Chapter 18. When You Least Expect It
Klairey
-
Weeks have passed at mukhang kahit pa paano ay okay naman na si Crisha. I warned her that if she did that again, hinding hindi ko siya papatawarin ever!
Our relationship since then deepened. Napagpasyahan naming huwag na lamang ikwento kay Hazel ang nangyari dahil masyadong bata pa ito at baka hindi niya pa lubusang maintindihan.
Speaking of Hazel, she's acting weird for the past few weeks. Her admirer still keeps on bugging her at lagi itong iritable.
There were moments that she's not. When Yulian is around.
I find it weird. Is she that fond of Yulian kaya good mood ito tuwing nakikita niya ang isa? I can't help but think that she has something for him. Kung sabagay, she said before that she wanted a kuya like Yulian and also an ate like me. Baka nga ganoon lang.
And also speaking of that weirdo dude (as per Klover) he never misses a day without throwing his 'sweet corn lines' (as what he calls it) to me. Isa pa yan eh! Kung gaano kakulit nung manliligaw ni Hazel, ganoon din ito sa akin. The difference is that he's not courting me.
Naging busy na rin ako sa paghahanda ng Bridal Shower for Ate Melo. Three weeks from now ay ikakasal na ito. Crish has been a great help when it comes to creative, funny and somehow daring ideas! Her crazy mind is very useful to us.
Against lang ako sa ibang ideas niya dahil parang ang bastos? But yeah, nabansagan lang akong KJ! Whatever! Basta, ie-explain ko kaagad na hindi ko ideya yon. Kasali rin si Hazel sa pagpaplano namin.
Until the day comes.
We rented a place na may pool. And the three of us, Hazel, Crish & I decorated the place with different designs and sizes of dream catcher & stuffs to achieve the Bohemian theme. Na-satisfy naman ako sa kinalabasan ng paghihirap namin. It's just simple and medyo rush na kasi nag-undertime lang kami to fix things up.
"Ate Melo? Where are you," I called her as we do the final touches of the venue. It's already 6 in the evening and narito na ang lahat ng mga kaibigan at employees na babae ni Ate.
"On my way, Eklai. You guys didn't prepare much, did you?"
"And you're not driving, aren't you?" I asked in return thinking that she's on her way.
She chuckled a bit. "Of course not! Hulaan mo kung sino ang driver ko?"
"Don't tell me it's Kuya Jim?" I rolled my eyes.
"I'm here!" Napansin ko naman ang sasakyan niya na nagpa-park na. Agad ko namang binaba ang tawag at sinalubong ito.
"Ate!" Niyakap ko siya nang makababa sa sasakyan. She looks dashing as ever. Did I miss her this much?
"Eklai! Thank you for organizing this party! I'm so excited! By the way, you wanna say hi to my driver?"
"Hi Maam!"
Nagulat ako nang lumabas si Yulian sa driver seat.
Sabi na eh. Galing kasi si Ate sa Starry Night kaya siguro nagpahatid na lang ito.
"Saan ang lamay?" I asked when I saw his all black attire na bumagay naman sa kanya. Black isn't refreshing to eyes but Yulian wearing black is unusual. Mukha pang naka-eyeliner ito. Eto pa ang theme nila sa kabila? Yup, it's also Kuya Jim's bachelor party.
"He insisted to drive me here just to see you," Ate whispered and giggled like a high school student.
Inirapan ko ito. Why would he wanted to see me? Halos araw-araw naman kaming nagkikita lalo na kapag nagde-deliver ito sa office.
"Sa puso ko...na patay na patay sa 'yo." He said that made me puke. What the hell is he talking about?
"Uy! Bagay talaga kayo!" Ate Melo exclaimed na ikinangiwi ko naman. Nakaputi kasi ako na maxi dress with feather prints while Yulian wears a black suit and black shorts na hanggang tuhod at black sneakers. He looked handsome though, I admit. "Yuls, perhaps you would want to court my Eklai here, I'll—"
I cut her off. "Let's go, Ate. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo, eh. Hinihintay ka na ng mga bisita mo."
I don't know if I saw Yulian's hesitant look na mabilis niyang pinalitan ng nakakalokong ngiti. "Mauna na ako, Maam, enjoy po kayo." Inabot nito kay Ate Melo ang susi ng kotse at naglakad na ito palabas ng gate. Agad naman siyang pumara ng tricycle at kami naman ay pumasok na sa loob.
I'm so glad that so far, the party is going well. We let Ate Melo change her clothes into our prepared all white tube dress. Nilagyan din namin siya ng flower crown sa ulo and a baby pink sash that says "bride to be".
We ate and drink! Videoke at sayawan sa buong lugar. It's Crish's crazy idea. Kung ako lang ang masusunod ay simpleng kainan lang at usapan.
"Thanks, Crish!" Aminin ko man at sa hindi ay boring itong party kung ako lang ang nag-isip ng ideas.
"All for you, Klai!" she winked at me and kissed my cheeks. Ugh! I think she's already drunk.
Umarte akong pinahid ang pisngi. "Where's my kiss, too?" Hazel asks at napayakap rin sa amin.
Crish lifted her chin and kissed Hazel on her cheek, too. They both giggled and swayed a little. So I'm going to babysit them instead of enjoying myself too?
Nakita kong masayang nakikipag-usap si Ate Melo sa mga pinsan at kaibigan nito kaya napangiti na lang ako.
"You're both drunk?" I hissed.
Hazel pouted. "Noooo!" pero mukhang hindi na nito maimulat ang mata.
"We should have hired a stripper! Ang boring ng walang konting spice!" Crish straightly said.
Naalala ko naman ang alok ni Yulian and immediately erased the thing on my mind dahil mukhang nahawaan na ako ng pagka-green ni Crisha.
Pinagbigyan ko na halos ang mga gusto niya maliban lang doon. Wholesome lang dapat. Pwede namang ganoon lang ah.
Mayamaya ay unti-unti nang nagpapaalam ang mga bisita. Mabuti at wala namang pasok bukas kaya b-in-ook na namin ang place hanggang bukas. May room na rin kasi itong kasama.
"Eklai, girls, thank you so much!" Ate said for the nth time. Nag-grouphug na naman kami at halos ipitin na nila ako.
Alas dose na at nagpasya na kaming magpahinga sa isang kwarto. Dalawa naman ang room na kasama sa booking namin pero dito pa rin kami nagsiksikan. Bagsak na kaagad si Hazel dahil hindi naman ito sanay uminom. Ate Melo is busy on her phone at parang bad trip pa. Ano kaya ang nangyayari sa kabilang party? Crisha on the other hand is also busy on her phone at naka-headset pero nakangiti naman ito.
Since wala naman akong makausap, in-open ko na lang ang data ko. Naisip ko lang na mag-upload ng pictures namin kanina. At dahil hindi naman ako pala-upload at hindi sanay sa mahabang caption, nag-type ako ng soon at bouquet na emoji.
Kaka-notify palang na upload completed ay pinusuan agad iyon ni Yuan Rosario.
Yes, in-accept ko na rin ang friend request nito dahil sa kakulitan nito. Inaasar ko lang din naman siya dahil naku-cute-an ako sa kanya tuwing halos maglupasay na siya para lang i-accept ko.
Yuan commented on your photo.
I opened the notification at doon lang talaga ito nag-comment sa solo picture ko na nakaupo sa tabi ng pool. Kuha iyon ni Hazel. That kid is good in taking photos and I admit this is my favorite shot.
Hi miss. Malungkot ang mag-isa. Pwedeng tumabi?
Natawa ako sa comment nito. Baliw.
Hindi na ito nag-comment ulit pero nag-pop ang chathead at nag-PM pala ito.
Yuan:
Boring dito maam, pwede ba dyan sa party nyo? Kahit stripper na lang
You:
tapos na ang party, sayang naman sana sinabihan mo ko ulit
Biro ko. As if, I'd let him. Kahit pa sabihin niya na magmamaskara naman ito. Still, no. Gagalingan naman daw niya ng sayaw. Lalong, hindi. Ipapakita niya lang naman daw ang upper body niya at naka-boxer shorts naman daw siya kaya MAS LALONG HINDI!
I almost block him dahil minamantsahan niya ang isip ko. I-imagine? Agh! I hate the word dahil nag-pop talaga sa isip ko ang mga sinabi niya. No way! The girls will see him and no, I don't want their minds to be ruined, too.
Yuan:
Pwede p rin naman maam a, ikaw na lang audience ko
You:
Manyak!!!
Yuan:
Wag ka nga maam, inosente ako. Ano maam? Punta ako dyan?
You:
No. Bat ba gustong gusto mo pumunta rito? Di pa ba tapos jan?
Yuan:
umiinit palang
You:
What?!?
Yuan:
Joke lang! Punta ako dyan
"Eklai?"
I look at Ate Melo and halos maiyak na ito. Dali naman akong lumapit sa kanya.
"Why, Ate?"
Pinakita niya sa akin ang picture ni Kuya Jim na nakaupo at may takip sa mata, may nakakakandong na babae sa lap nito.
I almost gasped when I saw it. Kung sino mang reliable source ang meron si Ate, nagkamali siya ng timing!
"Ate, I think that's normal sa bachelor party?" pag-umpisa ko, unsure pa sa pinagsasasabi ko. "Look, nakapiring naman siya. Kalokohan lang yan ng mga tao roon!"
"Still!" I heared her sniff and that's when I chatted Yulian.
You:
Go here & bring the groom now! Bride saw her with a girl!
Nagpadala ito kaagad ng like emoji as if expecting my message.
"Eklai, I was so happy. Tapos makakakita ako ng ganito," she sniffs again, "But I should trust him right? Wala namang meaning to di ba? Wala namang ibang nangyari after nito di ba?"
Umiling ako nang umiling. "Of course Ate! Kuya Jim loves you! N-napanood ko sa mga movies na ganyan talaga ang bachelor parties." Gusto ko talagang sakalin ang nagpadala noon sa kanya.
Tumango ito. "Ni hindi ko siya ma-contact. Di niya sinasagot ang tawag ko."
"Don't worry Ate. Papapuntahin ko si Kuya Jim dito."
After almost thirty minutes, nandito na raw sila sa labas. Thinking that we might wake the two up, nilingon ko ang mga ito at mahimbing pa rin naman ang tulog. Niyaya ko si Ate Melo sa labas at sinundo namin sina Sir Jim at Yulian sa parking lot.
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. I should have brought a jacket o kahit robe man lang.
There's an awkward silence between us four. Masuyo ang tingin ni Kuya Jim kay Ate Melo na pasinghot singhot pa rin.
"Tara sa loob," yaya ko na lang. Nagkaintindihan naman kami ni Yulian at nauna ng kaunti sa kanila.
Giniya ko silang dalawa sa isa naming kwarto at iniwan muna. Napabuntong hininga ako nang maisara ko ang pinto.
"Maam? Ayos ka lang?" tanong ni Yulian.
Tumango lang ako. "Beer?" I asked.
Dumiretso kami sa venue namin kanina malapit sa pool. Hindi pa kami nakapagligpit at naroon pa ang mga sobrang alak sa chiller.
Pinaupo lang ako ni Yulian sa isang cottage at siya na ang kumuha ng maiinom namin. Nag-aabala pa rin ako para sa dalawa. Ganoon ba talaga kapag ikakasal na? Susubukan pa rin ang tiwala nyo sa isa't isa? Thinking of Ate Melo's attitude, madali talaga itong magselos, magduda at magtampo. Medyo spoiled din kasi ito, palibhasa, bunsong babae.
As the gentleman he is, naramdaman kong pinatong ni Yulian sa balikat ko ang suot niyang suit. "Thanks," I simply said.
Inabot ko ang isang bote ng beer at tinungga iyon. Ako ba ang ikakasal? Bakit parang ako ang namomroblema?
Tahimik lang kaming dalawa habang umiinom. Hindi naman sa nagpapakiramdaman kami dahil mukhang may kanya-kanya kaming malalim na iniisip habang lumalalim na rin ang gabi.
"Maayos nila ang maliit na problema nila Maam, wag kang mag-alala masyado."
"Matatanda na sila." I added, pouting, at uminom ulit.
Natawa naman si Yulian. "Problema mo?"
"Kanina lang, hindi na maipinta ang mukha mo ngayon, cute mo na kaagad? Paano mo nagagawa yan Maam?"
Pabirong ihahampas ko sana ang bote sa ulo nito nang mahawakan niya iyon. Binaba niya ang kamay ko na may hawak na bote at inilapag ang bote sa mesa, pero hawak niya pa rin ang kamay ko.
Tinitigan ko lang ang mga kamay namin. I love the warmth that it gives me more than the suit that embraces me now. I guess, the Yulian effect, with a little drink, is attacking me again.
Nilaro niya ang kamay ko at mas lumapit pa ito sa akin. "Lasing ka ba?" I asked.
Lumiit lang ang mga mata nito, scrunching his nose cutely. "Konti lang," he gestured his thumb and point finger.
"Why are you holding my hand?" Curious lang ako. Because if he would ask me why I'm letting him hold my hand, I would just answer that I like it. And maybe because he's Yulian. There's something in him that I like. Like the warmth he's giving me. Not just physically.
Napangiti ito. Di ko mabasa ang iniisip niya pero sa base sa mukha nito, he's half happy and half sad. Di ko alam kung bakit alanganin ang ngiti nito.
"Gusto ko lang." He shrugged. "Gusto kong hawakan ang kamay mo hanggang kaya ko, at hindi ko bibitawan hangga't ikaw na ang bibitaw."
Nabigla ako sa sinabi niyang iyon. Kunyari ay natawa na lang ako para maitago ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pisting Yulian to! "H-hey! Why so serious? You okay?" Nakakapanibago lang. Ano bang nangyari sa party nila o on the way papunta rito? Parang kanina lang, okay naman siya ah.
Tinungga nito ang laman ng pang limang bote ng beer.
"Klai?"
"Hmm?" I hummed, not minding him calling me by my name. I love the sound of it coming from his lips.
"Gusto mo ba ako?"
Halos nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko inaasahan at hindi ko rin alam ang kasagutan. I haven't assessed my feelings yet. Kahit ako, naguguluhan ako.
"At least, I don't hate you." I safely answered.
I like being with him. I feel so happy whenever I'm with him. And I'm missing him when I don't see him.
But can I fix my mind first dahil hindi ko masyadong ma-analyze dahil baka may epekto lang sa isip ko ang nainom ko?
"D-do you like me?" the courage I have to ask this thing to him is above ceiling. Maybe I should know his feelings for me, too? Ayokong mag-assume pero kung sa mga gestures niya kasi, parang... Parang lang naman. Parang may something.
Matagal itong natulala bago tumingin sa mga mata ko. His face has so much emotions I couldn't figure all out.
He raised his hand and caressed my cold cheek. I hate it because it feels so good at hindi ko nakontrol ang sarili at napapikit ako sa pagdampi ng mainit na kamay nito.
"Wala kang ideya," he said softly.
Just then, I opened my eyes when I felt his breath on my face. He smells alcohol and mint and it's addicting! His manly scent is also an addition to my addiction.
Hindi ako nakagalaw but my eyes has its own mind, they closed as his trembling lips touch mine.
#
B/N:
Thank you pa rin sa nagtityaga sa story na ito. ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro