsals. Please?" he turned to a puppy in just a snap! Akala ko pa naman, galit talaga siya!

"Oo na!" pagtataray ko na lang bago tumayo uli at hinila ko na lang din siya patayo.

Nang lingunin ko ito ay naka-hang ang kamay niya sa ere malapit sa likod ko bago kumamot sa ulo. Napangiti naman ito ng alanganin.

"Thanks!" he said at inunahan pa akong maglakad. Parang baliw.

Ate Melo and I keep on chatting after kaming ma-brief ng pagkakasunod-sunod sa entourage. Stand by na rin daw dahil magsa-start na in few minutes.

Hinigit ko pa ito sa groom niya dahil obviously, sobrang layo ng pwesto nito, dulo at dulo sila, e. At isa pa, ayaw nilang mapaghiwalay. As if they're not going to live together soon.

Napalingon naman ako sa medyo likuran na bahagi ng simbahan. Nakaupo roon si Renzo at tahimik na naghihintay. Tinutukso tuloy ako ni Ate kanina.

"He's such a cutie, Eklai! Mukhang susundan mo kaagad ang yapak ng maganda mong ate, a?" she poked my side kaya napalayo ako sa kanya. Uh! Ayoko talaga ng kinikiliti ako. Swerte niya, bride siya at love ko siya, kung hindi... Naku.

"Ate naman, e. Stop teasing me!" ayoko rin ng tinutukso, ilang beses ko rin bang sasabihin. Minsan kasi, pahamak lang yan e.

"Oo na! Parang kakagatin mo na ako, e. Nga pala, muntik na akong maloka sa isang friend ko. Yong kinukwento ko sa yo na isa sa mga kakanta sa reception?" Naalala ko naman na nabanggit niya nga iyon. I heard she's really good.

"What about her?"

"Nagka-emergency raw sa probinsya nila so gumora na pauwi at Monday pa ang balik dito! Mabuti na lang talaga at may reserve ako. Thanks to your brother and his friend. That girl is sent to me from heaven!"

Huh? May friend pala na angel yong demonyong yon? "Never heard he has a decent friend, and a girl? You mean, stalker niya?"

Natawa naman si ate Melo at hinampas ako ng marahan. "Crazy, Eklai. No, mukha lang talaga silang close. She even clings on him like he's her older brother. Actually minsan na iyong kumanta sa bar ko, her voice is really good! Hindi pang birit pero clear ang diction at malamig sa tainga ang boses niya. Gusto ko nga siyang ipag-part time minsan sa bar pero pinag-iisipan pa niya. She's a sweetheart."

"Seems like you really adore her. If she's a beauty and talented, malamang pinopormahan ni Klover yon, Ate."

Napaisip naman ito. "I don't think so. Even if that pretty girl is too adorable and funny when drunk, I think your brother will not take advantage of her. He likes someone else and she also likes someone else." Ate Melo seems so sure in her words like she knows what's happening.

Naks. Choosy pa ang baboy. Nakakahiya naman sa utut niya.

Mayamaya ay may um-approach sa amin at nakipagbeso naman ito kay Ate Melo. I didn't recognize her but she has friendly vibes.

"Hi Ate Mels! You're blooming as always!"

"Hi Pam! Glad you came! By the way, this is my maid-of-honor, Eklai, I mean, Klairey. Eklai, she's my makeup artist kasama ni Jacob sa team. Wala siya noong pre-nup due to prior commitments."

"Hi, Klairey! It's nice to meet you!" magiliw na bati nito. She's an epitome of classy yet bubbly woman. Kasing light yata ng dress nito ang personality niya.

"Hey, lovely bride!"

Uh oh. Speaking of another devil.

I roll my eyes mentally and I was expecting to see a guy na parang hindi uso ang shave but I can't believe my eyes because I'm seeing a totally different Jacob. He looks fresh and neat, hindi kagaya noong una ko itong nakita. And his hair color is bleached and as bright as the sun. Nakakasilaw.

Nagbeso rin sila ni Ate Melo at nang humarap ito sa akin ay nagkunyari pa siyang nagulat. "Oh, here's our equally lovely maid-of-honor! Hello there, Princess Klairey! Where's your knight in shining armour?" Aakbayan niya sana ako pero bago pa man dumampi ang palad niya sa balikat ko, tinapik ko na ito.

This time, tinarayan ko na siya. "Shut up, Malfoy." I rolled my eyes.

The two ladies laughed so hard at my remark while Jacob seems so amused.

"Whoah!" he raised his hands like surrendering. "This tigress really is something! You don't need a knight. Tell your soldier to retreat!"

"Wag mo kasing inaasar si, Klairey, Jake," marahan na saway ni Jam kay Jacob.

Napasimangot ito sa amin. He looked at her lovingly and his face softens. "Wala naman akong sinasabi, a! Kayo, pinagtutulungan n'yo ko. Jim!" Umalis ito sa tabi namin at pinuntahan si Kuya Jim sa unahan.

Sinundan namin ito ng tingin. "He's really like a child! No wonder he can't have serious relationships," she remarked while a meaningful smile is plastered on her face.

"Single pala si Jake?" gulat na tanong ni Ate Melo. Same reaction, Ate.

She sighed. "Yes." sumagot ito na parang hinayang na hinayang.

"Okay, ladies and gentlemen, let's start," a girl with a megaphone said. I think she's the organizer so we lined up. Jam excused herself, too, since she'll help Jacob to scan the area to find good spots for the big day.

I gave Ate Melo a meaningful look before turning back behind where her parents are standing.

The rehearsal starts and all of us were just following every commands and minsan, naa-annoy ako tuwing tumatapat sa akin yong megaphone ni ate organizer.

Hindi lang kami ang tao roon. Nagpa-practice na rin ang choir at ang iba ay nagde-decorate ng iba't ibang klase ng bulaklak sa altar at mismong aisle. I love how those flowers compliment the motif which is maroon.

Seldomly, nililingon ko naman kung saan nakaupo si Renz at napapangiti ito tuwing nagagawi ang tingin ko sa pwesto niya di kalayuan sa aisle. Minsan, nakatutok ito sa cellphone niya at nakakunot pa ang noo.

Nilapitan ko ito nang matapos ang isang oras na paroon at parito.

"You tired?" he asked, concern written on his face. Napaupo ako sa tabi nito. Ah! Ang sarap palang umupo!

Tumango na lang ako. He handed me a bottled water at ininom ko naman iyon. Nakakauhaw rin!

"Thanks, Renz."

Namula ito at napangisi. That smile that means he's flattered. "Always welcome."

Nakonsensya na naman tuloy ako. Ang aga niyang gumising at pinaghintay ko pa ito. I shouldn't worry since he insisted it but still, I have a heart that beats even if it's not as big as anyone else.

"Lunch? My treat." Pinilit ko ang sarili na ngitian ito kahit pa paano.

"Oh! The tigress is now a sweet kitten towards her new knight! I'm impressed. You're cute together!" pang-aasar ng kararating na si Jacob.

Kinunutan ko lang sila ng noo. "Get a life, Jacob."

"Jacob, pare!" nilahad niya pa talaga ang kamay sa tapat ni Renz. The latter stand up and shake his hand.

"Renzo," nakangiti naman nitong tugon.

"So, you two—you know?"

"Ah, no. Not yet." pormal naman nitong tugon.

Bigla naman akong nahiya sa topic nila. Hello? Nandito pa ako sa harap. Napapalakpak ito na parang tawang tawa. Maybe gets na niya na nililigawan ako ni Renz dahil may pa-not yet not yet pa ang lolo mo.

"Our Klairey over here is shy. I guess, we have to say goodbye? See you tomorrow, love birds! Good luck, pre!" Natatawa pa ito at kumaway pa nang nakatalikod.

"Who's he?"

"Ah, photographer lang na may saltik."

"He's hitting on you?" he asked, pouting.

"As if! Naiirita nga ako roon. Parang di mo alam kung saan pinaglihi ng nanay niya. Hey? Don't pout."

"I'm just jea—hungry. I'm hungry! Tara na? Paalam ka muna tayo kina Sir Jim."

As usual, tinukso lang nila kami. Pati ang parents ng mag-fiancé ay nakitukso rin.

Sa nearest fast-food chain na lang kami dumiretso. Bigla akong nag-crave sa chicken and spaghetti, e.

Ako na sana ang o-order dahil ililibre ko sabi si Renz pero kina-career niya yata ang pagiging bida-bida kaya siya pa rin ang um-order at nagbayad.

"Eating with you is already a privilege." he said while placing the spoon and forks on my plate. "Eat."

Nag-uusap kami ni Renz nang biglang umingay sa may function room. Dumating na kasi ang bubuyog na mascot at kanya-kanyang selfie naman ang mga tao. May birthday kasi yata.

"Have you tried celebrating your birthday in Jollibee or McDo?" I asked.

"Hmm? Noong bata pa ako, oo. Ikaw ba?" Kumuha ito ng fries at kinain iyon.

Napatingin ako ulit sa mascot. "Me too. Naalala ko, ang saya-saya ko noon kasi andoon ang lolo at lola ko pero biglang nag-iiyak ako noong lumabas na yong clown. Natakot ako bigla kaya ayon, hindi ko na na-enjoy," pagkwento ko.

Natawa naman si Renz. "Nakakatakot naman kasi talaga ang itsura nila. Pero kapag magic show na, nakakatuwa naman."

"Fan ka ng magic shows?"

"They're entertaining." he said in a matter-of-fact tone.

Napangiwi ako. "Mabilis lang ang kamay nila but when you're sitted on the side, kitang kita mo yong daya nila. Like yong maraming payong na maliliit? Doon lang yon galing sa ilalim ng long sleeves nila. I regret not sitting in front. I have so many trust issues since then kahit bata pa ako."

"You're mean. Don't ruin my childhood!" he beamed.

Which made me laugh.

After a while, he excuse himself to the restroom. While waiting for him, I saw the mascot being guided out of the room. Maybe to get some rest.

Nakakatuwa kasi niyayakap ito ng mga bata at ayaw paalisin. Yumuko naman ito at p-in-at ang ulo.

Dumaan naman ito sa side ko at nakikipag-high five siya sa akin. I looked at its hand at inismiran ito. It suddenly motioned his hands like its crying kaya nalungkot din ang mga batang sumusunod pa rin sa kanya. Paano? Nagpapaawa rin ito at tinuturo pa ako.

"Hug mo po siya, Ate," sabi ng little girl sa akin.

"Huh? Bakit naman?" anong trip ng batang to. Siya kaya mag-hug niyan.

"Because if you make someone cry, you should hug him or her," sagot naman ng isa pang bata.

Umaarte pa rin ang mascot (o ang nasa loob ng mascot, whatever) na nagtatampo at nalulungkot.

Wala naman sigurong masama kung iha-hug ko nga siya kaya ginawa ko na lang.

Nagpalakpakan naman ang mga bata at ang mascot ay napapasayaw pa sa tuwa.

Parang tanga pero cute.

Hinawakan niya pa ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko. Ah, bad bee!

Kukutusan ko sana siya kaso baka magalit na naman tong mga bagets sa akin at hindi pa ako tantanan.

Tuluyan ng hinila ng isang staff yong mascot at nag-wave na lang ito sa amin na may kasama pang flying kiss.

"Is that bee hitting on you, too?" tanong ni Renzo na kababalik lang.

What the hell is he thinking this time?

"Seriously?"

Bigla siyang natawa. "Joke lang!" biglang bawi nito.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil ayokong ma-bad trip. Thanks to my short temper.

Napansin ko naman ang isang maliit na papel na nalaglag sa ilalim ng table ko. I thought it just slips from my things kaya ko kinuha.

To my surprise, it says:

YAKULT?

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro