The Day She Left
THE DAY SHE LEFT
━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━
"Makikita rin kita muli."
Lumakas ang pintig ng puso ko ng maalala ang mga katagang iyon. Ang mga salitang ito ang huling binitawan niya sa una naming pagkikita. Iyon ang simula ng kwento namin. Ang kwentong pilit ko ngayong kinakalimutan.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulala. Maghahalos isang oras na yata akong nakaupo rito, tanaw ang mga ulap. Kitang-kita sa bintana ang pag-iba ng kulay ng kalangitan. Kinuha ko iyong cellphone ko sa traytable ngunit nasagi iyong pagkaing binigay ng flight attendant kanina.
Agad ko namang pinulot ito. Ni-on ko iyong cellphone at tiningnan ang oras. Mag-aalas siyete na. Isang pang oras bago kami makarating sa aming destinasyon kaya tuloy napatunganga na naman ako sa kawalan habang pinipigil ang pag-iyak.
"Miss?" May tumapik ng balikat ko kaya napatingin ako sa katabi ko.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Okay ka lang ba?" sabi ng babae.
"Ha? Oo," nagtataka kong sagot.
"Bigla ka kasing umiyak. Nabigla lang ako," sabi niya nang may pagka-ilang.
Napadapo naman kaagad ang kamay ko sa aking mukha. Tama siya. Umiiyak nga ako. Akala ko mapipigilan ko, hindi pala. Tulad ng 'di ko mapigilan na mahalin siya kahit napagdesisyunan kong lumayo sa kanya bago maging huli ang lahat.
Tumayo ako at pumunta ng CR nang mapadako ang tingin ko sa cellphone ng dalagang babae. Pamilyar ang mukhang iyon. Kahit saan siguro akong mapadpad makikilala ko pa rin siya.
Samuel Darius Valderama.
Isang kilalang aktor at ngayo'y nagmamay-ari ng nangungunang chain of hotels dito sa bansa. Kahit nagretiro ito ng maaga ay marami pa rin itong tagahanga at may nag-iimbita pa ring mga talk shows sa kanya.
Naalala ko na naman ang nakaraan. Ang kwento namin ay parang mahihilantulad sa kwento ng prinsesang may mahiwagang sapatos. Tulad niya nahanap ko ang aking prinsipe sa isang okasyon at iniwan siya bago pa man kami tuluyang magkakilala.
Isa iyon sa mga party nahinhanda tuwing anniversary ng kompanya na ginganap sa mansyon ng mga Valderama. Kakapasok ko pa lang noon sa trabaho. Nasa mababa lang ang posisyon ko kaya ni minsan hindi ko inakalang magkikita kami ng presidente ng kompanya. Hindi rin sumagi sa isip ko na ang aktor na hinahangaan ko ay makakatuluyan ko.
Halintulad sa kwento ng prinsesa ay nakamit ko iyong sabi nilang "happily ever after". Sobrang saya ko sa piling niya sa halos mag-iisang taong naming pagsasama na nakalimutan kong totoong buhay pala ito. Walang happy ending at patuloy lamang ang pag-ikot ng storya.
Napahawak ako sa pulseras na suot ko. Simple lang ang damit ko ngayon. T-shirt, jeans at sneackers. Ito lang iyong nagmumukod tangi. Hindi ko pa kasi kayang alisin ito lalo't nakaukit dito ang paborito kong kataga.
Makikita rin kita muli.
Binigay niya ito sakin ng araw na sinagot ko siya. Ito iyong simbolo ng mga pangako niya. Na kahit anong mangyayari hahanapin niya ako at magkikita kami uli. Mga pangakong hindi ko alam kung tutuparin niya pa ba o tuluyan ng mapapako.
Nabuhay ako sa mahirap at inaapi ngunit inahon niya ako. Siya iyong nag ahon kaya siya rin ang may karapatang lumunod. Ngunit di ko pala kaya na isipin na ayaw na niya sakin. Mas mabuti pang ako ang unang bumitaw mismo.
Oo. Alam ko. Duwag ako.
"Ma'am? Excuse me, Ma'am?"
Ang nagtatakang mukha ng flight attendant ang sumalubong sakin. Ngayon ko lang napansin na marami na pa lang nakatingin sakin habang nakakunot noo naman iyong dalaga sa harap ko. Para na pala akong tanga na nakatayo magdamag dito.
"Sorry," paumnahin ko at dumiretso na ng tuluyan sa CR.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro