Chapter One: Part Four [2]
Nang makitang marami-raming zombie na rin ang nagsilitawan mula sa iba't ibang direksyon ay dali-dali niyang binitawan ang nagbabagang sibat at sinalo si Joseph nang manghina ang mga tuhod nito. Lubos na nagdurugo ang balikat nito na pinipigilan din ng lalaki gamit ang sariling kamay. Hinila niya ito patayo at saka kinaladkad, pero hindi rin sila nakalayo pa nang makitang napapaligiran na sila. Napatigil siya. Bumagsak din sa sahig si Joseph habang dinadaing ang mga sugat niya. Do'n niya lang napansin na may mga kalmot pala ito sa braso, at may sugat din sa tagiliran at sa mga binti nito.
Hindi na niya alam pa ang gagawin. Sa bawat segundong lumilipas ay lumiliit na ang tsansa nilang makaligtas. Alam niyang hindi magtatagal ay pagpipyestahan na sila. Kung saan-saang direksyon siya napatitingin at naroon ang mga hubo't hubad na zombie na gutom na gutom sa laman nila. Sa takot niya ay inagaw niya ang itak ni Joseph. Mahigpit niya itong hawakan kahit na napakalagkit ng mga nangingitim at nanunuyong dugo na kumakapit dito.
Nanginginig ang mga kamay niya nang itutok niya ang itak sa iba't ibang direksyon, umaasang matatakot nito ang mga zombie. Ngunit, pumalya siya. Hindi natinag ang mga zombie at itinuloy pa rin nito ang pag-atake. Isang lalaki ang sumunggab sa kaniya. Isang hataw ng itak niya ay nahiwa niya ang sikmura at bumuhos ang mga laman-loob nito. Umikot siya at tinaga rin ang isa pang babae sa leeg. Sa tuwing may lumalapit sa kaniya ay hindi ito nakakaligtas at pinagtataga niya. Sa mga sandaling 'yon ay napuno ang parking lot ng ungol ng mga zombie, sigaw niya at mabibigat na paghinga, laman na napupunit, at tumitilamsik na dugo.
"Stay down!" sigaw niya nang mapansing dahan-dahang tumitindig si Joseph.
Napadaing siya sa sakit nang makalmot siya sa likod. Agad siyang umikot at ibinagsak ang itak sa ulo ng lalaking akmang tatalon naman sa kaniya. Nang lingunin niya si Joseph ay laking-gimbal niya nang makitang kinakaladkad ito ng mga zombie. Dali-dali niya itong sinaklolohan at pinagatataga ang braso ng mga matatandang humihila sa lalaki at saka pinupuntirya din ang mga mukha nito. Kasabay nito ay tinataga niya rin ang mga umaatake sa kaniya mula sa likod at sa tabi. Ngunit, napagod din siya at nagkamali. Laking-gimbal niya na lang nang kumapit ang zombie sa kaniyang likod at buong-lakas siyang hinila papalayo.
"Joseph!"
Takot na takot na siya. Sa puntong 'yon ay nabatid niyang hanggang doon na lang siya. Ang puso niya ay parang sasabog na sa lakas ng pintig. Binalot rin siya ng kakaibang sensasyon; namanhid ang kaniyang katawan at naramdaman na naman niya ang kung anong bagay na namumuo sa sistema niya. Malakas siyang napaungol nang kagatin siya sa leeg ng isang lalaki. May kumapit din mga binti niya at kinakagat ito. Sa lakas ng kapit nila ay nawalan kaagad siya ng balanse at bumagsak sa sahig. At sunod-sunod na siyang dinaganan at pinagkakagat.
Hindi mawari ang kirot na bumalot sa buong katawan niya nang maramdaman ang mga ngipin nila na bumabaon sa kaniyang laman at pinupunit ito. Buong lakas siyang napasigaw at nagpumiglas. At sa isang iglap lang ay biglang nag-iyakan ang mga zombie at umatras papalayo sa kaniya. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay mas lalong tumindi ang sensasyong bumalot sa katawan niya. Hindi na niya ramdam pa ang mga sugat niya sa iba't ibang bahagi ng katawan kahit na labis ang pagdurugo nito.
Dali-dali siyang bumangon at nakita niyang dinudumog na si Joseph ng mga zombie. Sa nasaksihan niya ay nanigas na lang siya sa kinatatayuan at malakas na napasigaw upang ilabas ang kung anong bagay na bumabalot at namumuo sa loob niya. Agad na nandilim ang kaniyang paningin. Ngunit bago pa man siya nawalan ng malay ay narinig niya ang sunod-sunod na pagsabog ng mga sasakyan, atungal at daing ng mga zombie.
NAGISING SI NIGEL nang maramdamang umaalog ang hinihigaan niya. Agad na gumana ang pandama niya at binalot ng ulo ng pananakit. Ramdam niya rin ang panunuyo ng kaniyang lalamunan at pagkalam ng sikmura. Bumungad sa kaniyang paningin ang maliwanag na paligid. At natagpuan niya rin ang sarili sa loob ng isang van at nakahiga sa mahabang upuan sa likurang bahagi nito. Agad niyang hinanap si Joseph. Bumangon siya at nakita kaagad niya itong nakasilip sa bintana.
"Nigel...you're awake. Thank God," wika nito nang mapansin siya.
"What happened?"
"A lot happened." Dumalo ito at inalalayan siya paupo.
"Wait..." Lubos na nagtaka si Nigel sa napansin niya. "Where's your wounds? You were bitten on the shoulder."
Tinignan niya nang maigi ang balikat nito. Hinila niya rin ang mga kamay nito at napansing walang ni isang sugat ang magkabilang braso nito. At do'n niya namalayan na wala rin siyang dinaramdam na sakit sa katawan. Iba na rin pala ang suot niyang damit. Tinignan niya ang sariling braso at laking-gulat niya nang mapansing walang ni isang sugat ang naroon. Kinapa niya rin ang leeg, binti, at buong katawan at hindi rin ito kumikirot. Wala siyang maramdaman na kahit anong sugat.
"I'm going to tell you something but you need to get your energy back first. Eat and drink. We have a lot of things to discuss."
Nanibago siya sa kinikilos ni Joseph. Kumunot na lang ang noo niya nang biglang nag-iba ang tono ng pananalita nito at ang pakikitungo rin. Naisip niya kung may nagawa ba siyang mali. O kung ano nga ba ang nangyari. Ang huling naalala niya ay pinagpyestahan sila ng mga zombies, takot na takot siya, akala niya rin na mamamatay na siya, at nawalan siya ng malay.
Tahimik din siyang nagpapasalamat na hanggang ngayon ay buhay pa siya at ayos lang din si Joseph. Pero napakaraming katanungan ang bumabagabag sa isipan niya at wala siyang ni isang sagot. Binalewala niya muna ito at tinanggap ang inalok ni Joseph na isang pakete ng biskuwit at isang bote ng tubig. Nagpasalamat siya rito at saka nagsimulang kumain. Habang abala ang lalaki sa pag-aayos ng mga gamit nila ay napatingin naman siya sa labas.
Napansin niyang nasa parking lot pa rin sila ng mall at napapaligiran ng mga nangingitim na mga sasakyan na nasunog. Wala na itong apoy pero umuusok pa rin. Wala nang zombie pa na umaaligid at ang tanging naiwan na lang ay ang mga natustang katawan na nagkalat sa paligid. Lubos siyang nagtataka sa mga sunod-sunod na pagsabog; mula sa tulay, sa fitting room, hanggang dito sa parking lot. Lalo na kung paano nila nagagawang 'di maapektuhan ng pagsabog kahit gaano pa nito kalaki.
"I'm done." Itinabi niya ang walang laman na bote at pinahid ang mga mumo ng biskuwit at tubig sa paligid ng kaniyang labi.
Dumalo naman si Joseph at umupo sa harap niya. "I want to tell you something."
"What?"
"You're special, Nigel."
"What do you mean?"
"Before the outbreak, I had dreams...or visions of you."
"What?" Hindi niya alam kung anong pinagsasabi nito.
"I have no memories of my past. The first time we talked, I said I lost the people I love. It was true, but it wasn't because of the sickness. I just woke up one day in an abandoned warehouse with no memories. All I had was a backpack full of supplies and you."
"Me?" Gulong-gulo na siya.
"I had no memory of my parents, friends, or anyone...except you. Your face is registered in my mind and I know your name and address. So I went on a trip to find you, hoping you'll have answers of my past. But along the way, the outbreak happened. Then I found you on the riverside. When we talked, I realized you don't know me. But I sensed something special in you and I couldn't just point it out." kuwento niya. "I think we're brought together for a reason, Nigel. I think I am here to protect you; to help you control your abilities and in return, you will help me remember my past."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro