Kabanata 16
Kabanata 16
Imbitahan
The soft hums he created vibrated through my chest. Nananatili ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok.
"Eros..."
"Hm?"
Mariin kong ipinikit ang mata at inayos ang pagkakapwesto ng ulo sa kan'yang balikat.
He didn't seem to be uncomfortable with this position.
"Are you..." Humugot ako ng hininga. "Why are you here alone? Nasa'n sina Cloud at iba pang mga kabanda mo?"
"Is there a need to be with them all the time?" he whispered.
I bit my lower lip as I felt the degree of his words. Hindi ko alam kung bakit ako natamaan.
"Hindi naman sa gano'n..."
"Then what?"
Ngumuso ako at umalis sa pagkakasandal ng ulo.
Dumulas ang kan'yang kamay mula sa aking likod patungo sa braso. Lumipat doon ang kan'yang tingin bago inilipat sa akin.
"What are you feeling?" he softly asked. "I want to know."
I blinked. "Bakit?"
He immediately dropped his stare.
Awtomatikong nalukot ang puso ko kaya inangat ko ang kan'yang ulo. Hinagip ko ang kan'yang tingin bago ipinilit na tumitig.
"Eros or Cupid shoot arrows at anyone so that they could be able to fall in love. But why arrows? Does that mean that we could never fall in love without getting hurt?" I said.
I stared at his marvelous mysterious eyes—a chance I didn't often get because I feared what it can bring. Nalulunod ako sa kan'yang titig. Ngayon lang ako susugal para umahon.
"Cupid fell in love with Psyche that he married her with a condition that Psyche could never see his face," I continued.
He continued to stare at me; I almost drowned.
"'Though this be madness, yet there is method in't.' From Shakespeare's Hamlet," I recited.
He opened his mouth, but I gave no chance to speak.
"It means that there is a specific purpose on why something is happening—why it is occurring. Even though it might seem crazy or absurd, there's still the truth in it."
Suminghap ako at pinatapang ang sarili kahit na nalulunod sa kan'yang titig.
"S-so, Eros, do understand that I will always be here to understand you. K-kahit gaano pa kakomplikado 'yan, nandito ako para intindihin ka. T-that's what friends are for, r-right?"
Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na yakapin siya.
"No matter how broken, deranged, or lost you are, always remember that you are loved. You are, and always will be."
Tumulo ang luha ko nang hinigpitan niya ang yakap.
With a low voice, he whispered, "Thank you, my angel."
After a small heart-to-heart talk, we immediately bid goodbye to each other. I don't know his means of getting home. I don't also know if he wants to join us if ever I invited him.
But he said that he knows his way back, so I guess it's okay. Makakatulog ako nang mahimbing sa sinabi niya.
I carried on with my routine after a few more days.
When I was down, I cheered up myself by singing and reading books. Those miniscule things are colossal to those who appreciate pure efforts.
For academics, I didn't bother myself with stress. Sinusubukan ko ang lahat para ma-balance dahil nahihirapan akong gumalaw kapag stressed.
Pagkarating sa classroom ay nakita ko ang kumpol ng mga ka-blockmate sa gitna. Dalawa sa kanila ang may gitara habang ang isa ay nagbi-beat box.
This looks like a common high school scene to me. Paano sila pinayagang magdala ng beat box?
"Sige na, please, 'wag nang mainis. Bumalik ka na sa'kin! Sorry, mahal, ika'y nasaktan. Bumalik ka na sa'kin! Bumalik ka na sa akin..."
I shrugged and went to my seat.
"Walang prof?" tanong ko kay Mira.
Mira smiled at me before slinging her arms on my shoulders. Natatawa siyang nagkibitbalikat habang ang mata ay nakatingin sa mga nagja-jamming.
"Kanina pa sila nagja-jamming?"
"Yep! Sali ka sa kanila, Erych," magiliw niyang suhestyon.
I smiled and shook my head. "I want to... but I'm not with them. 'Di ko sila ka-close at hindi ako comfortable na mamilit."
"Nakiki-jam na rin yung ibang girls. You really don't want? Pwede kitang isali ro'n."
Nanlaki ang aking mata at marahas na umiling.
"Why? You should be cool with that. Starting today! Kasi, one day, hindi lang gan'yan ang sasalihan mo. Baka nga maging part ka pa ng singing contests."
I only replied with a smile.
"Isasali kita," she said and winked.
Nag-panic ako nang lumapit siya ro'n at may kinausap.
"Mira!" I called.
She glanced at me and winked.
A few minutes later, I was jamming with them. Ako ang kumakanta habang ang ilan sa kanila ay nagpe-pen tap at nagbi-beat box. May ilan pang nagvi-video.
"Take it slow but it's not typical. He already knows that my love is fire. His heart was stone, but then his hands roam. I turned him to gold and I took him higher..."
Nakarinig ako ng nagsigawan. Ang iba ay nakisali sa pagkanta.
"Yes naman, idol!"
"Ah, ganda talaga ng boses!"
I smiled and continued singing.
Nakatapos kami ng dalawang kanta ngunit wala pa ring dumarating na prof. Halos buong estudyante rito sa classroom ay nakisali na rin.
After a few more minutes, their voices started to tone down. Is there a prof or something? Kinabahan ako bigla.
"...tambay. Sino 'yon?"
"PolSci student."
"Kanina pa?"
"Nakatanaw lang kay Erych."
"Kilala yata nina Ella 'yan. Sumisigaw pa 'yung mga 'yon kapag nagpe-perform."
"Baka si Erych hinahanap?"
"Aba, tanongin mo!"
"Ayoko nga! Ang sungit. Baka isnabin pa 'ko."
"Maawa ka naman sa tao. Kanina pa nakatayo ro'n."
"E di si Erych sabihan mo!"
Kumunot ang aking noo sa narinig na usapan.
PolSci student? Kanina pa nakatanaw?
Napansin nila ang pagtataka ko kaya lumapit na sa 'kin ang isa. Nahihiya pa siya nang itinuro ang pinag-uusapan.
"Kilala mo ba 'yon? Kanina pa kasi nakatanaw sa 'yo. Upakan ba natin?" nagbibiro niyang sabi.
Pagtingin sa pintuan ay nakita kong nakahalukipkip si Eros habang nakatingin sa direksyon ko. Nagtaas siya ng isang kilay bago tinanguan ako.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik sa kaklase. "Ano sunod na subject?"
"Wala. Two hours vacant."
Tumango ako at nagpasalamat.
Should I go near him? Ako nga ba ang hinahanap ni Eros?
Sinulyapan ko muli siya. Nakita ko ang pagsenyas niya na umalis ako.
Tiningnan ko ang paligid. Baka naman hindi ako ang kausap.
Nang ibinalik ko ang tingin ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya.
"Let's go."
Napatingin na rin ang ibang kaklase ko kay Eros.
"What are you doing here?" I murmured before grabbing my bag.
Nakita ko ang tingin nila kay Eros. Ang ibang mga babae na malapit sa kan'ya ay pini-picturean siya.
"Um... alis lang ako. Sorry," sabi ko sa mga nagja-jamming.
They all smiled at me. It was my cue to drag him away from the room.
Nang makalayo ay nag-histerikal ako sa harap niya.
"Why are you there?" nagpa-panic kong tanong.
The last thing that I want is to let the student body know that I am associated to him!
"Pinuntahan kita," balewala niyang sabi.
He went here for me? Why?
"Why? We can't be seen together-"
Biglang nag-iba ang timpla ng kan'yang mukha. Mula sa medyo maloko ay napalitan ito ng matigas na ekspresyon.
"Ikinahihiya mo ba 'ko?"
Pasimple akong suminghap. I didn't know that he's thinking that way!
Humapdi ang puso ko nang tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
He is taking his time to emphasize his ache! Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Eros!" I called, garnering attention from the loitering students.
I smiled when some of them smiled at me before proceeding on following his heavy footsteps.
"Eros! Hey!"
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha dahil sa inis.
What did I do? May nasabi ba akong mali? I should know it before I explain my side to him!
Is he sensitive? Did he hate my choice of words?
Napasinghap ako at binilisan ang takbo. Sa ginawa ko ay may nakabunggo ako!
"Sorry!"
I immediately help the person to pick up their things. Nag-sorry muli ako bago habulin si Eros.
Kainis!
My breath is starting to give up on me, but I don't care! Gusto ko lang ay mag-sorry agad kay Eros kasi nag-aalala ako kung ano ang maaari niyang isipin.
"Er-"
"Erych, why are you running?"
Hinawakan ako sa magkabilang braso ni Seville. Nanatili pa rin ang tingin ko sa direksyon na pinuntahan ni Eros.
He's nowhere in sight! Naiiyak na rin ako.
"May nasabi ako kay Eros. Do you know his schedule?"
"No-"
"Okay, thank you!"
Inalis ko ang pagkakahawak niya at tumakbo ulit.
Sinuyod ko na ang buong building pero hindi ko siya mahanap!
Should I go at their building? Hindi ko naman alam kung nasa'n 'yon pero susubukan ko.
My hardwork didn't pay off. Naligaw pa ako!
"Bwisit..."
Hindi ko na mapigilan ang iyak. Sunod-sunod na itong tumulo dahil sa paghahalo ng inis at galit sa sarili.
Erych, your mouth! Bakit ba kailangan mong sabihin kay Eros 'yon?
I took deep heavy breaths before getting my cellphone from my pocket. Magte-text ako kina Laec at Circe. Habang nagta-type ng mensahe na ise-send ay nanginginig ang aking kamay.
Hindi ko na napigilan pa ang panginginig dahil nahulog na ang cellphone sa sahig.
With my shaky hand, I slowly bended my knees to grab my phone. Hindi ko siya makuha-kuha dahil humahapdi ang puso ko sa nararamdaman.
Para akong tanga rito! Umiiyak habang nanginginig ang katawan.
They wouldn't know... I know they wouldn't know because there are no students around.
Bawal yata ang estudyante rito!
I tried to calm myself by taking deep, heavy breaths.
You need to chill out, Erych. Hindi mo mahahanap si Eros kung iyak ka nang iyak dito!
Pinigilan ko ang sarili pero siya namang pagtanggi ng mga luha.
"Bwisit naman 'tong si Eros," naiiyak kong sabi sa sarili habang inililibot ang tingin sa paligid.
Where am I? Building ng Fine Arts? Architecture? Civil Engineering? Biology? Hindi ko na alam! Mukhang bibihira lang din ito gamitin dahil walang estudyante na dumaraan. Pati teacher wala rin!
Pinalis ko ang luha at naglakad. Umalis ako sa building at napunta sa quadrangle.
I breathed out a sign of relief.
Hindi ko na nga hahanapin 'yon! Nakakainis naman.
Sumisinghot ako habang naglalakad papalayo sa building na pinanggalingan.
Bwisit si Eros! Kapag nakakita ako ng picture ni Eros sa internet, ipi-print ko 'yon tapos pagpipira-pirasuhin ko.
"Pa-fame! Nagpapahabol di naman ako aso. Bakit ko ba hinabol? Bwisit-"
Hindi ko natapos ang rant dahil hinila ang aking braso at napasubsob sa matigas na dibdib. Kumalas ako mula sa hawak pero hinila ako pabalik.
"Cute mo mag-rant," he said, chuckling.
Nangilid na naman ang luha ko. "Kainis ka!"
Tumungo ako upang palisin ang luha. Tawa lang niya ang narinig ko.
Pinagtatawanan ako pagkatapos siyang habulin? Pasalamat siya at hindi ako nadapa noong may nabunggo ako!
"'Wag ka nga!" naiinis kong sabi at sinubukang umalis.
He groaned before securing me in his grip!
"Why are you crying, Psyche? Sinong nang-away sa 'yo?"
"Yung kambal mo!"
"May kakambal ako? Bakit hindi ko alam?"
"Ewan ko sa 'yo! Bwisit."
Sumimangot ako at inalis ang hawak niya. Hindi siya nagpatinag dahil ibinalik ako sa dating pwesto.
"Kaonti na lang iirapan na kita," naiinis kong sabi habang sinasamaan siya ng tingin.
He's really laughing at me! Naiinis na 'ko.
"If you roll your eyes at me, it wouldn't look scary—it would look cute."
Nakatungo pa siyang nakatingin sa'kin!
Grabe mang-insulto. Para namang hindi ko abot yung ulo niya para masabunutan sa inis.
Hindi na ako umimik.
"Sorry na..."
Pinanatili ko ang nakatungong ulo.
"I'm sorry, my angel. Nahirapan ka ba?" he softly asked before dragging his thumb to wipe away some of my tears.
He heaved a sigh before lightly pushing my head to his chest.
Pinagtitinginan kami ng ibang tao dahil nasa gitna ng quadrangle. Baka nga may nagpi-picture pa sa taas!
"They asked me if I would like to sing for the block, I said yes. It's a duet—another half should be a student from another course. Bawal ang magkaparehong course. Ako rin ang pipili ng ka-duet... so I came for you."
Kinagat ko ang ibabang labi habang pinakikinggan ang tibok ng kan'yang puso.
"I'm sorry if I walked out from you. I promise, we'll fix this together."
"O tapos?" masungit kong saad.
I heard him chuckle. "Ang cute mo magtaray."
Inalis ko ang ulo mula sa kan'yang dibdib at pinilit na kumalas. He didn't refrain me; I was glad.
"Ano na?"
He looked at me with amusement dancing in his eyes. Lumapat ang kan'yang daliri sa aking buhok at inangat.
Pumwesto ang isa niyang palad sa aking bewang bago iginiya sa direksyon kung saan siya papunta.
"Kakaladkarin mo 'ko?" naiinis kong tanong.
Umarko ang isa niyang kilay bago kuhanin ang bag na nakasukbit sa aking balikat.
"Let's go to the Faculty room."
Pagdating do'n ay nakita ko si Yuan na may kasamang babae.
Sinilip ko si Eros at nakita kong natigilan din siya.
"Andito si Yuan," I whispered.
Kabado ang aking puso habang nakikipag-usap si Yuan sa isang teacher. I saw his excitement even though he flashed a small smile.
May finill-out silang form bago tuluyang umalis. Nang makalayo ang bulto nilang dalawa ay tsaka ako hinatak ni Eros sa loob.
"Itutuloy ba talaga natin 'to? You know how contests means a lot to him, Eros."
Saglit niya akong sinulyapan bago ipinagpatuloy ang pagfi-fill out ng form.
I had no choice but to fill it out.
Sa studio kung saan nagpa-practice ang banda nila ay roon kami. Hindi ako nakapagtatanong kay Eros tungkol sa estado ng banda nila dahil pansin ko ay may kaguluhan.
The contest would take place next month. Tuwing Sabado ay may practice kami pero half-day lang.
Kapag umuuwi ako sa bahay tuwing weekends, naaabutan ko ang pagtambay ni Laec. Pansin ko ay umaayos naman siya.
He's coping up, I think.
I sighed when I realized that I can only guess.
"Eros... paano kung hindi natin ibigay ang best natin para ipapanalo si Yuan? You think he'll appreciate that?"
Inalis niya ang hawak sa mic bago bumuntong hininga at inabot ang tumbler na may lamang tubig. Dalawang malalaking lagok ang ginawa niya bago umiling.
"An effort is something that he'll appreciate. A need to help him isn't," balewala niyang sabi bago pumwesto muli sa tapat ng mic.
Ngumuso ako at umupo sa maliit na sofa. Ipinatong ko ang paa sa lamesa at umungot.
"But I'm worried! Natandaan ko pa noong sumali ako sa contest-"
"-which he won because Laec and you didn't do your best to give way. Sa dulo, napasama pa kayo dahil dinamdam 'yon ni Yuan."
Nanlaki ang aking mata.
"He talked to me about that. He doubted himself. 'Hindi ba maganda ang boses ko?', 'Pangit ba ang pagkanta ko?', 'Pumiyok ba 'ko? Kung hindi, saang parte ako nagkamali?'."
Napalunok ako dala ng sakit.
"He thinks that his voice is not enough—that he is not enough. Ano pa raw ba ang gagawin niya para matanggap siya ng nanay niya?"
He sighed.
"I don't know why I am telling you this, Psyche. Yuan should be the one doing this, not me. Buhay niya 'to. Privacy niya 'to. Now I feel so bad for telling his when I couldn't even tell mine."
"It's all right-"
"Nothing's alright. This is the life that we grew accustomed to. This is how it works, and this is how it would end."
I fiddled with my fingers. "Pero naaawa ako sa kan'ya, Eros..."
He gave me another heavy sigh before playing with the microphone's cable.
"We can't give pity to anyone who you think deserves it. Sometimes, those who are deranged are the ones who don't need it the most. Kaawa-awa na nga sila, kaaawaan mo pa? Nakaka-insulto 'yon."
"I didn't know that..."
"There are a lot of things that people don't know about. Regardless, it shouldn't matter because it would destroy them. Destruction—a word that doesn't sound good at the ears of the many."
He looked at me dangerously.
"'A method to my madness', from Shakespeare's Hamlet, as what you have said," he continued, "There are greater signs over everybody. Some of those who are wicked and vulnerable. So, to think that they need a lot of help didn't mean that they need that help. Occasionally, the greater choice should be silence."
Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon. Mariin niyang hinawakan ang mikropono at mariing tumitig sa aking mata.
Pakiramdam ko ay malulunod ako dahil sa intensidad ng kan'yang titig.
"If you think that he needs that path, think again. You might have lost the chance to save him."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro