Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Kabanata 19

Remember

The tune of Coldplay's Everglow greeted my ears when he turned on the radio. The car's machine growled against the serenity of the wind before picking up its pace and decked the roads with its mark.

Eros bobbed his head and tapped his finger on the steering wheel.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang sandali siyang pumikit at sinabayan ang kanta.

"Well, they say people come. The say people go. This particular diamond was extra special. And though you might be gone, and the world may not know. Still I see you, celestial..."

Marahan kong iginalaw ang ulo at sinabayan ang ritmo ng kanta.

My smile even grew wider when he rose his voice volume. Napakagat ako sa ibabang labi at napabuntong hininga nang tuloy-tuloy ang kan'yang pagkanta.

I really love how his voice glides through my ears and serenading its way through my heart. It feels so fulfilling—so satisfying.

"There's a light that you give me when I'm in shadow. There's a feeling within me, an everglow..."

Mahina akong nakisabay sa pagkanta habang dinadama ang epekto ng kan'yang boses.

I can't help sighing. Hindi ko rin mapigilan ang sarili na mapahawak sa dibdib dahil sa kakaibang tibok nito.

The beat of my heart correlates to the unnerving voice he carries. It's so perfect.

Nilingon ko si Eros at tinitigan ang kabuoan ng kabilang parte ng mukha niya. Ang katangusan ng ilong, kaseryosohan at kailapan ng mata, kapulahan ng labi, at ang buong estraktura ng mukha niya.

Is he real? He looks so ethereal to me—someone who is so heavenly that I forgot that he's a mortal.

"Eros," I called. "Are you real?"

Mula sa medyo pagkakunot ng noo ay umaliwalas ito at tumaas. Saglit niya akong nilingon bago ipinaikot ang manibela para kumaliwa.

Wala akong nagawa kun'di tumitig sa kan'yang braso. Pinamulahan ako ng mukha nang ma-realize ang ginagawa.

Am I checking him out? Erych naman!

"Are you saying something earlier, my angel?" kalmado niyang tanong habang ang seryoso't mailap na mata ay nakatuon sa kalsada.

Nanlaki ang aking mata. Parang lalong pumula ang mukha ko sa tanong niya.

This- this thing!

Erych! He's just asking.

I blinked a few times and let out a nervous breath. "K-kung malapit na ba tayo?"

Tumigil ang sasakyan. Umungot ang brake. Ipinatong niya ang braso sa gilid ng bintana bago lumingon sa'kin at seryosong tumitig.

Dinilaan niya ang ibabang labi, ibinuka ang bibig, bago nagpakawala ng makapigil-hiningang ngiti.

Napa-awang ang aking labi at naliligaw na tumitig sa kan'ya.

Why does he need to be so handsome that I can't refrain myself from admiring him?! Sobrang gwapo ni Eros!

Nahigit ko ang hininga nang mababa siyang humalakhak at inayos ang pagkatititig.

"Tell me, my angel. Did I pass your standards?" he cutely asked.

"Lagpas," I honestly answered.

Walang kahihiyan ang dumaloy sa'kin nang sinagot ko ang tanong niya. I am way too stunned to know what I'm saying!

"Damn. Why do you have to be so honest?"

"Mas gusto mo ba yung taong hindi totoo?" hindi ko mapigilang maitanong.

Natigilan siya. Napigil ko ang hininga.

Why did I even ask him this? It feels weird asking him this. Parang wala akong karapatan.

He hates people who changes for the other. I'm doing it now. Will he hate me?

I want him to hate me, but why am I doing the opposite thing? Why does it feel like I want to be with him on some part?

Binitawan niya ang titig sa'kin at umiling. Inalis niya ang seatbelt bago bumaba at umikot para tulungan ako sa pag-alis mula sa sasakyan.

"I'm sorry if I didn't answer that," he murmured as he held me by my waist.

Tango lang ang aking naisagot bago magpunta sa likod ng pick-up.

Naglatag siya ng malapad na tela sa likod at naglagay ng unan at pagkain. Inalalayan niya ako paakyat at tumabi sa'kin pagkatapos.

These should be the things that I should be appreciating: the sunset and the picturesque view of the movie. But I didn't because the man sitting beside me is the sight that I am starting to admire.

Puno 'man ng halos mga pick-up ang open field para sa outdoor movie, wala na roon ang atensyon ko dahil na kay Eros na. Buong-buong na sa kan'ya. Buong-buo kong ibinibigay.

Does he need it? Even though he won't be needing it right now, I'll supply him until he got a lifetime stock of it; enough for him to know that he is loved.

Marahan kong ipinatong ang ulo sa kan'yang malapad na balikat at pasimpleng sumiksik. Narinig ko ang mahina niyang halakhak bago haplusin ang aking buhok.

We spent the rest of our night watching the movies at the outdoor theater. Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos. Nag-iwan din siya ng isang regalo sa'kin.

I was adamant to decline his heavy gift, but he was the one who insisted. Nakangisi siyang nagpaalam sa'kin bago pinaharurot ang sasakyan.

I hope he knows his way back home!

Natatawa akong umiling bago pumasok sa loob.

Naabutan ako ni Circe na paakyat sa hagdan. Pinaningkitan niya ako ng mata bago itinuro ang regalong hawak ko.

"Ang cute naman ng packaging," komento niya habang may mapang-asar na ngisi.

Nanlaki ang aking mata bago naramdaman ang pamumula ng mukha.

"R-regalo ni Eros!" nahihiya kong sabi.

Lalo niyang pinaningkitan ang tingin sa hawak ko bago lumapit. Inasar na naman ulit ako!

"Bakit daw?"

I looked away. "H-hindi ko alam!"

Kinagat ko ang ibabang labi dahil lumalawak ang ngiti ko.

Erych naman!

Bago pa niya mahawakan ang regalo ni Eros ay tumakbo na ako papunta sa kwarto at madaling isinara ang pinto.

Nagpunta ako sa salamin pagkatapos hawakan ang pisngi.

I am profusely blushing!

Tinampal ko ang pisngi at marahas na umiling.

Open the gift, Erych. Hindi yung namumula't kinikilig ka na parang ewan!

Nakanguso kong inalis ang brown na tali ng regalo. Mayroong kasamang tag sa tali at nakalagay roon ang pangalan ko.

Psyche Aster, my dear angel,

Enjoy reading, my cupid.

Eros.

Reading?

I didn't want to contain my excitement, but I didn't want to destroy the cute packaging either!

Habang malakas ang kabog ng puso ay dahan-dahan kong inalis ang vintage na balot. Napasinghap ako nang makita ang ilang librong nabanggit ko sa kan'ya.

Why did he give me books? Kaya pala ang bigat-bigat kasi limang libro ang iniregalo niya!

Inside is another note, also with his all-caps, sleek handwriting.

I hope the sight of these books would calm your lovely soul. After all, the serenity of your mind bequeaths me with such grace that only you could grant.

These books are worth five-hundred pesos each. He wasted around two thousand to three thousand pesos to give me these?!

Hindi ko mapigilan ang iyak. Why is he so thoughtful?

We're not together, so why would he gave me this? Hindi ko naman birthday at wala rin namang event.

Paano pa kaya kapag naging kami na? Baka hindi lang limang libro iregalo niya, baka iba't ibang series na!

Erych! Bakit gan'yan ka mag-isip? You and Eros? Together? Ang advance naman!

I shook my head to dislodge my thoughts. Kung ano-ano ang pinagii-isip ko!

Nag-flatlay ako ng lahat ng librong iniregalo niya bago ipinost sa Instagram. I put 'Thank you' as a caption.

Naka-on yata ang notifications ni Cloud sa'kin at nakapag-comment agad.

notcloudbrenner sino kaya nagregalo kay erych @elgened @eproximo @sebastiandlf @yuanm @deeperzake

I laughed. Gagawa na naman ba sila ng chatbox sa comments section?

Ibinaba ko ang cellphone at napagpasiyahang basahin ang isa sa librong iniregalo ni Eros. Dalawang mahahabang chapters ang tinapos ko bago matulog.

The next day, Cloud messaged me about their studio. Iniimbitahan ako sa pagsama sa practice nila.

Cloud: alam mo ba erych

Cloud: may practice kami ngayon sa nire-rentahang studio

Cloud: iimbitahan kita, hindi pwede ang tumanggi

Cloud: bawal tanggihan ang grasya

Cloud: ako nag-iinvite kasi ako ang pinakamakapal ang mukha sa aming anim

Cloud: tapos pabebe rin si eros kaya ako na ang magso-sorry sa parte niya

Cloud: punta ka ha

Erych: okay sige

Nangunot ang aking noo nang mag-reply ulit siya.

Cloud: bakit gan'yan kayong mga babae? ang titipid mag-reply :<

Umiling na lamang ako at gumayak. Nagpaalam din ako kina Tita Rina at pinayagan naman ako. Magpapaalam sana ako kay Circe pero sabi ni Tita ay kasama raw niya ulit si Laec.

Si Seville ang sumundo sa'kin. Kasama niya si Cloud na nakapwesto roon sa backseat.

"Hi, Erych," medyo matamlay niyang sabi.

Kinunotan ko siya ng noo. Inilingan lang ako ni Seville.

"You looked tired, Cloud. Summer naman?" I inquired.

Nakita ko ang tingin ni Seville.

I'm just worried, okay! Tanda ko pa yung araw na problemado si Cloud. Bago mag-recognition 'yon at sa cafeteria pa siya nagda-drama kasama ang banda.

He weakly smiled at me before lightly nodding. "Pabalik-balik sa Batangas."

"Bakasyon sa Batangas?"

Umiling siya. "Just some unfinished business..."

Tumango ako at hindi na nagtanong pa.

We arrived at the studio where they occasionally practice.

Maganda sa ilalim ng sinag ng araw ang kulay puting pintura ng establisyimento. Nakalagay ang 'Recording service' na neon light sa dalawang malalaking bintana. Pinagigitnaan nito ang pinto na kasingkulay ng pader.

Kumikintab din sa liwanag ang 'Resonance Studio' sa itaas ng bubong.

I followed Seville inside while Cloud is lagging. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa awra ng mukha ni Cloud pero ayaw ko namang pilitin na magkwento siya tungkol doon.

Inside is an air-conditioned lobby with hallways that leads to different rooms. Doors occupied the rows of the wall along with the wide rectangular windows.

Nahagalip ng aking mata ang isang room kung saan may bandang nagpa-practice. Limang tao ang naroon at halos kasingtangkad at kasingkatawan nina Cloud.

Sa isa pang room ay may babae't lalake na nagdu-duet. May ilang tao na nakinonood sa kanila mula sa labas.

Nagkaroon ng kaonting ingay ang hallway dahil sa pagbukas ng pinto ng kwartong pinasukan ni Seville. Tinanguan ako ni Cloud, senyales na iyon ang kwartong inookupahan nila.

I am greeted with an acoustic serenade of a guitar and an ethereal voice of a man. The divinity of his voice graced my weak and vulnerable heart.

"Remember the way you made me feel. Such young love but something in me knew that it was real. Frozen in my head..."

Sinulyapan ako ni Yuan na may maliit na ngisi sa kan'yang labi.

Inalis ko ang tingin mula sa kan'ya at ibinalik kay Eros na ngayon ay kumakanta.

The strings looked familiar to the length of his fingers.

"Memories are playing in my dull mind. I hate this part, paper hearts and I'll hold a piece of yours. Don't think I would just forget about it..."

I found myself staring at him as he lulls me with his gorgeous voice. He is a man of impeccable character—someone I would love to prove and seek reality of.

He stares as if he wants to lull me to death.

He gave me an ounce of attention; it was enough for me to know that he acknowledged my presence. Mapanuri ang kan'yang titig at puno ng kaba ang aking puso sa likod ng matapang na anyo.

A man with this looks would probably be sinister in his whole life.

He slowly smiled at me before giving my soul another grace of his glorious voice.

Within the span of his performance, I became a worshipper of the heavenly body that lies inside his soul—a piece he once lost. But for the lost of one soul, can the other compensate for the void?

I gave him a weak smile because it is all I could give after he gave me an overwhelming sight.

Ang paghanga ko sa kan'ya ay hindi ko mapipigilan hanggang sa humihinga ako.

Erion Proximo Veloria is a man that outgrew all the perfection that the world could hold. He became the perfection himself and the steps he takes leaves a path of stardust that needs to be behold.

"I live through pictures as if I was right there by your side. But you'll be good without me and if I could just give it some time. I'll be alright..."

I smiled at him when he looked at me. He gifted me a small smile that gave me a wave of admiration.

This is bad, Erych. The change that he's trying to stop is soon to come...

Hanggang sa matapos ni Eros ang pagkanta ay nanatili ang titig ko sa kan'ya. 

Umayos siya ng upo at inilagay ang acoustic guitar sa stand bago tumayo.

"Hey, angel."

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kabanda niya!

"Tangina. Ganito pala lumandi si Eros," rinig kong komento ni Zake.

"Sino ba mas malandi sa inyo? Mas malandi ka!" sagot ni Elgene.

"Malandi ka rin, 'wag ako," natatawang sabi ni Zake.

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Eros sa akin. Hinila niya ako paupo sa isang sofa at doon tinabihan.

"Eros! Dinala ko rito para manood si Erych, hindi para landiin mo," paninita ni Seville habang nakadungaw mula sa loob ng recording room.

"Si Elgene?" panunukso niya, mata ay nakatuon kay Quinley.

Quinley smiled at me. I smiled in return.

Umalis si Zake mula sa recording room at nagpunta sa lounge ng kwarto. Naagaw ng tingin niya ang maliit na television na naka-mount sa pader.

Nagsasayaw roon ang isang babaeng naka-itim na bra at pantalon ang pangbaba. Mukhang isang music fest ang dinadaluhan niya.

Demi Lovato's Body Say played in the background. Nang mag-appear ang babaeng bokalista na may stage name na MØRG ay grabe ang pagkakunot ng noo niya.

Nilingon ko si Eros. May multo ng aliw ang mukha niya.

I nudged him but he only looked at me inquiringly!

"Bakit grabe ang kunot ng noo ni Zake?" I whispered.

Patakbong dumungaw si Elgene mula sa recording room at nakangising inasar si Zake.

"Galit na galit, Zechariah!" pang-aasar niya.

Zake only look at him with a scowl.

Hindi pa nakuntento si Elgene at tinawag pa si Seville!

"Ah, 'yan ba yung kinekwento mong noong nag-talent portion noong elementary kayo ay may dalang ahas para convincing ang pagiging Medusa?"

Kita ko ang pag-igting ng panga ni Zake habang kumekembot ang babae sa screen.

"Tangina," rinig kong sabi niya.

Naiinis na dinilaan ni Zake ang kan'yang labi habang mainit pa rin ang titig sa screen lalo na nang ginulo niya ang buhok.

"You can touch me with slow hands. Speed it up, baby, make me sweat. Dreamland, take me there 'cause I want your sex..."

Dumungaw na rin sina Cloud at Yuan at sumama sa pang-aasar kay Zake.

"Sexy ng boses, Zake. Turn on ba?" sabi ni Yuan.

"Tangina kayo."

Hanggang sa matapos ang performance ng babae ay gano'n pa rin ang itsura ng mukha ni Zake.

"Zake, kaya raw gan'yan ang suot dahil pino-promote niya yung women empowerment," sabi ni Seville.

Natatawa akong umiling at kinuha ang cellphone nang mag-vibrate ito. In-open ko at nakita ang chat ni Orion Belt.

Orion: Can you remember who you were before the world told you who you should be? — Charles Bukowski

Marahas akong napasinghap at napapikit ng mata.

I turned the screen off and unintentionally leaned my head at Eros' shoulder. Naramdaman niya ang inakto ko kaya bumulong sa aking tenga.

"Do you want to go out?" he whispered lowly.

"May practice kayo..."

He raspily chuckled near my ear. "They're busy annoying him."

Hindi na ako naka-angal pa nang marahan akong hinila ni Eros palabas sa building.

We silently walked to a nearby store. Napansin ni Eros ang pagtamlay ko kaya humarang siya sa harapan at itiningala ang aking mukha.

"You okay, my angel?" he curiously asked.

I removed his fingers from my chin.

I don't know... the message that I got struck me so hard. Hindi ko pa naman sinisimulan ang pagbabago pero parang matagal nang nangyari 'yon.

Nagpunta ako sa isang sulok at nagpakawala ng buntong hininga. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha pero kusa itong pumatak.

Nakita na naman ni Eros kaya hinila ako sa isang yakap.

"No, I'm okay..."

Umiling siya. "You're not."

Baka nga nadala lang ako sa sinabi niya.

Bumaklas ako sa pagkakayakap at pinalis ang luha. Nginitian ko siya bago ayusin ang sarili.

Shortly after, a girl approached us. Bigla akong nahiya para sa sarili dahil iba ang kagandahan niya kumpara sa'kin.

She's divine like him which makes them a match. Naramdaman ko ang hiya para sa sarili dahil kung titingnan silang dalawa ay bagay na bagay. Kung ikukumpara sa'kin, talo ako dahil napaka-awkward ko at hindi 'man lang kayang maging confident kahit sa loob ng isang buong araw.

I started walking away as I felt my heart breaking because of the destruction of my self-confidence.

Nakatungo akong naglalakad pero napigilan dahil sa hatak mula sa aking pulsuhan.

Eros' curious eyes looked at me with such affection that I forgot what I was thinking. He gave me a smile; it immediately vanished my sadness.

"See her? This is my angel, Erych. Ask my angel if it's okay. Manonood kasi kami ng movie at maga-arcade mamaya."

Hindi ko nakita ang reaksyon ng babae dahil titig na titig ako kay Eros.

What is he saying?

"'Wag na lang!" naiinis na sabi ng babae bago umalis.

Eros briefly shook his head at me before pulling me into a hug. Marahan niyang pinaglaruan ang dulo ng aking buhok.

"Stop crying now, my angel. Pupunta na tayo sa arcade."

We stopped at an arcade that is steps away from the studio. Alarma ko siyang tiningnan.

Ngiti lang ang isinagot niya!

"But you have your band practice-"

"Vlog here," he said.

Nangunot ang aking noo. "Vlog? No! I only vlog with myself. Hindi comfortable sa ang isang tao kapag nagva-vlog kasama sila kasi-"

He sighed. "Just vlog, my angel. It's alright with me."

I pouted and shook my head. One of my wishes for my vlogs is to have him in it. Hindi ko naman ine-expect na siya pa mismo ang tutupad ng pangarap kong 'yon!

Nag-puppy face ako pero seryoso siyang nakatingin sa'kin.

"Hindi kita kakausapin hangga't hindi mo sasabihin ang 'Can I vlog?' or any of that matter?"

Pinahaba ko ang nguso. Hindi natinag ang tingin niya!

"Eros!" I said, stomping my feet.

He rose his brows at me before shrugging and looking away.

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko naman kayang hindi niya ako kausapin!

"Can I vlog?" I blurted out as I fiddled with my hands.

"Do you love to?"

Nangunot ang aking noo. He's so confusing!

Pinigilan ko ang mainis dahil sa kalituhan kay Eros. Pinipilit akong mag-vlog tapos ganito isasagot niya!

"Do you love to vlog?"

Ngumuso ako. "I love to, but if you're not comfortable with it-"

"Do you love to? Oo o hindi lang, Psyche."

I looked away from his intense eyes. "Oo..."

Inangat niya ang aking baba at pinilit na tumingin sa kan'ya.

"Then we'll vlog together because that's what you love."

Nanlaki ang aking mata kasabay ng pag-awang ng aking bibig.

"You're not kidding me?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Mukha ba akong nagloloko?"

Akala ko nagjo-joke lang siya kanina!

"Come on, my angel. We still have lots of memories to fill." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro