Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11. Insecurity Kills The Cat

Klairey

-

"May gusto ka bang sabihin?"

Napalingon ako kay Crisha at nakatingin ito kay Hazel na nilalaro lang ang pagkain sa pinggan. Inangat naman nito ang tingin at mukha nga itong balisa sabay buntong-hininga.

Nandito kami ngayon sa canteen. Oo, napapadalas na ako rito dahil sa kanilang dalawa. Ang sabi kasi nila ay mabilis kaming nakakakuha ng bakanteng upuan kapag kasama nila ako. Gamitin ba naman akong panakot sa mga estudyante?

"Hindi ba tuloy ang outing n'yo? Drawing din ba? Naku, hindi na bago 'yang mga ganyan. Ganyang ganyan ang mga kaibigan ko, eh. Yaan mo, tatlo na lang tayong aalis ni Klai next time," sabi ni Crish pero umiling lang ito.

"Tuloy pa rin naman kami at iyon ang problema—haaay."

"Sabihin mo na kasi. Iuutot mo 'yan nang iuutot kapag hindi mo sinabi," she added and smirked when she finally get the look that she's waiting from Hazel. Iyong parang oh-my-gosh-for-real look.

Ngiting tagumpay rin talaga itong si Crisha na parang sinasabi na got-you-nauto-kita. Argh! May naalala tuloy ako na dalawang klase lang daw ang mga tao: isang nanloloko at isang nagpapaloko.

"Hindi mo ba alam na kaya utot nang utot ang tao ay dahil may kinikimkim itong sama ng loob?"

Napakunot naman ang noo ko at naintindihan ko na lamang nang bumunghalit ng tawa si Crisha. Mabuti at napigilan ko ang sarili ko na ibuhos sa kanya ang iced tea na in-order niya. Hindi 'yong in-order ko, syempre. Sayang ang bente, 'no.

"Ate naman, eh. Niloloko mo na naman ako." She pouted like a kid. I started to wonder what's wrong with her dahil hindi siya madalas na ganito. But of course, I didn't say a thing.

Nag-isip ito nang mabuti bago nagsalita. She opened and closed her mouth na parang hindi alam kung saan magsisimula.

"Have you ever been so insecure? To the point na hindi na maganda 'yong tingin mo sa taong iyon which is so wrong kasi nga in the first place, dapat hindi mo nararamdaman iyon? I mean, you should be happy for that person but you can't because you're intimidated. You get what I mean?" she said after a heavy sigh, followed again by another sigh.

"Hmm? Can you tell us more about it? Kasi depende 'yan, girl, eh. Depende kung gaano kaganda si person para ma-insecure ang isang Hazel." She quoted the words 'person' and 'Hazel' using her middle and pointing fingers of both hands.

"I think it's not about the looks, Crisha," I blatantly told her. Kahit pa paano naman ay hindi ko nakikita kay Hazel na mai-insecure ito sa sobrang liit na bagay. But there's more to it than meets the eye, sabi nga nila.

"Yeah. Ate Klai is right. Hindi naman po sa ganoon. Kasi mga ate—hay! Hindi ko talaga alam kung paano ie-explain."

"Sorry naman. So ano nga?"

"You promise first you won't tell anyone?"

Itinaas ni Crish ang kaliwang kamay at ibinaba agad para palitan ng kanang kamay. "Praamis!" she said, grinning.

Tinaasan ko lang sila ng kilay bago ko inatupag muli ang kinakain ko. Duh? Kanino naman kasi ako magkukwento? Kay Klover? Kay Minmin?

Knowing na wala silang mapapalang "promise" sa akin, itinuloy na ni Hazel ang pagkukwento.

"I have a cousin and her name is Eliz. Siya ang tinutukoy ko na favorite kong pinsan. Makakasama ko siya ulit bukas kasi celebration iyon ng pagpasa niya sa board exam, treat niya raw sa amin. Last May pa iyon pero ngayon lang nakahanap ng time. We're very close since childhood pero different schools ang pinapasukan namin. We're so close na parang magkapatid na ang turingan namin. Lagi siyang dinadala ng mom niya sa amin at bumibisita rin kami sa kanila nang madalas ni Mommy. Magkasama kaming magbasa ng mga libro at maglaro. Here come's high school at nagkasama na rin kami sa iisang school. Transferee lang siya noon pero nakuha niya kaagad 'yong spot ko sa rankings. Hindi ko naman sobrang dinibdib kasi nga kapatid ang turing ko sa kanya. Until may naririnig na akong mga estudyante na ikino-compare ako sa kanya. Na kesyo mas magaling daw si Eliz, mas maganda, mas matalino, mas mabait kaysa sa akin. Simula noon, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Iniwasan ko rin siya noon ng paunti-unti pero hindi ko gaanong pinahahalata. Hanggang sa lumipat siya ng school. Minsan na lang kaming magkita sa mga reunions at nagbabatian naman kami at kaunting usap pero alam n'yo 'yon? Pakiramdam ko, ang plastic-plastic ko sa kanya.

To make the long story short, ayun na nga, she passed the board exam at maganda ang napuntahan niyang company. My mom told me yesterday na sana ay Accountancy na lang din ang kinuha ko kagaya ni Eliz. You know? I feel so bad. I am so disappointed with myself. Mabuti pa si Eliz. Bakit ako, ganito lang?"

An awkward silence followed. Medyo nakuha ko naman ang gustong ipahiwatig ni Hazel. At wala akong masabi.

I've never been there kaya wala akong masabi. Never akong naging feeling hopeless dahil naiinggit ako sa achievements ng ibang tao, que kapamilya ko pa 'yan o kaibigan lang. Nasanay rin kasi ako na hindi masyadong nakikialam sa mga ganap sa buhay ng mga kamag-anak ko. At isa pa, ayokong magsalita dahil pilit ko mang intindihin ang nararamdaman niya, hindi ko pa rin magawa dahil baka iba lang ang maging dating sa kanya ng nais kong sabihin.

Kagaya na lamang ng: magtigil na siya dahil hindi naman iyon tama, o 'wag mo na lang intindihin ang sinasabi ng mommy mo, o i-unfollow mo na lang sa social media para hindi mo makita. Ending, it's all nonsense. Alam kong madali lang itong sabihin pero mahirap gawin kung ikaw na ang nasa sitwasyon. Well except sa pag-a-unfollow, madali lang iyon. Ugh? Nonsense talaga, Klai. Just say nothing, okay?

"Hmm? May mali ka nga," Crisha blurted, breaking the ice.

"Yeah, I know," lugmok na lugmok na sabi ni Crisha. Ah, she's making her feel worst.

"Pero normal lang naman ang mainggit. Lahat naman ng tao, for once, ay nainggit din. Kahit pa ang pinakamalditang tao sa canteen na ito ay nainggit na rin."

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa pasaring niya sa akin. Nakatingin lang naman siya sa gawi ko. Oo na! Syempre nainggit ako noong bata pa ako dahil bakit kapag kay Klover ay sobrang bait nila, samantalang sa akin ay hindi. Iyon naman pala ay may dahilan naman. At isa pa, noon pa iyon. Hindi na ngayon.

"Pakiramdam ko ay sobrang sama kong tao. Hindi ba isa sa deadly sins ang inggit?"

"Ano ka ba? Isa lang nga 'yan. Ako nga, halos lahat ay na-commit ko na, lalo na ang lust—joke! 'Yong gluttony na lang pala." She then chuckled.

"Puro ka kalokohan," saway ko sa kanya. Hindi siya nakakatulong sa problema. Hindi nga ba? Dahil nakita kong natawa nang bahagya si Hazel.

"Try mo kaya magpaturo kay Klairey kung paano mawalan ng pake sa mundo?"

"Baka gusto mong ma-try na mawala sa mundo?" pananakot ko naman.

"You're not good in making jokes, Klai. He-he," she laughed nervously and crossed her fingers na parang kampon ako ni Luci.

Natawa naman si Hazel kahit pa paano. Why? I'm not even kidding. Ituloy pa nitong Crisha na ito ang pambu-bully sa akin.

"Seryoso nga. Hindi mo naman kasi kailangang mainggit sa iba, Haze. Eto isipin mo—noong mga panahon na nagmumokmok ka dahil naiinggit ka, anong ginagawa nang walang malay na pinsan mo? Nag-aaral nang mabuti, nakikisalamuha sa iba, naghahanap ng ibang makabuluhan na pagkakaabalahan," she said while counting until three with her fingers. "Ikaw? Nagwo-walling lang."

"Hindi mo rin ba naiisip na ang unfair sa kanya? Kasi bigla-bigla, nanlamig ka sa kanya? Para ka lang ex ko, eh. Pero yaan mo na 'yon, hindi 'yon tao. Eh, ikaw?" she added.

Napangiwi ako sa huling sinabi ni Crish. Ilan ba ang mga ex nito at napakarami niya yatang nabibigay na example sa amin? Kailangan ba talagang idugtong 'yon? Etong nag-e-emote ang isa? Maluha-luha pa naman na itong si Hazel. Don't know if Crisha noticed.

"Pinaghirapan niya kasi ang mga bagay na natamo niya. Tingin mo ba, dahil nainggit ka sa kanya kaya niya natanggap ang mga bagay na mayroon siya ngayon? Hindi, 'di ba? Tingin mo rin ba, masaya siya kasi naiinggit ka sa kanya? No. Hindi niya alam 'yon. Wala siyang ideya na ganoon na ang iniisip mo sa kanya. Unless, may sa bruha 'yang pinsan mo."

Umiling naman si Hazel, nakatungo lang ito at nilalaro ang daliri. "She's the kindest."

Iyon naman pala. Mabait naman si Eliz. I don't want to be biased pero kawawa siya na walang alam. Crisha has a point.

"Alam mo, bebe girl, hindi ako kagandahan, hindi rin kabaitan pero guess what? Tanggap ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan na mainggit sa ibang tao kasi ano ba ang magagawa ko? Ganito na ako, eh. Ganito lang ako. Hindi ko sinasabing madali ito pero una, tanggapin mo muna ng buo ang sarili mo. Gawin mo na lang na motivation ang mga nakikita mong achievement ng ibang tao. Set aside all negative thoughts as much as possible. Huwag ka rin mag-compare kasi noong ikinompare ako ng ex ko sa first love niya? Ay, teh, break agad!

Don't worry, nandito naman kami para iparamdam sa iyo na may ibubuga ka. O, sa ganda pa lang, lamang ka lang ng point zero one percent sa akin. Cheer up, baby! Cheer up, baby!" Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere na parang nag-iinat na parang sumasayaw.

In fairness, kahit parang puro lalaki lang ang bukambibig nitong si Crisha, may point naman siya. Mabuti na rin na hindi ako nagsalita dahil baka mas mapasama pa. Napangiti ako sa sarili. Being with them is better for me, I guess. Mas matanda pa ako sa kanila pero parang mas marami akong matututunan sa buhay dahil nakakasama ko sila.

In other words, may mapapala naman pala ako sa pagsama ko sa kanila.

"Ambag-ambag naman, Klai. Ano, puro ako na lang magsasalita? Second the motion ka naman diyan."

Aba? Ba't sa akin napunta ang spot light? Tch. I rolled my eyes. Tumayo ako at dumiretso sa counter. Bumili ako ng tatlong balot ng Yakult at inabot ang tig-isang balot sa kanilang dalawa.

"Libre ko na."

Sabay kaming naglakad pabalik ng office na may iniinom na Yakult. Tinusok lang ang straw sa mismong bote nang hindi tinatanggal sa pack. Ganito raw kasi ang tamang pag-inom ng Yakult base sa 'expert' na si Crisha. Humingi talaga ito ng tatlong straw sa counter. Ayaw sana siyang pagbigyan dahil wala naman talagang kasama na straw ang Yakult pero napilit niya ang nagbabantay roon.

"You feel better?" I asked Hazel.

"Better, Ate," sabi nito at tipid na ngumiti. I smiled at her before facing forward.

"Libre makes me feel better! Ang sarap ng Yakult. Ngayon ko lang mas na-appreciate ang lasa neto. Thanks, Klai." Kung gaano katamlay ni Hazel ay siya namang hyper nitong isang 'to.

"Dahan-dahan, baka mabilaukan," sabi ko. Pinanlakihan ko ito ng mata. She acted like she hear no evil.

Naka-abre siyete lang sa akin si Hazel at nakaakbay naman sa kanya si Crisha nang magsalita ito.

"Mabuti na lang, nag-open up ako. Ang awkward siguro bukas kapag nagkataon na kinimkim ko lang ang nararamdaman ko. Thank you, mga ate ko. I honestly feel better."

Tinapik ko ito sa balikat at napangiti lang kami sa isa't isa. Habang makabuluhan na ngiti naman ang kay Crisha. Whatever she's thinking, sana ay nasa isip na lang talaga niya forever. Hindi ko na lamang ito pinansin.

Lumipat ito sa gitna at inakbayan kami ni Hazel.

Argh. Too much skinship.

But at least now, it's not that awkward. Pagbigyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro