Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17. You Don't Know The Feeling

Klairey

-

The screeching sound of the truck's tyres caught everybody's attention.

Halos liparin ko na nga ang kabilang kalye pero pinigilan lang ako ni Yulian. Kung isisige ko raw ay baka pati ako ay mapahamak.

I'm holding my tears as my system is filled with worry. These inconsiderate vehicle owners deserve some flat tyres! Hinintay ko pa ang pag-stop muli ng mga sasakyan bago ako makakatawid. If only I could pin their tyres para lamang tumigil ang mga ito, ginawa ko na.

I can't clearly see Crisha's situation on the other side. Nakita ko lamang na nasa labas na ang driver ng truck at may mga usisero sa paligid. Malamang ay wala ni isang tumawag ng ambulansya sa mga taong to!

I rushed to her as the light turns red. Nanginginig ang buong katawan ko na halos hindi na ako makahakbang. Hindi na rin ako lumingon pa kung may paparating bang sasakyan. Ang mahalaga ay makatawid ako ngayon.

I saw her sitting in front of the yelling truck driver. Agad ko itong dinaluhan at niyaya sa may gilid ng kalsada, eyeing every overly inquisitive people around. Tumalikod na rin ang ibang naroon. Iniwan ko muna saglit si Crisha kay Yulian bago ko binalikan ang nagtatalak na driver.


“Oh ano? Ipapakulong n’yo ako? Eh kayo tong tatanga-tanga tapos ako pa ang lalabas na masama! Ano?” sigaw nito. Ah! Ang baho ng hininga ng lasing na to ah. Biglang napalitan ng galit ang nararamdaman ko. Nakakapandilim ng paningin tong taong to. Ang kapal ng mukha! Siya pa ang may ganang magalit. Samantalang ako ang may karapatang manggalaiti rito!

“Alam mo kuya," huminga ako ng malalim." Una sa lahat, ayaw na ayaw kong nakikipag-usap sa lasing.” Nagtitimpi lang ako.

May mga tao talagang nauuna pang magalit kahit na sila ang may kasalanan, ano? Mga salot sa lipunan!

“H-hindi ako lasing!”

Pinamaiwangan ko ito. “Okay. Sabi mo eh. Pero wag na wag mong tatawaging tatanga-tanga ang kaibigan ko. Kung nakita n’yo rin sana kaagad yong tao, edi wala sanang naabala rito! Ano Kuya? Magso-sorry ka na ba? O kung hindi naman… Saan mo gustong masikatan ng araw? Sa presinto o sa morgue?!” walang kagatol-gatol kong sabi. Wala akong pakialam kung mas malaki siya sa akin, o kung may mga tattoo man siya sa katawan o nananapak ang hininga niya! Galit ako and don't mess up with an angry Klairey!

“Hoy Junior! Bilisan mo na riyan, galit na si Boss!” sigaw ng isa sa mga kasama niyang pahinante.

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin. "Nagsasayang ako ng panahon sa mga tatanga tanga! Diyan na kayo!"

"Hoy! Teka!" mabilis na sumakay ito sa truck at pinaharurot ng takbo. Haharangan ko sana ito nang higitin ako ni Yulian. "Pasalamat kang kalbo ka! Ma-flat sana gulong nyo! Maubusan sana kayo ng gas sa gitna ng kalsada!" sigaw ko kahit alam kong hindi na nila ako maririnig. Tiningnan ko naman ng masama ang mga usisero na nakatingin sa akin. "Oh ano tinitingin tingin nyo?! Dyan lang kayo magaling, ni hindi nyo man lang tinulungan yong tao!"

Gosh! Galit na galit talaga to the point na idadamay ko lahat ng humihinga sa mundo.

Maswerte siya at priority ko na rin si Crish. I checked her body for some scratches but thank God, kaunting gasgas sa kamay at siko lang mayroon, or only at least visible to my eyes.

Worry is also shown on Yulian's face. Hinahagod nito ang likod habang hawak ang balikat ni Crish.

"Crisha? Umayos ka nga!" instead of asking her if she's okay, which clearly shows that she's not, here I am, acting like a mother to her lost child. "Don't you know how dangerous that stunt is?"

Nilingon niya ako. "K-klai?"

"Ano?!" sa dami ng sinabi ko, tatawagin niya lang ako! Gosh! I'm so worried about her to death! "Don't you dare do that again! Color blind ka ba? Even color blinds will know how to differentiate green from red! Baliw ka ba, ha? Oo alam kong baliw ka pero ganito ka ba kabaliw? Magpapakamatay ka? Baliw ka? Ha!?" naghi-hysterical na ako rito, wala akong pakialam. Nanatiling nakayuko si Crish habang tahimik na humihikbi.

"Maam," tawag ni Yulian at nang nilingon ko ito ay umiiling ito. Nakabili ito ng mineral water sa sidewalk vendor at inabot ang isa kay Crisha at isa sa akin.

Napabuga ako ng hangin. I need to calm down. My senses are very active when I was angry. Lumagok muna ako bago nagsalitang muli. Ang alat ng nalalasahan kong tubig ngunit hindi ko iyon pinansin. "Fine then! Let's go to the hospital. At least, malapatan man lang ng first aid yang mga gasgas mo. Ipapa-xray na rin kita for assurance. Nauntog ba ang ulo mo? We can also—"

Bigla itong kumalas kay Yulian at napayakap ng mahigpit sa akin. Tuloy-tuloy na ang buhos ng mga luha nito hanggang hindi ko namalayan ay umiiyak na rin pala ako.

Yes, I'm also crying because of extreme anger and worrisome. I hate that kind of mixed feelings.

I don't know what her struggles are but I can feel that she's in deep sorrow right now. Hinagod ko ang likod nito. I want her to feel that somehow, maramdaman man lamang niyang may karamay siya.

Nakasama ko na siya for some years, at kahit recently lang kami naging close, alam ko na isa na siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Tumikhim si Yulian sa likod ko. "Dalhin na natin siya sa ospital, Maam."

"Mabuti pa nga—"

"No. Please no? Ayoko roon. Please, Klai? Okay lang ako. Kaunting gasgas lang to. Iba kaya kapag masamang damo," she joked at hindi ako natawa. Hindi nakakatuwa. Wala nga siyang kalahati sa kamalditahan ko, ta's masamang damo?

"No!"

"Klai, please? I can handle myself. O-okay lang ako. Alam kong wala namang malala na nangyari sa akin, eh." She gave us meaningful look. "At saka, ayokong makapasok ng ospital, sa ngayon."

Minasahe ko ang sintido. My patience thread is just so tiny at ayoko na hindi nasusunod ang gusto ko lalo pa at alam kong tama naman na dapat siyang magpatingin sa doktor.

"Maam, mabuti pa nga siguro, ihatid na lang natin si Crisha?"

"N-no. Ayokong umuwi. Please send me s-somewhere else."

Sa huli ay dinala ko ito sa apartment namin. Ilang kanto na lang naman ang layo nito sa kalyeng iyon. Nagpapasalamat din talaga ako at saktong doon kami dumaan ng ganoong oras.

Kung hindi... Ah! Ayoko nang isipin!

Nadatnan naming nakahilata si Kloverio sa sala namin at walang T-shirt kaya napatakip ito ng throw pillow sa katawan. Sa gulat na rin nang makitang may kasama ako.

"Mister Yu!" nag-fistbump pa ang dalawa.

"Uy Klover lover boy! Tara muna sa labas?" mukhang nagkaintindihan naman ang dalawa. Hinablot nito ang nakakalat ng sando sa sofa at dinala maging ang throw pillow. "Sa labas lang kami, Maam, Crish."

Tumango ako. "Thanks, Yulian." tipid na ngumiti it bago sumunod kay Klover sa labas ng bahay.

"Crish, gusto mo ng tubig? Juice? Ah. Alam ko na. Tara sa kwarto ko saglit."

Tahimik na sumunod lang ito. Nakakapanibago na naka-zipper ang bibig nito. Kilala ko siya bilang masayahin at pinakamaingay na taong nakilala ko but seeing her now is seeing a very different Crisha. Bigla na naman akong naawa rito.

Pinahiram ko muna siya ng pantulog at tsinelas na pambahay. Nagpalit na rin ako ng damit bago lumabas saglit. Pagbalik ko ay nakabihis na ito. Dala ko na rin ang first aid kit, dalawang can ng beer at chicha.

Inabot ko rito ang isang can. "Pampakalma." Tinanggap niya naman iyon na bahagya pang natawa dahil sa dinala ko. "Stock namin yan ng kapatid ko. Inumin mo na habang hindi niya pa alam na binawasan ko iyan," biro ko which made her smile a bit.

She pulled the can's ring tab and it made a hissing sound. Binuksan ko na rin ang beer ko at nag-cheers pa bago sabay na lumagok.

Niyaya ko itong maupo sa sahig na may carpet. Tahimik lang kami pareho habang ginagamot ko ang gasgas niya. Sa dami na rin ng tanong ko sa utak ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa iyon? Alam kong suicidal ang gawaing iyon. Ano ba ang problema niya? Bakit wala siyang nababanggit sa amin? Lagi naman itong masaya tuwing kausap namin siya. Nasaan ang pamilya niya at bakit ayaw niyang umuwi? Speaking of family, wala itong naikukwento sa amin tungkol sa pamilya niya maliban na lang sa tinatawag niyang "mama" na siyang nagpalaki sa kanya. Hindi ko matukoy kung totoong ina niya iyon o lola ba? Naisip ko rin kung may nangyari bang malala kanina sa opisina ng head?

Ano? Ano ang uunahin kong itanong?

Bigla itong natawa. Yong tipo ng tawa na nababaliw na. Napahawak pa ito sa tiyan at halos hindi na makahinga. Lasing na ba siya? Nakakaisa palang kami, ah?

"Na- hahahaha- natatawa ako sa- hahahaha sa yo, Klairey!" wala pa ring tigil ang tawa na ito na nakakainis na. Naririndi na ang tainga ko. Kanina lang, iiyak-iyak siya? Ngayon? Ano to? Baliw na ba talaga si Crisha?

Sinamaan ko ito ng tingin. Kung ayaw niyang makuha sa tingin, hihilahin ko ang dila niya.

"Sorry hahahaha!"

"Shut up! What's wrong with you? Baliw ka na ba talaga? Ha? Ipapasok na kita agad sa rehabilitation center!" asik ko.

Kinalma nito ang sarili bago ako hinarap. "Ikaw kasi, eh! Yang itsura mo! Halatang halata na ang daming gumugulo sa utak mo. Marami kang gustong itanong, ano?"

Sumeryoso na rin ito. "Oo. Kung ayaw mo namang mag-share, okay lang din. Basta nandito lang naman kami ni Hazel para makinig sa 'yo. Kahit rinding rindi na kami sa boses mo."

Bigla niya akong niyakap, sinandal nito ang ulo sa balikat ko at pakiramdam ko ay mangangati ako! Ugh! Sige na nga. Ngayon lang naman to. "Aww! Ang sweet talaga ng Klairey namin!"

Huh? "Connecting Klairey to sweet, error!" I told her.

"Okay na ako. The best 'yong beer at sweet Klairey therapy!" she exclaimed like she haven't tried to kill herself a while ago.

I hissed at her before adjusting my seat. I feel uncomfortable but if hugging me will make her feel better, okay lang. "Baliw! Kaunti na lang talaga ay ako na mismo ang maghahatid sa yo sa mental hospital."

Natahimik ito. Nilaro lang ng can ng beer bago natawa ng mapakla.

"Naiinis ako sa sarili to the point na gusto ko nang mawala sa mundo. 'Yong pakiramdam na sinisisi mo na ang sarili mo ultimo kung bakit naubos yong tubig sa dispenser? Nasa ganoon na akong point. Ganoon na ako kababaw. Lahat ng maling bagay, tingin ko, kasalanan ko.

Yong mga utang ng pamilya ko, ako na ang sumasalo. Halos wala na akong itira sa sarili ko, ni hindi ko na mabili yong nga bagay na gusto ko dahil inuuna ko sila. Tapos malaman-laman ko na lang, ginagasta lang sa bisyo ng mga pinsan ko ang perang pinapadala ko. Ginawa nila akong bangko. Tangina nila.

Si Mama naman, neto ko lang nalaman na may sakit sa baga. Nililihim niya lang sa akin para hindi raw ako mag-alala. Kung hindi pa ito nahirapang huminga, hindi ko pa malalaman. Kesyo wala raw kasing pera pangpa-ospital. Pambihira!

Si Bossing pa kanina, halos kulang na lang, i-announce pa sa megaphone yong kapalpakang nagawa ko. Yong tipong mapapaisip ka na 'ah, ang bobo ko nga talaga'.

Tapos... T-tapos tumawag sa akin yong bestfriend ko. I-ikakasal na raw siya."

Bumuhos na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Wala akong nagawa kundi hagurin ang likod nito.

"M-mahal na mahal ko siya, Klai. Aaminin ko, malandi ako, marami akong nilalanding lalaki pero siya lang. Siya lang talaga ang nasa puso ko. Ta's malalaman ko, ikakasal na siya? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin?" humihikbing sinimot na nito ang laman ng can. "H-hindi ko na kinaya. Kanina... Kanina, gusto ko na lang mawala para kahit pa paano, hindi ko na maramdaman 'yong hirap, 'yong sakit. Tao lang din ako, napapagod. Napapagod na lumaban, napapagod na ngumiti kahit sa loob-loob ko, sobrang hapdi. Nakakapagod na lagi na lang akong umiintindi. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust. At wala akong kakampi. Sa laban ko, mag-isa lang ako. Samantalang yong problema ko, nagsasanib-pwersa para mapabagsak ako. Nakakapagod na, Klai. Pagod na pagod na ako. At walang nakakakita ng paghihirap ko."

Lumalim ang paghinga ko. Halos tumagos lahat sa akin ang mga sinabi ni Crisha. Akalain mong napakarami palang hinanakit ang tinatago nito? Despite of her being the very bubbly and easy-go-luck Crisha, eto pala ang nasa kabila ng maskarang sinusuot niya.

Pinahid ko ang luhang naglandas sa mga pisngi ko at sinaid na rin ang beer.

Hindi ko alam ang pakiramdam na ganoon dahil una sa lahat, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin kargo nang mag-isa lang ang pamilya ko. Maswerte ako dahil maayos ang negosyo at trabaho ng magulang ko. At hindi basagulero ang kapatid ko, balahura nga lang.

Hearing Crisha's story makes realize how hard other's troubles despite of what they project. You shall not judge everyone who's so confident that he has no shame at all. Maybe, he's just good in hiding so. People are good in hiding their feelings that's why we shall be sensitive towards other's sentiments.

"Crish? Do you want to hear my opinion?" I asked. My mom once told me that some people might just want somebody to hear their story but not ready to hear other's standpoint. 

Tumango ito at suminghot.

Tiningnan ko ito saglit bago nagsalita. "I understand you, Crish. Believe me. Hindi ko man naranasan ang mga problema mo pero naintindihan ko, nararamdaman kita. But never ever do it again. Alam kong mabigat ang nakapasan sa balikat mo ngayon pero hindi talaga magandang takasan mo ang problema mo sa pamamagitan ng pagpapakamatay o kahit anong pagtakas pa yan. Bilangin mo na lang muna kung ilan ang meron ka at pahalagahan mo ang mga iyon. Ang mama mo, mahal ka lang kasi niya kaya ayaw niyang makita na nahihirapan ka."

Lumakas na naman ang iyak nito. "Klairey naman, eh! Wag mo nga akong paiyakin lalo!"

Ginulo ko ang buhok nito. "Baliw! Ako nga ang pinaiyak mo, eh! Hindi ako iyaking tao, ha?"

"Thank you. Salamat talaga."

I really hope I make her feel better.

"Just open up. We may act like we're not interested but we're listening. And we're always here for you. Alam mo na ang bahay ko. Magdala ka na lang ng beer at pag-usapan natin!"

Tumango ito nang sunod-sunod. "Noted. Noted!" I sigh in relief. "Yulian is very lucky to have you."

"A-ano? Anong lucky ka riyan!?"

Tinusok ako nito sa tagiliran. "Sus! Kunyari pa kayo! Kayo na, no?"

"Hindi ah!" mabilis na pagtanggi ko.

"Eh, bakit kayo magkasama kanina?"

"Hoy! Babae ha? Bakit biglang napunta sa amin ang topic?"

"Wala lang. Gusto ko lang ibahin yong topic. Kapag naiisip ko kasi yong mga problema ko, nababaliw lang ako eh."

"Baliw ka nga kasi talaga!"

"Hindi ah. Almost. Hehe! Ah, Klai? May nasabi ba sa yo si Hazel?"

"Hmm? Na ano?"

"Ah! Wala. Yaan mo na." umiwas ito ng tingin.

"Gusto mo pa ba ng beer? Meron pa sa ref," alok ko.

"No. Thank you."

"Teka? May kasama ba ang mama mo sa bahay n'yo?"

"Oo. Andun naman yong kapatid ko."

May kumatok naman sa pinto. "Aalis na raw si Mister Yu," sabi ni Klover sa likod ng pinto.

"Ay. Teka, magpapasalamat muna ako," sabi naman ni Chrish.

Lumabas kami at naabutan na binubuhay na ni Yulian ang makina ng motor. Pinatay niya ulit ito nang makita kami.

"Yulian! Salamat ha?"

"Wala yon, Crish. Magpahinga ka na? Ikaw rin, Maam. Aalis na ako."

"Ingat ka," sabi ko rito at napangisi siya.

"Oo naman! Para sa 'yo," sabay kindat. Bwisit.

"Wag nga kayo! Naiinggit ako."

"Mga baliw! Magsama kayo!" asik ko.

His eyes became soft like he's worried. "Hustisya naman, oh? Bat ang ganda mo pa rin kahit maga ang mata mo, Maam?"

"Ano baaa!!!" sigaw ni Crisha.

#

HAPPY VALENTINE'S DAY ULIT! ♥️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro