Chapter 2. My Brother Is A Pig
Klairey
-
It was the last day of enrollment and I am just so happy that I won't have to deal with those college students anymore!
I was kind of thankful that Hazel was there to assist me. Hindi siya mahirap i-train. She's definitely a fast learner with a very pleasing personality. Parang lagi itong hyper at puno ng energy kahit na bandang hapon na. Kumbaga, hindi nalo-lowbatt, laging full charge at parang na-beat nito ang energy gap. I guess, ganito talaga kapag bago ka pa lang sa trabaho– bibong bibo.
Yes, I'm complimenting her inside my head. She must be so proud of herself once she knew about this dahil hindi talaga ako mahilig magbigay ng compliment sa isang tao. Once in a blue moon lang and surely it's sincere when I do it. I don't want to speak a word without meaning it.
Ang iba ay napakadali lang magbigay ng papuri kahit minsan ay hindi naman totoo o wala naman talagang basehan. Napapangiwi na lamang ako kapag nakakarinig ako ng mga bagay na hindi angkop para sa sinasabihan nito. I am not a fan of white lies. A lie is a lie. Kahit sabihin nila na para lang huwag kang makasakit ng tao, kailangan mong magsinungaling ng kahit kaunti lang. Sinasabi lang iyon ng mga taong ayaw ma-guilty. Dinadahilan pa ang "white lie" para pagtakpan ang guilt nila. I just don't understand why others have to do that when you'd feel more guilty when you tell a lie, wouldn't you?
For the past two weeks ay kaming dalawa lagi ang magkasama kahit lunch break and for the record, that was the longest time I've ever been with my officemate. I don't usually join anyone during lunch break. I prefer eating alone on my cubicle most of the time.
To start my day right, I played Pink's song entitled Fucking Perfect and jammed with it while I was cooking, na minsan ko lang nagagawa. Madalas kaming bumili na lang sa labas ng luto.
Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa earphones ko. Nang lingunin ko ang asungot ay hindi nga ako nagkamali. It's Klover, my evil brother in his boxers. It looks like he woke up at the wrong side of the bed based on his ugly face. Akala ko ay himala na maaga itong nagising. Naalala ko na ngayon nga pala ito magpapa-enrol. Hinintay pa talaga ang last day para daw save the best for last. As if he's the best. Iw.
"Ang lakas ng boses mo! Kasing lakas ng loob mong kumanta pero wala ka naman sa tono," he said huskily sabay kamot sa puwet at papungas-pungas pa. Kadiri! If only I could take a video of him at i-upload ko sa Facebook, malamang mag-viral ito dahil sa mga stalkers niya. Hmm? Not a bad idea. Maybe, next time. Makapag-install nga ng CCTV dito. Pam-blackmail lang kapag inaasar niya ako. I laughed evily at the thought.
"Excuse me, baboy. Nasa tono ako. Inggit ka lang kasi." Pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko nang aktong papasok na ito sa CR. Bago sinara ang pinto ay nag-iwan pa ito ng isang malakas na utot. As in iniwan niya pa 'yong puwet niya sa nakaawang na pinto! Sabi nila, kapag malakas ang utot, wala raw amoy. Ang sabi ko naman, fake news 'yon dahil ang baho talaga! Ang baboy!
Dalawa lang kami ni Klover dito sa apartment na nirerentahan namin. Dalawa ang rooms na kinuha ko dahil lang sa isang bagay– napakalakas humilik ni Klover! Kahit nga nasa loob na ako ng kwarto ko ay dinig pa rin ang hilik nito. Mabuti na lamang at lagi akong nauunang makauwi sa kanya kaya tulog na ako pagdating niya. Kung hindi ay baka na-pillow murder ko na itong kapatid ko. Ayaw ko talaga ang naiistorbo ang tulog ko dahil matagal ako bago makatulog ulit. Sino nga naman ba ang may gustong maistorbo ang tulog? Sasampalin ko.
Graduating na ito sa college this academic year doon din sa school na pinagtatrabahuhan ko kaya kaunting kayod na lang at mapapalayas ko na rin itong baboy na ito.
Though hindi naman totally na pabigat sa akin itong kapatid ko dahil may sideline siya sa isang bar. Tinanong ko kung anong klase ng trabaho ang mayroon siya sa bar na sinasabi niya at ang sagot niya lang ay macho dancer daw siya. Walang kakwenta-kwentang kausap, 'di ba?! Hinayaan ko na lang as long as he promised to be safe always at basta hindi siya manghihingi ng dagdag na allowance sa akin.
Afterwards, naghanda na ko para pumasok. Mabuti at hindi matagal gumamit ng CR si Klover. Mas matagal pa siya sa harap ng salamin kaysa sa banyo. Kabaliktaran ko, mas matagal ako sa banyo pero saglit lang mag-ayos sa harap ng salamin.
Ang problema ko lang dito ay napakaburara sa gamit. Hindi ko ma-imagine kung ano ba'ng pinaggagagawa nito sa loob ng banyo at laging wala na sa ayos ang mga lalagyan ng sabon at mga bote ng shampoo. Hindi man lang naawa sa akin, ginawa pa akong tagasunod ng kalat niya. Pasalamat siya at hindi pa ako napapagod sa kanya.
"Hoy, 'boy! Magbabaon ka ba?" tanong ko sa kapatid ko. Inaayos nito ang buhok na para sa akin ay wala namang pinagbago kahit isang oras pa siyang humarap sa salamin. Mabuti at hindi pa nagka-crack ang salamin namin dahil sa tagal niya sa harap nito.
"Hindi, 'goy. Hindi cool ang magdala ng baon sa school," bored na sagot nito. Naging tawagan na namin ang baboy at unggoy simula pa noong mga bata pa kami dahil napakataba ni Klover noon at ako naman ay mahilig umakyat ng mga puno dahil ayoko ngang makipaglaro sa iba. Naisip ko na sa itaas na lang ako ng puno para makaiwas sa iba. Tinatawag naman akong "ate" ng baboy na ito kapag nasa bahay kami ng grandparents namin. Pabida kasi. Kunyari ay siya ang mabait at ako malamang ang lalabas na hindi.
"Ha! Hindi nga cool pero economic naman. Ang mahal ng paninda sa canteen, sayang ang allowance mo. Aba, hindi porque may sideline ka, gagasta ka lang nang gagasta. Minsan, magtipid ka at mag-ipon, oy!" asik ko rito habang naglalagay ng baon sa lunchbox ko.
"Ang dami mong sinabi. Sinabi ko ba na bumibili ako?" Sinuot na nito ang paborito niyang pull over jacket dahilan para masagi ang buhok nito at magulo. "Ayan! Nagulo tuloy! Ingay mo kasi, eh!"
"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating tanga, sana una mong sinuot ang jacket mo bago ka nag-ayos ng buhok."
"Hayst!" parang bata na asik nito at napapa-pout pa. Mas lalo siyang nagmukhang baboy. Dahil doon ay nadagdagan na naman ang oras ng pananatli niya sa harap ng salamin. "Maraming nagbibigay sa akin ng lunch sa school. Ako na lang ang pipili kung ano'ng kakainin ko."
I rolled my eyes in amazement. Yes, it's sarcastic. "Wow? Ano ka? Nuno sa punso para alayan?"
Hindi ko makakalimutan na maraming stalkers etong mokong na ito. Aba one time habang magkasama kami sa supermarket, bigla ba naman akong inaway ng isa niyang stalker at inirapan pa ako bago yumakap na parang tarsier sa braso ni Klover. Mabuti at nakapagpigil akong ihampas sa kanya 'yong push cart. Naalala ko lang na hindi nga pala ako nananakit ng hayop. Kung hindi ay baka mas lalong lumuwa ang mga mata ng babaeng tarsier na iyon.
Isang beses pa ay inutusan akong ibigay 'yong regalo nilang cake kay Klover noong birthday nito dahil akala nila ay kasambahay raw ako ng baboy na ito. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko nang panahong iyon! To make the story short, ang ending, ini-slice ko iyon at ipinamigay ko sa officemates ko. Syempre nagtaka sila dahil namigay ako ng pagkain pero kinain pa rin naman nila. Choosy pa ba? Libre na nga, 'di ba?
"Ganito talaga kapag sikat. Palibhasa, hindi mo naranasan. Tch."
"At least, hindi ako nagmukhang patay-gutom. Sigurado ka ba kung safe iyang mga lunch na ipinagmamalaki mo? Mamaya niyan, ginagayuma ka na pala o unti-unting nilalason. Ikaw rin," pang-aasar ko rito.
"Gawain mo? Gawain mo? Ba't mo alam?"
"Excuse me. Never akong nag-pack ng lunch para ipamigay lang sa iba. Kung babayaran ba nila ako, eh, bakit hindi?"
"Tss. Mukha ka kasing pera. Tingnan mo 'yong mga manliligaw mo dati, kung hindi mukhang alkansya, mukha namang pig--gy," he said at humagalpak ng tawa.
Nawala na ang maganda kong mood kanina. This little son of a cat! He must be referring to my classmate wayback in elementary na hindi naman talaga ako nililigawan. Ang galing talaga nitong gumawa o bumaliktad ng kwento.
"Aba! Baka nakakalimutan mo, Mister Kloverio Ramos, pinapag-aral pa kita. Kailangan kong kumita para mapag-aral kita. Etong mukhang pera na ito ang nagpapaaral sa 'yo," nanggagalaiti kong sabi.
He acted like cleaning his ears and looked at me mockingly. "Putak ka nang putak. Kaya walang nanliligaw sa 'yo, eh." Mabilis na pinulot nito ang bag bago lumayas. Mabuti at mabilis ang pagkilos niya, kung hindi ay naabutan siya ng lumilipad na tsinelas ko.
"Busy ako kaya wala akong oras mag-entertain ng manliligaw! Bwisit ka! Mabungi ka sana! Baboy kaaa!" I shouted at his back.
Ha! Hindi lang talaga ako nagpapaligaw dahil busy ako. Period na may exclamation point! Ang kapal ng mukha ng batang iyon porque't siya ang nililigawan ng mga babae. "Ibibidyo talaga kita at ilalagay sa Peysbuk! Akala mo, ha?! Lintik lang ang walang ganti!"
Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung bakit kaya ako binigyan ng isang baboy na kapatid na katulad ni Klover. Siguro ay isa akong pigsa sa singit sa past life ko na sobrang nagbigay ng pasakit sa tinubuan ko kaya isinumpa niya ako na kapag magiging tao ako sa susunod na buhay ay magkakaroon ako ng baboy na kapatid. Or to be more logical... kaya siguro biniyayaan ang iba ng kapatid ay para ipahayag na huwag madaliin ang buhay at pagkakaroon ng love life, darating iyon sa tamang panahon at ang panahon na iyon ay kapag napagtapos mo na ang pinapag-aral mo o baka naman para subukan lang talaga ang pasensya mo.
Pakiramdam ko ay 'yong huli talaga. Aanhin mo naman ang love life kung pareho lang iyon na masakit sa ulo at magkaroon ng kapatid na kagaya ni Klover. Double kill na.
To sum it up: Having a brother is okay. But having Klover as a brother is definitely not okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro