Kabanata 9
Kabanata 9
Contest
Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang mikropono.
Laec glanced at me with a smug smile; I replied with a sigh.
Nahagip ng aking paningin si Yuan na tahimik na nakapwesto sa gilid. Hindi ko alam kung ia-approach ko siya o hindi.
I pouted and fixed my hair. He's my friend!
Hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang sinabi ni Seville noong isang araw pati na rin ang sinabi ng nanay ni Yuan.
How can his mother do that to him? Bakit hindi niya ma-appreciate ang talent ng sariling anak? Ikinahihiya pa niya!
If only she knew the reactions of the audiences, maybe she'll appreciate...
Buntong hininga ang bagay na madalas kong pinakakawalan tuwing kinakabahan. Ngayon, hindi ko alam kung saan ilalagay ang kaba kahit na bumubuntong hininga ako!
"Relax, Erych. Kakanta ka lang naman. 'Wag masyadong kabahan."
Hindi ko na sinubukan pang irapan si Laec dahil hindi ko naman kaya. Iniwan ko na lang siya ro'n at pinuntahan si Yuan.
"Yuan! Musta?"
I tried to be cheerful and enthusiastic because he looks down! Sigurado akong may kinalaman dito ang sinabi ng nanay niya noong isang araw.
He honored me an icy glare coming from his warm chocolate eyes.
"What?"
Pinigilan kong maiyak dahil sa kaba.
Erych, come on! Nasa dugo na ni Yuan ang pagiging masungit.
"Um... are you oka-"
"It's nothing. Please leave," nakatungo niyang sabi.
I fiddled with my fingers, finding his statement unbelievable. It's against his will, I know. Something's stopping him.
"God bless sa'tin." Was my parting apology and gratitude.
Kagat ang ibabang labi ay bumalik ako kay Laec na ngayon ay nakikinig sa sinasabi ng host. Umupo ako sa kan'yang tabi at bumuntong hininga muli. Ginamit ko ang nakatambak na speaker para maging upuan.
"Stop sighing. Dagdag air pollution ka."
Ngumuso ako dahil alam kong hindi ko kayang mang-irap!
"Ang lungkot ni Yuan..." banggit ko.
Laec whistled and sat beside me. Ipinatong niya ang baba sa dulo ng gitara at naka-dekwatro ang hita.
"Back out na tayo, Laec. Gusto kong papanalunin si Yuan..." mahina kong bulong.
"Kapag malungkot ang isa, kailangan bang malungkot ka rin? Should that be a domino effect, Erych?" makahulugan niyang tanong sa'kin.
Buntong hininga muli ang aking naisagot.
"You make your own decisions; he makes his own. Labas ka na dapat sa nararamdaman niya dahil magkaiba naman kayo ng tayo at desisyon."
Sinulyapan ko si Yuan. "But he's my friend! Hindi ko mapigilang mag-alala sa kan'ya dahil-"
"If you're worrying about him, can you guarantee that he's worrying about you?"
Nag-angat ako ng tingin at tinagpo ang kan'yang mata. "Bakit? Kailangan bang mag-alala rin sila dahil nag-aalala ako?"
It was his turn to sigh.
Ibinaba niya ang gitara at humalukipkip bago sumandal sa pader.
"Dapat matuto ka na maging makasarili. Dapat matuto ka nang alagaan, pahalagahan, at unahin ang sarili mo. Dahil d'yan sa ugali mo? Dahil d'yan sa pagiging mabait mo? Magiging taken for granted ka."
Marahas akong bumaling sa kan'ya.
Ridiculous! Walang taong gano'n! May konsensiya ang bawat tao at alam kong ginagamit nila 'yon kahit papaano.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Why do you judge people so easily? Why are you cruel with them? Hindi mo ba alam na masasaktan sila kapag nalaman nilang gan'yan ang trato mo?"
Mariin niya akong tinitigan. Inagrabyado ng galit ang kan'yang panga kaya umusad ito nang marahas.
"You judge others to protect yourself. Katulad sa pagmamahal. Itinatatak mo na agad sa isip mo na mananakit siya para hindi ka na masaktan. Hindi 'man siya sobrang effective, at least nakatutulong pa rin ang ideyang 'yon para pigilan ka."
"But you're judging them that fast so-"
"It's wrong, I know. But what is the truth?"
Parang natutop ang aking bibig dahil sa kan'yang tanong.
What is the truth?
"Ikaw, Erych. Ano ang totoo sa 'yo? You have a history of changing yourself and calling it as 'adapting'. Ginagawa 'yon ng mga hayop sa jungle, oo, pero inaangkop nila 'yon sa totoong paligid. E ikaw ba? Ginagawa mo ba 'yon?"
Ikinuyom ko ang kamao. Pinipigilan ko ang galit na kumakain sa sistema ko. Pinipigilan ko rin ang iyak sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.
What is he trying to do? Why is he acting like this? Nafu-frustrate ako!
"Laec, w-why are you doing this-"
He abruptly shook his head and grabbed his guitar.
"To knock some sense out of you. Parang nawawala mo nanaman ang sarili mo."
Suminghap ako nang malalim. Hirap na hirap akong pigilan itong pag-iyak ko dahil hindi ko alam kung bakit niya ako inaaway.
"You're- you're... bakit ang sama mo sa'kin?" naiiyak kong sabi.
Hindi ko na mapigilan ang hikbi. Naiinis na kasi ako dahil hindi ko siya maintindihan! Bigla-bigla na lang nang-aakusa sa bagay na hindi ko naman ginusto.
Masama na bang mag-alala sa kaibigan? Ano ngayon kung ayaw nilang may mag-alala sa kanila? Hindi naman ibig sabihin na may nag-aalala sa kanila ay pabigat na sila.
He let out a frustrated sigh and pat my back. Yumuko siya at pinunasan ang luhang mabilis na tumakas. Tumungo ako ngunit ipinilit niyang angatin ang aking mukha.
"Stop crying..."
"You're accusing me."
Bumuntong hininga muli siya bago ako hinila sa isang yakap.
"Liligawan..."
Lumakas ang tibok ng aking puso.
"...ko si Circe. Patulong naman?"
Mabilis kong pinalis ang luha at tumango.
"Alright. Basta huwag mo na akong i-bully," mahina kong tugon.
I didn't know why I felt sad after that. Siguro ay dahil hindi ko na gaanong makakausap nang katulad noon ang dalawa kapag nagsimula na manligaw si Laec? Baka ididistansya ko na ang sarili ko sa kanila para magbigay ng oras. At pagkatapos no'n, maiiwan na naman ako mag-isa.
Hindi ko napag-isipan 'yon. Bakit pumayag agad ako?
With a sigh, I let all those thoughts reek out and focused my attention on the contest. Inayos ko ang performance habang kumakanta at pinilit ang sarili na damdamin.
It felt fast. Parang hindi ako nag-perform sa harap ng maraming tao dahil lutang ang damdamin ko. Pero yung ngiti ng mga manonood ay parang manghang-mangha pa sila sa ginawa ko.
Why? My performance didn't come from my heart, so why are they happy? Perhaps, they didn't doubt me—or maybe they're just too indulged to care. Eitherway, I left my heart to decide because this path is starting to tire me.
Akala ko ba nasisiyahan ako sa pagkanta? Maybe singing isn't for me.
O baka naman nadala lang ako ng emosyon kanina.
Bumuntong hininga ako at ininda ang ngalay sa pagtayo sa entablado. Pinilit ko ang sarili na ngumiti habang naga-anunsiyo ng mga nanalo.
Sinulyapan ko si Yuan sa aking gilid na nakatitig lang sa dagat ng mga tao. Ramdam ko ang bigat ng kan'yang kaba dahil sa paraan ng paghinga.
I badly want to reach for his hand and say that it's okay—that this would end soon. But what if what I had in mind is different from him?
"Yuan..." kabado kong banggit.
He glanced at me. Malamig ang kan'yang tsokolateng mata pero nangamba ako sa kalamigang dala.
His coldness isn't convincing because the warmth is lurking inside his abyss. He's hiding the chance for them to know and believe.
"God bless," I uttered.
Ibinalik niya ang tingin sa harap bago bumuntong hininga.
Kami ni Laec ang nanalong champion, samantalang si Yuan ay first place. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa paraan ng pagtitig ni Yuan sa maliit na trophy na hawak niya.
He didn't look greedy while he was holding his, or while he is staring at us. Iba ang emosyong dumadaloy sa kan'yang mata dahil labis akong nasaktan nang makita ang pasakit sa kan'yang mata.
Sinubukan kong lumapit sa kan'ya pagkatapos mag-picture pero mabilis siyang umalis.
Nakita ko ang paglapit ng bulto ni Seville sa'kin. Maliit na ngiti ang ibinigay niya bago batiin ang aking pagkapanalo.
"Congrats..."
I know he's sad for his friend. Sa aming dalawa, siya ang pinaka-close ni Yuan. Natural na mas mag-aalala siya ro'n kaysa sa'kin.
"Did I... mali ba ang ginawa ko?"
Nakita ko ang pagsulyap sa'kin ni Laec. Inaaway siya ni Circe pero umiiling siya sa direksyon ko.
"Sinabi ko na kay Laec na huwag na kaming sumali dahil tatlo lang naman kaming maglalaban. Pinilit niya pa rin."
Nagpatuloy ako sa likod ng kan'yang katahimikan.
"Yuan... I think... he's fine? No. Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko, sorry."
I sighed.
"Seville, I want to extend my gratitude for being his friend. Gusto ko rin siyang i-congratulate dahil sa tapang niyang kumanta kahit alam niyang hindi gusto ng nanay niya. I-"
"Stop asking for approval."
Mariin kong ipinikit ang mata nang marinig ko ang boses ni Laec. Humugot ako ng hining at humarap sa kan'ya.
"Laec? Bakit ba nangengealam ka nanaman?" naiirita kong tanong.
Unti-unting umatras si Seville. Hindi ko gaanong pinansin dahil napupuno na ang irita ko.
"Ayaw mong may kaaway, Erych? Kaya gano'n ka makaakto kay Yuan dahil gusto mo siyang panatilihing kaibigan? Sa tingin mo ba, gusto ka niyang maging kaibigan?"
Napasinghap ako nang dumaloy ang sakit sa aking puso. Pinipigilan kong umiyak pero napupuna na talaga ako kay Laec!
Dahil sa hindi mailabas na nararamdaman ay tumakbo ako habang umiiyak.
Bakit gano'n? Bakit gano'n ang mga tao? Nagiging mabait lang naman ako—maalalahanin! Masama na ba maging gano'n?
Ibinabalik ko na nga ang bagay na nawawala ng ibang mga tao, pati ba naman 'yon hindi pa ako papayagan?
Grabe naman sila. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak nila.
I am trying to be caring and affectionate! I am trying to give them the care that I am constantly yearning to have! Tapos ito gagawin nila sa'kin? Ito ang isusumbat niya sa'kin?
Why is he talking to me that way? Yes, I know he cares! But is his care enough to dart those shameful and painful words?
Sa galit, inis, at patong-patong na nararamdaman ay hindi ko alam na may nabunggo na pala ako. Umatras ako at hihinga sana ng paumanhin ngunit pinigilan ako ng takot.
He stood there, with his small smile and inviting stare as if he came to this contest for me.
Hinila niya ako palapit at awtomatikong ipinulupot ang braso sa aking katawan. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang tuktok.
"Be calm now... I'm here. Cry with me..."
I didn't know why I let my heart run free as I leak my tears out. Mahigpit ang pagkapit ko sa kan'yang damit. Nawalan na ako ng pake kung malulukot ko ito dahil ang sakit-sakit na ng dibdib ko.
His caress on my back soothes me, and I know too well what would happen next—I'll be attached, I'll chase, break myself, and forget myself. Nakatatakot isipin, hindi ko mapigilan dahil wala na akong ibang magawa.
I am eager to help myself, and I believe that he can help me with this.
"Erion..." I murmured as I sobbed.
"Erych, it's okay. Umiyak ka lang."
Mariin kong ipinikit ang mata at inisip kung ano ang maaaring gawin sa kan'ya.
I couldn't help it but allow myself to be with him. Gusto kong makasama si Erion sa hindi malamang dahilan.
I want to connect with him, and it's scaring me because I know what I'm capable of. Magbabago ako para sa kan'ya, sisirain ko ang sarili ko para maiangkop sa kan'ya, at maninira ako ng buhay kapag ginawa ko 'yon.
Stop, Erych! Why are you thinking that way? Are you expecting that you'll be romantically linked to him?
Sumakit ang puso ko sa naiisip.
I know, for a fact, that there's little to no possibility of being with him. Ano ba ang magugustuhan niya sa isang taong nagbabago para sa iba?
This is what I am right now, and I have no intention to change myself from that. Magbabago ako para sa iba, hindi para sa sarili ko, para madama nila ang kasiyahan. Naniniwala ako na kapag may nakaiintindi sa kanila, masisiyahan sila.
But what would be the price after you have paid for the happiness of the other?
Pagkatapos akong yakapin ni Erion, kumalas siya at sinilip ako.
I kept my head bowed down, afraid that he'll see my pathetic, tear-stricken face.
Marahan niyang hinaplos ang aking balikat. Napasinghap ako sa kan'yang ginawa.
"Your tears... they're precious. Don't waste it on someone disregarding," mahinahon niyang sabi.
Nilakasan ko ang loob at tinagpo ang kan'yang tingin. Binalot ako ng kaba nang makita ang paghalo ng talim, alala, at isang emosyon na hindi ko mabasa.
"You..." he sighed. "Katulad ng luha, at ng kahit anong parte ng mundo, importante ka rin. The air you take, the smile you give, the pain you feel... those are important."
Marahan niyang hinila ang ilang hibla ng aking buhok bago inilapat sa kan'yang ilong.
He looked at me dangerously. "No matter what you are—or what you are composed of—you are a valuable gift to mankind."
He gracefully let go of my hair as he stares deeply into my eyes.
"You will be my soul, an essence I once lost."
Hindi ko napansin na pinigilan ko ang paghinga nang makalayo siya.
Akala ko ay wala nang maipipigtas pa ang aking hininga, pero ang sunod niyang sinabi ay lalong nanira ng pagkatao ko.
"I will see you soon, my lovely cupid."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro