Chapter 22. Best Is To Keep My Mouth Shut
Klairey
-
I enjoyed the food as much as I enjoyed Renz' company. He's too talkative, and obviously I didn't expected him to be one. He's the type na makwento pero alam mo namang hindi mayabang ang dating although he's talking about some of his accomplishments.
Gusto pa sana niyang mag-stay kaya lang ay tinawagan na ito ng mom niya at may inutos ito na ipabili on his way home.
"I'm really sorry, Klai. Ihahatid pa sana kita," he apologized for the nth time. He looked really sorry and I assure him na okay lang talaga.
"Magta-taxi na lang ako."
"You sure?" I nodded. "Then, hintayin na lang kita na makasakay."
Mayamaya nga ay may dumaan kaagad na taxi at pinara iyon. Sumakay ako kaagad sa passenger seat after he opened the car door for me.
"Thanks."
"Thank you rin, Klai. See you tomorrow," paalam nito bago isinara ang pinto.
Mistulang nakahinga naman ako nang maayos dahil parang kanina pa ako hindi mapakali. Parang naiilang ako na ewan.
Medyo napaplastikan din ako sa sarili ko dahil tawa ako nang tawa kahit hindi naman totally nakakatawa yong ibang kinukwento niya.
Masaya naman... Masaya naman talaga pero kasi, basta! Di ako makagalaw nang maayos, puro lang ako tango, ngiti, paalam pupunta ng CR. Ganoon lang. Ni hindi ako makasingit ng kwento pero okay lang kasi wala naman akong maikukwento.
He'll ask me few things about me at yon na ang ambag ko sa mga oras na iyon.
"Saan ka, Ma'am? Sa bahay n'yo o sa puso ko?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Eh?
"P-po?"
Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong kilala ko ang boses nito, ang korni nitong banat, ang likod niya, ang buhok niya at ang ngiti ng mata niya sa rear view mirror.
"YULIAN?!"
"At your service!" nag-salute ito at binalik ang atensyon sa kalsada.
Nakabawi naman na ako at naalala kong maraming raket ang taong ito. "Kailan ka pa naging taxi driver?"
"Matagal na rin," tipid nitong sagot.
Uh! Ang awkward naman! Ano na? Ngayon lang ulit kami nagkita after that incident. Tapos, sobrang awkward pa talaga ng pagkakataon.
"Mukhang may date tayo, ah?" biro nito which made me flinch. May halong bitterness sa boses nito or imagination ko lang. "Kaya ba hindi ka nagre-reply sa akin? Kaya ba parang umiiwas ka? Kasi may, alam mo na, may magagalit na?" this time, totoo na. Totoo na talaga na may bahid ng bitterness sa tono niya, maging kalungkutan. His eyes speaks for himself the most. Hindi ko ito matagalan ng tingin kaya binaling ko na lang ang tingin sa labas.
Huminga ako nang malalim bago sinubukang muling titigan siya sa salamin. "Hindi ko kasi alam kung ano bang sasabihin ko sa yo," I honestly told him.
Itinigil nito ang taxi napayuko. Napansin kong nasa tapat kami ng isang convenience store. Mayamaya ay nilingon niya ako nang may ngiti sa mga labi, pero hindi umabot sa mga mata niya.
"Gusto mo mag-Yakult?"
**
Masyadong tahimik si Yulian. Ni hindi niya ako nililingon nang makabili na kami at umupo muna sa labas ng convenience store at pareho kaming may hawak na tig-isang pack ng Yakult.
Akala ko, uupo siya sa tapat pero sa tabi ko ito umupo.
"Ah, Yulian. Gabi na kasi," sabi ko na ikinagulat niya. Ganoon na ba kalalim ang iniisip nito? "Uy, okay ka lang?"
"Sensya ka na, Ma'am. Medyo pagod kasi ako. Kagagaling ko lang sa isang part-time ko." He seems lifeless. Halata nga sa mukha nito ang pagod.
"Umuwi ka na kaya? Magpahinga? Bakit ba kasi ang dami mong kinukuhang trabaho?"
Matipid na ngumiti ito. "Nataon lang na kulang sila sa tao, kaya rumaket na rin ako. Etong taxi naman, paminsan lang din. Pauwi naman na talaga ako," sagot nito.
Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Kahit itago niya pa ang mata niya sa suot na sumbrero, naaninag ko pa rin. I can't help but to worry about him.
"You really should go home! Tingnan mo nga ang itsura mo, mukha ka nang—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inihilig nito ang ulo sa balikat ko. Mistulang na istatwa ako sa kinauupuan. Lilingunin ko sana siya pero siniksik lang nito ang ulo sa leeg ko.
"Yulian—" halos bulong ko.
"Pa-charge muna, lowbatt ako, e."
Huminga ako nang malalim at marahan bago inayos ng kaunti ang upo. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot.
Bakit parang ang bigat ng loob ko ngayong nakikita ko siyang ganito? Bakit parang nagi-guilty ako? Above all, bakit parang ngayon ko lang naramdaman na na-miss ko siya?
Ang weird.
Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. Magkakaroon na ba ako? Bakit sobrang emosyonal ko naman ngayon?
Ininom ko na lang ang pangatlong Yakult para mapatingala ako at maiwaksi ko ang pangingilid ng luha.
"Ma'am?" iaangat sana niya ang ulo niya pero pinigilan ko iyon gamit ang kabilang kamay. Ayoko na makita niya ang mukha ko ngayon.
Nahawakan ko ang bandang pisngi nito at naramdaman ko ang paghinga niya. He removed my hand and played with it. Hinayaan ko naman ito.
"Bakit?" I asked.
"Sorry ulit."
I bit my upper lip. "Wala yon, wag mo nang isipin yon."
"Sorry kasi hindi ko iyon pinagsisisihan," he said like he's smiling based on his tone.
Natawa lang ako.
"Sungalngalin kita riyan, e!" biro ko.
"Ma'am?"
"Ano?!" I asked using my annoyed tone pero hindi naman talaga ako naiinis.
"Na-miss talaga kita. Seryoso."
Ako rin. "Di kita miss!"
"Ouch. Double kill. May kasama ka na ngang iba kanina, tas sasabihin mo ang di mo ako miss? Na-lowbatt na naman ako." kunyari ay nalanta ito dahilan para mas sumandal ang katawan niya sa akin.
Napaismid ako. "Oh, ano naman kung may kasama ako?"
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo," he said, I mean, he sang.
Kinuha ko na lang ang kamay ko at inalis ang ulo niya sa balikat ko sa inis.
Ano ba ang gusto niyang mangyari? Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Bakit hindi na lang niya ako diretsahin.
Puro lang siya biro. Nilalandi niya lang ako pero parang wala namang ibang ibig sabihin!
I mean, okay, we kissed. After that, ni hindi naman namin iyon pinag-usapan. Puro sorry lang, puro pahapyaw lang.
Okay, nandoon na ako. Ayoko naman talagang pag-usapan iyon kasi baka dala lang naman iyon ng kalasingan. At isa pa, wala na rin akong ibang excuse pa roon so better not to talk about it. But still, isa pa, kahit gustong gusto kong malaman kung may meaning ba iyon sa kanya ay hindi ko magawang magtanong. Sorry pero ganoon ka-messed up ng utak ko.
Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya, nagmartsa na lang ako pabalik sa loob ng taxi. Sa shotgun na ako umupo this time. Ayokong magsalita kasi oras na binuka ko ang bibig ko, baka pagsisihan ko lang ang mga sasabihin ko.
Bumalik na rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Alam kong nakikiramdam siya pero hindi ko na pinansin hanggang nakarating na kami sa bahay. Babayaran ko sana ito pero hindi naman niya tinanggap kaya bumaba na lang ako.
Ayoko ng ganitong feeling. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao, e. Buhay nila yon. It's their choice kung paano nila haharapin ang mga bagay-bagay but still, I never felt this guilty.
Why do I feel like it's my fault for not minding what happened back there? Kapareho na rin ng pagka-guilty ko kung bakit hindi ako hundred percent genuine towards Renz.
I hate it but I can't help but to remain silent. I can't involve myself in a confrontation. Maybe I need some time? There's no need to rush naman, di ba? End of the world na ba para magmadali ako?
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa bahay ay narinig kong may nag-message sa akin. I checked it and it was an unknown number.
Good night maam.
Nilingon ko naman ang taxi at nakita kong nakatingin si Yulian sa akin. Ngumiti ito at nag-salute pa. Nginitian ko na lang din siya at pumasok na lang.
I typed a reply.
Umuwi ka na. Rest.
Hindi ko na ito nilingon at diretsong pumasok na lang sa loob. Naabutan kong busy si Klover sa sala at nagkukunyaring nagre-review pero dinaanan ko lang ito kahit ininsulto niya pa ang mukha ko.
I guess another sleepless night is waiting for me.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro