Ch. 03: She's Seeing Ghost
Ch. 03: She's Seeing Ghost
Jerrylyn
Several years before.
"Nakikita at nakaka-usap ko sila," sabi ko sa limang doktor na nasa harap ko. "Para silang normal na tao na nakapaligid lamang sa atin."
Hindi ko alam kung bakit ba ako nasa harap nila ngayon. Narito lang naman ako dahil requirements sa kumpanya na pinapasukan ko ang fit to work certificate na galing sa kanila. Nagkaroon kasi ng serye sa opisina kaya ako napadpad dito. At para makuha ko ang certificate, kailangan ko sila kausapin kahit ayaw ko.
"Are they asking for your help?" tanong sa akin ng isang doktor.
"Iyong iba. Mayroon din na nanakit." Gaya noong nasa opisina kaya nga narito ako ngayon. The people in the office were convinced there was something wrong with me. In fact, none of them contacted me since I was admitted here. "Puwede na ba akong lumabas? May mga trabaho pa ako na kailangan gawin."
I was working as a customer service representative in a top call center company in the country. Marami kami kliyente across the globe at iyong Bristish account ang hawak ko. Night shift ang schedule ko ngayong cut-off kaya naman na-encounter ko iyong multo na mapanakit sa may pantry.
Ayaw niya kasi na magpatambay doon pero saan naman ako kakain kung 'di doon lang. Kaya nakipagtagisan ako't iyon nga ang dahilan kaya nilagay nila ako rito.
"We recommend you undergone more tests, Miss Elloran. Puwede ka naman magpatingin sa iba kung gusto mo makarinig ng opinyon ng iba," sabi ng doktor na babae at inabot ang isang papel na naglalaman ng findings nila.
Delusional and PTSD. Iyon daw ang meron ako base sa mga test na ginawa nila sa akin. Wala talaga naniniwala sa akin. But it's fine, sanay na ako sa kanila at wala talaga makaka-intindi kahit na pamilya ko.
"Tinanggal ka nila?" Iyon ang gulat na gulat na tanong ni Lola sa akin matapos ko sabihin na wala na akong trabaho.
Papasok ako dapat pero dismissal form ang pinirmahan ko saka pinaligpit na nila ang aking mga gamit. None of my so called friend came forward to protect me a while ago. It was unfair but who am I to complained? Ganito yata talaga kapag may kakayahan ka na hindi maintindihan ng lahat.
"Hindi na bale kung wala ka trabaho. Umuwi ka dito sa Crestwood at samahan mo ako. May kaibigan ako na nangangailangan ng bantay sa library niya. Ikaw na ang irerekomenda ko."
A public library? Hindi ako makapaniwala na may gano'n sa Crestwood samantalang ang tingin ko sa lugar ni Lola ay lugar na 'di masabay sa uso. Wala na ako nagawa kung 'di ang pumayag sa gusto ni Lola at sa lugar niya na ako namuhay ng tahimik.
Tahimik sa aspetong normal ngunit hindi sa kakaibang aspeto. Mas marami akong nakilala sa Crestwood at palagi sila nandyan sa tabi-tabi, nakamansid, naghihintay na mapansin ko. I am that person who sees them and I don't know what they want. But it's clear these earthbound ghosts wanted me to tell the world their stories. . .
~•~•~
Present time. Two hours before Timothy's dinner with his mom and Rosy.
"Sigurado ka ba talaga na si Paco ang pumatay kay Abileen? Ipipilit mo talaga iyan?" Tumingin ako kay Evangeline. Tinulungan niya ako makalabas sa pamamagitan ng pagpapatunay sa alibi ko sa pagitan ng mga oras na estima nilang huling nakitang buhay si Abileen. "Hindi ka naman nangingialam dati? Saka tanggap ko iyang ability mo basta huwag mo lang sasabihin na may kasama tayong multo ngayon."
I chuckled. "Mayroon nga tayong companion ngayon."
Tumili si Evangeline nang sabihin ko na kasama namin si Abileen at Imogen ngayon na dahilan kaya ako tumawa. But what Abileen told me earlier while I was inside the cell made me ran after the infamous detective.
Detective Timothy De Luna.
"Anong kailangan mo?" tanong sa akin ng detective na nilapitan ko.
"Na-check mo na ba iyong sasakyan ni Paco?"
"Why do I have to do that?"
"Kasi naroon ang ebidensya na makakapagpatunay na pinatay niya si Abileen." He scoffed after laughing to what I've just said. Hindi naman ako nagpatinag dahil nga sanay na ako sa mga ganitong klaseng judgment. "Maniwala ka sa akin. Abileen told me that it was underneath the comparment sheet. May makikita rin kayo na fiber sa ilalim ng iba pang kuko ni Abileen."
"Look miss whatever your name is -"
"Jerrylyn." putol ko't salita.
Huminga ng malalim si Detective De Luna at maayos akong hinarap. "I've been a police for ten years and I know how to do my job well. Kaya huwag mo ako turuan kung paano maging isang pulis na imbestigador, maliwanag?"
Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko lang naman na patunayan na hindi lang ito isolated case. May suspect na hindi pa nila nahuhuli ang pagala-gala ngayon. Paano kung balikan ako noon?
Kiniling ko ang ideya na iyon sa aking isipan. Imposible na gawin iyon ni Paco. Naniniwala ako na may natitira pa namang bait sa katawan niya kahit na paano.
Bagsak balikat akong humarap kina Imogen at Abileen.
"Ginawa ko na lahat, wala pa rin talaga," sabi ko't nagdesisyon na lapitan na si Evangeline.
Isa pang matatakutin iyon. Patunay doon ng hindi niya ako magawang lapitan o ni-pumasok sa tinitirhan ko na apartment. Maigi naman kung gano'n, at least hindi na siya mangungulit na tumira dito.
Finally, I'm home and I can now rest. Grabe ang araw na ito. Hindi ko sukat akalain na tatagal ako sa selda na iyon ng buong maghapon. Hindi tuloy ako nakapagbukas ng library. Hindi bale't magpapaliwanag na lamang ako bukas kay Aling Libay kahit 'di naman iyon magtatanong kung saan ba ako nagtungo. Tiwalang-tiwala iyon sa akin at gusto niya ang pamamalakad ko sa library.
Bihira ang gaya niya at mapalad ako na may gaya pa niya. Pareho sila ni Evangeline, iyon nga lang matatakutin ang kaibigan ko. Si Aling Libay, palibsaha ay madasalin, hindi na tinatablan ng takot. Siya nga ang nagbigay ng mga libretang dasalan at rosaryo sa akin.
"Ano na mangyayari kay Abileen, Jer?" tanong ni Imogen sa akin.
"Gaya mo? Pero alam ko na iba ang paraan paano ka namatay," tugon ko.
Hindi nagsalita si Imogen at bigla na lang siya nawala na walang paalam. I was left there alone praying to no one for my safety tonight. . .
~•~•~
Nagising ako ng parang pakiramdam ko na may sumasakal sa aking leeg at hindi nga ako nagkamali. My eyes widened up up seeing Paco above me was Paco. His eyes were dark and there's devilish smile drawn into his lips. Determinado siyang patayin ako ngayong gabi at alam ko na kung bakit. Hindi ako makasigaw at hindi rin makagawa ng anumang ingay upang i-alarma ang mga kalapit bahay ko.
Ngayong gabi na ba ang katapusan ko?
Hindi pa nasasagot bakit ako nagkaroon ng kakayahan na makipag-usap sa mga yumao na. I was hoping to meet my grandmother too. Gusto ko sabihin sa kanya na ayos lang naman ako kahit na mag-isa na lamang ako sa buhay. I'm quite living despite death that surrounds me.
"Walanghiya kang babae ka? Nakita mo ba ako ng pinatay ko si Abileen? Naroon ka ba?" Iyon ang mga salitang tinuran ni Paco na 'di ko magawang sagutin. "Sabi nila nakakakita ka ng multo. Mabuti pa yata ay isama na kita kay Abileen para wala na maka-alam sa ginawa ko."
Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong hindi nakahinga nang humigpit ang hawak niya sa aking leeg. But before he could successfully killed me, someone dived at Paco out of nowhere. Habol hininga ko silang pinanood na magbuno sa sahig dalawa.
"Get out now!" sigaw ni Detective De Luna sa akin na sinunod ko naman.
But before this scene happened, I had already predicted that Paco would go after me.
A while ago, kumuha ako ng calling card ni Detective De Luna at tinabi ko iyon. Pagkatapos ko maligo at kumain, nag-lock na ako ng pinto at siniguro ko na walang ibang makakapasok sa loob. I even turned on the house alarm just to be safe. And before I gone to bed, I texted Detective De Luna and told him that I have a feeling that Paco would grace his presence at my home tonight.
Wala akong natanggap na reply kasi alam ko naman na iniisip niyang pinagti-trip-an ko lang ang pagka-pulis niya. Hindi na ako umasa na may darating so I pray again to no one until I feel asleep.
Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ng babaeng pulis at niyakap ako. Isa-isa namang pumasok ang mga kasama ni Detective De Luna para arestuhin si Paco.
I was guided out and some medic deal with the marks left on my neck. Tinanong din ako kung nakakahinga ba ako ng maayos at sinabi ko naman na oo.
Hindi ko inasahan ito. Sino kaya ang nakarinig ng dasal ko at narito silang lahat ngayon? Niyakap ko ang aking sarili habang nakaupo sa loob ng ambulansya. When I saw Detective De Luna walking out, I immediately walked out to catch him.
"Detective. . ." sambit ko.
"Oh?" He's still stern looking. Iyong tipong mangangain ng buhay kapag may nasabi akong mali. Gano'n nga niya ako tiningnan kanina habang pinangangaralan na huwag kuwestyunin ang pagiging pulis niya. Kahit hindi ko naman talaga intensyon na turuan siyang gawin ang kanyang trabaho.
"Naniwala ka na sa akin? He killed Abileen and -"
"We caught him based on evidence we found inside his car a while ago. Hindi iyon dahil sa sinabi mo na sinabi sayo ng multo ni Abileen. Hindi ako naniniwala sa mga multo,"
"Pero nagpunta ka rito dahil sa text ko."
"Ito iyong daan kung saan huli siyang nakita. Someone tipped us."
"Ey, hindi po nakakabawas ng pagkalalaki at pagka-pulis ang umamin." Tumawa ako. "Salamat at niligtas mo ako, Detective. Akala ko talaga katapusan ko na. I already saw the light a while ago."
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Sumama ka na sa mga medic at ipatingin iyang leeg mo."
"Aye, captain!" Umiling siya't iniwan ako. "Thank you uli!" sigaw ko bago bumalik sa ambulansya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro