Chapter One: Part Three [2]
Lumabas sina Nigel at Joseph mula sa maliit na silid at napagtantong malaki pala ang pinsala ng pagsabog. Napatakip kaagad sila sa sariling ilong nang mapuno ang ere ng natustang amoy ng laman ng mga zombie. Nakakasuka. Hinihingal pa rin sila sa sobrang kaba. Mainit ang paligid at unti-unti na itong pinupuno ng itim na usok.
"We should go. That explosion may have saved us from these three, but not from the others," saad ni Joseph at nanguna nang lumabas sa silid.
"Who threw the bomb?" bulong ni Nigel nang maglakad sila sa pasilyong puno ang magkabilang bahagi ng mga nakasampay na damit. Aligaga siyang napapatingin sa paligid, sinusuri kung may mga zombie ba.
"I don't know. Whoever saved us probably ran away after making that much noise—"
Isang malakas na alulong ang umalingawngaw sa paligid. Sabay silang napalingon at laking-gimbal nila nang makita ang tatlong zombie na tumatakbo patungo sa direksyon nila. Gaya ng nakasalubong nila na zombie kanina sa eskinita ay labis silang namumutla, payat na payat, at iilang hibla na lang ng buhok ang naiwan sa kanilang ulo.
Napakagaan ng katawan ni Nigel nang magsitakbuhan sila at tinungo ang sirang escalator. Malalaki ang kanilang hakbang. Ilang sandali lang ay narating din niya ang pangalawang palapag. Pumasok kaagad sila ni Joseph sa pinakamalapit na tindahan at tinungo ang pintuan sa likurang bahagi nito. Nang pihitin ni Joseph ang seradura ay laking-tuwa nila nang ito ay bumukas. Pumasok kaagad sila at kinandado ang pinto. Nanatili silang tahimik habang hinahabol ang hininga. Naghintay pa sila nang ilang sandali at pinakinggan ang mga galaw sa kabilang bahagi. Sa kabutihang-palad, makalipas ang ilang sandali, ay wala silang narinig.
"That was close—"
"Hey."
Nagulat silang dalawa nang lumingon sila at namalayan ang isang binata, kasama ang tatlong binatilyo, na may hawak na armas at nakatutok sa kanila. Isang lalaki ay may hawak na baril, ang dalawang babae ay may kaniya-kaniyang hawak na sibat, at ang isa pang lalaki ay may tangan-tangan na itak.
"Are you infected?" tanong ng lalaking may hawak na baril.
"Do we look like we're infected?" naiinis na sagot naman ni Joseph.
"No...we're not infected," diretsong sagot ni Nigel.
"Alright. Lower your weapons, everyone."
Ibinaba ng lalaki ang baril nito at isiniksik sa tagiliran at tinakpan ng pang-itaas na damit. Sumunod din ang iba sa utos nito at ibinaba ang kaniya-kaniyang armas. At saka sabay nilang pinalibutan ang dalawa.
"Who are you? How did you end up here? And what happened?" tanong ng lalaking umaaktong pinuno nila.
"I am Joseph and this is Nigel,"pagpapakilala ng lalaki. "We have a hideout a few kilometers from here. We're looking for a radio but we're chased by zombies."
"We have what you're looking for. We have a radio." Napatingin ang pinuno ng grupo sa mga kasama nito animo'y nag-uusap sila sa mga tingin lang.
"Have you called for help?"
"Obviously! We're not dumb. We have been calling since day one....still no response."
Nabaling ang tingin ni Nigel kay Joseph at sa puntong 'yon ay nadismaya siya sa kaniyang narinig. Nawawalan na siya ng pag-asa. Ang kagustuhan nilang makahanap ng tutulong sa kanila ay unti-unti nang naglalaho.
"I am Derek," saad ng lalaking may hawak na baril. May maganda itong pangangatawan at kulay kape na buhok. "This one is Noah." Turo nito sa matangkad na lalaki na may itim at medyo kulot na buhok. "This sweet girl is Era, my girlfriend. And this silent one is Czarina ." Ngumiti lang si Era nang akbayan siya nito at si Czarina, ang babaeng may suot na salamin ay kumaway lang sa kanila. "What do you know about this infection going on?"
"Given that the internet is gone and no one answers your call. The whole country must be affected by this sickness," pahayag ni Joseph.
Napatikhim si Nigel. "So far, it was said that only the adults were affected by the sickness. So if you'll see teenagers and kids, they're fine."
"Yeah, we figured that out."
"How about you guys?" tanong ni Joseph. "What are you doing here?"
"We were looking for food. We have a hideout just behind this mall."
"By any chance, did you guys throw the bomb earlier? We were trapped in the fitting room and there was this explosion that killed the zombies."
"What? No..."
"So that was the explosion we heard," napagtanto ni Czarina.
"There's a chance that somebody's out there."
"We should leave now. That noise must have caught the zombie's attention," mungkahi ni Derek.
"Yeah. I think that's right."
"Let's go."
"Is it safe to go outside?" tanong ni Nigel na ikinatigil ng lahat. "There was an explosion. For sure, the whole place is flooded by zombies now."
Ang ideyang lalabas na naman sila ay muling naghatid ng takot kay Nigel. Muntikan na nga silang mahuli ng mga zombie kanina at ngayon ay isugugal na naman nila ang buhay nila.
"If we're staying here, we will have no chance to escape later. Let's leave while we still can," saad naman ni Derek.
"If we leave now, the chance of meeting hundreds of them is high. We should wait until they leave," giit ni Nigel.
"Look, Nigel. You can stay here all you want. I'm not forcing you. But my team will leave."
Napatingin siya kay Joseph at tumango lang ito. Napabuntong-hininga na lang siya. Sa huli ay sumunod na lang sila sa plano ng grupo. Naisip niyang maganda rin na marami sila at mapoprotektahan nila ang isa't isa, kaysa sa silang dalawa lang ni Joseph.
Natuon ang atensyon niya kay Derek na nasa pinto na. Nangingibabaw ang katahimikan sa silid pero dinig na dinig niya ang puso niyang kumakabog. Nilalamig na siya sa takot at ang mga kamay niya na nasa bulsa niya ay nanginginig na rin.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Hinila ito ni Derek at saka sumilip sa labas. Malalim na napansinghap ng hangin si Nigel nang makitang dahan-dahan na lumabas si Derek at sumunod ang mga kasama nito. Sumunod din kaagad sila ni Joseph. Maingat sila sa bawat hakbang; takot na takot na makagawa ng ingay. Tinungo naman ni Derek ang railings ng palapag at tumingin sa baba, sa unang palapag.
Dali-dali itong umatras. Bakas ang takot sa mukha. Sumenyas siya sa mga kasama. Nakuha kaagad ni Nigel ang pinapahiwatig nito lalo na no'ng narinig nila ang mahinang ingay ng mga zombie na nakapapanindig-balahibo. Nag-iba sila ng ruta. Sa panguguna ni Derek ay tinahak nila ang pasilyong pinintahan ng mga natuyong dugo; at may naiwan pang kaunting piraso ng mga nilalangaw na laman at buto.
Bawat hakbang nila ay kalkulado. Iniwasan nila ang mga nagkalat o nakaharang na mga bagay sa sahig na magdudulot ng ingay. Hindi nagtagal ay narating din nila ang dulo kung saan naroon ang isang elevator. Napatigil sila sa harap nito at pinanood sina Derek at Noah na nagtulungang hilain ang metal nitong pinto sa magkabilang direksyon. Ilang saglit pa ay tuluyan na rin itong nahiwalay. Sa kabutihang-palad ay hindi ito nagdulot ng malakas na ingay. At bumungad sa kanilang paningin ang madilim na hoistway o ang lagusan ng elevator.
Tinignan ni Derek ang loob nito at sinuri. ""It's clear. The elevator cart is on the ground floor. Let me go down first," bulong niya nang abutin niya ang bakal na hagdan at dahan-dahang bumaba.
"Why are we going here?" bulong na tanong ni Nigel kay Joseph.
"This is closer to the parking lot where we can find cars. It was our original plan. After collecting supplies, we head to the parking lot and take one car," sagot ni Noah bago siya humakbang at sumunod na rin kay Derek.
Sumunod naman ang dalawa pang babae. Hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay silang dalawa na lang ang naiwan sa palapag; nakatindig pa rin sila sa pintuan at nagkatinginan.
"You go first," utos ni Nigel.
"No. You go first."
"Joseph—"
"I insist. Just please go first."
"Just stay near me, okay?" Sumuko na si Nigel at hindi na nagpumilit pa. Inabot niya rin ang hagdan, kumapit siya rito at saka dahan-dahang bumaba.
Hindi mapakali si Nigel. Mahigpit ang kapit niya sa bakal na hagdan at binilisan na ang pagbaba upang sumunod din kaagad si Joseph. Ilang saglit pa ay narating din niya ang bubong ng elevator at doon siya bumaba. Nabaling naman ang atensyon niya kay Derek nang maingat nitong binuksan ang escape hatch ng elevator at sumilip sa loob.
"It's empty," balita ni Derek. "And the door is closed."
"Leave it to me," boluntaryo ni Noah at diretsong tumalon sa loob.
"Noah, it's dangerous. What if there will be zombies on the other side of the door?" saad ni Nigel.
"Then I'll chop them down with my machete," mayabang na sagot nito.
Gamit ang kaniyang itak ay isinilid niya ito sa pagitan ng pinto. Buong-lakas niyang hinila ang hawakan nito pakanan hanggang sa tuluyan na nga itong nahiwalay at bumukas. Ngunit sa pagbukas nito ay biglang nanigas si Noah at nabitawan ang hawak nitong itak, at malakas na napasigaw.
"Help me back up!" pagmamakaawa niya nang itaas niya ang mga kamay ere.
Dali-dali namang inabot nina Derek at iba pang babae ang mga kamay nito. Sabay-sabay nilang hinila si Noah, ngunit napakabigat nito. Lumuluwag ang kapit nila dahil sa pawis na nasa kamay nila. At bumaha sa loob ng elevator ang hindi mabilang na mga hubo't hubad na zombie. Iyak nang iyak si Noah, nagmamakaawang hilain siya pataas, hanggang sa bigla itong nagpumiglas at muling napasigaw sa hindi mawaring sakit.
Nasaksihan ni Nigel ang lahat. Kitang-kita niya kung paano pagpyestahan ng mga zombie ang hita at binti ni Noah. Pinunit nila ang ang mga laman nito at naligo sa dugo ng lalaki. Sa lakas ng mga halimaw na kumakapit ay tuluyang nabitawan nina Derek si Noah at diretso itong nahulog sa mga zombie. Sa isang iglap lang ay nawala kaagad ito sa kanilang paningin nang matabunan ito ng iba pang mga zombie na gutom na gutom. Saglit lang nilang narinig ang sigaw nito bago tuluyang nalagutan ng hininga ang lalaki. Natulala sila at walang ni isang salita ang kumawala sa kanilang bibig nang panoorin nila ang mga hubo't hubad na zombie na hinihila ang laman, kinakagat ang mga buto, iniinom ang dugo ni Noah, at pinag-aagawan pa ito.
Hinila kaagad ni Joseph si Nigel. "We need to go now."
At diretso nilang inakyat ang hagdan pabalik sa pangalawang palapag. Sina Derek naman at ang dalawang babae, sa takot na baka atakehin din ay umalis na at umakyat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro