Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Day She Knew

THE DAY SHE KNEW
 ━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━

Manhid na ba ako? Wala na kasi akong maramadaman habang napatunganga lang sa mga litrato. Para akong natauhan.

Ang bobo ko talaga. Bakit hindi man lang ako nag-isip at nagpadalos-dalos? Sarili ko lang damdamin ang inuna ko. Ngayon huli na ang lahat para magsisi. Patay na ako.

Hindi ko maiwasang maghinagpis at patuloy na sinusumbatan ang sarili ko sa kagagahang ginawa ko.

"Samuel, you're here," boses iyon ni Irene.

"Hey. I'll just finish this then return at the hotel," sabi ni Samuel habang nagdidikit ng mga litrato.

"Hay. Stella is really lucky to have you," komento ni Irene at pinanood lamang si Samuel.

"No. I'm the one who's lucky to have her."

"Nako. You're so corny talaga. But I do applaud your effort. To think na pinuntahan mo isa isa uli yong mga lugar na dinalaw niyo just to make this collage. How to have a boyfriend like you po?"

Binatukan niya si Irene. "You're so lukaret."

Malakas na halakhak ni Irene ang umalingawngaw sa sala. "OMG. That's the most conyo thing I've ever heard from you. Why are you even saying it with an accent? You're so lowkareht," pangagaya nito.

Gusto kong matawa sa asaran nila pero mas gusto kong maiyak. Sobrang tanga ko. Gaga. Bobo. Idiyota. Hindi talaga ako nakakaangkop sa mga pagbabago. Pagnasanay na ako at pagdaka'y nag iba ay masyado kong iniisip kahit ang maliliit na bagay at nagbunga ito ng pagdududa.

Noong una nga nagpakita ng motibo si Samuel ay hindi ako naninwala ngunit sa pagiging pursugido at sinseridad niya ay nahulog ako sa kanya. Pero dahil sa biglang pag-iba niya ay humantong sa ganito.

Hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko ito dahil hanggang ngayon 'di pa rin pala ako nagbabago. Kinikimkim ko pa rin ang lahat. Tinatago ko pa rin ang mga hinanakit ko at hindi ko kayang maging tapat. Kahit ilang beses kong sinabi na may tiwala ako sa kanya, ako iyong may problema. Ako iyong madaya dahil ayokong magpapakatotoo dahil sa takot na mawala lahat ito. At iyong nga, nawala lahit sakin.

"Just shut up and work, Irene. Why did Rimuel even recommend you? Ikaw ang pinakamadaldal kong nakatrabaho," saway ni Samuel pero halatang aliw na aliw kay Irene. Ito iyong klase na Samuel na kilala ko. Palabiro at masayang kausap.

Ngunit habang tinitigan ko sila, wala na iyong selos. Magdududa pa ba ako ngayong nasa tapat ko iyong katibayan ng pagmamahal niya?

"Magaling kasi ako tapos I'm pretty pa," sagot ni Irene.

"Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Irene? Naawa lang ako kasi wala kang trabaho ngayon. Sino ba ang magtitiwala sa wedding planner na ni minsan ay hindi nagkaboyfriend," mahabang sabi ni Rimuel habang papalapit sa amin.

Siya ang nakakabatang kapatid ni Samuel at papasang kambal talaga sila kahit anim na taon ang agwat nila. May hawak itong raketa at mukhang galing sa pageensayo sa bakas ng pawis nito.

Isa kasing kilalang atleta si Rimuel at national player na ito sa larangan ng tennis. Hindi man sikat ang larong ito sa bansa ngunit maraming tagsubaybay ito dahil sa kabi-kabilang panalong inuwi niya.

"Hoy! Fullybooked kaya ako," giit ni Irene.

Nagpatuloy sila sa alitan kaya sa huli ay pinatigil sila ni Samuel.

"Bumalik ka na sa trabaho mo, Irene. You know, I want everything done this Saturday," sabi ni Samuel.

"Kaya nga we're here, diba? Imagine we're just doing everything here in a week and there are only three days left until the wedding."

Nanigas ang buong katawan ko. Sumagi sa isip ko ang engangement pero hindi kasal kaagad. Hindi ko talaga inaasahan ito.

"Seryoso ka ba talaga, Kuya? Kasal agad-agad? Hindi ka muna magproprose?" tanong ni Rimuel.

"I'll propose, of course, then if she agrees we'll go straight to the garden to marry," pahayag naman ni Samuel

"Sigurado ka ba na she will accept you?" nakangising tanong ni Irene.

"Of course," panatag na sagot niya.

Lalong lumapad ang nanunudyong ngiti ni Irene. "'Di mo sure. You let her stay at the hotel  but the two of you are naglilive-in all this time, right? I'm betting she will think that you are cheating or kaya you make her layas."

"I did not do either," tanggi nito. "How else can we do the surprise if she's here? Besides, Stella is not like that."

Mali ka, Samuel. Katulad na katulad ako ng iniisip ni Irene. Pinagmumura ko naman ang sarili ko dahil sa katangahang ito.

"Potato, potato. We are girls. When you don't explain anything to us, we tend to overthink. Worse, most of the time, we think that our guesses are right," sabi ni Irene.

"Stop it, Rin." singit ni Rimuel at ginulo ang buhok ni Irene. "Ikaw lang talaga ang wedding planner na nangdiscourage ng clients mo."

"I'm not. I'm just spitting facts. I suggested naman na gawin muna sa studio lahat then ililipat na lang here pero mas gusto talaga nitong kuya mo ng mission impossible. That's why tuloy hindi siya pinapansin. I'm sure nagtatampo iyon. O baka galit or maybe lalayasan siya for real," dugtong pa nito.

"Enough. There's no way that's going to happen. We love each other and the only thing we lack is marriage. Pero kung ayaw niya talaga, I'll agree with her. I'm willing to do anything if that's what she wants." ika ni Samuel.

"Hay, oo na. You're really making me selos of your relationship. Anyway, why don't you check the garden while you're here?" pag-aya ni Irene.

Sumang ayon naman sila at lumabas kami ng bahay. Malapad ang hardin ng mga Valderama. Marami kasing okasyon ang ginganap dito. Mayroong mga steel chairs na nakahilera at meron ring isang makeshift altar. Sa magkabilang gilid ay mga sanga na sumosuporta sa bubong na puno ng mga bulakalak na nakalagalag.

Kung titignan ay parang nasa mahiwagang lugar kami.

"The fresh flowers for the aisle will be put on the day of the wedding. So far, mga fake flowers lang muna. The pavilion and the arc will be hopefully done this Friday as you've wanted. Inuna lang namin to, in case umulan at least we could cover it with the tarp," paliwanag ni Irene.

"It's good," puna ni Samuel.

"Anong it's good? It is marvelous! This was the grandest wedding I've planned and we made everything from scratch with such a limited time frame. You didn't even reply to the photos I sent you and I was expecting an exaggerated reaction tapos it's good lang? Kung hindi lang talaga malaki iyong bayad dito," pag-aangil ni Irene.

"Kalma lang, Rin. Ang pangit mo magalit," natatawang wika ni Rimuel.

"Well. I don't want to praise you unless Stella loves it," seryosong saad naman ni Samuel

"Wala talaga akong pupulutin sa inyong magkapatid," padabog na umalis si Irene.

Pagkatapos magpunta ng mansyon ay bumalik naman kami sa hotel. Tulad ng nakaraang gabi, kumatok muna siya ng pintuan ko bago pumasok ng kwarto niya.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Buong magdamag na naman ako namromroblema at wala sa sarili.

Sa sumunod na araw, chat ng chat pa rin si Samuel hanggang tanghali at habang lumilipas ang oras ay lalo namang nagiging masama ang timpla niya.

"I think four days is already enough..." mahinang sambit nito ng wala pa ring may matanggap na reply.

Dali-dali itong lumabas at pinacancel ang mga appointments nito. Tumungo siya sa hotel na pinapsukan ko. Nanlamig ako bigla. Siguradong malalaman niya na ang totoo.

"Good afternoon, Sir. Welcome to our hotel. We didn't expect to have you here," nakangiting bati ni Trish, isa sa mga kasamahan ko.

"I'm here to see Stella. Tapos na ba ang shift niya?" tanong nito sa kanya.

"Ano po? Edi ba ho nagresign na si Stella? Kaya nga nagtataka ako bakit kayo bumisita rito," nakakunot-noong wika ni Trish.

"What?"

"Nag-resign ho siya nitong Lunes lang. Mga tatlong araw na ho iyong lumipas nagulat nga kami ng malaman namin. Hindi nga kami nakapagfarewell party sa kanya. Nabigla na lang kami nagresign na siya," pahayag ni Trish.

May sasabihin pa sana siya ng biglang umalis si Samuel at may tinawagan.

"Check the cameras in the penthouse from Sunday up to this day," malamig na utos nito.

"Yes, Sir."

"Call me right away if you see something strange," sabi nito bago pinatay ang tawag.

Dumiretso kami ng parking lot ng magring iyong phone niya.

"Speak."

"S-sir. Umalis ho si Ma'am Stella ng Lunes ng umaga at hindi pa ho siya nakakabalik," saad ng nasa kabilang linya.

Walang kaabog-abog tinapos nito ang tawag at sinimulang tawagan ako pero katulad ng dati ay out of reach pa rin. Kaagad nitong pinaandar ang sasakyan.

Hindi ako nakaramadam pero kung bahay ako siguradong hilong hilo ako sabilis ngpagpapatakbo niya. Isa isa niyang pinuntahan lahat ng mga kaibigan ko ngunit wala silang kaalam-alam. Ni isa kasi hindi ko pinagsabihan sa marahas kong desisyon.

"Bakit kasi ang dami mong pakulo?" tanong ni Mateo, ang nag-iisang lalaki kong kaibigan.

"I just want her to remember it as the best day of her life," sagot naman ni Samuel.

Napapalatak si Mateo. "Sinong mag-aakala na ang isang Samuel Darius Valderama ay magiging ganito pag-umibig. Fan mo pa naman ang asawa ko. Siguradong magugulat iyon pagnalaman kung gaano ka kacorny. Anyway, what happened. Ni isang lapit ko lang kay Stella noon ay parang kinakatay mo na ako. Anong nangyari at hininaan mo iyong kapit mo?"

"You know my plan, right? Alam kong nagtampo siya ng lumipat kami ng hotel, that's why I gave her time. It won't be a surprise if she knew and besides, I can't keep secrets from her this long kaya minabuti kong pabayaan muna siya," paliwanag ni Samuel.

"Huwag kang masyadong mag-alala, Samuel. Alam mo namang pag masama ang loob niya ay umaalis ito para mapag-isa. I bet bumisita lang ng mga dagat iyon," sabi ni Mateo at tinapik si Samuel.

"Pero hindi siya nagpaalam," ungot nito.

"Edi siguradong galit nga iyon. Kilala mo naman si Stella. Lagi niyang tinatago ang damdamin niya at sobrang ilap nito sa mga pagbabago. Buti nga napasagot mo iyon. Pero mas bilib talaga ako sa pagkamanhid niya sa totoong ugali mo hanggang ngayon. Siya lang yata ang nagsasabing anghel ka," natatawang komento ng isa.

Halatang pinapagaan ni Mateo ang loob ni Samuel pero parang pinagsakluban pa rin ng langit at lupa ang mukha ng huli.

"Bakit 'di kaya itext mo at call every hour or better every minute? Di ka naman matitiis nun," suhestyon nito.

Mataman lang ako nakinig. Tama si Mateo. Hindi ko kayang tiisin si Samuel. Pero wala na akong magagawa.

Nakasuray na bumalik ng sasakyan si Samuel. Isang buong minuto nakatulala lamang siya sa wallpaper niya.

"Just where are you, Stella?" mahinang bulong nito.

Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya at lalo lamang ako kinokosensya. Tanging hiling ko na lang ay sana akalain niya na lang na simpleng umalis ako kaysa kaysa iyong mabatid niyang patay na ako.

Pero hindi talaga sumasang ayon sakin ang tadhana.

Pagdating sa hotel ay nakatayo sa entrance si Marie.

"What are y---"

"Nasaan si Stella?" tanong agad ni Marie.

"And why should I---"

"Just answer me," pagputol uli nito.

Matagal ko ng hindi nakita ang panglilisik ng mata ni Marie at parang naninibago uli ako.

"Answer me," ulit nito.

"Are you ordering me?" maangas na tanong ni Samuel.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" hindi sumsukong tanong ni Marie.

Mukhang natigilan si Samuel pero matigas pa rin ang mukha nito.

"Wala ka ng pakialam kung nasaan siya. Ayaw na ayaw kong ginugulo mo ang girlfriend ko sa teritoryo ko. Alam mo kung paano ako magalit. Just a snap and you'll lose everything again. Pasalamat kayo at pinagbigyan kayo ni Stella pero ibahin mo ako," mahabang lintanya ni Samuel.

"Tapos ka na? Tinupad ko lahat ng pangako ko at nilayo ko na si Mama at ang kapatid ko pero ikaw iyong unang nagloko. Nakita kitang may babae ilang beses," malamig na saad ni Marie.

"I don't have any woman," angil naman ni Samuel.

"Wala rin akong pakialam. Ang gusto ko lang malaman kung nasaan si Stella."

"At work."

"Huwag na tayong maglokohan. Nagresign siya ng trabaho niya at pagkatapos ay may tumawag samin sa airport. Ngayon, sabihin mo, nasaan si Stella."

Ilang minuto hindi nakaaimik si Samuel.

"Airport?" Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya.

"Wala ka ngang alam. Did you know someone called us to confirm one of the victims from the airport?" Biglang nanginig iyong boses ni Marie.

May kutob na ako sa mga susunod niyang sasabihin. Gustong-gusto kong siyang pigilan pero walang saysay lamang ito.

"Noong araw na iyon ay may natanggap kaming tawag galing sa airport. Dali-dali akong pumunta rito to confirm it but you won't see me. Idagdag pang hindi na ako makapalagpas dito dahil sa pagban mo," patuloy nito ng hindi sumagot si Samuel.

Nagulat na lamang ako sa pagtulo ang luha nito. Ni minsan ay hindi ko iniaasahang umiyak si Marie.

"Ayaw ko kasing maniwala dahil kilala kita. Hinding hindi mo siya pinapawala sa paningin mo. Alam ko kung gaano ka katuso pagdating sa kanya. Pero bakit hinayaan mo siyang umalis? Bakit pinabayaan mo siyang mamatay?"

Biglang sinakal ni Samuel si Marie. Napatingin ako sa paligid at nakakaagaw na sila ng atensyon pero walang pakialam ang dalawa.

"Linawin mo ang sinsabi mo, Marie. I don't want your sick jokes," matalim na atas ni Samuel.

Sinubukang kumawala ni Marie pero malakas ang hawak ni Samuel at pilit siyang nagsalita.

"You think I'm joking? Alam kong pagkilala mo sakin ay inggitera lamang pero sa nakalipas na buwan natutunang kong mag-alala para kay Stella. Nang kinuha mo lahat sa amin ay siya lamang ang tumulong. Marunong ako magbigay ng utang na loob. Kaya 'di ako makapaniwala na naguumpisa pa lang maging maayos ang relasyon namin ay namatay na siya."

Umaagos ang luha nito habang nagsasalita. "Nagkaroon ng plane crash nitong Lunes lang at isa siya sa mga biktima. I wanted to confirm it to you thinking na mali sila. Hindi naman kasi nakilala ang katawan dahil nasunog na ito. Kaya umaasa akong maling contact lang ang natawagan nila at kapareha lang ng pangalan kahit imposible. Pero dumating iyong results ng DNA test kanina at siya nga iyon. I wanted to talk to you so badly."

Unti-unting bumitaw si Samuel sa kanya. May hinukay si Marie sa bag niya at binigay ito kay Samuel.

"This was found in her body. May natunaw na parte pero alam kong may bracelet na laging suot si Stella. I really wanted to deny the truth but I can't change the fact that Stella is dead," pahina ng pahinang wika ni Marie.

Iba pa rin pala pagmarinig mismo sa iba na patay na ako. Hindi ako makagalaw at para namang napako sa kintatayuan si Samuel.

"You're lying!"

"Sa tingin mo maghihintay ako rito buong araw para pagtripan ka lang? We're going to cremate the body tomorrow now that I've confirmed it. I hope to see you at the funeral kahit papa---"

Hindi na pinatapos ni Samuel si Marie at dumiretso sa taas. Pagpasok na pagpasok ay malakas na sinipa nito ang pintuan ng kwarto ko.

Nakalock iyon kaya ni minsan siguro hindi inakala ni Samuel na wala na ako sa loob. Nakagisnan ko kasing maglock ng pintuan at alam niya iyon. Kaya nga may spare key siya lagi ng kwarto namin sa mansyon.

Isa pang malakas na sipa at tuluyang nagiba ito. Bumungad sa amin ang kwarto ko na walang pagbabago. Pumasok siya ng closet na maraming damit ang nawawala.

Parang naupos ito na kandila habang hapit na hapit ang sirang pulseras. Nakatingin lamang ito sa kawalan at kitang kita ko ang isang butil na luha na dumaloy sa pisngi nito.

Piniga yata ang buong puso ko. Dahil sa kagagahan ko ay humantong ng ganito. Hindi ko siya dapat pinagduduhan dahil unang una ay ako lang ang nakakaalam kung gaano niya ako minahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro