Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1. I Just Don't Care

Klairey

-

People will always judge you no matter how kind you are.

So why please everybody? Why do you need their approval? Why do you need to act perfect in front of them? When in fact, some of them are talking behind your back and always looking for something to pull you down.

Ang effort kaya! You always have to smile or control your facial expression to appear more approachable-na sobrang nakakangawit.

You have to say 'yes' to them even if you can't handle it anymore as if you don't have a choice. Really having no choice? Of course, you always have. Take it or leave it? Simple!

They will be used to it and it will become their habit. 'Yong iba, sasamantalahin na ang kabaitan mo. At kapag humindi ka lang ng isang beses, sasabihin nilang "nagbago ka na". Ang hirap kasi sa mga tao ngayon, iaasa talaga sa 'yo ang isang bagay basta alam nila na okay lang sa iyo. Gosh! Nakakairita! Just by thinking about them makes my blood boil up to 200 degrees!

I hate people who's good in sending others to do their work as much as I hate people who's as kind as a saint!

Gobyerno nga, hindi inuuna ang bayan nila pagkatapos ikaw, uunahin mo lang ang iba? Eh, di pumunta ka na lang sa Vatican at mag-apply ka nang santo o santa!

There's no bad in helping others but you have to help yourself first. May buhay ka rin. You need to rest and you need some time for yourself. Sayang 'yong mga oras na sana ay may nagawa kang iba na magbe-benefit ka pa.

That's why I always prefer my resting bitch face because it's simply effortless. People will avoid you. You have that "don't mess with me or else" aura. And then, voila! They would say na maldita ka na. Na-judge ka agad, 'di ba?! See? That's how instant people's judgment is.

Kagaya na lamang ng tingin ng mga tao sa paligid ko ngayon habang dumadaan ako sa corridor ng school na pinapasukan ko. Hindi ako estudyante but I'm one of the faculty staff in the school's registrar office.

Kapag nararamdaman ko na nakatingin sila sa akin ay tinitingnan ko rin ang direksyon nila at bigla silang mag-iiwas ng tingin. Most of the time, ang mga estudyante ay bigla na lamang tatahimik tuwing dadaan na ako sa tabi nila at mag-iingay ulit kapag nakalayo na ako.

Like gusto kong tumigil sa harap nila para pagsabihan na magsipasok na sila sa room nila, mag-aral sila nang mabuti at nang maibalik naman nila ang hirap ng mga nagpapaaral sa kanila, but I'm Klairey Ramos, I will not do something that will not benefit me and I will not ever waste my time to people who doesn't even value their time as well.

It's a good choice na hindi ko itinuloy ang pangarap kong maging noong bata pa ako which is to become a teacher dahil panigurado, mauubos lang ang pasensya ko sa mga batang ito. Tatanda pa ako nang mas maaga!

But who am I kidding? Narito pa rin ako sa school na ito kung saan ako g-um-raduate almost 4 years ago. At dahil nasa registrar ako, makakasalamuha ko pa rin ang mga estudyanteng ito at least twice a year. 'Yon ang panahon ng enrollment which is now.

It's somehow a good thing. Busy ang lahat sa building namin. Mabuti na rin at hindi papetiks lang ang ibang staff. Chika rito, cellphone doon. Hindi man lang nila naisip na binabayaran sila para magtrabaho.

Pagdating ko sa office namin ay napansin kong bukas na ang ilaw sa office ng head namin. Maaga pa kaya wala pa ang mga officemates kong mga punctual-meaning, eksaktong alas 7:30 nagpa-punch in. Very punctual! That's the start of our working hours!

"Klai?" I heard Sir Jim called me just before I place my butt on the chair. Malamang ay narinig niya ang tunog ng heels ko at alam kong kilala niya ang lakad ng bawat empleyado sa building na ito. Pinatong ko na lamang ang bag ko sa table at agad na dumiretso sa opisina nito.

"Yes, Sir?" I asked politely. Malayo pa lamang ako sa mismong table nito pero amoy na sa labas palang ng pinto ang manly na scent nito. Napakapresentable rin ng ayos nito, as usual.

Inangat nito ang tingin at nginitian ako. "Good morning!" he said. Bigla naman akong nahiya kaya binati ko rin siya. I almost forgot greeting everyone a good morning. Hindi ako sanay. Minsan lang naman kasi akong ipatawag nang maaga ni Sir Jim sa office niya. Kapag nagsisidatingan naman ang mga kasama ko, seldom lang kung pansinin ko sila.

"Let me remind you na ngayon ang dating ng trainee natin na papalit kay Cardo. At gusto ko, ikaw ang mag-train sa kanya since parehas lang kayo halos ng ginagawa ni Cardo. Kung hindi lang sana ito naaksidente ay-hay!" Napabuntong-hininga na lang ito sa isipin na nag-resign si Cardo dahil nabundol daw ito ng tricycle dahilan para gumulong-gulong siya at nagalusan. Walang nabali sa katawan niya sa awa ng Diyos pero pakiramdam ko ay naghanap lang iyon ng rason para mag-resign. Ang rinig ko ay mag-a-abroad na ang misis niya kaya siya na ang magiging house husband. Poor, Cardo.

No. Hindi ako maaawa kay Cardo. Dahil sa kanya, madadagdagan ang trabaho ko! Ako pa ang magte-train tuloy doon sa bago namin. Ugh! I hate the thought but since magbe-benefit naman ako dahil mababawasan ang trabaho ko...

"Noted, Sir," I told him.

"Be good to the trainee, Klairey. I know you and your attitude," banta nito sa akin pero may nakakalokong ngiti ito, nagyayabang ng kaputian ang mga ngipin.

Natawa naman ako. "Mabait po ako, Sir. Hindi lang sobra kaya hindi po halata."

"O, siya. Dadating na rin 'yon mayamaya. Ii-introduce na lang siya sa inyo ni Je-an. May meeting ako ng 8AM kaya aayusin ko na ito. Thanks, Klairey." That's the cue na hinihintay ko, ang thanks ni Sir Jim para lumabas na ako.

It's already past 9 in the morning nang dumating si Je-an ng admin department at may kasunod ito na malamang ay ang trainee namin. Binati kami ng good morning bago in-introduce ang bago.

"Good morning, people! So this is Hazel, the new part of your team. She replaced Cardo, as you all know. And Hazel, this is your new family!" Je-an said gracefully. Ugh! Ang aga-agang hyper.

"Welcome, Hazel!" bati ng iba.

"Mabuti na lang, napalitan na si Cardo! It's been three years!" sabi pa ni Kuya Dong at nagsitawanan naman sila. Ah. They must be referring to a TV show in the evening na hindi ko naman pinapanood because I don't feel like may mapupulot ako sa palabas na iyon. Oops. I am not a hater. It's just that I am not fond of watching TV.

The girl at the back shyly raised her hand as if she's waving to the ants on the floor. "Good morning po," she said with a tiny voice. I guess, she's a new graduate. And how can I describe her? She's beautiful, yes. Her shoulder-length brown hair suits her white complexion and small face. She's quite adorable and I just hope na hindi ito mabagal p-um-ick up ng trabaho.

Nakita kong tiningnan ako ni Je-an bago nito giniya si Hazel papunta sa pwesto ko."Hi, deaaar!" bati nito sa akin na hudyat na simula na ng bagong kalbaryo ko.

I faced them at isang pilit na ngiti ang ginawad ko kay Je-an, not looking at Hazel.

"So again, this is Hazel and as per Sir Jim's order, iiwan ko na siya sa iyo so be good to her, hmm?" she said at pinandilatan pa ako.

I twitched my lips in response. What's wrong with these people? I am at least good enough not to shout when I got angry or flip the table when things went worst. Tch.

Humarap naman ito kay Hazel at hinawakan ang balikat nito. "I don't know kung isinumpa ka ba or what but she can teach you well. Mabait naman iyan minsan. Hindi kita tinatakot, ha? Basta-"

"Go now, Je-an. Sayang ang oras," I told her with a bored look.

Aalis na sana ito, or so I thought, nang bigla siyang may maalala. "Did you see that?" Tinuro nito ang pangalan ko sa taas ng monitor. "Klayri ang pag-pronounce niyan. Sa lahat ng ayaw ni Klai, iyon ay ang ma-mispronounce ang name niya so ayun, gorabells na ako. Welcome ulit, Haze. Muah! Bye, girls!" and then she escaped. Tagalan niya pa rito at kakaladkarin ko na siya palabas.

A moment of awkward silence bago ko naisipang ihila ng upuan si Hazel. Since siya ang papalit kay Cardo, sa tabing cubicle lang siya nakapwesto.

"Huwag kang maniwala kay Je-an. One thing is for sure, hindi ako nangangagat." Ugh! What a lame greeting. Hindi ako sanay na mag-start ng conversation at lalong hindi ako masayang kausap.

To my surprise, she flased a bright smile at me. "Feeling ko naman po, mabait po kayo. Sana hindi ko po mapasakit ang ulo ninyo, Ms. Klairey."

Ang awkward na naman dahil sinabihan niya akong mabait. Klairey plus mabait in one sentence is very rare. Hindi bagay. Ugh! This girl is making me feel uncomfortable. Ayokong sirain ang expectation niya sa akin but who am I again? I'm Klairey Ramos and I don't care of what everybody will say about me.

I imagined bursting her bubbles before I tell her that I am not what she expects me to be.

"Just listen and follow me. Wala tayong magiging problema." Tumango naman ito bago inayos ang buhok niya. Kay hinhin na bata. "By the way, ilang taon ka na?"

"21 po." I mouthed a silent 'oh' because she really looked younger than her age. But I don't think magha-hire kami ng teenager dito kaya tatanggapin ko na lang na 21 na ito. Me? Oh, I look 52 but I'm only 25 honestly speaking.

"Ah, okay. Siya nga pala, huwag mo na akong i-miss. Ate Klai is okay," I told her with a smile. For the past two decades of my life, I am silently wishing for a younger sister. Maybe I would be a better person if I had one. At least, may maaayusan ako ng buhok, katerno ng damit at ka-girl talk. Unlike how me and my younger brother. Wrestling lang yata ang natutunan kong laruin sa tanang kabataan ko dahil sa batang iyon. He's three years younger than me at wala kaming solid na bonding dahil sobrang magkalayo talaga ang trip namin sa buhay aside from the fact that we're opposite in gender.

Hazel nodded and uttered a silent "Ate Klai".

Things went smooth. Madaling matuto si Hazel. Thank, Jesus Christ! She's very smart at hindi nga ito mahinhin when it comes to work. She may forgot some details but she's not afraid to ask me. Hindi siya nasisindak tuwing hindi ko siya tinitingnan kapag sasagot ako sa tanong nito in a bored way. We don't have some time to do some chit-chat or get to know each other dahil sobrang busy na sa office. Marami pa namang oras para doon, hopefully. For her first day, I think, she did well. And I guess, we'll get along well, too.

They say, opposite do attracts? Maybe because she's good and I'm bad. Oh, well. I still don't care.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro