Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16. Supposed To Be A Memorable Date

Klairey

-

"Baboy," tawag ko sa kapatid kong kasalukuyan na nangungulangot. Mukha talagang baboy na ang sarap lang ng buhay, pakula-kulangot na lang.

"Oh."

Nagdadalawang isip pa ako kung itatanong ko sa kanya dahil baka iba ang isipin nito. Susubukan ko pa rin.

"Do you know a certain Yuan Rosario?" sabi ko itatanong ko ito sa kanya dahil naalala ko na mutual friends namin si Ate Melo at itong pig brother ko.

Nag-isip pa ito saglit, as if may isip talaga siya, bago tinigil ang pangungulangot at sinagot ako. "Ah!" napapalakpak pa ito. "Oo si Mister Yu. That funny weirdo dude. Bakit?"

What? Mister Yu? Kahit kailan, ang korni talaga ng taong 'yon! Ang baduy talaga. "Mister Yu? Paano mo siya nakilala?" 

Mapanuri, also known as judgmental, na tingin ang iginawad nito sa akin. Nanliit pa ang mga mata nito na ani mo'y sinisiyasat ako. "Waiter-slash-bartender namin sa bar. Teka nga, ba't mo ba tinatanong? Crush mo ba yon?"

"H-hindi ah." Crush agad? "Teka! Saan ka ba talaga nagtatrabahong baboy ka?" 

Sinamaan ako nito ng tingin. "Nasabi ko na sa 'yo, di ba? Paulit-ulit naman, eh." Hindi naman ako naniwala sa kanya noon. Eh sabi niya kasi, macho dancer siya. Kapani-paniwala ba yon? 

"Sana kung sinagot mo na agad ang tanong ko, hindi ka na nagsayang ng laway! Muntanga to." 

Tumayo ito at humikab na parang antok na antok na. "Sa SN, kina Ate Melody."

"Ano?!" Masyadong malihim ang baboy na ito, ah. Or kulang lang ako sa pag-uusisa? 

"Ba't pag gulat na gulat ka, lumalaki butas ng ilong mo? May sa unggoy ka talaga, eh, no?" 

May imaginary usok yata na bumuga sa ilong at tainga ko. "Halika nga rito, pasabunot lang saglit? Daliii~" 

Mabilis na pumasok ito sa kwarto niya at nag-lock bago ko ito maabutan. Sinipa ko ang pinto nito at padabog na dumiretso sa kwarto ko. "Humanda ka talaga sa akin! Ilalabas ko ang video mo habang natutulog ka!" 

"Ha! Baka mas lalo pa silang ma-fall sa akin! Sige lang!" sigaw nito mula sa loob. 

Nahiga ako bago chineck ang cellphone ko. Parang kahit yata sa CR ay dala ko na lagi ang cellphone ko. Bakit ba? For emergency purposes ito. Malay mo, biglang magkalindol tas matabunan ako mag-isa rito. At least, I have my phone, di ba?

Mabilis na kinonekta ko ang cellphone sa WiFi upang mag-browse saglit.

Scroll up. Scroll up. Titigil saglit pero hindi magre-react. Wala akong ganang pumindot ng kahit like sa kahit anong post. Baka mamali na naman ako ng ila-like, mahirap na.

Biglang nag-pop up ang chat head at si Yulian ang nag-message.

Yuan:

Maam? 

ikinahihiya ba ng biik na baboy ang nanay nya? 

Halos mapabuga ako sa tawa. Kahit kailan, ang korni niya talaga. Iniwasan kong mag-haha sa chat kahit ang totoo, tawang tawa ako sa kakornihan niya. 

You:

Magpa-rehab ka na, malala na yan

Yuan:

Mukha nga maam. MALALA na nga 

Good eve maam. Miss na kita

You:

Tigilan mo ko sa kaka-miss mo na yan baka di kita matantya

Yuan:

Hehehe joke lang maam

Gusto ko pa sanang mag-reply pero pumipikit na ang mata ko sa antok. That’s when I heard a ring and answered it immediately. It’s Yulian and just like him, his words are incomprehensible so I just hummed and hummed until we ended the call and I fell asleep.

**

Gusto ko nang mahiga sa sahig dahil sa antok. Pang-ilang hikab ko na ba ito? Tapos na kaming kumain at nakatambay lang saglit sa school cafeteria while sipping our Yakult kaya mas nakakaantok.

Crisha on my side is noticeably quiet. Okay pa naman siya kaninang umaga at tinutukso pa nga ako na may ka-chat dahil sa lalim ng mata ko. Is she the next Madam Auring? O halata lang talaga sa eyebags ko?

Nang manggaling ito sa department head namin she then became quiet the rest of morning. I wonder what happened but I didn’t ask. She’s Crisha and she’ll share what’s on her mind anytime she wants.

Nakamasid lang sa amin si Hazel. Hindi ito nakapagpigil at nagtanong na. “Mga ate, what’s wrong with you two?”

Tiningnan ko si Crisha at mistulang wala itong narinig. Yumuko na lang ulit ako at nilapat ang noo sa braso kong nakapatong sa lamesa. I don’t mind if this table is dirty. Napa-buntonghininga na lamang si Haze. Wala rin naman talaga akong balak na magkwento. Tutuksuhin lang nila ako.

That Yulian has been bugging me three days in a row now since I accidentally liked his post and private message! He’s too talkative in person, mas lalo pa pala sa chat. Lalo pa at hindi ko pa ina-accept ang friend request nito, lagi niya akong kinukulit.

Laging may baong pick-up lines na kasing tanda na yata ng lolo ko sa tuhod. Ang korni korni niya, sa totoo lang pero hindi ko namamalayan na napapangiti na ako sa habang nakikipag-chat dito, at inaabot pa kami nang lagpas sa sleeping time ko.

“Oh! Hi Kuya Yulian!” tumayo si Hazel sa tabi ko at sinalubong si Yulian. What the!?

Siya nga! Bwisit! Ba’t halos tumalon sa dibdib ko ang puso ko?!

Kakakape ko ‘to, eh!

“Hi, Haze~” ginulo nito ang buhok ni Hazel and the latter blushed like she just had a contact on her crush. Another what the? Kinikilig ba siya? Why does it seems like she’s kinikilig?

Ah. I hate this kind of observation!

“Kuyaaa~” maarte nitong sabi. Nako! Kung ganito siya ng ganito, masasabunutan siya ni Crisha! And speaking of the witch, she’s unbothered with her ex-crush’s presence. Yeah, she told me that she doesn’t like Yulian at akin na ito nang buong buo, like hello? Baket?

“Hi, Crish!” tinapik niya ang isa sa balikat at tumango lang ito. “Hi… Maam!” bati rin nito sa akin na mistulang nahihiya pa. He’s in his usual uniform from PanEx. May dala itong bag na tingin ko ay na-deliver na niya ang laman.

Tipid na ngumiti ako rito.

“Maam? ‘Di mo pa nabasa message ko ‘no? ba naman yan Maam oh!”

“You chat each other?” Hazel asked in dismay tone and disappointment displayed on her pretty face. Really? Nah! I’m hallucinating. Poor, Hazel.

“Why? You jealous?” hindi ko napigilang itanong. Sometimes, I hate my unstoppable mouth. Something just crossed my mind and I blatantly said those words.

Which I regret!

That Yulian guy grinned from ear to ear. Damn it! I felt like the tables are turned! Ako pa ang lumalabas na masama for merely asking? What the!

“O-of course not, Ate! Ano ka ba?! My ship is sailing! Ayiii~” she faked a laugh and poked my arm.

“Tss. Ship my foot!”

“Basta Maam ha? Mamaya! Una na ko.”

“‘Wag! Bata ka pa,” I joked, rolling my eyes. Yeah! It’s his line nang sabihin kong mauna na kong matulog. I was this close to sleep when he called me thru Messenger just to say he has something to say. I hummed and hummed kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

“Cute mo, no? basta Maam ha?” he winked then tapped Hazel’s back.

“Wait Kuya! Sabay na tayo. Pabalik na rin kami sa office.”

“Talaga? Tara?”

Tumayo naman ako dahil gusto ko na nga rin makabalik ng office. Mainit kasi rito sa cafeteria. I called Crisha twice before she stood up like she just finds her soul.

Side by side, we walk our way to our office. Masayang nag-uusap sa harapan namin sina Hazel at Yulian. While me and the soulless Crisha ay nakasunod lang sa kanila.

Tumikhim ito. “Uhm, Klai?”

Nilingon ko ito. At last, she talked! “Yes?” Umiwas ito ng tingin at muling yumuko. She looks stressed and have lots of things in mind. “Any problem, Crish?”

Ngumiti ito ngunit saglit bago umiling. “Wala naman. Hehe!”

I shrugged before facing in front where the two is happily chatting. I remembered checking my phone to read his message.

Pumayag ka na Maam ha? Sunduin kita ng pasado alas singko. Mua

Huh? Pumayag saan? Ah! Shoot! Is that supposed to be…? A date?

**

After an endless debate with myself the whole afternoon, nagdesisyon ako na hintayin si Yulian. I can’t even concentrate sa ginagawa ko. Pinauna ko na sina Hazel at Crisha. Haze insisted she'll wait for me pero hindi rin ito nakapalag.

Pumunta muna ako ng CR dala ang makeup kit ko para mag-retouch. I can't believe na nako-conscious ako sa itsura ko bago kaharapin si Yulian.

Hindi ako mapalagay. Excited ba ako o sadyang naiihi lang? Eh kakaihi ko lang naman.

Naalala ko na niyaya niya akong mag-milk tea kagabi. Hindi pala joke yon o guni-guni lang.

Yuls:

Maam here na me wer na u

I rolled my eyes pero natawa pa rin ako. Jejemon talaga tong lalaking to. I spotted him when I go outside. He's taking off his helmet at inayos ang buhok nitong medyo nagulo na parang modelo ng sikat na brand ng shampoo.

He looks… different now. Lagi ko itong nakikita na naka-polo at puting shirt sa loob o di kaya ay naka-uniform ng PanEx. Ngayon ay naka-grey almost fitted V-neck shirt ito na nakatupi ang dulo ng sleeves, revealing his tan and toned biceps at washed ripped jeans. His side profile is striking and I hate to admit that I’m quite, you know, somehow? Fascinated.

Still one thing didn't change, that captivating smile on his face with that tiny dimple on the side of his lips. I hate that! It's too adorable. He's too adorable right now.

Yeah, keep that in mind Klairey. You're not the type who'll explicitly say that he's appealing right now.

“Jejemon ka ba?” bati ko.

Hi giggled. Argh! So childish. “Bakeeet?”

Napangiwi naman ako. “Hindi ako pumipick up line, baliw!”

Sa malapitan nga ay mas amoy ko ang pabango nitong hindi masakit sa ulo. His smell soothes inside my nostrils that it's so addictive na gusto ko na lamang siyang singhutin buong maghapon but that'll make me look like a stupid dog.

Natawa ito at bumaba sa motor. “Hi Maam! Sayang naman Maam. Akala ko pa naman, pickup line na yon?”

“You wish. Hindi ako korni gaya mo”

“Sweet corn kasi ako Maam. Korni pero sweet. Ayii~!”

I faked a laugh, though it's quite real. I find it funny because every time he throws a line, siya pa ang kinilig. Siya ang kinikilig sa mga banat niya at the same time, siya ang natatawa sa mga jokes niya. Weirdo.

“Bakit ba kasi sa akin ka pa magpapasama? Gusto mo lang naman palang i-try yung bagong bukas na milk tea shop.”

Napakamot ito sa ulo na parang nahihiya na natatae. “May nagsabi kasi sa akin na mahilig ka raw sa milk tea, eh.”

Huh? I didn't remember I am fond of that drink. Yakult, baka pa. But whatever? Narito na kami at mukhang excited na siya kaya sige lang.

“Ganon ba? Sige! Tara na at nang makauwi tayo nang maaga.”

“Grabe naman Maam? Uwi agad nasa isip mo, hindi pa nga tayo nakakaalis?”

“Eh, kaysa magabihan tayo. May pasok pa bukas. Bakit kasi hindi na lang sa Friday?”

“Sorry Maam. Naabala pa kita, ha? May duty kasi ako kapag Biyernes ng gabi. Alam mo naman ang dagsa ng tao dahil TGIF kuno.”

Oh, shoot. Oo nga pala. Masyado naman akong demanding. Hindi ko naisip yon.

“Oh siya! Libre mo naman to di ba? Tara na.”

Tumango ito at muling lumiwanag ang mukha. Inabot niya sa akin ang helmet at sinuot ko naman iyon. I just can't lock it.

Napansin niya iyon at siya na ang nag-ayos. His face is just few inches away at napatingin naman ako sa mga labi nito when he bit it.

Damn. Nahuli ako?

“Maam, wag mo kong tingnan ng ganyan. Baka hindi ko mapigilan at—tara na nga!”

Sabay kaming umiwas ng tingin. Bwisit tong lalaking to! Wala lang naman sa akin yon pero bakit parang mainit?

We arrived at the shop by quarter to 6PM. We spotted a perfect table for two at may lumapit sa amin na waitress. She greeted us and handed the menu.

I scanned what's on their list at hindi ako halos pamilyar sa mga iyon. Hindi talaga ako mahilig sa milk tea pero umiinom naman ako. Ang alam kong mahilig doon ay sina Hazel at Crisha. Yakult lang sa akin, sapat na.

“Order na tayo Maam? May napili ka na ba?”

“Uhmmm, ikaw?”

“A-ako Maam?” turo nito sa sarili. I shot a glare at him. “Joke lang Maam! Di ka talaga mabiro. Taro milk tea sa akin, Ma'am. Paborito ko to eh.”

Not bad. Masarap din ang taro. Pinatikim iyon sa akin ni Crisha noon. “Sige, yon na rin sa akin.”

“Pagkain Maam? Masarap daw ang spicy buffalo wings nila rito.”

I love spicy food! Natakam ako bigla. “Game!”

“Roger that!” tinawag nito ang waiter at walang kahirap-hirap na binanggit ang orders namin. This is a new place but he talks like he's been here few times.

Hindi kami nag-uusap habang naghihintay ng orders namin so I scanned the area. Hindi naman kalakihan ito but it's cozy in here. Maganda ang interior nila at masarap sa mata ang pastel colors. May acoustic music pa tumutugtog.

Nang bumaling ako kay Yulian ay mukhang hindi ito mapakali at linga ng linga sa paligid sabay titingin sa akin. “Natatae ka ba?” I asked in curiosity.

Halos maubo ito. “Maam naman! Hindi ah.” he looks defensive. Nagtatanong lang naman ako. There's nothing wrong if he's stomach is upset.

“Eh bakit parang may kiti-kiti ka sa pwet at hindi mapakali?”

“Sorry Maam! Medyo nahihiya kasi ako sayo. B-baka kasi may iba kang maisip. Alam mo na? Puro mag-jowa yata ang narito.”

Napansin ko nga halos couples nga ang naroon. Mayroon pang naglalampungan sa sulok na mukhang mga teenagers palang. I rolled my eyes instead mainggit. “Eh ano naman?”

“W-wala lang. Yaan mo na nga Maam, pasasaan ba't doon din naman ang punta natin.” bulong nito.

“Ano yon?”

The waitress interrupts us by putting our orders on the table. “Here's your taro milktea and spicy buffalo wings po. Enjoy your meal.” Binigyan niya kami ng plastic gloves bago umalis.

Nagliwanag naman ang mukha ko. “Whoah! Mukhang masarap nga ah!”

Napangiti ito. “Kain na Maam!”

Takam na takam ako sa kinakain kong buffalo wings. Masarap nga ha? At yong taro milktea, sakto lang ang tamis.

"Maam may sauce ka sa mukha," sabi ni Yulian, iaabot na sana nito ang tissue sa mukha ko nang tabigin kong kamay nito. Ano to? Telenovela?

"Kaya ko na to. Kumain ka na lang. Wala tayo sa TV, okay? Gasgas na yang gesture yan!" I said nonchalantly.

"Dadamuvs sana ako Maam eh. Panira ka naman eh."

I twitched my lip. "Tss! It'll not work on me."

"Minsan Maam hayaan mo pa rin na may gumawa ng ganoon sa yo."

He looks sincere and I can't understand why. "At ikaw ba yon, Mister?"

"Nice suggestion Maam, gusto mo ba?"

Napaisip ako. Why not? "No thanks!" There's no way I'll be saying that I want too.

“Malapit na pala ang kasal nina Ms. M, Maam.” pag-iiba nito ng topic.

“Oo nga eh. Medyo busy na rin ako kasi naghahanda na kami ng bridal shower.”

“Ah. Ingat kayo Maam, baka mabasa kayo roon.”

Pinaningkitan ko ito ng mata. Seryoso? Gusto kong ipaligo sa kanya itong milktea para mabasa nga siya. “Adik ka ba?”

“Bakeeet?”

Natatawang napailing na lang ako. Can he be serious sometimes?

“Kapag kailangan nyo ng macho dancer Maam, andito lang ako ha? Pwede nating pag-usapan yung presyo. At saka, magmamaskara ako para di ako makilala ni Ms. M!” suggestion niya.

“Magandang ideya yan!” I sarcastically said.

“Di ba Maam?”

“But it's a no. Ang halay mo no? It'll be just a simple party tas girls lang. Wholesome itong maid of honor niya no? At malalagot ako kina Tito kapag nagkataon.”

“Sayang naman Maam. Ready na sana ang moves ko.” he really danced a little at tinapik ko ito. Baliw talaga! “Baka magbago naman ang isip mo?”

“No. Thank you.” Ayoko nga. Isa pa, hindi lang naman kami-kami lang ang mga tao roon. “Umamin ka nga, macho dancer ka no?”

“Yung totoo Maam? Pangarap ko yon.”

“Wow” I almost clapped. That was one of the stupidest dream I ever heard. “May mas tataas pa ba sa pangarap mong yan?”

Sumeryoso naman ito. Did I offended him? “Oo Maam. Ikaw.”

Awkward silence.

“Ayiii~ kilig ka no? Sabi ko na nga ba, madadaan din kita sa damoves ko Maam eh!”

Yung feeling na guilty na ako pero just a split of second, gusto kong mangalmot?

Magiging bipolar yata ako ‘pag laging kasama ko tong Yulian na to.

“Mangarap ka na nga lang!” Last na niya to!

Bakit nga ba kasi ako nandito? Date ba to? Tingin ko naman, hindi. Nagpasama lang siya and I'm too kind to spare him some time. Isa pa, I want to ask him something.

“You work at SN, right?”

“Hmm? Paano mo nalaman Maam? Stalker ka no!? Ayiii~”

“H-hindi ah! My brother told me,” I told him. “Do you know that my brother is with you in the bar?”

“Ah kaya pala! Si Klover lover boy ba Maam? Oo, nabanggit ni Ms. M sa akin. Kaya nagpapalakas ako roon eh. Kasi alam kong kapatid mo siya.”

I arched my brow. “And why is that?”

“Joke lang, Maam!”

“Bantayan mo yon ha? He's a chic magnet. Hindi man ako ganoon ka protective sa kanya, I still want what's best for him. Hindi lang basta-basta kung sinong lasing sa bar ang patulan niya.”

“Ang sweet mo naman sa kapatid mo Maam!”

Yeah, I may not look like it but I'm still that pig’s elder sister.

“Correction. I’m not sweet, just a little protective!”

“Sus. Hilig mo mag-deny Maam. Wala namang nakakaalam, tayo-tayo lang kaya hindi makakalabas ang sekreto mo.”

Higit isang oras din kaming tumambay sa shop na iyon bago nagpasyang umuwi. Mag-a-alas otso na rin.

“Kapit ka sa kin Maam ha? Sabagay, kahit hindi na, di rin naman kita bibitawan eh!” Hinampas ko ito.

Yulian insisted to send me home. Kahit pwede naman akong mag-jeep na lang, hindi ito pumayag.

“Malay mo may mga gago sa kanto at mapagtripan ka, mahirap na. Baka sa kulungan ako pulutin niyan,” he said nang sinuot na nito sa akin ang isa niyang helmet.

“Ikaw talaga ang nasa kulungan? Hindi ba dapat sila?” sabi ko. Ang labo talaga ng logic ng taong ‘to.

“Maam! Nako. Wag na wag nilang guguluhin ang buhay ko.”

“Huh?”

“Wala!” Umiwas ito ng tingin at sumakay na sa motor niya. I was left dumbfounded. Hindi ko pa rin ma-gets ang ibig niyang sabihin.

Sumakay na lang din ako. Nagdadalawang isip ako kung yayakap ba ako sa kanya dahil sa totoo lang, nahihiya ako at the same time I feel so comfortable. In the end, sa gilid lang ng shirt niya ako kumapit.

We were on our way to our home nang makita ko si Crisha sa gilid ng kalsada. She's still on her uniform. Hindi pa ba siya nakakauwi?

Nasa kabilang bahagi kasi kami ng kalsada kaya hindi ko ito matawag. Naka-red pa ang stoplight.

“Si Crisha oh!” I pointed her to Yulian.

He looks on the other side. “Gusto mong puntahan natin siya, Maam? Isabay na natin pauwi.”

“Good idea!”

Hininto muna ni Yulian sa mas gilid ang motor nito. My eyes still fixed on the soulless Crisha. I wonder why she's still like that up until now. I am so worried that I badly want to talk to her. Iniisip ko na kausapin siya bukas, but good thing I saw her.

Two seconds.

Biglang nag-slowmo ang paligid ko nang tumingala ito at pikit-matang bumaba sa sidewalk kahit na alam na niyang maggo-go na.

Ilang saglit ay umalingawngaw ang sigaw ko kasabay ng malakas na pagpreno ng truck.

#

B/N:

💋Sorry for waiting. May readers pa ba si Klai? If yes, I love you! Magiging crush ka rin ng crush mo!

💋Happy 10k+ reads kahit ang tagal ng update. You know, adulting is messing up with me.

💋Happy Valentine’s Day! ♥️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro