Chapter 12. Just In Time
Klairey
-
I woke up earlier than my alarm clock. Hindi naman sa excited ako. It's usual to me kahit pa puyat ako. What's the sense of alarm clock? It's simply to annoy the hell of us.
I checked the pigpen but there's no sign of Klover. Sa pagkakaalam ko ay alas tres ang uwi niya ng bahay tuwing Sabado ng madaling araw, pero alas kwatro y media na at wala pa rin siya. Nag-text na lang ako rito kung anong oras siya uuwi.
Nagpasya na akong mag-ayos ng sarili. I simply wore a white off-shoulder top and high waist shorts. Maraming sunblock ang in-apply ko dahil ayokong masunog kabibilad sa arawan mamaya. I love the beach but I don't love the idea of getting burned.
Ang sabi ni Ate Melo ay dadaananan na lang nila ako sa tapat ng apartment bago kina Sir Jim. Before 5:30, nakaupo na ako sa labas ng bahay at naghihintay na dumating ang sasakyan nila. Nagtimpla lang ako ng kape para mainitan ang sikmura ko. Baka mag-stopover naman kami mamaya kaya doon na lamang ako kakain.
After awhile, dumating si Klover. Nakasukbit ang bag nito sa isang balikat at nakapatong naman ang jacket nito sa kabila. Mukhang pagod na pagod ito. Sabog pa ang buhok na mukhang na-rape ng mga stalkers niya sa daan.
"Napaaga ang uwi natin, boy, ah?" I crossed my arms while watching his every move.
Tiningnan niya lang ako saglit bago naupo sa tapat ko. Ibinaba ang mga dala sa mesa at inumpisahang maghubad ng sapatos.
"May lakad kasi 'yong kapalitan ko kaya kailangan mag-overtime."
"May lakad rin ako," pasimple kong sabi. Tutal naabutan naman na niya ako, magpapaalam na ako. Though I doubt if he cares.
"Obvious naman," matipid at sarkastiko nitong tugon. Kinuha niya ang kapeng tinimpla ko at uminom doon. Mukhang nasarapan siya sa kape ko. Tumayo na siya at pumasok sa loob dala ang kape KO. Pasalamat siya at halatang pagod ito kaya papalampasin ko muna.
"May pasok ka pa ba? Kung wala, paggising mo, magligpit ka ng kwarto mo at linisin mo ang CR, ha? Lock the door!" pahabol ko. I hear no answer from him. I'm half expecting that he'll obey.
Mayamaya ay isang pamilyar na Eon ang pumara sa harap ng gate. Napatayo naman ako at ibinaba ni Ate Melo ang window sa likod.
"Good morning!" magiliw na bati nito sa akin. Yes? Hindi halatang excited ito.
"Morning," I retorted. She opened the door at papasok na sana ako. I then realized that Sir Jim will sit beside her later so I opened the door at the front instead. "Sa harap na ako, Ate."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako roon. Napahinto ako sa pagsuot ng seat belt nang binati ako ng driver.
"Good morning, Ma'am."
Agad akong napalingon sa kaliwa ko. The driver's voice is familiar.
"Yulian?!"
Ngumiti ito at na-display ang mapuputing ngipin. He waved at me like we're close since grade school. Is he a kid?
"Magkakilala kayo?"
"Opo, Ms. M," he answered.
Ms. M? What's with the name? Kinunutan ko ng noo si Ate Melo pero ngumiti lang ito. 'Yong tipo ng ngiti na ang ibig sabihin ay mag-e-explain na lamang siya mamaya.
"That's good. At least, hindi na pala magiging alone and lonely si Eklai," bawi nito after naming mag-usap sa tingin.
"Just alone but not lonely, Ate," I corrected her. Then I smiled. "Let's go?"
"Tss, init ulo? Aga-aga? Hindi ka pa rin nagbabago, Eklai."
Hindi ko na pinansin si Ate. Gusto ko siyang sagutin na hindi naman pero pinili kong manahimik.
After some time, nasa harap na kami ng bahay nina Sir Jim. Sira pala ang sasakyan nito kaya ang kotse ni Ate Melo ang dala namin.
"Good morning!" bati nito sa halos kaparehong energy ni Ate Melo. Okay? Eh 'di sila na ang excited. Bakit nga ba ako ulit nandito? My mood is out of place.
Masayang nagkukwentuhan sa likod ang love birds. Paminsan ay tinatanong nila kami kung okay lang ba kami. We awkwardly answered yes in unison kaya napapaiwas na lang ako ng tingin sa nakangising si Yulian.
Mabuti at may music kaya medyo nababawasan ang awkward na katahimikan between the two of us in the front. I just seem to not mind it but I can't help it.
Pinasya kong pumikit muna dahil may ilang oras pa naman ang byahe. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw at nakatigil ang sasakyan namin sa labas ng isang convenience store.
Ngunit hindi ako nagising dahil sa silaw ng araw. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin at hindi ako nagkamali. Prenteng nakatitig si Yulian sa akin sa labas ng sasakyan. Nakaupo ito sa isang bench sa labas ng convenience store.
Now that it's daylight, I can clearly see how fresh looking he is with his white V-neck shirt na pinatungan nito ng light blue na polo, khaki shorts and sunglasses na nakasukbit lang sa ulo nito brushing his hair up. Inangat nito ang bote ng softdrink na parang inaalok ako. Ang aga-aga, nagso-softdrink na siya?
Inayos ko muna ang sarili bago ako nagpasyang lumabas. Baka naglalaway na pala ako habang tulog. Halata nga lang na bagong gising ako kaya sinuot ko na lang ang sunglasses ko.
"Sina Ate Melo?" tanong ko nang tumigil ako sa harap nito.
"Sina Ms. M? Kumakain. Doon." Nginuso nito ang katabing fast-food chain.
"Okay, thanks." Tatalikuran ko na sana ito nang magsalita siya.
"Ma'am, nakakahiya naman po sa dalawa. Sigurado po ba kayong pupunta kayo roon? Na alam ninyo na masisira ninyo ang moment nilang dalawa?"
Nilingon ko ito at tinaasan ng isang kilay.
"Excuse me?"
"Share ko lang po," sabi nito at napangisi.
Padabog akong naupo sa bench. Tama naman ito pero nang-aasar ba siya? Hindi niya ba alam na bawal magbiro sa bagong gising na Klairey?
"Binilhan kita ng pagkain, Ma'am. Alam kong gutom ka na," sabi nito na akala mo ay hindi ramdam ang pagkulo ng dugo ko. Inabot nito ang isang plastic ng hotdog sandwich at bottled water. Hindi ko iyon kinuha sa kanya. Nilapag na lamang niya ang mga iyon sa tabi ko.
"Maraming nagugutom sa mundo, Ma'am."
"Hindi ako isa sa kanila." Kasasabi ko lang ng mga salitang iyon at parang naging hudyat iyon para kumulo ang tiyan ko. Nang malakas.
Narinig kong natawa si Yulian. Nang lingunin ko ito ay nagkunwari siyang umiinom sa bote at patay malisyang tumingin sa malayo.
"'Wag kang mag-alala, Ma'am. Malinis iyan. Wala ring gayuma dahil hindi na po kailangan," he said and winked. The nerve of this guy!
"Whoah. Now you said it, parang mas lalong dapat kong hindi kainin ito." I acted I wasn't embarrassed sa hindi nakikisamang tiyan ko. Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang mukha ko. Eh, teka. Bakit ba ako mahihiya!? Normal naman sa tao ang magutom. Tss.
"Biro lang, Ma'am. Masyado ka namang siryus. Kain ka na, Ma'am. Masarap 'yang hotdog ko-este hotdog. Cheesy."
Gross! Nakakatakot ang tingin nito. Ang ano tingnan, ang manyak. Iw!
"Biro lang ulit, Ma'am. Hahahahaha!"
Kalmutin ko kaya 'to?
Tiningnan ko ito na parang kinikilatis kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o hindi. Painosenteng mukha naman ang pinakita nito. Sa huli ay kinuha ko ang hotdog sandwich at walang anu-anong kumagat doon. Mouthful. I didn't mind Yulian at kumain lang ako. Yes, gutom nga ako.
"Dahan-dahan, Ma'am. Walang aagaw niyang hotdog ko-niyang hotdog. Buti pa 'yong hotdog, hindi naaagaw."
Hindi ako naging handa roon. Muntik akong mabilaukan sa sinabi ni Yulian. Mabilis kong binuksan ang bottled water at tinungga iyon.
Ilang beses ko ba siyang sasamaan ng tingin para mapatahimik ko siya kahit dalawang minuto lang? To think na hindi kami close, ganito na siya kadaldal? What more? Tss. Bakit ko ba iniisip na magiging close nga kami? So advance na ako mag-isip? Ganoon?
"Sabi sa 'yo, Ma'am, eh. Dahan-dahan lang kasi," nakangisi niyang sabi.
Isa pa iyan. Naiirita ako tuwing tinatawag niya akong "Ma'am". Samantalang sa office, Crish lang ang tawag niya kay Crisha at Hazel lang din kay Hazel. May problema ba siya sa pangalan ko?
Wala na akong sinabi at agad na pumasok ulit sa sasakyan. I don't want to talk to that Yulian. Kung hindi kung anu-anong pangungonsensya at kamanyakan ang sasabihin, huhugot naman bigla-bigla. Idagdag mo pa ang nakakainis niyang mukha na laging nakangiting aso.
To divert my attention, I looked for my phone inside my sling bag, opened my data at nag-check ng messages. Nag-pop naman agad ang chat head ng group chat namin nina Crish at Hazel. Yes, we have one. Kahit na pwede namang mag-PM na lang silang dalawa since hangin lang ako roon.
Haze sent a selfie of her inside the car at may nakasingit na babae. She said it's her cousin that she talks about last time. They're also on their way to the beach.
Inggit na inggit naman si Crisha dahil magpapasama lang ang mama niya at magiging tuod lang daw siya roon sa parlor.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at in-open ko ang camera ng app. Without taking my sunglasses off, I took a selfie and sent it to them.
We're on our way, too. I captioned.
Pretty Crish: palimos ng ganda.
Pretty Crish: Ay, no need. Hahaha! I have looots of it.
Hazel: *nagpasabog ng hearts*
Napangiti ako. Ang kulit nilang dalawa. Ever since nakakasama ko na ang dalawang ito ay parang mas masaya na ang mga araw ko. I am not a showy type so I usually say to their faces that they are annoying.
Me: take care girls. :)
Pretty Crish: omooo~ Klairey!!! Vitamin sea lang pala ang kailangan mo!
Hazel: ate klai, why so sweet? Something happened? May cutie ba jan? Kwento plssss *nag-puppy face*
Me: binabawi ko na.
I turned my data off at tinago ang cellphone. Napangiti na lang ako. Bahala sila dyan. Wala naman talaga akong dapat ikwento. Isa pa, minsan lang akong magsabi ng ganoon, pupunain pa nila. I'll never say those words again!
After 30 minutes ay bumalik na sina Ate Melo sa kotse. I really love how she looked so happy and shining with Sir Jim on her side. Ganoon ba talaga kapag in love? Para kang nagsha-shine?
"Eklai, buti gising ka na. Hindi ka namin ginising dahil baka pagod ka. Binilin na lang kita kay Yuls. Nag-take out na rin ako para sa inyong dalawa. Gutom ka na, 'no?" Tinaas nito ang hawak na paper bag.
"K-kumain na ako, Ate-"
"Babe, they're here," tawag ni Sir Jim. May itim na van na pumarada sa gilid namin. Inabot ni Ate Melo ang paper bag sa akin bago lumapit sa bagong dating.
Isang lalaking nakasumbrero ang lumabas at nilapitan silang dalawa at kinamayan ang mga ito. Naka-varsity jacket ito at naka-black na pants.
Out of courtesy, lumabas ako sa loob ng sasakyan. Ayoko sana kaso nakakahiya lang ng kaunti.
Ate Melo turned to me at excited na ipinakilala ako sa taong iyon.
"So this is my sister, sa ibang ina, Klairey. Eklai, this is Jacob. Our photographer."
"Hi Klairey. Nice name. It suits your pretty face." He gently extended his hand. Tinanggap ko iyon for a handshake.
Now that I'm facing him, I get a better view of his face. He got these thick eyebrows and eyelashes, brown eyes and pointed nose. Makapal ang balbas at bigote nito na parang mas nagpalakas pa sa appeal niya. Pupusta ako, papasa siya sa standards ni Crisha.
Tipid na ngiti naman ang sagot ko. "Nice to meet you, Sir."
"Jacob. Call me Jacob," he said and winked. Bigla akong nailang dahil una, bakit iba ang dating ng tingin niya? Nakakaasiwa. Kung kanina ay halos ma-impress ako sa kanya, na-turn off na ako ngayon. Pangalawa, pwede ko na bang kunin ang kamay ko? At pangatlo: bakit kailangang hawakan niya pa ang balikat ko? I'm wearing an off-shoulder top so ramdam ko ang kamay nito sa balat ko and it irks me.
"Ma'am, may tumatawag po sa cellphone n'yo. Aksidenteng nasagot ko po, eh," sigaw ni Yulian mula sa driver's seat. Hawak nito ang cellphone ko.
Napahinga ako ng maluwag sa isip ko. I'm saved from near outburst. Ayoko talaga ng feeling na wala akong choice kung hindi magpakaplastik.
Mabilis akong bumitaw sa 'handshake' namin at lakad-takbong bumalik sa sasakyan. "Excuse me."
Inabot nito ang phone ko at nakita kong wala namang on-going call doon.
"May utang ka sa akin, Ma'am, ha?" bulong nito.
Just then I realized, he really saved me from the situation a while ago. Tinaasan ko ito ng kilay but deep inside, natawa na lang din ako. He sensed it. And his timing, plus acting, is commendable.
Just in time, Yulian. Just in time.
#
B/N: my apologies. here's a soup for y'all. *bows* Klairey on the media by the way. *winkeu*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro