Chapter 21. There's A Next Time
Klairey
-
Lutang. Bangag. Sabog.
If you would describe me using three words for today, iyang tatlo ang best choices.
Maybe I'm overreacting but I didn't get enough sleep last night. For real. Do I ever slept? I'm not so sure.
"Ikaw lang ang nililigawan na hindi man lang nag-e-effort para magpaganda," Crisha beamed in front of me. We're at school cafeteria and just finished our lunch, umiinom ng Yakult habang nagpapalipas ng oras.
Yep, I said yes and yep, I already told these two people na nililigawan na ako ni Renz.
Inamin ko na since nakita nilang may red roses sa table ko pagdating ko kaninang umaga. And Crisha said that she caught Renz in the act! Knowing Crisha, no news will ever be a secret. Puro tukso tuloy ang inumagahan namin ni Renz kanina sa buong office.
And between us two? Siya ang pulang pula na natatawa na nahihiya na mukhang natatae. Ako, galit-galitan lang para tigilan ako. Napansin naman nila ang eyebags ko kaya iyon din ang pinagdiskitahan nila at hindi na ako makalusot.
Ni hindi namin matingnan ng diretso ang isa't isa. I hate to admit it but I'm so distracted. I tried looking at his direction to see his face at ayun, tinukso lang ako nang tinukso ni Kuya Dong. Kainis talaga!
Napasapo ako sa noo. Bakit nga ba ganito ako kaproblemada? Siguro, lahat ng babaeng nililigawan, feeling nila, sila ang pinakamaganda, walang pores o pang-beach body ang datingan. But me? I don't know. Pakiramdam ko, nape-pressure ako.
Sabi niya kasi, di ba, bigyan ko lang siya ng chance para patunayan ang sarili niya sa akin. I don't want to deprive him with that.
At saka... Keshe nge, de be...
I stood up and get my things. "Let's go back to the office."
"Mauna na kayo, mga ate, may gagawin lang ako," Hazel said while holding her phone firmly.
"Sus, kikitain mo lang yong manliligaw mo, eh! Ay ano ba yaaan! Ako ang pinakamaganda rito pero ako ang walang manliligaw! Diyan na nga kayo!" Nagmartsa na si Crisha palayo sa amin. Nagkatinginan kami ni Hazel at awkward na napangiti sa isa't isa.
Nang makabalik sa office, dali-dali akong nag-toothbrush at nag-retouch. Sabog ka na nga, ka-career-in mo pa? No-no.
"Good afternoon, Maam!"
Mabilis akong napalingon sa likuran ko only to find our janitor na nagma-mop. Tumango lang ako at bumalik na sa opisina.
My heart skipped a beat upon remembering Yulian. At parang package na na kapag naalala o nakita ko siya, naalala ko rin yong nangyari sa pool area. Isa pa iyan siya!
He'll kiss me and tell me he's sorry and he misses me and will never show his face in front of me. He's the weirdest of all!
God! Help me how to deal with those people?!
"Klai?"
"Ay bakla!" I immediately covered my mouth dahil tulog pa ang iba.
Gulat na gulat ako sa pag-approach sa akin ni Renz. Napakamot ito sa ulo at alanganing napangiti. "Hindi, ah."
Nataranta naman ako. "Uy, hindi. Mali. Ano kasi... Ginulat mo ko!" bulong ko. Buti nga at hindi ako nakapagmura! Pero halos ganoon na rin ang epekto noon. Bad, tongue!
"T-thank you nga pala for giving me a chance." He sweetly smiled at me and my heart almost melted. Bakit ba siya gumagwapo lalo sa paningin ko? Uh! Mabuti at hindi nakakabasa ng isip ang ibang tao dahil kung hindi, baka lumaki na ang ulo nitong kaharap ko.
What will I respond? You're welcome? Saka pang ilan na bang thank you ito?
"Sorry. Do I creep you? I didn't mean to. At kung—"
"No. No worries. You don't have to say sorry."
Mistulang may sasabihin pa ito dahil hindi pa rin siya umaalis sa tabi ng cubicle ko. Everyone is sleeping dahil break time pa.
"Ah, thanks. By the way, may lakad ka ba tonight? I mean, I want to ask you out sana kung wala naman?" He scratch his nape at hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Ha? Ah, ano eh." I trailed off. Gosh. I didn't know na nakakakaba pa rin pala kahit na matanda ka na na nililigawan. Maintindihan ko pa siguro kung teenager pa ako, eh.
"Sorry. Masyado bang mabilis? I'll take it slow. You know, I just want both of us to, you know, get to know more about each other." He paused and breath. "I'm really sorry."
"Hey, love birds! Magpatulog naman kayo." Inangat ni Chrish ang suot na panda eye mask at tinirikan kami ng mata. I know she's still trying to nap kaya nagtulakbong din ito kaagad.
"Renzo, iba rin ang trip mo no? Tanghali manligaw? Kung sabagay, tulog na yan si Klairey kapag gabi na," inaantok pa pero nang-aasar na itong si Kuya Dong.
Nahihiya man, natawa na lang din si Renz at napakamot sa ulo. "Mahirap na Kuya. Baka maunahan pa po, eh."
I feel the heat on my face when he said those. Inulan na naman tuloy ako ng tukso ni Kuya Dong.
"Naku, Klairey. Tatahi-tahimik lang talaga yang si Renzo pero matinik yan! Inuunahan na kita."
"Kuya naman, eh. Wag n'yo pong takutin si Klairey. Baka magbago ang isip at bawiin ang permission niya." I really wonder where Renz got his guts to be blunt like this. I mean, tahimik talaga siya sa amin. But today, he's kind of different. There's nothing wrong. Wala naman siyang sinasabing masama or anything. Basta, nakakapanibago lang.
Napaismid na lang ako at tinarayan siya. I guess, I have to use this card whenever I'm speechless or I can't get out of an awkward situation.
"So, Klai? Dinner lang then I'll send you home," bulong niya sa akin. Nakakatawa ang mukha nito kasi parang ayaw niya talaga na marinig siya ng kung sinuman.
Tumango na lang ako. Okay na rin ito. At least, magkaalaman na rin ng mas maaga. I know, I can't force my feelings pero ramdam ko naman, eh.
**
Okay na ako sa food court o kaya fast food chain pero dinala ako ni Renz sa isang Asian inspired restau.
"I told you, napakamahal dito." I hissed as I continue to scan the choices. I can't decide. Isang order lang, kulang-kulang tatlong daan na! Obvious naman na maliit lang ang serving. Ano bang ingredients nito, ginto?
"I told you to never worry. I got you. Saka hindi naman sobrang mahal. Sorry, dito lang ang kaya ko sa ngayon pero babawi ako. And besides, nagpapa-impress nga ako sa yo, di ba?" he winked at me at tumawa bago itinuon muli ang atensyon sa menu.
He winked at me. Gosh! What's wrong with him? Okay, he's cute right there. I love looking at his eyes whenever he smiles dahil nawawala iyon. But is this really Renzo? Never kong na-imagine ito.
Especially na hahantong kami sa ganitong stage? Never. Kahit pa sabihin kong crush ko siya? Kasi hello? He's too silent and never nagpakita ng kahit na anong signs na may gusto siya sa akin. Ni hindi niya nga ako pini-PM sa Messenger?
"Tapos sa umpisa lang ganyan, pa-impress kuno. Di naman nagtatagal. Pare-parehas kayo," I almost whispered enough for him to hear it.
"Ay, hindi ah! Grabe? Nilahat agad? Anong hugot mo, Klairey? Tell me," binaba nito ang hawak na menu at nangalumbaba sa harap ko, like he really wants to listen to my story.
Na-conscious ako bigla but I try my best not to show it. "Eyes on the menu and don't look at me like that, Renzo San Miguel. Tusukin ko mata mo, eh!" pananakot ko.
He laughed heartily. "You're really funny and cute, Klairey." umiling iling pa ito at binasa ulit ang menu.
I glared at him. "Being funny and cute aren't my thing."
"Fine, fine. But you really are. Hey, may napili ka na ba?"
"Ayoko na kumain."
"Sige na, binabawi ko na. Di ka na cute, di ka na rin funny," natatawa nitong sabi.
"Ah, ganoon? So bakit mo ko nililigawan?" I asked jokingly. But I later on realized that was a bad move. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero napangiti lang ito.
"Mas malabo ka pa sa mata ko, no? Hmm? Anyways, I'd rather choose a blurry vision than a vague life without you."
I scowled at him at ibinalik ko na lang ang tingin sa menu. Halos isubsob ko pa nga ang mukha ko roon kahit maduling pa ako sa kakabasa ng mga nakasulat para maitago ang mukha ko at ang ngiti ko na tumatakas sa labi ko. Argh!
Pisting Renzo!
Um-order na kami at saglit na nagpunta muna ako sa restroom. Sinampal-sampal ko pa ang mukha ko para mahimasmasan ako kahit pa paano.
Dapat ba, ihanda ko na ang sarili ko sa mga bagay na ganito? Ngayon palang, nao-overwhelm na ako. Paano na lang kung masanay ako? Ta's bigla lang naman palang mang-iiwan sa ere? Ang hirap talaga kapag marami kang trust issues.
Nang makabalik ako sa table namin ay mistulang abala si Renz sa cellphone nito. Natatawa pa ito nang bahagya. I cleared my throat at agad naman niyang pinatay ang cellphone niya.
"You're fast." parang gulat pa nitong komento.
Tumango lang ako. Itatanong ko sana kung sinong ka-chat niya pero hinayaan ko na lang. Ano, girlfriend? Girlfriend?
Dumating na rin ang pagkain namin and we ate in silence. The food tastes good. Sa mahal ba naman, eh. In-enjoy ko na lang hanggang nag-order na lang kami ng dessert. Wala bang Yakult dito?
"You like the food?"
I smile a little and nodded. "Thanks!"
"Wag ka munang mag-thank you. Baka hindi na maulit," biro niya but I'm Klairey and I take jokes as half-meant like all the time.
I rolled my eyes. "It's called courtesy, duh?"
"So there's a next time?" he excitedly asked, eyes seems like twinkling.
Inismiran ko lang ito. "Depende sa schedule."
I saw how his shoulders drop and he pouted. Goodness! Why is he acting so dejected and cute at the same time?
"All of a sudden, I feel so sad. Your fault, Klairey."
Medyo na-guilty naman ako pero totoo naman. Depende na yon. Pinagbigyan ko lang siya ngayon, pero bukas, kailangan ko nang umuwi nang maaga para maglaba, maglinis ng bahay at pig pen, matulog nang maaga, etc, etc.
"Wag kang magpa-cute!"
He cupped his cheeks and pouted like a bubbly child, very far from the Renzo that I used to know. "I'm not!" he said innocently.
I can't take his cuteness dahil sa pagka-fluffy ng cheeks nito kaya inirapan ko na lang siya.
Walang hiya talaga!
I felt like my heart is betraying me.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro