Klairey
-
Office works are stressful lalo na at nag-a-apply ang school for accreditation. They needed the records from five years ago up to present for reference and we have to give those files to them as soon as possible.
Even Hazel was exhausted. Akalain mong ang ball of energy ay napapagod din pala?
"Ate! I can still do this, right? I can do it. I can—huhuhu! Ate, I want to go home!" halos paiyak na sabi nito. She's pouting like a child who lost her lollipop. Ang cute pa rin nito kahit na haggard na ang mukha. Edi siya na ang cute kahit haggard.
"Kaya mo 'yan," tipid kong sagot. Kahit ako ay gusto ko nang mahiga sa sobrang pagod. Dalawang araw pa lang kaming naririto sa file room at parang may humihigop ng lakas namin na dahilan kung bakit ang dali naming mapagod.
Luckily, it's Wednesday today so mas okay ang paggalaw namin. Wearing uniform isn't a big help, kahit blouse at slacks lang iyon.
Bumalik kami pansamantala sa office para ihatid ang mga nakuha naming files. Nasa kabilang bahagi kasi ng building ang stockroom kaya nagmukha talaga kaming kargador habang buhat-buhat ang mga karton. Nakakahiya pa dahil kailangang dumaan sa mismong harap ng registrar para makabalik sa office.
"Gosh! 'Di ko na keri itey! Ang lakas maka-haggardness ng ginagawa nating ito, ha? Bakit kasi sa akin pa kayo nagpatulong? Bakit hindi na lang kay Renzo? Pinagkakaisahan n'yo yata akong dalawa, eh. Ayan tayo, eh!" reklamo ni Crisha habang humihingal.
"Baka nakakalimutan mo, may files ka rin diyan," asik ko rito. Kung ako sa kanya, hindi na lang ako magsasalita dahil mas lalo iyong nakakapagod. Akala mo naman ay sobrang bigat ng dala niya. Mas mabigat pa nga ang karton na pinagtutulungan naming buhatin ni Hazel.
Speaking of Hazel, hindi na ito masyadong nagdadaldal dahil siguro sa pagod na rin. Ngingiti lang ito kapag napapatingin ako sa kanya o tuwing nagrereklamo si Crish gaya ngayon.
"Kapag ako lang talaga, hindi na nagkaanak sa pinapagawa nilang ito, irereklamo ko ang management sa DOLE, sa Gabriela, sa Senado, pati sa BIR!"
"Ate Crish, hanap ka muna po ng boyfriend bago anak. Ang advance mo masyado," sabi ni Hazel at natawa naman ako. Oo nga naman kasi.
"Aba, Hazel. Akala ko, pagod ka na pero nakuha mo pang barahin ako, ha? Baka gusto mong isumbong kita sa—"
Isang busina ang gumulantang sa aming tatlo mula sa likuran namin. Muntikan na yata akong atakihin sa puso dahil sa sobrang gulat. Napamura pa nga si Crisha at hindi ko siya masisi dahil muntik na rin akong mapamura.
Maya-maya ay nasa harapan na namin ang isang motorsiklo at pagkakita ko pa lamang ng logo ng PanEx ay napaismid na ako. Tinanggal ng rider ang helmet nito at tumambad sa amin ang mukha ni Yulian.
"Anak ng! Yulian beybe, naman, oh! Nahulog 'yong puso ko! Buti sana kung sinalo mo."
"Sorry," he said apologetically habang kinakamot ang likod ng ulo. So he's sorry for not catching Crisha's heart? Ha! Funny, Klai. He looked at me at umiwas naman ako ng tingin. "Tulungan ko na kayo, Crish."
"Ay talaga ba? Thank you, ha?" Pabebe nitong babaeng 'to. Makapagmura, akala mo, tambay sa kanto pero pagdating sa lalaki, biglang lalambot.
"Ate Klai? Tulungan na raw tayo ni Kuya Yulian. Okay lang po ba?"
"Sure," tipid kong sagot at pagkababa namin ng karton, iniwan ko na sila roon at nauna na akong pumasok sa building. I am just so tired to talk. Wala akong pakialam kung lalabas akong brat.
"Oh? Nasaan na ang dalawa?" tanong ni Ate Cel. She isn't looking at me, nakatutok lang ang tingin nito sa monitor.
"Pabalik na rin po," I answered. Sumalampak ako sa swivel chair, ipinikit ang mga mata at maya-maya ay narinig kong pumasok na sina Crisha. They both thanked Yulian at nagpaalam na itong umalis.
Naramdaman kong umupo na rin si Hazel sa pwesto nito. "Ate Klai, hindi ka man lang po nagpasalamat kay Kuya Yulian."
"Nagpasalamat na kayo, 'di ba? Ilang beses ba dapat magpasalamat?"
"Hmm." She mumbled something pero hindi ko na iyon pinakinggan. Oh, Haze. Give me a break. Maya-maya kasi ay babalik na ulit kami sa file room kaya sinusulit ko lang ang aircon at malambot na upuan.
Doon kasi ay maliit na stool lamang ang upuan at tanging hangin mula sa isang electric fan ang nagbibigay ng kaunting lamig. Malamang hindi lumalamig doon dahil sa init na rin ng ulo ko. Mas mainit pa yata ang ulo ko sa temperature ng kwarto, eh.
"Ate Cel... Baka nga po pala may tumawag sa phone, hanapin po ako. Sabihin n'yo po, nag-resign na ako. Nag-evaporate na! Nag-vanish na ako sa earth, binisita kamo mga alien sa Mars—basta! Ayokong may kakausap sa akin ngayon. Papahingahin n'yo muna ako. Ni ayoko ngang magsalita nang magsalita kasi pagod na pagod na ako tapos kapag may tatawag, siguradong may ipapagawa lang, eh, ang dami pa naming kailangang gawin nina Hazel doon sa file room. Ayokong madagdagan pa ang isipin dahil lang—haaaa! Grabe! Kahit pagsasalita pala, nakakapagod!" mahabang litanya nito, habol ang hininga. Akala ko ba, pagod siya?
"Pwede ba, Crisha? Magtigil ka muna? Naririndi ang tainga ko sa iyo. Mas nakakapagod makinig sa mga sinasabi mo!" I scowl at her. She acted like she zipped her mouth at naupo na lang. Inirapan ko naman ito bago napadako ang tingin ko kay Renzo na pangiti-ngiti habang nakatingin sa monitor niya. May nakakakilig ba sa trabaho niya?
I checked my phone to see six missed calls from Ate Melo. I sent her a message at maya-maya ay tumawag ito.
"Eklai! Can't reach you! Huhu. So, you asked them? What did they say?" she asked excitedly.
Geez! I almost forgot. Oo nga pala. About this weekend!
"Not yet, Ate. How about Klover? Okay lang kaya kung siya na lang ang isama ko?"
"Ang tanong, okay lang ba sa 'yo?"
"Uhmm? No?" I answered. Ang alam ko, may part time job ito tuwing weekends dahil nga wala siyang pasok.
"See? Haha! Basta sure ka. Ikaw, kung ayaw mong magdala, okay lang naman. 'Yong isasama naming driver na lang ang kausapin mo kapag bored ka na."
"No, thanks, Ate."
-
I checked my schedule this weekend at mabuti na lamang ay wala naman akong importanteng lakad.
Ang sabi ni Ate Melody, isang buong maghapon lang naman daw ang shoot pero gusto nilang mag-overnight doon para naman masulit daw ang pagpunta.
Ilang street lang ang layo ng bahay nina Ate Melo sa amin ngunit halos hindi kami magkakitaan. Kapag umaga kasi ay ako ang wala sa bahay, kapag hapon hanggang gabi naman ay siya ang wala sa kanila.
I still want to try to ask the girls. Kahit wala naman akong mapapala kung isasama ko ang isa sa kanila.
"Mabuti na lang at kayang mabawi ng good vibes ko ang pagod at dahil may nanlibre ng pamasahe ko kanina sa jeep, ililibre ko rin kayo ngayon ng paborito ni Klairey, ang kikiam!" Crisha exclaimed while where on our way to the cafeteria, with Hazel.
And yeah, mas gusto ko ang kikiam kaysa fishball. Kapag nagyayayaan naman, ang sinasabi: "tara, fishball tayo". Ang awkward naman kung: "kikiam tayo."
"Eh, Ate. Magkano ba yung pamasahe mo?"
"Otso."
"Abunado ka pa. 'Wag na, nakakahiya naman sa 'yo," sabi ko ng medyo sarcastic ang tono.
"No! Hindi iyon sa halaga, it's the thought at higit sa lahat, ang pinakamahirap bayaran na utang na loob. I'll pay to both of you instead of paying back the guy who paid for my fare. Muntik pa nga akong ma-in love kay Koya but he's with a girl, bet her girlfriend, kaya pinatakas ko na lang. "
"Yey! Libre! Libre! Ang pinakamasarap sa buong mundo ay libre!" Hazel said with an equal excitement. "Speaking of libre, ililibre daw ako ng fave cousin ko sa isang resort sa South this weekend. Nae-excite na po ako. Sana, Saturday na!" Napatingin ito sa amin dahil tinitigan ko ito na parang hindi makapaniwala. "Ah, hehe, share ko lang po."
My point is, one down. I can't invite her now. Isa na lang ang natira and it's—
"Talaga? Wow! Gusto ko rin tuloy pumalaot this weekend," Crish said. Napatikhim naman ako. Great timing! "Kaya nga lang, may lakad kami ni mudrabells. Nagpapasama siya sa akin sa parlor."
O—kay? So there's nobody left. Sabi ko nga, eh. Ako na lang talaga. Sanay naman akong mag-isa. Tss.
"Sama ako." I heard Renzo's voice from our side. "Okay lang ba?" Nakatingin ito sa akin na parang sa akin lang humihingi ng paanyaya. Nabasa niya ba ang iniisip ko?
"No," I answered immediately only to find out na ang tinutukoy niya ay sasabay siya sa amin para bumili ng fishball.
Natawa naman si Crisha. Inakbayan nito si Renzo kahit hindi hamak na mas matangkad ito sa kanya. Napayuko tuloy si Renzo. "Eto namang si Klairey. Parang hindi pa nanliligaw si Renzo ay bina-busted mo na kaagad."
Namula ang tainga ni Renzo. He's blushing like a teenager na kaharap ang crush niya. I'm not saying the he likes me though.
Of course, I wouldn't ask him to tag along with me on weekend. That would be awkward. Baka pag-isipan pa nila ako ng kung ano, lalo na itong si Crisha.
Guess I have to be a chaperone for the first time.
Or so I thought. It isn't my first time.
Thinking about that "first time" just makes me feel worse. I disregard the thought at dumiretso na lamang kami sa pwesto ni Manong na nagpi-fishball... And kikiam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro