
The Day She Remembered
THE DAY SHE REMEMBERED
━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━
Nagpatuloy sa pagtrabaho si Samuel habang ako'y nanlulumo sa sahig. Hindi naman kasi ako makaupo ng sofa. Lahat ng bagay maliban sa kisame, pader at sahig ay lumalampas ng katawan ko.
Sobrang nakakainip pala ang maging multo. Lalong lalo na dahil hindi ako makalayo kay Samuel. Pinagmasdan ko na lamang siya buong magdamag. Siya lang yata iyong kahit stress sa trabaho ay 'di makakaila ang kagwapuhan nito.
Itim na itim ang buhok nito at parang pinaglilok ang kanyang itsura. Makakapal na kilay, matangos na ilong at manipis na labi pero iyong mapupungay niya mga mata talaga ang nakakaakit. Idagdag pang kulay abo ang mga ito. May lahi kasi siya at kahit sino mapapatingin sa mata niya. Matangkad rin ito at matipuno. Kung iisipin, ang swerte ko talaga na nobyo ko siya.
Mali, ex na pala. Siguradong mapalad si Irene. Ang ganda pa naman niya. Parang modelo at maganda pa magdamit ng sarili. Kung titignan, bagay sila. Ako lang talaga ang ilusyunada na inakala kami iyong itinadhana.
Ang pamilyar na tunog ng alarm niya ang bumasag ng katahimikan. Lumapit naman kaagad ako sa kanya. Hindi lumampas sa paningin ko ang wallpaper niya. Ako iyon.
Siguro hindi niya pa napapalitan nung sa babae niya. Napabuntong hininga ako. Ang nega ko talaga.
Pagkagyat ay nagligpit kaagad ito. Kinuha niya iyong coat sa sofa at maliit na suitcase pagkatapos ay dali daling lumabas.
Pagbaba ng lobby ay napatingin ako ng oras. Alas singko na pa lang ng hapon. Sa pagkakaalam ko ay alas otso ang alis nito. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa parking at pinaandar na iyong kotse niya.
Dumating kami sa isang restaurant. Paborito ko dito. Hindi lang kasi masarap ang pagkain kundi tanaw rin iyong ang magandang tanawin ng siyudad, lalo na sa paglubog ng araw.
Malugod na tinganngap si Samuel ng waiter at dinala sa may terrace. Nag order kaagad ito. Nang umalis iyong waiter ay saka siya tumayo. Ngayon ko lang napansin na dala niya ang DSLR. Libangan kasi ni Samuel ang kumuha ng litrato habang ako naman ay ilap na ilap sa mga ganoon.
Ng dumating ang order ay bumalik kaagad ito. Pero ang buong atensyon niya ay nasa cellphone. At parang mukhang hindi na nakatiis ay tumawag na ito. Rinig na rinig ko ang pagring at ilang beses na sinabing out of reach. Mga nakailang ulit ito bago sumuko at nagvoicemail na lang siya sa chat.
"Hon? Pansinin mo na ako. I'm at your favorite restaurant. Gusto mo ba ng takeout? I'll wait for your reply."
Hon? Ibig sabihin ako iyong tinawagan niya? Sigurado talagang walang sasagot. Nasira na nga iyong eroplano paano pa kaya iyong cellphone ko? Bigla akong napaisip. Paano pagmalaaman niyang wala na ako? Magiging malungkot ba siya o magiging masaya dahil mapapadali na lang sa kanya lalo't may bagong karelasyon ito.
Panakanaka siyang sumulyap sa phone niya at ng matapos kumain ay wala pa ring reply sa cellphone niya. Pagkatapos noon ay bumalik na siya ng kotse at nagdrive.
Kalaunan ay napansin kong wala na kami sa siyudad. Mga ilang oras na rin kami sa kalye at patuloy lamang ito sa pagmamaneho.
Sa wakas ay tumigil din kami.
Pababa na siya ng kotse ng nag-alarm na naman iyong cellphone niya at nakalagay ang 6pm sa screen. Ganyan kasi iyan. Halos kada oras may alarm. Ang nakakatawa lang, halos lahat ng alarm niya ay tungkol sakin.
May isang araw kasing nakalimutan niyang tumawag o magtext man lang dahil sobrang busy. Hindi naman ako nagalit dahil naiintindihan ko naman pero siya talaga iyong nagpumilit na gawan ko siya ng alarm. Kaya 'di na ako nagtataka pag minsan nakakatanggap ako ng mga text sa eksatong oras na nilagay ko sa phone niya.
Pinanood ko lang siyang magtext kahit gustong-gusto ko sumilip pero baka lalo lang akong malungkot dahil alam kong hindi ko na siya marereplyan kahit kailan. Pagkatapos ay may tinawagan na naman ito.
"Hello, Irene?"
Mali na naman ako. Akala ko ako lang iyong iniisip niya mga ganitong oras. May iba na pala. Ilang beses pa ba bago ko talaga matanggap to? Kaya nga ako umalis para hindi masakatan pero eto ako ngayon, harap harapang nasasaktan. Iyong nga lang, ako lang ang nakakaalam.
"Hello, Samuel," dinig ko ang boses niya dahil ugong lamang ng aircon ang maririnig sa loob.
"Nakalimutan ko pa lang itanong kanina. The photos I sent you earlier. Mga ilan nga ulit iyong kulang?"
Hindi ko alam may ikalulungkot pa pala ako. Iyon mga bagay na akala ko para samin lang ay hindi pala totoo. Magaling kumuha ng litrato si Samuel. Hinikayat ko nga siya magkaroon ng exhibit pero sabi niya ako lang daw dapat makakita nito. Pero iba na ata ngayon.
Ito ba ang kaparusahan dahil gusto kong takasan ang ganitong sitwasyon?
"Hm, 15 to 20 shots, I guess," sagot ng nasa kabilang linya.
"Okay. I'll send you the others tomorrow," sabi nito at tinapos ang tawag.
Bumaba na siya at pumasok sila sa loob. Pamilyar ang lugar dahil dito ko sinagot si Samuel.
"Welcome, Sir," bungad ng staff na may malapad na ngiti.
Malakas ang simoy ng hangin at parang nanghehele ang dagat. 'Di ko maiwasan masabik. Mahilig talaga ako sa dagat. Nang makilala ko si Samuel, napasyal ko na yata halos lahat ng mga beaches rito sa bansa. Nilagpasan ko ang staff sa sobrang tuwa.
"Tanginang multo!"
Nabigla naman ako sa turan niya. Bumalik kaagad ako sa kanya at nilapitan siya. Nakalugay ang buhok nito at ang mabibilog niyang mata ay 'di mapakali habang labis na iniiwasan ang aking mga tingin.
"Did the management know that you are saying inappropriate words to a guest?" wika ni Samuel at mariing tinignan ang staff.
"Ahm... S-sorry, Sir," sagot nito at umiwas ng tingin.
Nakikita niya nga ako. Ngumiti ako at namutla siya. Tinignan ko iyong name tag niyang may nakaukit na 'Sheri'.
"S-s-sir. Ta-tawagin ko n-na lang iyong kasama ko," sabi ni Sheri at mabilis na umalis.
Hahabulin ko sana siya pero sa kabilang direksyon pumunta si Samuel at nandyan na naman ang pamilyar na hila.
Kumuha siya ng mga litrato habang ako ay nakatulala at naalala ang mga pangyayari rito. Gabi rin iyon. Parang kami lamang ang tao noon at nakapalibot ang mga makulay na dekorasyon...
"Samuel?" tanong ko habang may takip ang mga mata.
"It's okay, I'm here," saad niya.
"Ba't kasi may pablindfold pa," reklamo ko pero hindi makakilia ang ngiti sa aking mga labi.
"Of course. You know I love surprising you," aniya at inalalayan siya sa buhangin.
"Okay, in a count of three," nagbilang siya at kinuha iyong piring.
Sa harap ko ay mga kandila at iba't ibang kulay ng mga tela na parang bohemian katulad ng mga makikita ko lang sa mga palabas.
"Stella," tawag nito at nilingon ko siya.
Kinuha nito ang kamay ko at sinuot iyong bracelet. Nilapit ko ito sa mukha ko ng mapansing may nakasulat.
"Makikita rin kita muli," sambit nito sa mga salitang nakalagay sa bracelet.
Nagtatakang tinignan ko siya.
"Ito ang una kong pangako sa iyo ng iniwan mo ako ng gabing iyon. I never believed in love at first sight. There was no slow motion or anything. It was just you. Biglang luminaw ang mundo ko at hindi sumagi minsan sa isip ko na magamamahal ako. Ayaw kong maging tanga tulad ng mga magulang ko na hindi kayang mabuhay na wala ang isa't isa pero anak nga nila ako. I never knew I could love someone this much. These months of pursuing and knowing you were the best months of my life," mahabang pahayag nito.
Hindi mapawi ang ngiti ko na hindi ko namalayan iyong luha kung hindi niya pinahid ito. Dapat nga ako ang magpasalamat sa kanya. Ako ang mapalad dahil nakilala ko siya. Binago niya ang buhay ko. Tinuruan niya akong magmahal at magpatawad. Siya ang sumagip sakin sa mga panahong sumusuko na ako.
"Please be my girlfriend, Stella. You always tell me I'm your light but it's not true you are the star. My star. You shine brighter than anyone. So bright na minsan parang isang iglap mawawala ka na lang. Please stay by my side and I will never make you regret anything. Tulad ng mga salitang nakaukit dito, kahit saan ka man pumunta, susundan kita. Kahit magtago ka man sa pinakalingid na lugar ay sisiguraduhin kong makikitra rin kita muli. That is my vow to you. You are not just a princess that found love, you will be a queen that will have everything."
Ng lumabas ang huling salita sa bibig niya ay dinampian ko kaagad ang mga labi niya.
"Wala akong kayang ipantay sa mga salita mo, Samuel. Ikaw ang buong mundo ko simula ng inahon mo ako sa buhay kong puno ng kalungkutan. The days by your side will always be my precious memories."
Natigil ako pagugunita sa sensasyon na para akong sinusunog. Nakita ko si Sheri na parang desidido ang mukha. Nanlilisik ang mga mata niyang kaninang puno ng pangamba. Lumipat ang tingin nito kay Samuel at tinawag siya.
"Sir. I apologize for earlier," paumnahin nito.
"It's fine," maikling sagot nito.
"Um, Sir? Naniniwala ba kayo sa multo?" kapagkuwan ay tanong ni Sheri.
"There's no such thing as ghosts and I'm in no mood for small talks," asik nito.
Sukdulan pala talaga ang pagkasuplado ni Samuel. Nagtatanong lang naman ang tao. Gusto kong kausapin si Sheri pero ngayon ko lang napagtanto hindi ako makapagsalita. Bumubuka ang bibig ko pero walang boses na lumalabas.
"Kasi ganito po iyan, Sir. Ngayon lang ako nakakita ng multo na malakas ang kapit dito sa mundong ibabaw. Kung hindi ho kaya maniwala sakin mas mabuti pong magpatingin kayo sa lola ko. Espiritista po siya," patuloy nito.
"I told you, I don't care. Wala akong panahong sa mga ganyang modus," wika ni Samuel na nakabusangot ang mukha.
"Ay grabe siya. Suggest lang naman, Sir," walang tigatig na sabi ni Sheri.
"Are you really talking that way with your guests?" inis na sumbat ni Samuel at nagpatuloy, "Can't you see I wanted to be alone? Are you that free? Don't you have work? Aren't you taught manners by your management? Saan ka mas natatakot, sa multo o masesante ka, ha?" halos pasigaw na ang boses niya sa bawat salitang binibitawan.
"Pasalamat ka talaga gwapo ka at tinry kita tulungan. For your info, ako ang bagong may ari ng resort na 'to. Magdusa ka sa multo mo! Tse!" nangangalaiting saad ni Sheri at pumadyak na umalis.
"Woman." Pumalatak si Samuel at bumuntong hininga.
Umalis naman kami kaagad pagkatapos at lumipat ng iba't iba pang lugar.
Mag-aalos dos na ng umaga ng makabalik kami sa parking area ng hotel. Dumiretso kami ng penthouse. Iyon iyong mismong penthouse na tinuluyan ko. Kumatok si Samuel sa kwarto ko at syempre walang sumagot.
Bumuntong hininga ito at pumasok sa kabilang silid. Iyong pinakamalayo sa sala. Sumulabong sakin ang malukot na bedsheet. Kahit kailan ay hindi talaga nag-aayos ng kama si Samuel. Napailing na lamang ako. Ang damot nito magpapasok ng kwarto sa mga kasamabahay sa mansyon, hindi naman marunong magligpit ng kama.
Sandali. May sumagi sa isip ko. Makalat ang kwarto, ibig sabihin nagpunta siya rito. Wala akong kaide-ideya. Noong unang gabi ay labis ang pagpalahaw ko kaya sobrang himbing tulog ko. Nang ikalawang araw naman ay napagdesiyunan kong umalis muna at iyong din iyong pagkamatay ko.
Kung dito siya namamalagi bakit hindi niya sinabi? At bakit kailangan niya akong paalisin ng mansyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro