Ch. 04: Cold Case
Ch. 04: Cold Case
Timothy
One week after I closed Abileen's case I received some greetings from the higher positions. Sabi nila, hindi raw sila nagkamali na ilipat ako sa Crestwood. Bumalik na uli sa tahimik ang buong lugar na umingay lamang dahil sa isang isolated na kaso.
Nakita ko na niligpit na nina Detective Valdez at Detective Echavez iyong case files ni Abileen noong isang araw. Narinig ko pa na hindi 'man lang daw iyon tumagal sa lamesa namin at naresolba agad. That was kind of weird because the main goal should be closing the case and apprehend the culprit. Hindi na ako nagtanong lalo't ayoko na maakusahan uli na bida-bida. Isa pa, si Detective Valdez ang sergeant ko na alam ko na wala pang tiwala sa akin.
But I'm not hear to please anybody. Narito ako para magtrabaho at gawin ng tama iyon.
I attended Abileen's interment with Rosy and we were shocked to see not one, but a lot of people who loved her. Buong Crestwood na nga yata itong dumalo ngayon kasama namin. Pero sabi ni Rosy ay normal na nangyayari ang bagay na ito. Sa Crestwood raw kasi magkakapamilya ang turingan ng mga tao kahit iba-iba sila ng ugali, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
After the interment, Rosy and I decided to look for a place where we talked about some cold cases she asked to look into. Nabuhayan daw itong kaibigan ko matapos ko maresolba agad iyong kaso ni Abileen.
"Anong magic ang mayroon? Paano mo nga nalaman agad na iyon?" Sunod-sunod na tanong ni Rosy sa akin.
"Hula nga lang." Kinuha ko sa kanya ang folder at hindi na pinansin ang masama niyang tingin.
"Hula? Ikaw iyong taong sobrang hilig mangalap ng impormasyon. Huwag nga ako, Timothy."
Hindi ako sumagot at binaling lamang ang tingin sa ibang gawi. Sumakto na napadpad iyon sa gawi ni Jerrylyn. Siya na naman? At ano ba itong ginagawa niya?
Nakita ko na nilagyan niya ng straw ang isang banana milk at inusod iyon palayo sa kanya. It was for someone who don't really exist. She's really odd.
Umiling ako't aktong ibabaling na sa folder ang tingin ngunit nahuli ako ni Jerrylyn. Kumaway siya pero 'di ko tinugon at mas tinuon na ang atensyon sa folder na aking hawak.
"Gaano na ito katagal na cold case?" tanong ko kay Rosy.
"Mga twenty years na rin. Iyong mentor ko pa ang coroner niyan at matagal na iyan sa file room namin."
"Lampas na sa statue of limitation, Rosy. Hindi na ito mabubuksan uli."
"Ang mga iyan, oo lampas na. Pero ito, bago lang and I think he resurfaced again." Binasa ko ang balitang pinakita ni Rosy kung saan nasaad na may putol-putol na katawan ang natagpuan malapit sa simbahan ng Crestwood. Ayon sa inisyal na report, babae ang kasarian ng putol-putol na katawan at nasa edad na bente singko hanggang trenta. Wala pang pagkakakilanlan ang nasabing katawan kaya tumingin ako kay Rosy uli. "Gusto mo makita?"
Umiling ako. Hindi pa kasi ako nakakapag-almusal at kung iyong pagtingin sa pira-pirasong katawan ang uunahin ko, baka hindi na ako makakain maghapon. "If this happened twenty years ago, the killer is mostly likely a middle aged man now."
"Yup, but the challenged is, there's a lot of middle aged men here." Pumihit paharap sa akin si Rosy at hinawakan ang aking braso. "Tulungan mo ako na patunayang siya uli iyan, Timothy. Sayo nakasalalay ang career ko bilang coroner dito sa Crestwood."
Binawi ko ang kamay ko sa kanya at umayos ng upo.
"Bakit ako? Marami namang detective sa presinto."
"You solved one case and that's enough for me to entrust you these twenty year old cold case."
"Isang kaso pa lang iyon. Naka-tsamba lang ako talaga."
"Sige na, Timothy!"
"Oo na. Dadalhin ko na 'to. Tawagan kita kapag may nakuha akong bagong impormasyon."
"You're the best, De Luna!" Umiling ako at iniwan na si Rosy sa restaurant.
~•~•~
Pabalik ko sa presinto, sinalubong ako ng mga tingin na alam kong may nga kahulugan. Sadyang 'di ko lamang pinagtuunan ng pansin at dire-diretso ako lumakad hanggang marating ko ang crime squad office. Si Detective Echavez lang ang naabutan ko roon habang si Detective Valdez naman natanaw ko na nasa loob ng opisina ni Lieutenant Martinez. They were arguing over something which puzzled me the most.
"Saan ka galing, Detective?" Tanong ni Detective Echavez sa akin.
"Ah, naki-paglibing ako kay Abileen," tugon at mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ang kasamahan ko't tumungo sa pantry. "What's wrong with him?" Halos pabulong ko na sabi. Magsasalita pa ako ulit ngunit hindi ko natuloy dahil nakabalik si Detective Echavez at sinabuyan niya ako ng asin. "Hey! W-what's the matter with you?"
"Baka may dala-dala ka na mga ligaw na kaluluwa diyan, Detective."
"What the hell?! Tama na 'yan. I said stop it!" sigaw ko na nagpatigil naman kay Detective Echavez. "Ano'ng nangayari at bigla naniwala sa mga multo?"
Noong isang linggo lang ay ayaw niya paniwalaan ang kwento ni Miss Elloran. Akala ko pareho kaming dalawa ngunit nagkamali ako.
"Hindi nga ako naniniwala pero sinusunod ko lang ang pamahiin ni Lola." katwiran pa niya. "Kanina pa sila nag-uusap dalawa." nginuso ni Detective Echavez sa akin sina Detective Valdez at Lieutenant Martinez.
"Tungkol saan?"
"Sayo." Kumunot agad ang noo ko. "Para ka kasing kabute sa istasyon na 'to. Tapos na-solve mo pa agad ang isang kaso na walang kahirap-hirap. Paano mo iyon nagawa?"
"Tsamba lang ang lahat."
Tinuon ko ang tingin ko sa folder na aking hawak at mabilis na itinago iyon sa drawer nang lumabas sina Detective Valdez at Lieutenant Martinez.
"May natagpuan ulit na patay sa may ilog. De Luna sumama ka kay Valdez -"
"Kami ni Echavez ang magkasama," putol ni Detective Valdez at hinila si Detective Echavez bigla.
"Wala na nga pag-asa ang isang iyon," sambit ni Lieutenant Martinez saka hinarap ako. "Sumama ka sa akin. This one is a special case. . ."
~•~•~
Nang dumating kami sa crime scene, naroon na sina Rosy at mga kasama niya. Tama nga si Lieutenant Martinez nang sabihin niyang espesyal ang kaso na 'to. Rosy usually didn't go out of her den unless it's necessary or it's an special case.
And this case, as per my lieutenant, was a special one.
Tuloy-tuloy kami lumakad ni Lieutenant hanggang sa makalapit kami sa puwesto nina Rosy. We met Detective Valdez andd Detective Echavez who responded first after they got the call. Nakita ko na may mga pulis na rin kinukurdunan ang buong paligid. Ang iba namang kasama ni Rosy ay patuloy sa pag-proseso ng crime scene.
"Ang biktima ay si Suzanne Lopez, 28 years old. Nasa kanya ang wallet na naglalaman ng ilang libo, mga ID at credit cards." Iyon ang impormasyon na paunang nakalap ni Detective Valdez.
"Siya iyong super model sa isang sikat na fashion show." Pare-pareho kaming tumingin kay Detective Echavez dahil sa kanyang sinabi. Kaya ba ito special case kasi sikat? My mother was once a model. As well as my sister, Rory, but I never encountered this Suzanne Lopez before. "Nakita ko lang sa social media," ani Echavez sa amin kaya naman bumalik na kami sa pagtingin sa bangkay.
"Dra. Rodriguez, magandang umaga," bati ni Lieutenant Martinez kay Rosy. Ako naman ay tinanungan lang siya. Kanina lang ay magkasama kami at wala sa istasyon ang nakaka-alam na magkakilala kami.
"The victim bled internally, and that's the cause of her immediate death. Tagusan ang mga sugat na kanyang natamo kaya posibleng malaking tao o 'di kaya naman ay gumamit ng pwersa ang pumatay sa kanya. May mga marka rin sa kamay niya, like this one," Rosy said, showing us the marks on the victim's hand.
Doon ay napaisip ako at pagkatapos ay luminga sa paligid hanggang sa mapapadpad iyon sa isang strap na naroon hindi kalayuan sa bangkay ng biktima. Nilapitan ko iyon at pinulot saka tinawag si Rosy.
"Could this be the reason of that marks?" tanong ko.
"Maybe -" Iniwan ko siya't patuloy na luminga sa paligid. "Baby stroller strap ito, Detective. She could be with a baby."
"Ayun!" sigaw ko nang makita malapit sa ilog ang stroller. Tinawag ko ang mga kasama ko't sabay-sabay sila lumapit. "Nawawala iyong baby na kasama niya," sabi ko kaya naman mabilis na kumilos sina Detective Valdez at nagpatawag ng ilang tao na maaaring sumisid sa ilog dahil posible na naroon ang baby.
Habang ginagawa nila, patuloy naman ako sa pagtingin sa paligid. Doon nakita ko si Miss Elloran na para bang may tinataboy na kung sinong sumusunod sa kanya. Nangunot ang aking noo. Ano'ng ginagawa niya rito? Sinusundan ba niya ako?
I remember seeing her at the restaurant where I left Rosy. And now she's here, driving away no one. Sinubukan ko na ignorahin siya at mag-focus sa kaso na ito. Lumakad ako hanggang sa makalapit ako sa isang puno na parang nakita ko na. Hindi ko lang matandaan kung saan pero sigurado ako na nakita ko na ito. Mas lumapit pa ako't hinawakan iyong puno.
Awtomatikong umihip ang malakas na hangin na tila humugong sa aking tainga at niyakap ako ng lamig na sumigid pa hanggang buto. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso't pati na sa batok dahil sa kakaibang lamig na iyon.
"Kailangan nila ng tulong mo, Detective," anang tinig na agad na nagpalingon sa akin. It was Miss Elloran, and she looked different now. It was like she was a different person, glaring and trying to intimidate me. Her eyes were cold and unforgiving. I stepped back as she stepped closer to me. "Tulungan mo sila. . ."
That's Miss Elloran's word, and she passed out in my arms, making my eyes widen.
"Miss? Ayos ka lang? Miss?" Niyugyog ko si Miss Elloran ngunit hindi ko siya magising. What just happened? Sino ang dapat kong tulungan na sinabi niya? Was it some kind of a prank again or another ghost stories which I didn't wanted to buy.
"Detective. . ." tawag na pumukaw sa akin. "Ano'ng nangyari?"
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "I need a medic here. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro