Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14. Light Conversations

Klairey

-

I'm waiting for a hard thing to hit me but I heard a loud thud at my back instead.

When I opened my eyes, I looked for Yulian and saw him struggling a little and just then, I saw him holding a dead snake! Hindi na ito gumagalaw so I assume that it's dead. Hopefully it is!

Mistulang natunaw ang yelong bumalot sa akin kanina at mabilis na nakatayo ako at lumayo sa kinalalagyan nila. I just watch him move as he throw that snake away, doon sa may mapunong parte ng bundok.

"Okay ka lang, Ma'am? Pasensya na, natakot ka ba?" buong pag-aalala niyang tanong nang makabalik ito sa kinalulugaran ko.

Nang itanong niya kung okay lang ako ay doon na ako humagulgol. Takot na takot ako na parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. But thanks to my cousin before na p-in-rank ako sa patay na ahas, mas malala pa iyon dahil nilagnat talaga ako dahilan para hindi na ako umaakyat ng puno.

Nataranta naman si Yulian sa sudden breakdown ko. "M-ma'am?"

He crossed the little distance between us at pinagpag ang T-shirt na hawak. May dugo na iyon at nag-alinlangan siya. Kinuha na lang niya sa bulsa ang tissue na binigay sa amin kanina sa tindahan at pinunasan niya ang pisngi ko.

"Shhh. Wala na. Tahan ka na, Ma'am," masuyong wika nito.

Hindi pa rin matigil ang hikbi ko. Kailangan kong ilabas ito. Lulubos-lubusin ko na dahil hindi talaga ako iyaking tao. Minsan lang 'to.

Just then, Yulian hugged me. Bigla akong nailang because for goodness' sake, he may be wearing his polo now but it's still unbuttoned! I can feel his skin.

It wasn't a tight hug though. Masuyo lang nitong hinagod ang likod ko. Nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa mukha kong nakasubsob sa dibdib niya. Bahala siya kung naghalo na ang laway, sipon at luha ko sa polo niya. Basta umiyak lang ako nang umiyak.

He kissed the top of my head as he kept on repeating the words "tahan na, Klai." And just like magic, unti-unti na ngang kumalma ang puso ko pero napalitan naman ng bagong emosyon.

Emosyon na hindi ko maipaliwanag kahit na pamilyar iyon ngunit ayaw ko pa sanang maramdaman sa ngayon.

Inalalayan niya akong bumalik sa bangka dahil mukhang naubusan ng lakas ang mga tuhod ko nang matapos akong humagulgol. Nakatingin lang ako sa malayo at hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakaganoon.

Umalis saglit si Yulian para pumunta kina Sir Jim. Binilin niya ako sa operator ng bangka na nakatulog na kahihintay. Pagbalik niya ay may sinabi ito sa operator at agad namang pinaandar ng huli ang bangka.

Inalalayan ulit ako ni Yulian pababa ng bangka. Hinatid niya ako sa accommodation namin ni Ate Melo para daw makapagpahinga ako.

"Sa labas lang ako kung may kailangan ka, Ma'am." Tipid na ngumiti ito sabay sara ng pinto.

Napabuga ako ng hangin na parang kanina ko pa pinipigilan. Nahiga ako sa kama at hindi ko mapigilan na isipin na sa kabila ng kamuntikang aksidente na iyon ay maiisip ko ang mga bagay na ito.

Una, niligtas ni Yulian ang buhay ko. Hindi ko alam kung mamamatay ba ako kaagad sakali mang nakagat ako ng ahas na iyon but thinking that it's from wild, malamang ay delikado pa rin iyon. At saka, malayo kami sa kabihasnan. Any aide will take time to reach us.

Pangalawa, I cried like a lost puppy on his arms. Nakakahiya! As much as possible, I don't want people to know what I truly feel. Lalo pa ang umiyak sa harapan ng isang hindi naman kakilala talaga!

And third, did we hug? Really? And he kissed my head? Or it's just his chin that poked my head? I let him comfort me at mas lalong nakakaloka na ang sarap sa pakiramdam noong c-in-omfort niya ako! I don't know if I'm hallucinating a while ago but I heard him calling my name! Nakakapanibago lang.

Paano na ako haharap sa taong iyon ngayon? Sobrang kahihiyan na talaga ito! To think na hindi pa maganda ang pakikitungo ko sa kanya. To think na ang alaskador niya! Argh!

OA ba talaga ako? Natakot lang ako and who wouldn't? Kung hindi naman yata venom ang kinamatay ko, baka sa dehydration o baka sa kawalan ng hangin sa baga kakangawa!

Akala ko ay hindi ako makakatulog sa dami ng worries ko pero nagising na lang ako na madilim na sa labas mula sa bintana. I glanced at the digital clock above and it says 19:07. Shoot! Uuwi na kami, 'di ba?

Napabalikwas ako ng bangon at sakto namang paglabas ni Ate Melo sa banyo. Naka-bathrobe ito at may nakataling tuwalya sa ulo niya.

Dali-dali itong umupo sa dulo ng kama at hinawakan ang binti ko. "Eklai, are you okay? Naikwento ni Yuls ang nangyari kanina. I'm so sorry. I know how afraid you are to snakes."

I pouted. "As if it's your fault, Ate! Ano ka ba? Okay na ako. Sa sobrang okay ko nga, napasarap yata ang tulog ko." I faked a laugh. Totoo namang medyo okay na ako.

Tumayo ako sa kama at pumunta sa mini fridge. I look for something to drink. Nakakauhaw at nakakagutom talagang matulog sa hapon lalo pa at bago ako matulog ay umiyak pa ko nang umiyak.

"You sure?" bakas pa rin ang pag-aalala sa boses ni Ate Melo.

"100%!" sabi ko nang maalala kong dapat ay uuwi na kami ngayon. "Teka Ate, may biyahe pa ba ang bangka ngayon? Hindi ba, uuwi na tayo?"

"We decided to stay. Bukas na bukas din after breakfast ay uuwi na rin tayo. Late na kasi natapos ang shoot at isa pa, pagod na kami ni Jim para bumyahe pa. I hope it's okay with you."

Napaisip ako and geez, I don't have extra clothes! "Wala naman akong lakad bukas pero wala rin akong dalang ekstrang damit."

"No worries! I got you! Kanina nang mapadaan kami sa isang souvenir shop nang ihatid namin sina Jacob, bumili kami ng shirt." May kinuha ito saglit sa cabinet at inabot iyon sa akin. "And this is for you!" magiliw niyang sabi.

Binuksan ko naman ang plastik at kulay puting round neck shirt iyon na may rainbow colored print na I'VE BEEN TO BEACH IWATA in calligraphy. It's cute!

"I love it! Thanks, Ate!"

Napangiti naman ito. Guni-guni ko lang yata pero mukhang kinikilig ang ngiti ni Ate.

"I have extra panties na binili rin. Nasa CR. Feel free to get one. You know, just in case pag-isipan mo ako nang masama na pinlano ko ito."

I scowled at her. "Of course not! Ngayon na sinabi mo, medyo nagduda na rin ako."

"I didn't! You know my parents so well. Mabuti at nakalusot ako kanina. At mabuti, nandito ka. I took a picture of you while sleeping and told mom that you were so tired."

Aba! Ginamit talaga ako? "Seriously, Ate?"

"Yep! And para makabawi ako, I brought you a shirt! And panties!" She evily laughed at napailing na lang ako. "Fix yourself now at magdi-dinner na tayo. Naghihintay na ang fiancé ko."

-

Naligo lang ako saglit and before 8 ay magka-abresiyete kaming pumunta ni Ate Melo sa restaurant ng resort. Sir Jim waved at us at kasama niya si Yulian.

Bigla naman akong nataranta. Teka nga, bakit ba? I'm still a girl. I may be bratty but I have fears, too. Normal lang ang matakot. Normal lang ang umiyak. Okay, now act normal, Klai!

"Hi!" bati ni Sir Jim. "Okay ka na, Klai?"

Napasulyap ako sa kanya at kay Yulian na nakatingin din sa akin. Nailang na naman ako. Geez! Act normal. "Okay naman po, Sir Jim."

Naupo si Ate Melo sa tabi ni Sir Jim at no choice ako kundi tumabi kay Yulian. Sa may malapit sa window na kita ang front beach ang bakanteng upuan. Napatikhim naman ito.

"That's good. By the way you can call me Kuya Jim when where outside the office." Tumango naman ako.

They both talked about how the shoot goes after while waiting for our food.

"Jacob is really a passionate man, huh?" komento ni Ate Melo.

"Yep. Actually, nag-uumpisa nang makilala ang pangalan niya sa larangan ng photography. Pinu-push na niya ang passion niya at hindi ang gusto ng parents niya. Impressive ang mga inputs niya. I know, we're in right hands."

He sweetly smiled at Ate Melo and kissed the back of her hand. Naasiwa ako at napatingin na lamang sa labas. Medyo naririnig ko na rin ang kasiyahan sa katabing bar. Full package na rin talaga ng resort na ito.

"Ma'am?"

Oh no! Eto na nga ba ang sinasabi ko. Mamaya nito, baka loko-lokohin na naman niya ako. Argh! Ayoko na ngang maalala! Act normal!

"Hmm?" Kunyari ay hindi ako interesadong makausap siya.

"Ang cute ng damit n'yo parang pares tayo."

Napalingon ako agad sa kanya at sinipat ang suot niyang T-shirt! Pareho nga talaga! Ang pinagkaiba lang ay black ang mismong shirt niya at pinatungan niya ulit ng polo niya, the rest, pareho na!

Sinamaan ko ng tingin si Ate Melo.

"What? Ang cute naman, 'di ba? Oh, pare-parehas tayong apat! So happy!"

Kung alam ko lang! Kung alam ko lang talaga! Sinuot ko na lang sana ulit yong damit ko kahit may maliit na mantsa ng dugo ng ahas yon. Siguro, natalsikan din talaga ako. Naalala kong mas malala ang mantsa sa shirt ni Yulian.

Dumating na ang pagkain namin. Nagkamay kaming apat dahil boodle fight ang style nila sa resort. May utensils naman kaso ang sabi nga, mas masarap kumain pag nakakamay. Dahon ng saging lang din ang pagkakainan namin.

Nilantakan ko kaagad ang liempo, ensaladang talong at inihaw na bangus. Ginutom kaya ako ng kakaiyak at kakatulog! Bahala kayo. Galit-galit muna!

"Ma'am, dahan-dahan lang," paalala ni Yulian. "Gusto mo pa ba ng bangus?"

Nagdalawang-isip pa ako bago ako tumango. Kumuha siya ng bangus at inilagay iyon sa plato ko.

"T-thanks!"

-

"Let's drink later? Pampaantok lang," yaya ni Sir Jim.

Kakatapos lang naming kumain at nagpasya kaming maglakad lakad muna sa dalampasigan.

"Bonfire tayo!" suggest naman ni Ate Melo.

They all look at me at nang sumige ako ay napa-yahoo talaga si Ate! If I know, ngayon lang siya naging malaya sa parents niya after she came back.

"Let's go ask the staff?"

"Sure!"

And they left us while holding each other's hands. 

"Ma'am? A-ano... Kase." Napahawak ito sa batok. "Pasensya na talaga kanina kung natakot ka."

"W-wala 'yon," sabi ko naman. I looked at him intently at parang nakita ko ang dating Yulian na may pagkamahiyain. He looked different this time.

"Hindi ko nasabi kaagad kasi baka mas mag-panic ka at tumakbo. Mas delikado kasi pag ganoon."

I looked at him. "Naiintindihan ko. Salamat, Yulian." Nginitian ko siya. I gave him the most genuine smile I could ever give at unti-unti ring sumilay ang ngiti niya.

Napakagat siya ng labi na parang pinipigilan ang sarili na ngumiti ng mas malapad.

"Ano? Parang tanga ka riyan! Ngiting ngiti ka, ah?" bawi ko.

"Kinikilig ako, Ma'am, eh!"

Hinampas ko siya nang marahan sa braso. "Baliw!"

"Sa 'yo."

Nagpapasalamat ako at medyo madilim sa bahaging ito. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at malamang ay pulang pula na ako ngayon. Geez! How can this guy make me blush with his corny lines?

"Tigilan mo 'ko! Gasgas na ang linyahang ganyan."

"Naks! Parang ang dami nang nagsabi sa inyo ng ganyan, Ma'am, ah?"

"Hindi naman," sagot ko. Hindi naman talaga. Or it's just nobody dared to. Sa ibang nanligaw kasi sa akin noon, either their too formal or mga mahangin lang na laging sarili nila ang pinupuri. Ending, walang kami. Period.

"Ma'am."

"Ano?!"

"Alam mo bang ang babae, maganda kapag nakangiti?" diretsong sabi nito sa akin

Hinarap ko naman siya. "And so?"

"Babae ka."

"Alam ko." Obvious ba?

"Nakangiti ka." Napangiti nga ako ulit.

"Tapos?"

"Sabi ko nga, maganda ka. Ang hina mo naman, Ma'am, eh! Masisira ang pick up line ko sa 'yo. Pambihira naman, oh!" Nagdadabog na nauna itong maglakad.

Natawa na talaga ako. Daming kalokohan ng taong 'to!

"Hoy saglit! Iwan ba ako?"

"Hindi kita iiwan. Ako lang ang laging iniiwan. Masakit. Alam ko ang pakiramdam, Ma'am."

Teka nga? "Ba't ba hugot ka nang hugot? Problema mo?" natatawa kong tanong.

"Wala naman, Ma'am. Salubungin na lang natin sila."

-

Nag-setup na nga ang staff ng resort ng bonfire at may dalang bote ng beer at junk food sina Sir Jim at Yulian. May dala rin silang marshmallows at mahabang sticks.

This is a perfect example of a night in the beach!

Agad kong tinusok ng stick ang tatlong mallows. Sinubukan ko iyong ilapit sa apoy pero sobrang init niyon at parang napapaso na agad ang balat ko. No, it's really good kapag medyo melted ang mallows. I tried again but failed. Ang init talaga.

"Ako na nga, Ma'am. Parang takot na takot ka sa apoy, eh." To my rescue, si Yulian na nga ang lumapit sa bonfire. Mataas naman kasi yong apoy. Hindi siya yong nasa lapag lang at pwede mong itusok sa buhangin ang stick para mainitan. Bawal kasing magka-mark sa buhangin kaya nakalagay ito sa maliit na drum.

"Hindi ako takot sa apoy. Takot lang akong masunog," sabi ko.

Napaisip at napatango siya at bumulong. "Hmm? Parang sa pag-ibig lang, Ma'am, no? Hindi nakakatakot umibig, pero nakakatakot ang masaktan."

"Gusto mo bang masaktan?" tanong ko na nagpipigil lang. Any time, masasapak ko na talaga 'to.

"Totoo naman, Ma'am ah? Bakit? Kung hindi ka takot masaktan, edi sana, may boyfriend ka ngayon, di ba?" pang-aasar pa nito.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Oy ha? Below the belt ka na? Close tayo? Close tayo?"

"Mukhang nagkakamabutihan na sila."

"Oo nga. Alis na lang ba tayo?"

Narinig kong bulong ng dalawa sa likod namin. "What?"

"Sabi ko, sorry, naubusan na raw ng flavored beer, eh. Ikaw, isang bote ka lang, ha? Mahirap na, baka akitin mo pa ako at magawa natin ang hindi pa pwedeng gawin," biro ni Sir Jim kay Ate Melo. As if wala silang sinabi kanina.

"Why not?" she innocently asked.

"Ate," pagbabanta ko.

"Oops! My bad. Mom's here!"

Sa buhanginan lang kami umupo. Hinayaan ko na si Yulian na magluto ng 'smores'. Ang dami niyang sinasabi. Nakakainis kasi hindi ako makapag-counter attact. Problems with interacting with people.

Magkatabi ang couple, as usual. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Minsan, kapag napapatingin ako kay Yulian ay nakatingin din ito sa akin kaya tinatarayan ko na lang ito. Yes, to hide what I really feel. Naiilang ako at nahihiya pa rin ako.

Medyo malamok lang nang unti-unti nang maubos ang apoy ng bonfire. Ramdam ko dahil naka-shorts lang ako.

Mayamaya ay inabot naman ni Yulian sa akin ang kanina'y suot na polo. Hindi ko naintindihan kaagad kung bakit niya binibigay iyon sa akin kaya siya na mismo ang nagpatong niyon sa binti ko.

"Yuls, wala ka ba talagang girlfriend?" tanong ni Ate Melo na medyo tipsy na.

"Wala po, eh."

"Advance akong mag-isip so if ever liligawan mo ang Eklai ko, please don't ever ever ever hurt her or else," sabi ni Ate na may halong pagbabanta at pagbibiro. Yes, I think she's just kidding because why would he court me in the first place?

"Ate, shh, lasing ka na," saway ko. Mas nasa ulirat pa ako kesa kay Ate. Mataas ang alcohol tolerance ko. Hasa kaya 'to.

"Yes, Ms. M!" sagot nito sabay salute.

"Lasing ka na rin ba?" tanong ko sa kanya.

"No, Ma'am!" salute niya ulit. Ang cute niya. Teka! Ano? Lasing na rin yata ako.

"Yulian, matakot ka na, ngayon palang. Kilala ko itong si Klairey. Nako," singit naman ni Sir Jim.

Sinamaan ko ito ng tingin. Tinaas naman niya ang dalawang kamay. "See?"

"Ligawan mo na, ligawan mo na!!!" sigaw ni Ate Melo na parang nagpoprotesta sa kalye. Mabilis na tinakpan ni Sir, este, Kuya Jim ang bibig nito.

"I think I have to send you to your room."

"Samahan ko na kayo, Kuya." Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Kuya Jim.

"I can manage. Babalik na lang ako kaagad."

"I can trust you, right?" tanong ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Of course!"

"Good. Go. Good night, Ate! Sleep tight."

"Wait, I'm not drunk! Who's drunk? Me, drunk? No!!!" sigaw ni Ate Melo. She's really funny when she gets drunk.

"Go now, Kuya. Mag-iingay na talaga iyan kapag nagtagal pa rito."

Inalalayan ito ni Sir Jim at kahit nakalayo na sila ay rinig ko pa rin ang boses ni Ate Melo.

"Mababa talaga ang tolerance ni Ate sa alak." sabi ko sabay upo.

"Lasing na nga talaga, eh. Ikaw, Ma'am? Mukhang sanay kang uminom, ah?"

"Eto? Pampatulog ko na kasi talaga ang beer kapag nasa bahay."

"Ah."

Ugh. We have to have a conversation right? I don't know how to. Bakit kasi kung kailan may ininom 'tong si Yulian, saka pa ang tahimik. Ah! Bahala na.

"I-ikaw? For sure mas sanay kang uminom."

"Medyo lang."

Silence.

"Ma'am."

"Hmm?"

"Alam ko kung gaanong nakakatakot ang malagay sa panganib ang buhay, pero kanina, mas doble yata ang takot ko."

Nilingon ko siya at seryosong nakatitig lang ito sa madilim na karagatan.

"Mas nakakatakot pa rin na makita mong nasa panganib ang buhay ng taong mahalaga sa 'yo."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya. This time, he looked at me directly in the eyes.

I'm drowning. Ngayong ang melodramatic ng paligid, we're a bit drunk at seryoso ang usapan na nakatitig kami sa isa't isa, nalulunod ako. Sa kabila ng funny side ni Yulian, ibang iba naman siya kapag seryoso. His light brown eyes are so deep na parang kapag nakipagtitigan ka ay mababasa na niya ang iniisip mo.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Napabuga ito ng hangin at ginulo ang buhok ko. "Wala lang. May naalala lang kasi ako."

"Nakakainis ka!" 'Yong tipong parang nasa climax na kami tapos ay biglang babagsak dahil ang pangit ng twist? Argh! Pinagsasasabi ko!? As if sasabihin niya na mahalaga ako sa kanya? Klairey, you're insane!

Minsan ang gulo lang talagang kausap nitong Yulian na 'to. Ayokong mag-assume kahit na babae ako at likas na asyumera, pero sa mga pinagsasasabi niya, iba eh! Ang pa-fall! Ah, no! Don't get me wrong, hindi ako naf-fall, ha?

Okay. I won't think ill about him. I don't want to judge him right away without confrontations. As if, I'd do it.

"Ma'am?"

"Ano!? Ma'am ka nang ma'am. May pangalan naman ako!" Can he just call me Klai kagaya kanina.

"K-klai..."

I stopped. But my heartbeat starts to race fast again. I hate this Yulian-effect on my heart. Tinatraydor na yata ako ng puso ko.

"Alam mo ba kung bakit kita tinatawag na ma'am?"

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Seryosong seryoso siya. Ganito ba talaga ito kapag lasing? But he doesn't look drunk at all.

"Kung kalokohan 'yan, 'wag mo nang ituloy."

"Seryoso ako, Ma'am."

"Oh ano?"

Huminga siya ng malalim at natatawang sinabi na: "Dahil ikaw na yata ang MA'AMahalin ko."

Sabay kaming natawa sa reaction ng bawat isa. One moment, we're too serious and the next thing, magagalit ako at matatawa siya and lastly, magtatawanan na lang kaming dalawa.

I liked it. I like how I felt great and at ease with this light conversations with him.

#

B/N: Cringe update!

HAPPY 1K FOLLOWERS TO ME! YEHEET!!! 🎉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro