Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3

Leave

Change was demanding—they were so full of factors, responsibilities, qualities, and any other demands just to prove that they were prime, and people are forced to follow.

I didn't reprimand myself by abiding to the change. I didn't rebel for the sake of fulfillment of one's desire. I only sat there, uncomfortably, as I feel the sound of my heartache leaking through my tears.

It was the only desire that I wanted.

I felt cold. I didn't want to leave, but I know I would need to—to let them go, because it's the only thing to testimonize that I will be left alone—no family, or any other first consanguinity that will be with me throughout my sufferings.

"Bakit po... namatay..."

Wala akong lakas upang makabuo pa ng bagong tanong. Sa tingin ba nila, sapat na ang pagpapakita sa 'kin ng bangkay ng mga magulang ko? Sapat na ba iyon para ipaalam sa 'kin ang karumal-dumal na tadhana ko? Hindi. Hindi siya magiging sapat.

"Ma'am, pakitingin lang po kung sila po ang magulang ninyo."

Napasinghap ako nang walang pasubili nilang inalis ang takip sa mukha ng aking mga magulang. Lalo akong napahagulgol dahil sa pagkumpirma ng pagkakataon na talagang mag-isa na ako sa mundong ito.

My parents were high school sweethearts. They kept on telling me on how they met, how they nurtured it, and how did they come up with a plan to be with each other until death. Maganda ang naging pagsasama nina Mommy at dahil sa kagandahang 'yon ay sabay rin silang namatay.

The sad truth is I am the only one who lived to tell their tale because I am an only child which made it even more heart-wrenching.

Hindi ako makapagsalita dahil sa nakikita.

Laying on the cold, metal bed is my parents' body. The shudder I felt made me pale. Hindi ako makapaniwala na patay na ang mga magulang ko. Hindi ko makonsidera ang mga posibleng nangyari noong concert dahil iyak na lang ang nagawa ko.

"Boss, pwede po bang sa labas muna si Ma'am? Hindi po kaya ni Ma'am."

"Ah, gano'n ho ba? Pasensiya na po. Pero maaari niyo bang ma-clarify kung sila ang amo ninyo?"

Nawalan ako ng lakas para ipagpatuloy ang paglabas ng morgue dahil nanghina na ako. Bumagsak ang aking tuhod sa malamig na sahig at sa kalamigan no'n ay nagpapaalala ng lahat-lahat ng mga masasayang memorya ko kasama sina Mommy.

Why does He need to do this to me? I was a kind child! I did all the things to be a good daughter to my parents, and He gave this to me? Ano ba ang masama kong nagawa? Wala!

Inalalayan ako ni Manong na tumayo mula sa pagkakaluhod. Kahit gaano niya pa ibigay ang lakas niya upang tulungan ako, alam kong sa loob-loob ay hindi ako matutulungan ng kung sinoman.

Pinaupo ako sa hilera ng upuan malapit sa morgue. I wanted to leave the place, but after I remembered my parents, I forced myself to adapt—a thing which I have tried to master.

Bakit ba pinatay ang magulang ko? Ano ba ang ginawa nila? Ano ba ang ginawa ko? Bakit Niya ginawa 'to?

"Ma'am, tahan na po. Ito po, tubig..."

Hindi ko inalintana ang sakit ng dibdib at ng lalamunan dahil sa pag-iyak. I wanted to mourn immediately. I want to lift this heavy burden off my chest because I fear what I am capable to do.

"Manong... bakit po gano'n?"

My breathing is composed of lapses due to my heavy heart.

Sino na ang aasahan ko? Kaninong bahay na ako uuwi? Sino na ang magtatanong sa 'kin pagkarating mula sa school kung kamusta ang araw ko? Kung kamusta ang grades ko? Sino na ang kasama ko sa Family Day?

Bakit kung kailan kailangan ko sila tsaka sila nawala? Bakit kung kailan napakakailangan ko ng gabay sa mga pipiliin ko ay tsaka sila kinuha?

Masyado na bang masahol ang mundo na pati ang mga taong kailangan na kailangan at mabait ay kinuha na bilang pamalit sa masasamang tao? Masyado na bang kurakot ang kabuoan ng tao kaya inilalagom niya ang lahat ng kamalasan at ibinibigay sa mapalad?

Kung ganoon, bakit nagkakaroon ng pagbibigay ng buhay kung kukuhanin din naman? Napakasama naman. Ipinapatikim lang ang karangyaan, at kapag nagustuhan ay aalisin upang hayaan na maging uhaw roon.

Why is the world so cruel that people are forced to conform to the changes created by mankind?

Sa sobrang maka-Diyos ng mga magulang ko, nagsisisi na ako sa paniniwala nila. Ano ba at bakit kinuha agad sila? Hindi ba't ang malapit sa Diyos ay hindi muna kukuhanin?

I cried my heart out the whole day after I confirmed that they were my parents. Sa bahay ako nina Circe pinatira dahil nalaman na rin nina tita Rina ang tungkol do'n.

Lalo akong napaiyak nang yakapin ako nang mahigpit ni Circe. Hinaplos niya ang aking likod at minasahe.

"Aster, stop crying now... you'll be alright."

I will never be alright; I will never be okay for darkness will be my friend and heartache would be my light.

Sa mga nagdaang araw, wala akong ibang nagawa kun'di umiyak sa harap ng burol ng aking mga magulang. Sina tita Rina na ang nag-asikaso sa burol nina Mommy. Huwag ko na raw problemahin 'yon at ang mga gagastusin dahil ibinilin na raw nila ako sa kan'ya ayon sa last will and testament nina Mommy.

Did they plan this? Did they want me to suffer?

Tatlong araw ang naging burol, at sa pangatlong araw ay inilibing sina Mommy.

I didn't comperehend a lot of words or speech for my eulogy because I was not ready to let them go; not ready to accept the fact that I am left alone in this cruel world; not ready to believe that there will be no one to clarify if I'm okay.

Yakap ni Laec at Circe ang nakuha kong lakas habang ibinababa ang kabaong nina Mommy. Nagtapon ako ng sandamakmak na bulaklak para sa kanila. Kung pwede nga lang na itapon ko na ang sarili ko at ilibing na buhay kasama sila ay magagawa ko na.

The Lord must have wanted me to live longer for him to stop me with our family's lawyer.

"Ms. Tantiangco?"

Teary-eyed, I glanced at our lawyer. Nakayakap pa rin ako kay Circe habang si Laec ay hinahagod ang aking likod.

"Condolence, hija."

I only nodded as I wiped my tears away. Sinulyapan ko ang inilalagay na lapida sa musoleo bago ibinalik sa matandang lalake.

"Ano po ang kailangan ninyo?"

The old man looked tired, but I am way more than his tiredness—I am beyond it.

"Tungkol ito sa last will and testament na iniwan sa iyo ng mga magulang mo."

Lumapit si tita Rina at sinulyapan ang matandang lawyer. She got this apologetic look on her face as she talks.

"I am sorry for this, Mr. Alvarez, but may you refrain from discussing the matter? Kalilibing lang po ng magulang niya at ng kaibigan ko. Baka hindi pa gaanong maintindihan ng bata."

"Okay na po ako, Tita."

Napalingon sa 'kin si tita Rina. Pinilit ko ang sarili na ngumiti at ipakita na ayos lang na pag-usapan ito ngayon. Kung iiyak ako, isang bagsakan na lamang dapat. Ayaw ko nang dagdagan pa ito kung patatagalin ko pa ng ilang linggo o buwan.

The old lawyer looked at me apologetically. Bitbit ang briefcase ay naglakad siya palayo at sumenyas na sumunod ako.

"Aster, I don't think you're ready. Maiintindihan mo ba ang lahat ng sasabihin niya?" Circe asked.

I let out a small smile. "I'm alright. Iintindihin ko para sa magulang ko."

Laec only looked at me apologetically. He already said his condolence earlier, and I appreciated his presence.

"Aster, condolence ulit. Ipagdarasal kita."

"If you are lonely, I'm here. Pwede mo akong mapagsabihan—kami ni Laec. We're here for you."

I only smiled. Sumunod na ako sa lawyer at sumakay sa aming sasakyan. Sa mansyon na lamang daw nina tita Rina pag-uusapan.

Dumiretso kami sa opisina ng bahay nila at doon pinag-usapan ang tungkol sa last will and testament na ibinigay sa 'kin.

Pakiramdam ko pa rin ay wala na akong masasandalan kahit na nakasaad sa last will and testament na pansamantala akong titira kina tita Rina hanggang sa mag-legal age na ako. Nasa pasya ko kung aalis ako sa poder nila at babalik sa dating tirahan. Basta raw ay kapag eighteen na ay maaari na akong kumalas sa hawak nila.

"For you trust funds... it is enough for your education until College. Med school, law school, or any other courses you plan to take after you finished studying, it will be made possible by your trust funds. Kung hindi ka naman magte-take ng ibang courses, maaari mo na siyang gamitin para sa iba pang pangangailangan katulad ng pagsisimula ng business."

I kept my heart's sanity at it's finest. I refrained myself from crying again. Kung iiyak ako ngayon, pakiramdam ko ay kaonti na lamang ang matitira dahil paubos na.

"Nakasaad din dito na ang mansyon at kinatitirikan ng mansyon ay ipinangalan sa iyo kasama na rin ang iba pang lupa't ari-arian na nakapangalan sa mga magulang mo. Sa madaling sabi, all of the riches your mother and father has will be transferred under your name."

"Paano po... ano po ang nangyari kina Mommy?"

I know I should have asked this question the moment I saw their bodies at the morgue, but I have no strength to do so.

Sympathy passed through our lawyer's face. He didn't want to break this news to me.

"They were ambushed at the concert they attended that night. Nadamay ang mga magulang mo sa ambush na para sa isa sa mga artists ng concert. Partly, for the politicians' children, especially the Blancoveño child."

Blancoveño? What is that family's influence for them to be ambushed? Napakaimposible na dahil lang sa pagiging politiko nila!

"But why were they ambushed? Bakit kailangang mandamay ng mga tao? Wala ba silang mga puso? Didn't they think that with that public gathering and the crowded place, they can easily sneak around? No, they won't because-"

"Hija, kumalma ka muna..."

I didn't realize I was heaving way too hard. Masakit sa parte ko na ang dahilan ng pagkamatay nina Mommy ay ang pagkadamay sa isang pamilyang hindi naman kami affiliated doon!

Iniisip ko pa lang na simple lamang ang pagkakamatay nina Mommy ay hindi makatarungan. Tumulo nanaman ang luha ko.

"Kailan pa po nila ginawa ang last will and testament?"

"Weeks before the concert, hija. Matagal na nilang pinaplano pero noong isang linggo lamang nag-file ang mga magulang mo."

Sumikip ang aking dibdib dahil sa narinig. They expected this and they didn't tell me about it!

"And they are placing the entire responsibility on me? Do they think that I can handle that much land and riches with my age? Hindi ko po kaya!"

Nahihirapan na rin si Mr. Alvarez sa mga sinasabi ko. Totoo naman! Grade 8 pa lang ako at marami pa akong pag-aaralan bago pamahalaan. I don't even think that this thought will sink in immediately.

My parents are dead because of an ambush meant for the politicians' children, and after that, they are bestowing the responsibilities on my shoulder? Why do they want me to suffer this much?

"Maaari mo naman daw ibigay sa mga charity ang ilan sa mga lupa, ayon dito. Kung gugustuhin mo lamang. Ngunit kung ayaw mo naman, maaari rin tayong magkaroon ng trustee para mamahala rito."

I can't even strain my mind to think who is credible and reliable enough to handle the riches of my family. The world is cruel and has been abiding to change for years. To think that the person I will trust won't change is impossible.

"Your parents also gave an ample amount of money during your residence at the Magallanes'. Rina Magallanes will also be given rights due to the proclamation of being a godmother to you, Ms. Tantiangco."

I kept my sobs in my throat. Sa sinasabi ng lawyer namin, halatang matagal nang pinaghahandaan nina Mommy 'to!

I didn't have the gift of time to process everything. Next thing I knew, I was leaving the mansion temporarily. Kina tita Rina ako makikitira hanggang mag-eighteen na ako.

Leaving was too much to bear. Akala ko ay wala na akong maiiyak ngunit nang makita ko muli ang mga picture frames na nakalagay sa pader ng bahay, lalo lang itong nagpalala.

Adjusting is too much for me. Sa mga unang linggo ko roon, hindi ko mapigilang umiyak habang niyayakap ang family picture namin. I always cry myself to sleep and I didn't have the energy to attend classes the next day.

Next thing I knew, I left myself in the room to deteriorate all the hopes I had. I questioned everything. Ang dami-dami ko nang problema at wala akong mapagsabihan. I kept on shutting Circe away from me because I didn't want to involve her with my pains.

I wanted to keep this pain to myself because I know how much it would hurt someone. Minsan naman ay pakiramdam ko na napipilitan lang siyang lumapit sa 'kin at tanungin kung ayos lang ako.

My self was my anchor, but I didn't know if I was healing or decaying. I didn't want to rely to someone because it would hurt a lot if they would leave. I was scared, and this fear that is eating me allowed the darkness to seep.

Because little did I know, after all the heartaches I had, I wallowed myself to grief.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro