Chapter 15. Like
Klairey
-
"Hey! This is weird! So weird!" bulalas ni Crisha habang kumakain kami sa school cafeteria kasama si Hazel.
Napakunot noo lamang ako rito samantalang si Hazel naman ang nagtanong kung ano ang wirdo maliban sa kanya.
"You!" she hysterically said, pointing me out at natawa naman ako. I mean, more on smirk. "See?" baling nito kay Hazel.
She look at her like she wants Hazel to get her look. Haze just shugged her shoulders.
"Ugh! Spill it, Klairey! Ano ba kasi talaga ang nangyari last weekend? Naiintriga ako! I can't even!"
Napangiti naman ako nang maalala ko ang mga nangyari, lalo na noong gabing iyon.
"Stop that and talk!"
Nagmaang-maangan naman ako. "Stop what?"
"That smile on your face!"
Mas lalo lamang akong nawirduhan kay Crish. Siya talaga ang weird dito at hindi ako. Normal lang naman sa tao ang ngumiti, ah?
"Naiintriga rin tuloy ako, Ate Klai. Kwento ka po, please?" she made that puppy eyes again and held the hem of my sleeve. Tinapik ko ang kamay nito at patuloy na kumain.
"Kung hindi ka magkukwento," she thinks deeply, "I will find my way to know what happened last weekend! Ate Melody is one chat away." Mistulang kinuha nito ang cellphone at tinipa iyon.
Hinayaan ko na lamang si Crisha na gawin ang gusto niya sa buhay niya. Ang effort talaga ng babaeng ito.
Mayamaya ay napasinghap ito. Alam kong tulog pa si Ate Melo sa mga oras na ito dahil gabi ang punta niya sa bar. Alas dos pa iyon gigising kaya imposibleng nag-reply na si Ate Melo!
Mabilis na tumayo si Hazel upang tingnan ang kung anumang laman ng cellphone ni Crish at ganoon din ang pagkagulat nito. OA ha? Ano bang mayroon?
Sabay na napatingin sila sa akin. Iyong tipo ng tingin na mapanuri... O mapanghusga?
"Ano?" wala sa mood kong tanong.
Ipinakita nito ang screen ng phone kung saan malawak ang ngiti na nakaharap ako sa bonfire at hawak ang stick at sa gilid ko naman ay si Yulian, pero nakatalikod. IG story iyon ni Ate Melo na may caption: late post coz i dunno if i have a right to post this one. Tapos sa ibabang parte naman ng picture: do u think sila na ang susunod? At may nakalagay pang poll kung YES or NO.
My eyes widened with the idea! Ate Melo is crazy in love at dinamay niya pa ako! Mabuti at hindi gaanong makilala si Yulian dahil bahagya itong nakatalikod.
"Ate Klai! Who's the lucky guy?" Hazel excitedly asked.
"That's-" I paused for a moment, "none of your business!"
They both growled in frustration. They think I will tell them?
"I have someone in mind though. And that's-" she ended whispering something to Hazel and they both giggled like crazy teenagers.
Ayoko talaga ng ganito. 'Yong tipong sinisiraan ka sa harapan mo mismo. Not necessarily na sinisiraan kasi parang ang unease sa pakiramdam kasi pwedeng mali ang iniisip nila sa iyo. But I'm Klairey and I usually don't care about what other people think about me.
Tumayo na lang ako at iniwan silang dalawa. Bumili ako ng Yakult bago dirediretsong bumalik sa opisina.
Hindi pa rin magtigil ang dalawa sa kakatukso sa akin. Kesyo in love na raw ako kasi ngiting ngiti ako. Ugh! These girls are annoying!
"Hi, Klairey!" bati sa akin ni Renzo.
Ngumiti naman ako rito at unconsciously ay sinipat ko ang porma nito. Bagong gupit ito at nakahati na sa gilid ang buhok making him look more younger than our age. Gone was his eyeglasses. Kaya napansin ko ang maliit na nunal nito sa gilid ng mata.
"Hey!" I looked at him closer, he step backwards. "Are you really Renzo?" I asked unknowingly. Mukha akong sira dahil sa isip ko ay baka kamukha lang niya ito.
"I am. Stop that kind of stare. N-nako-conscious ako," he said and pouted. Namula pa ito. This time, ako naman ang napaatras.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Who's staring at you?!" Duh? Tiningnan ko lang siya. It's not like I intentionally did that! "Curious lang ako kung nakikita mo pa ba ako!"
Napangiti ito. 'Yong tipo ng ngiti na nakakainis... Pero cute. Kaya nakakainis!
"You heard about contact lens, Klai?"
"No," pabalang kong sagot at nilampasan ko na lang ito.
Nakakainis talaga! Bakit ba ganito 'to? Bakit pakiramdam ko, ang gwapo na lalo ni Renzo sa paningin ko? Saka bakit ba ang init ng opisinang ito? Pinatay ba nila ang aircon?
×××
"Mukhang mananalo ako," bulong ni Hazel kay Crisha.
"No! Did you see how she blushed a while ago? You can't be so sure, dear Hazel," ganting bulong din ni Crisha.
At kapag sinabi mong bulong, maririnig ko pa rin dahil parang sinasadya ng dalawang ito na iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila.
I acted like I can't hear them. Wala akong pakialam kung ako ang pinag-uusapan nila. Ngayon parang gusto ko nang um-agree kay Crisha, tingin ko, ang weird ko ngayon. Tingin ko naman ay maganda ang gising ko.
Break time kasi kaya nakatambay itong si Crisha sa pwesto namin ni Hazel. Kahit hindi naman break, minsan nandito pa rin siya para makipagchikahan dito sa isa. Name someone who's a bad influence, that's Crisha.
"Ano, Ate Crish, in-accept ka na ba niya?"
"Hindi pa nga, eh. Baka busy. Alam mo naman 'yon-omeged! Speaking of the angel! Kaka-accept niya lang! Omeged! Online si bebe boy! Teka, puntahan ko sa Messenger tas magwe-wave ako tas magso-sorry kasi napindot ko lang."
"Baliw ka, Ate! Akala ko, friends kayo. Kami medyo matagal na kaming friends sa Facebook, eh."
"Wait lang. Stalk ko lang saglit."
Minsan naku-curious din naman ako kung sino ang pinag-uusapan nila kaya heto ako at pasimpleng tumayo para sulyapan ang nasa phone screen ni Crisha. Thanks to my 20/20 vision at kita ko ang mga nakalagay sa screen niya.
Yuan Rosario
Nakatingin ito sa malayo pero alam kong si Yulian ito base sa side profile nito kahit pa naka-shades siya sa kanyang display photo.
So Yuan Rosario pala ang pangalan nito sa Facebook. Kaka-scroll pa lamang ni Crisha nang makita ko ang isang tagged photos na uploaded yesterday. Picture niya iyon kasama ang isang magandang babae na mukhang mas bata pa sa kanya ng maraming taon. Nakaakbay pa ito at nakayakap naman sa kanya ang babae. There's something on that girl na parang familiar sa akin pero hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita. Malayo ang hitsura nito kay Yulian kaya I doubt if she's his sister.
In fairness, ang sweet nilang tingnan. Ganda ng ngiti ng lolo mo, oh.
"Ouch bes! Hindi naman masaket!" sabi ni Crish sabay hawak sa dibdib. Laking gulat nilang dalawa nang mapansin nila ako na nakatingin sa cellphone niya.
"A-ate Klai. Baka cousin lang po," sabi ni Hazel.
Tumango nang tumango si Crisha. "O-oo nga! Baka cousin lang... O cousin-tahan," she said the last words in a silent tone.
"So?" Kung totoo man na "cousin" niya iyon, ano naman sa akin? Malay ko ba na bata pala ang trip ni Yulian. Tss. Ano naman kung bata? Ayoko naman sa pedo, 'no!?
Teka nga? Bakit ba ako affected? Wala namang namamagitan sa amin. We just enjoyed the night last weekend, that was it.
Pero pusang gala lang! Bakit ganoon siya ka-sweet? Ganoon ba siya sa lahat?
"For sure, nakita na iyan ni Ate Klai. Friends naman kayo sa FB, 'di ba, Ate?"
"Hindi kami friends." Kahit in real life.
"Aw! Double kill!"
I don't know what Crisha is talking about but I found myself secretly picking up my phone and leave them while they continue stalking Yulian's account.
Agad kong binuksan ang Facebook account ko at sinearch ang pangalan ni Yulian. Nang makita ko iyon ay naka-private ang mga posts nito pero ang picture na naka-tag sa kanya ay naka-public kaya nakita ko ito nang mas maigi.
×××
Hanggang pag-uwi ko ay iniisip ko pa rin ang picture na iyon ni Yulian at ng babaeng kasama niya. Hindi ko rin alam kung bakit pero ayaw matanggal sa isip ko. I'm starting to judge him that he likes younger girls.
Binisita kong muli ang profile ni Yulian dahil ito pa rin ang una sa search list ko. The tagged photo was from Rein SM. May caption pa ito na: i missed this guy so much. Tiningnan ko ang comments at may comment din si Yulian na: mas miss kita, bisita ka ulit minsan.
Ang sweet, 'no?
Nakahiga na ako at medyo inaantok na. Wala akong ganang manood ng movie na bagong kopya ni Klover kaya mag-isa itong nanunood ngayon.
Titig na titig pa rin ako sa cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto at dumulas sa kamay ko ang cellphone ko at diretso sa mukha. Napamura ako sa sakit dahil sa ilong ko ito tumama!
"Inubos mo ang beer, 'no? 'Di mo man lang pinalitan!"
"Bukas pa ako mamimili! Pwede ba? Kumatok ka muna bago pumasok! Baboy na to!" asik ko. Gigil na gigil ako at nak ng balyena talaga! Nang makita ko ang screen ng cellphone ko, may like na ang picture ni Yulian at Rein!
Napindot ko ang like button! Ganoon na ba katangos ng ilong ko kaya na-like nito ang picture? Pusang gala! Anong kalokohan pinag-iiisip mo, Klairey!?
Tiningnan ko ng masama si Klover. Kasalanan niya ito! "LABAS!"
Tiningnan niya lang din ako sa usual na bored na tingin nito at sinara ang pinto ng kwarto ko.
Agad kong tinggal ang pagkaka-like pero huli na ang lahat. Nag-notify ang Messenger app ko at nakita na may isang request.
Message Request
Yuan Rosario
5 mutual friends including Melody David and Klover Ramos
Works at Starry Night
Miss mo na ako maam no? Miss na rin kita hehe
Weh? Ako ba talaga ang miss nito. Plano kong i-disregard ang message pero may kasunod pa itong mensahe.
Yuan:
Thanks po sa like. Like din po kita.
I rolled my eyes. Galawang pakboy na tong Yulian na to? Akala niya, madadaan niya ako sa ganyan? Hah! Asa siya!
If you reply, Yuan will be able to call you and see information like your Active Status and when you've read messages.
I DON'T WANT TO HEAR FROM YUAN
Iki-click ko na sana ang nasa dulo nang mapindot ko ulit ang like button. For the record, twice ko pang napindot dahil sa taranta ko!
You can now call each other and see information like Active Status and when you've read messages.
Yuan Rosario is active now.
The three dots appeared indicating that he's typing. Halos lumuwa na ang puso ko sa kaba dahil mapaghahalataan or should I say, mapagkakamalan akong nang-stalk.
Yuan:
Like na like mo talaga ako maam no? Uyyy
Seen 9:57
Yuan:
Aray
Maam
Seenaktan mo ang puso ko
10:00
Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko kaya hinayaan ko na lang ito. Mayamaya ay tumunog na naman ang Messenger ko. As expected, galing kay Yulian.
Yuan:
Good night maam 😚
You:
Di kita like
Sent.
Seen.
Huli na nang ma-realize ko na parang ang mean naman ng sinabi ko. Paano ko ba ito ie-explain? Ugh! Napakarami ko nang iniisip tas dadagdag pa itong Yulian na to!
Yuan:
💔
Okay lang maam. MAAMahalin pa rin kita
Mas dumoble yata ang kabang nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa puso na ito at parang nasobrahan ata sa kape?
Hindi ko na ito sinagot pa. Instead, I intentionally clicked the most dangerous button I ever knew-like.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro