Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Kabanata 7

Tulong

"Laec, are you sure we're going to sing?"

Kaba ang bumabalot sa aking sistema ngayon. We're going to perform next. The fact that we're not prepared is scaring me!

Ano ba naman kasi 'tong si Laec? Nanghahatak bigla-bigla, walang ka-practice-practice, nag-drama, tapos mage-expect siya na kaya naming makapasok dito?!

"I'm hyperventilating!" I murmured under my shaky breath.

Hindi ko na talaga alam dito kay Laec. What is he thinking?

He gave me his chuckle as an answer. As if that would relax me!

"Chill, Erych. Masyado kang kabado. We can do this."

"You dragged me into this mess, how can I calm down?! Ayokong ipahiya ang sarili ko."

The host called us to perform. Nilukob nanaman ng kaba ang puso ko.

I am sure that I look pale right now! Hindi ako prepared—pati na rin si Laec—kaya paano magiging matino ang performance?

They handed me a mic. I drew shaky breath before grabbing it ang laying my nervousness on the piece.

"Okay lang ba na may papel na hawak?"

He shrugged as he fixed the strap to his body. Umayos siya ng upo sa stool habang nakatapat ang mic sa butas ng acoustic guitar. Panandalian niyang pinluck ang isang string bago tumango sa judge.

Ibinaba ko ang mic at nagpakawala ng sunod-sunod na hininga. My voice needs to be stable to pull this off. Hindi ko 'man alam kung para saan 'tong ginagawa ni Laec, dapat kong gampanan ito ng ayos.

I was the one he chose because he believed in me. I shouldn't disregard his trust.

"Apelyido?"

I bit my lower lip. Sinilip ko si Laec kung siya ba ang magsasalita. Inungusan niya ako at sumenyas na ako ang iimik.

"Serrano at Tantiangco."

"Anong piece?"

I glanced at him, but he's focused on his guitar.

"Purpose..."

Tumango ang host bago sinabi ang criteria. Sinilip-silip ko si Laec habang nagsasalita. Hindi ko mapigilang mag-alala.

He looks like he's in pain...

"Ready na?"

I scanned the auditorium. Lukob ang lugar at dinig na dinig ang boses kung magsasalita. Masyadong malaki ang loob kaya maririnig ang echo.

"Laec!" I whispered. "What's this song about again?"

Mapagtimpi niya akong tiningnan bago umimik. "Jesus."

I felt the shudder in my heart.

Laec's strumming was my cue to immerse myself with the theme. Mariin kong ipinikit ang mata at ibinuhos ang buong nararamdaman sa kanta.

This song is for Him? Then, I should really sing my heart out. I think it's okay to see the bleak of my past and try to move on little-by-little. Ang dami-rami kong pinagdaraanan, at dito ko lang mailalabas ang lahat.

I haven't reached the pinnacle of my forgiveness and moving on. May natitira pa, at sa kakaonting 'yon, pakiramdam ko ay paunti-unti nang umaayos ang lahat. May kailangan lang akong gawin para buong-pusong mapakawalan at maging maayos na.

It's alright to move on with little steps, right? It needs time to seep through. Mas nakatatakot kung bigla-biglang umaayos ang kalooban lalo na kung malalim ang pinagdaraanan. Sobra-sobrang pagbabago ang kailangang gawin, at nakasisira 'yon ng pagkatao.

"And you've given me the best gift
That I've ever known
You give me purpose everyday
You give me purpose in every way..."

I felt like something is lifted from my chest. Though it felt minimal, the impact was shattering.

Nang idinilat ko ang mata, hindi ko klarong nakita ang kabuoan ng paligid dahil sa luhang nangilid. Nakita ko ang kaunting kislap sa gilid ng mata ng mga manonood. Awtomatiko akong napangiti at nagpalis ng luha.

The gift He gave brought tears. I shared my talent—a nature that I'm proud of. Kaya siguro ibinigay Niya sa 'kin 'to dahil dito ko maiwawala at matatanggap ang lahat.

"Galing..." I heard Laec whispered.

Malawak ang ngiti ng mga judges nang iikot ko ang paningin. Unti-unti akong naginhawaan at iniabot ang mic sa isang organizer.

With a smile, we left the stage. Sumunod ako kay Laec patungo sa labas ng auditorium at nagpakawala ng buntonghininga.

That's it... I need to sing! Kung matutuloy ang pagsali ko sa music ministry, magiging tuloy-tuloy ang pagbabagong 'to.

Sinilip ko ang papalayong bulto ni Laec. Nakayuko siyang naglalakad habang sukbit ang gitara sa balikat. Hinabol ko at tinapik ang braso bago hinarangan ang dinaraanan.

"Laec!"

He looked at me grumpily. Nangunot ang aking noo at napansin ang kakaiba niyang itsura.

He looks like he's down!

Kinagat ko ang ibabang labi at inisip kung sasabihin ko ba ang tungkol do'n. Should I really point his sadness out? What if he doesn't want to be acknowledged? Baka mapalala ko lang ang lahat.

Hindi ko na lang papansinin. Hahayaan ko siyang magsabi.

"Laec..."

He tiredly let out a sigh and stopped at a nearby bench. Nahuhulog ang dahon at sumasayaw sa taas ng kan'yang pigura. May nanatiling isa sa kan'yang ulo kaya pinitik ko paalis.

He plopped his guitar at his lap as he longingly stared at its façade. May inuukit siyang kung ano roon bago bumuntonghininga muli.

"You're sad and..."

Hindi ko na ipinagpatuloy at nagkibitbalikat na lamang. Umupo ako sa armrest at nakahalukipkip na pinagmasdan siya.

Laec's been lonely these days. What's with him? What's bugging his mind?

Mariin niyang ipinikit ang mata at hinilot ang sentido. Sa buong oras ng hinagpis niya ay nanood na lamang ako.

Loneliness loves solitude. Solitude loves silence. Silence loves peace.

Finally, he dislinked himself from his world and remembered my existence.

Umayos ako ng pagkakaupo at tuluyan nang tumabi sa kan'ya. Ipinatong ko ang kamay sa kan'yang buhok at marahang sinuklay.

"Are you Lost?
Running circles around,
Always trying to fight the feeling,
Oh but just falling down

Is it the end?
Of faraway sounds
I've been howling howling
Never reaching, distant ground..."

Umangat ang kan'yang ulo at sinilip ang aking mukha. Ngumiti ako nang maliit habang pinagpatuloy ang kanta.

He looked at me, amazingly, as I sang him a song. Tinatanguan ko siya tuwing umiiling at ngumingisi. Napangiti rin ako kapag iniirapan niya.

"Okay ka na, Laec?"

Umarko ang isa niyang kilay. "Para namang ang ganda ng boses mo?"

Umawang ang aking bibig. Sa inis ay hinampas siya.

"Grabe mang-asar! Ikaw na nga kinantahan, nagreklamo ka pa."

"Bakit? Pangit naman talaga boses mo."

"Aba't! Isusumbong kita kay Circe!"

He grinned and stood up. Curious, I followed his steps until we reached the gate.

Ngumuso ako at iginala ang tingin sa paligid. Paano ako makauuwi kung wala akong sundo?!

He read what I had in mind, so he rolled his eyes at me. Isinabay ako pauwi ng driver nila dahil madaraanan ang bahay namin. Nagpasalamat ako kahit na nakakaasar si Laec.

After a few days, the result was out. Kami ni Laec ang nanguna sa auditionee at panglaban sa mismong contest.

Nang malaman ni Circe ang balita, hindi niya mapigilang hampasin si Laec ng hardbound sa library.

"Madaya!" pigil niyang sabi.

Natawa ako nang sinita siya ng librarian.

"Dun ka sa labas magwala!" natatawang sabi ni Laec at hinigit si Circe palabas.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang kaonting pamumula ng pisngi niya.

Circe has a crush on him? Hindi ko mapigilan ang mapangisi.

Nasundan ko sila sa cafeteria at umupo kaharap nila.

They should sit together. Ang cute kaya nila!

I watched them as they bicker. Hindi ko mapigilang matawa tuwing hinahampas ni Circe si Laec. Todo harang naman ng braso si Laec pero nakalulusot pa rin si Circe.

"Aray! Tama na, huy! Kapag naging asawa kita, bugbog-sarado ako nito."

Pinigilan kong ngumisi nang makita ang pamumula ni Circe.

She has a crush on him!

"Bakit naman kita aasawahin, ha? Sino ka ba?"

Napangiwi ako nang preskong inayos ni Laec ang buhok at nagpogi sign.

"Crush mo."

Few days later and we're prepared for the contest. Supportive si Circe kahit na nagtatampo. Tawa lang ang nagiging reaksiyon ni Laec sa tantrums ni Circe. Nginingitian ko na lang sila tuwing nagkakalapit.

I am sure that he also likes her! Hindi na ako magugulat kung magpapatulong na manligaw si Laec.

"Para saan ba talaga 'tong contest? Bakit gusto mo mag-audition in the first place?" tanong ko kay Laec habang nasa backstage.

Sinisilip-silip niya si Circe mula rito dahil siya lang mag-isa ro'n. Kami ang madalas kasama pero hindi namin masasamahan dahil magpe-perform.

"You even dragged me! Pasalamat ka at marunong akong kumanta..."

He fixed the strap of his guitar, again.

Royal Colleges for the Arts, my dream school. Gusto ko rito mag-College pero hindi ako sigurado kung Arts and Design ang magiging track ko kapag naging Senior High.

RCA is a home for talent and skills. Iba't iba ang ino-offer na course na related sa Arts and Design. Marami ring contests at extracurricular activities.

"Aren't you nervous, Laec?"

"Why would I be? Nand'yan naman si Circe para pagaanin loob ko."

Mula sa paggala ng tingin sa paligid, awtomatiko akong napalingon kay Laec. Nanlaki ang aking mata habang pinapanood ang pag-akyat ng pula sa kan'yang pisngi.

I grinned. They like each other!

Natatawa kong tinusok ang kan'yang tagiliran. Marahas siyang umaatras na may ngiti sa mukha.

"You like her!"

"Erych! Ano ba..."

I scandalously let out a laugh. I don't care if they're staring at me as long as I can tease him!

"'Wag mong sabihin!"

Natatawa akong umiling at uminom ng tubig. Inayos ko ang numero sa aking bewang at tinapik ang balikat ni Laec.

"Not an issue, Laec... Ayos na ayos sa 'kin. Manliligaw ka na ba?"

Nanlaki ang kan'yang mata habang awang ang bibig.

"You-"

"Erych!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Seville na akay-akay si Yuan. May numero rin sa bewang ni Yuan at mukhang inis na inis kay Seville.

"Ka-duet mo?"

Tumango ako at itinuro si Laec. "His name is Laec..."

Nakangising naglahad ng kamay si Seville. Siniko niya rin si Yuan na nag-ikot muna ng mata bago naglahad din ng kamay.

"Seville Bastian. Kahit ano itawag mo sa 'kin. Laec talaga pangalan mo?"

Siniko muli ni Seville si Yuan. Bumuntonghininga siya at parang pilit na pilit ang pagpapakilala.

"Yuan Thaddeus. Pwedeng Yuan, pwedeng Thaddeus. Pwede ring 'wag mo na tawagin pangalan ko dahil hindi ako lilingon."

Binatukan ni Seville si Yuan!

Laec shrugged. Ako na ang nag-sorry para kay Yuan.

"Sorry, Laec. Gan'yan talaga si Yuan. Grumpy since birth."

Ngiti lang ang naisagot ni Laec.

"Lalaban ka rin, Yuan?" I kindly asked.

"'Di. Props lang 'to," sagot niya.

Binatukan muli siya ni Seville. Tawa lang ang reaksiyon niya sa hindi maipaliwanag na mukha ni Yuan.

"Tangina ka."

Seville made a face before running away.

Inilipat ko ang tingin kay Yuan na hinihimas ang batok.

"Kanina ka pa ba binabatukan?"

Napaatras ako dahil sa masungit at matalim niyang mata. Ngiwi ang kinalabasan ng pilit kong ngiti.

I just want to befriend him, again! Sungit talaga ni Yuan.

"Obvious ba?"

"Pilosopo..." komento ni Laec.

Yuan rolled his eyes at me. Hindi na ako nag-react pa dahil sanay naman ako sa ugali niya. Sinubukan ko na lang na gayahin ang ginawa niya.

"Don't do it, Erych. Mapapahiya ka lang!" natatawang sabi ni Laec.

I was about to talk to him, but he was immediately called. Isang sulyap ang iginawad niya sa 'kin bago tumango at umakyat sa stage.

Mula sa backstage ay narinig ko ang kaonting interview kay Yuan bago magsimulang kumanta.

"Maganda ba boses niya?"

"Sabi ni Seville, malamig daw boses niya kaya kinaaayawan ng nanay. Kaya raw pinag-music school para umayos ang boses," sagot ko.

Nang nilingon ko si Laec ay nakita kong hindi maipinta ang kan'yang mukha.

Why does he look so sad and yearning?

The instrumental of the piece he's about to sing started. Naghiyawan ang mga tao at tumahimik nang nagsimulang kumanta si Yuan.

"You don't know babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are..."

Napahawak ako sa dibdib at napatakip sa bunganga.

Yuan's voice sound so ethereal! The profoundness of his voice emphasized clarity. His voice is stable, giving depths to the soul of his song. The soul he carries are scattered on his voice.

Nanindig ang aking balahibo nang malinis siyang nag-transition sa chorus. Hindi ko mapigilang umawang ang bibig dahil sa pagdaloy ng boses sa aking tenga.

I heard the soft 'aw' of the audience. Kahit hindi ko nakikita, alam kong namamangha rin sila sa boses ni Yuan.

"Are you sure that his mother hates his voice?" hindi makapaniwalang tanong ni Laec nang patapos na si Yuan.

"Yes..." I breathed out, still in awe of his voice.

Kahit nang makabalik si Yuan sa backstage ay nanatili pa ring naninindig ang balahibo ko.

Sinulyapan niya ako, isang kilay ay umarko.

I was about to talk to him, but someone grabbed his arm and dragged him away.

"Yuan! Hindi ba sinabi ko sa 'yong huwag kang kumanta? Ang pangit-pangit ng boses mo tapos ang kapal-kapal ng mukha mo para kumanta? Ikinahihiya kita!"

Napasinghap ako sa eskandalong isinigaw ng isang matandang babae. Kasunod ng matandang babae ay si Seville na hinihingal.

He apologetically looked at him. Maliit na iling ang tugon ni Yuan bago nagpahatak sa matandang babae.

I can't take my eyes of their figures. Naaawa ako kay Yuan pero hindi ako makagalaw.

Ang paglapit at pagtapik ni Seville ang nagpaalis ng atensyon ko.

"Who is she?"

He slid his hands in his pocket before closing his eyes tightly. Umiling siya, tumingin sa baba, at umiling muli bago nahihirapang tumingin sa 'kin.

"His mother."

"Pero-"

"Erych, tinatawag na tayo," sabat ni Laec.

I am contemplating on whether I should perform or run for my friend!

"If you want to help him... don't win the final contest. It means a lot to him. Sorry kung sinasabi ko 'to sa 'yo, but that's what he needs the most."

Hindi ko na naklaro pa ang sinabi niya dahil puno ng pangamba akong umakyat sa stage.

I hope he's okay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro