Ex.9
Maki Say's: Sabi sa inyo hiatus ako eh. Haha. Malapit na talaga ako makapagsulat ulit. Intay lang mga Besh. Kapit. Haha
---
Cheated.
"Sir?"
"You heard me, Stephanie. Include Gabby's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Mikel habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? Iisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito.
"Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.
Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Mikel habang naglalakad, nahihiya.
"Psst.. Gabby.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon.
"Water?" Alok ni Mikel nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.
Umiling ako pero tumalikod si Mikel at pagbalik niya ay merong isang basong tubig na iniaabot sa akin.
"Drink." Utos niya na sinunod ko naman. He sighed after I rested the glass on my table, I unlocked the password of my laptop and tried to type anything just to keep me busy.
'Si Gabrielle Bethany ay maganda. Nahihirapan siya dahil dito. Pakiramdam niya ay isa itong sumpa at naiinggit sa kanya ang mga diwata kaya tinanggal ang alaala niya—' I typed.
"Gab." Hinawakan ni Mikel ang kamay ko para pigilan. "Bakit ganyan ka pa din?" He asked. Tiningnan ko siya ng nahihiya.
"Eh kasi nahihiya ako sa kanila kasi nakita nila na umiiyak ako! Baka isipin nila na para lang pumayag ka na sumali ako sa Miss DVC, umiyak pa ako sa pagmamakaawa. Hindi ako dapat umiyak."
"Lahat ng tao umiiyak, Gabrielle."
Umiling ako, "Hindi kaya. Hindi ka naman umiiyak." Hindi ko maalalang umiyak si Mikel noon. Ang alam ko, siya ang mas matatag sa aming dalawa. Siya ang naging lakas ko. Siya ang nagsasabi sa akin na mas bagay sa akin ang masaya at nakangiti. Na hindi ko kailangang umiyak dahil nandiyan naman siya. So I smile most of the times, and he made me happy as far as I can remember.
"You just don't know." Pabulong ngunit may diin na sabi ni Mikel, kitang kita ko ang intesidad ng emosyon sa kanyang mga mata. Maya maya ay lumambot din ito nang tumingin siya sa akin.
"D-do you want to go out?"
"Hm?"
"Day off."
"Lunes pa lang eh.. Madami tayong gagawin."
"I have a lunch meeting outside, please come then. I need someone to write the minutes. Bring your notes." Tumalikod na si Mikel at nagtungo sa kanyang lamesa para patayin ang kanyang laptop. Inintay niya akong maghalungkat ng gamit mula sa drawer ko, tanging notebook at ballpen lang ang kinuha ko. Humarap ako sa salamin at saka pinindot pindot ang gilid ng mga mata ko na namamaga dahil sa pagluha.
Grabe, bahagyang naningkit ang mata ko at naging kamukha ko si Angel Locsin. Nakakahiya naman ang ganito, umiyak na nga, mukha pa ding diyosa, asan naman ang hustisya para sa iba?
Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Mikel sa harapan ko, pinagmamasdan akong manalamin. Nahihiya kong ibinalik ang salamin ko mula sa drawer at saka binitbit na ang bag ko.
Nagtungo kami ni Mikel sa isang mall na malapit sa opisina. Wala pa halos tao sa paligid dahil kabubukas pa lang. Nanatili ang distansiya ko kay Mikel sa takot na may makakita sa aming dalawa at bigyan ng malisya. Alam niyo naman sa showbusiness, lahat na lang ginagawan ng issue. Iba na talaga ang panahon ngayon.
Sabi nga ni Rudy Fernandez sa Markang Bungo, 'Trabaho lang, walang personalan.'
"What do you think about the latest product that came---" Narinig kong nagsalita si Mikel at lumingon lingon nang makitang walang kahit sino sa kanyang tabi. Bumaling siya sa likod at pinukol ako ng matalim na tingin.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ang layo mo?"
"Baka kasi may makakita.."
"So? You are working for me."
"Hindi naman nagde-date ang magkatrabaho!"
"God, Gabrielle! This is not a date!"
"Anong tawag mo sa opposite sex na naglalakad sa mall?" Hamon ko.
"Magkakilala?"
"Bakit kayo magkasama ni Scarlette kagabi sa mall?"
"She wants to buy something."
"No! Dahil magka-date kayo!" Giit ko.
"So you were on a date last night?"
"Huh?"
"May kasama ka din, hindi ba? Kagabi." Paalala niya. Naguluhan ako pero nang sumagi sa isip ko si Rye saka ako naliwanagan.
"Ah! Si Rye? Hindi ko yon ka-date, ka-idol ko yon! Parehas naming paborito si April Boy! Nakilala ko siya doon sa music store nung nakita ko kayo ni Scarlette sa tindahan ng damit. Nakakatuwa nga kasi alam niya din ang mga kanta ni---"
"I am not interested." In a straight face, Mikel said. Tumalikod siya sa akin at biglang hinatak ang kamay ko. "Stay there." Aniya saka niya pinakawalan ang kamay ko.
"Arf Arf!" Pagsang-ayon ko dahil sa utos niya sa akin na ginawa pa akong tuta.
Ilang ulit kaming nagpaikot-ikot sa mall. Hindi maintindihan ang gusto ni Mikel sa buhay pero inaamin kong nalibang din ako sa kanyang ideya. Nakatingin ako ngayon sa maliliwanag na ilaw at sa magagandang dekorasyon sa bahay dahil pumasok kami sa isang home decor shop.
"Ang ganda nito!" Turo ko sa isang sofa na kulay mint green. Hinaplos ko pa iyon at napangiti, ang lamig sa mata.
"You have one like that." Ani Mikel.
"Bumili na ako nito?"
Tumango si Mikel. "Meron doon sa condo mo."
Napabuntong hininga ako. Meron nga pala akong condo noon ayon kay Lexy, pero ang sabi niya ay naibenta ko na iyon bago pa man din ako sumailalim sa gamutan. I made it my savings.
Surprisingly, I still want to have one like this kahit nagkaroon na ako noon. Doon ko napatunayan na maaring makalimutan lahat ng isip pero ang puso hindi. You might wake up one day and you forget everything, but you will like or love the same things over and over. Your favorite will always be your favorite, and your love—Napalunok ako nang pagmasdan ko si Mikel na tumitingin din ng gamit sa bahay, maybe for his future house with Scarlette. An acid taste spiked on my throat. I tried to smile brightly.
"Mikel, wala pa ba yung ka-meeting mo? Nagugutom na ako eh."
Kumunot ang noo ni Mikel saka biglang tumango. "Oh right. Where do you want to eat?"
"Ha? Hindi ba may ka-meeting ka? Saan kayo mag-uusap?"
"S-sa.. Sa Crisostomo's."
Napangiti ako nang banggitin ni Mikel ang pangalan ng paborito kong Filipino Restaurant. Matagal tagal na rin nang huli akong kumain doon.
"Escolta!" Sabay pa kaming nagsabi ni Mikel ng order namin doon sa waiter nang makaupo kami sa Crisostomo's.
"Saka Mang Pablo!" Natawa ako pero nang tingnan ko si Mikel ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Paborito mo pa rin pala ang mga yon." Puna ko.
"It is not my favorite, I just remember yours." Uminom siya ng tubig mula sa kanyang baso. "A conscious memory. You know that I am retentive."
"Kaya pala galit ka pa din sa akin." Pabulong na wika ko.
"I am not mad at you. This is just me, having some distance."
"So much for a distance, Mikel." Sambit ko saka ako muling ngumiti. "'Nga pala, salamat sa pagsali mo sa akin sa Miss DVC ah. Excited na ako. Sa tingin mo, paano ako mananalo don?"
"Kapag hindi ako ang judge."
Sumimangot ako at inirapan si Mikel. "Ang unfair mo. Imposible namang hindi ikaw ang judge. May talent contest ba doon? Sabagay nag-uumapaw naman ako sa talent, hindi ko nga alam ang pipiliin ko eh."
"Talaga lang ha." Mikel crossed his arms and relaxed himself on the chair. Ngayon ko pa lang siya nakitang hindi nagrerebolusyon ang mukha sa galit sa akin.
"Aba oo, pagkatapos ng meeting mo magvivideoke ako ha. Kasi magpapractice ako para sa talent contest, three weeks from now na ang contest kaya kailangan magdouble time ako."
"Mukhang ikaw lang naman ang naghahanda ng ganyan." Hindi ko pinansin ang komento ni Mikel. Alam kong isa siyang silent basher, kagaya ng mga silent reader sa Wattpad na ayaw magparamdam ng nararamdaman, naiiwan tuloy kaming nanghuhula.
Matapos naming kumain, saka ko naalala kung bakit kami nandito, ang meeting nga pala ni Mikel.
"Hala! Mikel! Yung ka-meeting mo.. Buti nakapagtira pa ako ng isang platitong pansit! Hindi naman masyadong kumakain ang mga mayayaman hindi ba?"
"The meeting was cancelled."
"Kailan pa?"
"Ngayon lang. He texted."
Tumaas ang aking kilay, hindi naman tinitingnan ni Mikel ang kanyang cellphone pero nagbakasakali akong may mental telepathy itong si Mikel at nakipagcommunicate na siya.
Inaya ko si Mikel patungo doon sa arcade dahil mukhang wala siyang balak bumalik sa opisina. Bumili ako ng VIP card para sa isang karaoke booth good for five hours.
"Sa tingin mo, ano ang magandang kantahin?" Kunwari pa akong namimili doon sa music manual pero memorize ko na ang number. Agad akong nagpindot ng numero doon sa remote control at napangiti ako nang nagsimula na ang intro ng paborito kong kanta ni Manilyn Reynes.
"Wag kang masurprise sa kakantahin ko, Mikel. This is just me. Being awesome." Sambit ko doon sa mikropono.
"Araw at gabi kaw ang hinahanap
Panaginip ko'y laging kasama ka
Tamis ng pag-ibig mo napapangarap ko
Sa 'ki'y walang ibang katulad mo"
"Wag kang mahihiyang pumalakpak, Mikel. Maiintindihan ko." Sambit kong muli habang naghahanda sa pagbirit.
"Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang puso ko sa'yo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ko'y kasama kita"
Napailing si Mikel, pinipigilan ang pag-ngiti. Naalala ko noon ang mga araw na lagi kaming lumalabas para mag-date. Yung mga araw na kagaya nito. Pinagbibigyan niya ako sa mga gusto kong kainin at gawin.
"Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang puso ko sa'yo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ko'y kasama kita"
Tiningnan ako ni Mikel at dahan dahan kong ibinababa ang mikropono. Nahuhulog na naman ako sa mga alaala na kailangan kong makalimutan, at doon sa alaala na kailangan kong matandaan. Umaasa akong kapag naalala ko iyon, mapapalitan nito ang nararamdaman ko. Yung nararamdaman ko ngayon na tiyak na nakalimutan ko na noon.
"Mikel.. Gusto ko ng umuwi."
Nagbago ang mukha ni Mikel at napalitan ng pag-aalala sa hindi ko maintindihang dahilan. Tumayo siya agad at hinaplos ang noo ko.
"May masakit ba sayo?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti at umiling.
"Wala. Napagod lang akong kumanta. Ili-leave ko na lang ang araw na ito. Salamat."
Nagmadali ako sa pagkipkip ng bitbit kong bag at saka ako lumabas ng karaoke booth. Naglakad ako patungo doon sa exit na nakakonekta sa estasyon ng tren. I tapped my card at the entrance, eksakto namang may nakahintong tren kaya sumakay na ako. Nang papasara na ang pinto, nakita ko si Mikel na mabilis na humabol papasok. Nagkatinginan kaming dalawa. He swallowed hard when he saw me and walked calmly towards my direction, yumuko ako at hindi na nagbigay ng kahit anong salita. He's worried. He's worried because he's a good person and not that because he cares for me diffrently, at yun ang pinakamasakit na katotohanan. Sumandal si Mikel sa isa sa poste ng tren kahit meron pang bakante sa aking tabi, giving me a space probably. Nakapamulsa siya at ang ulo niya ay kalmadong nakapahinga doon sa poste, tila hindi hirap sa pagbabalanse sa kabila ng bilis ng tren.
Sinulyapan ko si Mikel habang nakapikit siyang na nakikiramdam sa paligid. Hindi puno ang tren dahil alanganing oras pa lang but he never sat down. He looks peaceful. He's my happiness back then, paano ko sinayang ang aking pagkakataon? His narrow lips and sharp nose, and his bronze skin looked perfect on his personality, a superhero of my own back then.
The digital recording of a woman's voice reminded me I am at nearest station home. Tumayo ako at tahimik na naglakad papalabas ng tren. Nahihiya ang araw na magpakita kahit hapon pa lang pero nakikita ko ang init na dulot nito dahil walang kahit sino ang nakatambay sa kalsada. Kung ganoon nga kainit, bakit wala akong maramdaman?
Tanging ang ingay ng sasakyan at mabibilis na pagdaan ng tren ang naririnig ko mula sa di kalayuan, walang kwentuhan at kahit ang mga ibon na itinataboy ng init, at ang kanyang yabag...
Ang kanyang mabibigat na yabag na sumusunod sa direksyon ko.
Nakasunod si Mikel sa akin.
Dire-diretso akong naglakad patungo sa apartment, ginamit ko ang aking susi kahit pupwede ko namang katukin si Manang Divine. Hindi na ako nag-abalang sarhan ang pinto, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at umakyat patungo sa kuwarto namin ni Lexy nang hindi lumilingon. i turned on the AC, ibinaba ko ang blinds at binalot ng kadiliman ang silid, I took off my shoes and went to my bed, covered myself with a thick blanket. I feel sick, not physically but emotionally.
"Gabby, may sakit ka ba?" Narinig kong kumatok si Manang Divine mula doon sa pinto. I didn't bother to answer. Kumatok siyang muli ng isa pa pagkatapos ay tumigil na rin. I shut my eyes tightly, trying to remember the lost memories but all that I remember are the happy ones. Only those.. Paano kami nauwi sa ganito?
My door opened after a while, may sumilip na liwanag mula doon na nawala din naman agad ng sumara iyon.
"Gab, nagluto ako." Hindi ako kumilos pero napakagat labi ako sa boses ni Mikel. Hindi ko na mabilang kung ilang oras akong nanatiling nakahiga at hindi gumagalaw. Sa mga oras na lumipas, hindi ko inaasahang nandito pa din siya.
"Gusto ko lang matulog.. Salamat, Mikel. Makakauwi ka na." Pinilit kong siglahan ang boses ko. Naramdaman ko ang paglubog ng kama ko at ang pagtunog ng kubyertos senyales na ibinaba ni Mikel ang pagkain. The next thing I knew, he's caressing my hair gently.
"What should I do to you? You make me worried, all the time, Gabby."
"You don't have to. Ikaw naman, gusto ko lang talagang matulog." Hilaw akong tumawa.
"May masakit ba? Tell me." Nagsusumamo na ang boses ni Mikel, he attempted to pull down my blanket pero hindi ko iyon isinuko. "Gab, please."
Bigla akong bumangon at tinitigan si Mikel, I smiled at him only to feel my lips shaken. "I am just tired. Yung gumising akong mahal na mahal pa din kita pero may iba ka na. Anong nangyari, Mikel? I feel so guilty over something that I don't even know. Ramdam kong may malaki akong kasalanan sayo.. Tell me please. Ako na ang kusang lalayo kapag nalaman ko."
"You don't have to, Gabby. Whatever it was, ako ang may kasalanan."
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"I cheated." He said that made me more puzzled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro