Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One: Part Five [1]

"Help!"

Bago pa man makasakay si Nigel sa motor ay napatigil sila nang makarinig ng naghahalo-halong boses na umalingawngaw sa paligid. Hinanap kaagad nila ito at napako ang tingin nila sa kabilang bahagi ng daan kung saan tumatakbo ang isang dalaga na may karga-kargang maliit na bata mula sa loob ng kakahuyan. Umiiyak ito at balisang-balisa.

"Help us!"

Saglit silang nagkatinginan ni Joseph bago niya napagdesisyunang tumakbo at sinalubong ito. Sa malapitan ay mas nakita niya ang kalagayan ng babae at bata.  Bakas ang dugo at dumi sa suot nitong damit, at ang bata naman ay iyak nang iyak.

"What happened?" aniya nang magtagpo sila sa gitna ng daan.

"We were attacked! My brothers...they are gone!" sagot nito habang humahagulhol. "Please help us!"

"Just calm down. Don't worry, we're here."

Biglang bumigay ang mga binti ng babae at diretsong napaluhod. Dali-dali naman niya itong sinalo, lalo na ang karga-karga nitong bata na sa tingin niya ay isang taong gulang pa lang. Nang alalayan niya ito upang tumayo ay bigla siyang napatigil nang maramdaman ang matigas na bagay sa likod ng ulo niya.

"Don't move or I will blow your fucking brains off."

Nanigas siya sa takot nang marinig ang malalim na boses ng lalaking pinagbabantaan siya. Mariin niyang kinuyom ang kaniyang kamao nang panoorin niya ang babae na karga-karga ang umiiyak pa rin na bata na pinapahid paalis ang luha nitong pinipeke. Tinawanan pa siya nito, animo'y pinagmamalaki ang sarili. Lubos siyang nadismaya. Hindi niya inakala na kahit na katapusan na ng mundo ay mayroon pa ring mga ganitong uri ng tao.

"What's happening?" tanong niya kahit na alam na niya kung saan 'to tutungo.

"Turn around and don't do anything stupid," utos ng lalaki na sinunod niya.

Dahan-dahan siyang umikot at hinarap ang binata. Makapal ang balbas sa ibabaw ng labi nito at gano'n na rin sa ilalim ng baba nito. Panay itong sumisinghap ng hangin at ngumingiwi rin ang bibig nito. Nanginginig din ang kamay nitong may hawak ng baril na nakatutok na sa kaniyang noo. Tahimik naman siyang nandiri sa amoy nitong paniguradong dulot ng ilang araw na hindi naliligo. Alam niyang may mali sa lalaki at nasisiguro niya na napakadelikado ito.

Nalipat ang atensyon niya kay Joseph at nanlumo siya nang makita itong nakadapa sa mainit at sementadong tabing-daan. Ang likod niya ay inapakan ng lalaking may hawak din na baril at nakatutok sa ulo ni Joseph.

"What do you want from us?"

"Your supplies, boy," sagot nito na naging hudyat para sa babae na tunguhin ang kanilang motor. "It's ours now."

Napakagat-labi na lang siya nang panoorin niya ang babae nang alisin nito ang tali ng mga backpack nila sa motor. Hindi niya lubos maisip ang kahihinatnan nila kung wala silang magagamit at makakain. Inis na inis siya sa katotohanang ang pinaghirapan nilang kolektahin na mga bagay ay mawawala lang sa ganito dahil sa mga binatilyong hindi man lang marunong magsikap. Kung sana hihingi sila ay may puruhan pa na bibigyan nila ito at tutulungan. Bakit kailangan pang manakit ng tao?

"And we're taking the motorcycle too!" sigaw ng lalaki na umaapak kay Joseph at nasundan ng halakhak.

"What do they have?"

"They have food, clothes, and water," maririnig sa tono ng babae ang tuwa. "This is a jackpot!"

"You must have come from the city. You have tons of supply. While us, here in the small towns, have to fight just to get by each day...not to mention the fucking zombies hunting us."

"Take everything you want. Just please don't hurt us," aniya at napatikhim nang maramdamang may kung anong bumibikig sa kaniyang lalamunan.

"And I'm grateful for that," sarkastikong saad nito.

"Let's go! We should get—"

Natahimik ang lalaki nang umalingawngaw ang sunod-sunod at naghahalong alulong ng mga zombie. Aligaga silang napatingin sa paligid hanggang sa natagpuan nila ang dalawang matandang babae at dalawa ring matandang lalaki na nagmula sa iba't ibang direksyon. Pinapaligiran sila nito. Maingat itong naglalakad papalapit at tinitignan lang sila, animo'y inoobserbahan ang kanilang kilos.

"Let us go. We can work together and get out of this," munghaki ni Nigel na umaasang mababago pa niya ang isipan nito.

"I know how you can help."

At bago pa man siya makapagsalita ay umalingawngaw na lang ang nakakabinging putok ng baril na nasundan ng 'di mawaring sakit sa kaniyang binti. Agad siyang nawalan ng lakas at diretsong napaupo sa kalsada habang dinadaing ang kanang binti niya na nagdurugo. Umiiyak siya sa tindi ng sakit. Tinakpan niya rin ang sugat niya gamit ang kamay upang pigilan ang labis na pagdurugo.

"You'll be a good meal to these zombies," sabi ng lalaki at iniwanan na siyang namimilipit sa sakit.

Ang inis at dismaya niya ay naging galit. Ilang hakbang lang ay biglang sumigaw ang binata nang magbaga ang hawak-hawak nitong baril. Binitawan kaagad niya ito. Kasabay ng pagbagsak ng baril sa kalsada ay ang pag-atake naman ng mga zombie. Tumakbo ang lalaki na hawak-hawak ang sariling kanang kamay na napaso. At hindi ito nakalayo pa nang sa isang kumpas lang ng kamay ni Nigel ay binalot ng init ang mga binti nito. Nasunog ang suot-suot nitong pantalon at natunaw; dumikit ito sa balat ng lalaki na nasunog din. Kumawala na lang ang iyak nito nang bumagsak ito sa kalsada at namimilipit sa sakit.

"Nigel!"

Nabaling ang atensyon niya kay Joseph at nagulat siya nang makita itong gumagapang patungo sa kaniya. Duguan ang kaliwang braso nito at dumadaing. Sa tindi ng poot niya sa mga binatilyo ay namanhid na lang ang katawan niya at nagawa niya ring tumayo. Muli siyang binalot ng namumuong sensasyon at nag-iba ang kaniyang paningin.

Isang galaw ng kamay niya ay agad na binalot ng init ang halimaw na matandang lalaki na akmang aatake na sana kay Joseph. Tumilapon ito pabalik at saka nagpagulong-gulong sa sahig nang matusta ang buong hubo't hubad nitong katawan. Ngunit napadaing naman siya nang sumakit ang ulo niya.

Umalingawngaw ang mga putok ng baril. Nang matuon ang atensyon niya sa kabilang dako ay nakita niyang pinagbabaril ng binatang nakasakay sa motorsiklo ang mga zombie na umaatake sa babae na nakayuko lang at pilit na sinasalag ang mga kagat, hampas, at kalmot ng dalawang zombie. Bawat kalabit nito sa gatilyo ay pumapalya siyang tamaan ang zombie. Ang bata ang unang pumasok sa kaniyang isipan.

Tiniis niya lang ang pananakit ng ulo niya at gamit ang dalawang kamay ay kinontrol niya ang init ng paligid at ibinalot ito sa dalawang matandang babae na umaatake. Umungol sa sakit ang dalawang zombie, bumagsak din ito, at nangisay sa sahig. Sandaling nandilim ang paningin ni Nigel. Nawalan din siya ng lakas at diretsong napaluhod, at saka malakas na dumaing nang maramdaman ang sakit sa kaniyang binti na binaril.

"Nigel!"

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kaniyang paningin pero naramdaman niyang kinaladkad siya ni Joseph sa mainit na kalsada. Muling binalot ng kadiliman ang paningin niya at makalipas ang ilang segundo, nang magbalik ang kulay ng paligid ay natagpuan niya ang sarili na nakahandusay sa maalikabok na sahig at nakatitig sa puting kisame. Narinig niya ang iyak ng bata at ang malakas na kalabog na para bang may pinaghahampas nang paulit-ulit. Takot na takot siya. Muling nandilim ang paligid niya at muli na naman siyang nanlaban sa takot na baka ito na nga ang huli niyang mga sandali.

Pero naramdaman niya ang kamay na humaplos sa ulo niya at buhok. "Take a rest. I'm here. Don't be afraid. You're okay. You're safe now," bulong ni Joseph.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro