Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ex.4



Cake.

"Hoy, Gabby. Lumabas ka diyan. Ang tagal tagal mo sa banyo. Wag ka ngang mag-lock." Pumihit ako para buksan ang pinto nang kumatok si Lexy. Umangil siya sa akin nang makita ako, binunot ko ang sipilyo at malungkot na yumuko.

Itinext ko sa kanya kanina na si Mikel ang boss ko, wala akong natanggap na sagot kundi 'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SAKIT SA TIYAN'.

"Kumusta ang first day?" Panunukso niya.

Hinugot ko ang toothbrush sa bibig ko at nagmumog ng isang beses saka siya sinilip sa salamin.

"Kumain ng ice cream."

"What? Kumain ng ice cream?" Humagikgik muli si Lexy saka umupo sa tiles gilid ng bathtub at pinanood ako sa pagse-sipilyo. "Naaawa pa din sayo ang tao. Mabait talaga si Mikel."

Tinuloy ko ang pagmumumog ko at pahagis na ipinahinga ang toothbrush ko doon sa mug.

"Hay naku! Wag mo ngang mapuri puri yun si Mikel, walang ginawa yon maghapon kundi sungitan ako. Kung hindi nga lang ako ngumunguya, napanis na ang laway ko kasi hindi ako kinakausap." Malungkot na pahayag ko.

"Paano ka sinungitan kung hindi ka naman pala kinakausap. Labo mo din no?"

Lumabi ako at binuhat ang sarili patungo sa sink.

"Hindi naman siya ganon dati eh.. Lagi siyang malambing, niyayakap ako non. Parang di ko yata kaya, Lexy.."

"Alin?"

"Pereng di ko yata kaya, eng sha buhay ko'y wala ka.."

"Puro ka na naman kalokohan eh!"

"Hindi naman ako nagbibiro! Kasalanan ko bang nasa kanta ang eksaktong nararamdaman ko sa kalagayan namin ni Mikel ngayon? Beshy, ex ko si Mikel. Marami kaming pinagsaluhang sandali. Maaring nasisid na niya ang p---"

"Hep! I don't want to hear it! No!" Nagtakip ng tainga si Lexy.

"Nasisid ang puso, ang green minded mo. Wag ka ngang ganyan." Umirap ako saka bumaba mula sa inuupuan. Nagtungo na ako sa kuwarto para makapag-muni muni.

Kailangan ko nang matulog at kalmahin ang sarili ko. Humiga ako sa kama at pinatay na ang ilaw. Tinitigan ko ang kisame habang nag-papaantok.

Alam kong bukas ay isa na namang panibagong pagtutuos ang haharapin ni Mikel sa kanyang sarili. Paano niya kaya mareresist ang beauty ko? Paano na lang kung makasira ako ng isang relasyon? I kennat!

Kailangan alam ko agad ang isasagot ko kapag ipinagsiksikan ni Mikel ang kanyang sarili sa akin.

"No, Mikel. Mahal mo ba talaga ako, o ginawa mo akong panakip butas? Pak Ganern! Ganern! Ganern!" Naluluha na sana ako nang may maglanding na unan sa mukha ko, galing iyon kay Lexy na nakahiga na pala sa kanyang kama na katapat lang ng kama ko.

"Matulog ka na. May naiwan pa atang virus diyan sa utak mo, Gab. Ipacheck mo na yan okay?"

Pumikit ako at tinakpan ang bibig ko, pinigilan ang sarili na makapagsabi pa ng isa pang salita. Pero sa loob loob ko ay nagpapraktis pa din ako. Hindi naman imposibleng mangyari yon di ba? Kung minahal ko siya ulit na parang walang nangyaring break up, eh di posibleng mafall siyang muli sakin.

"Wag ka nang umasa, Gabby! Matulog na sabi." Pagalit ni Lexy na naririnig pa din pala ako.

---

"Good morning, Gabby!" Bati sa akin ni Kristel. Mabait naman siya, tingin ko ay magiging magkaibigan kami at magiging mas close pa sana kung seatmates kami. Kaya lang, ang kontrabidang si Mikel, ayaw kaming pagtabihin. Masyado niya akong inaangkin, sinasarili para sa kanyang pansariling kapakanan. Tinatanggap ko na lang ang mapait na kapalaran ko.

"Good morning, Kristel! Mas maganda pa ako sa umaga! Ito, nagluto ako ng humba saka chopsuey, sinobrahan ko na para mai-share ko naman sayo. Isaoli mo na lang sa akin ang lalagyan mamaya." Inilabas ko ang maliit na paperbag at inilagay yon sa lamesa ni Kristel na nanlalaki ang mga mata dahil makakatikim siya ng luto ng diyosa.

"Salamat, Gab. Hulog ka ng langit!"

"Ay, oo, dun talaga ako nanggaling. Paano mo nalaman?"

Humalakhak si Kristel, akala ata nagbibiro ako.

"Andyan na ba si Sungit?" Tanong ko kay Kristel. Inilapit ni Kristel ang mukha niya sa akin saka bumulong.

"Oo, andyan. Naku, mainit na naman ang ulo."

"Sa baba o sa itaas?"

Namula ang pisngi ni Kristel, kinunutan ko siya ng noo. "Sa bumbunan o sa baba? Greenminded mo!" Sita ko nang may tumikhim sa likuran ko.

"The office is paying you the moment you step inside the floor. That means, your chatting is also paid." Ang baritonong boses ni Mikel ang pumutol sa usapan namin.

"Eto naman, maliit na kwentuhan lang naman. Pinapakain mo lang naman ako ng ice cream--"

"It is not everyday your first day." Tumalikod si Mikel, ngumuso si Kristel para sundan ko ang amo. Pumasok kami sa kanyang opisina at nakita ko ang tambak na papel sa kanyang lamesa.

"I have listed the names that you need to find in this pile of documents, what I need you to do is to type the contracts again. I don't have a soft copy of these old contracts which existed 50 years ago, and we will be presenting a new one."

Mabilis akong tumango. Agad kong binuhat ang mga papel mula sa kanyang lamesa na mas mataas pa sa ulo ko. Amoy amag pa ang mga ito kaya nangati ang ilong ko. Niyakap ko ang mataas na pagkakapatong ng mga papel pero dahil sa sobrang dami ng mga iyon, dumulas ang ilan at saka bumuhos lahat sa ibaba nang bumahing ako ng buong puso at nagshower ako ng laway.

"Miss Semilla!" Napatapik ng noo niya si Mikel. Alam na alam ko na ang kasunod, isang malutong na 'You are fired' tiyak na tiyak na yon!

"You are so clumsy! Just like before. Tsk."

Lumuhod agad ako at pinulot ang nagkalat na papeles sa carpeted na sahig, yung iba ay may patak pa ng laway ko, pinalis ko iyon nang may pagmamadali, "Goodness." Malutong na komento ni Mikel. "Your bra is showing."

Napayuko ako at tiningnan ang sarili ko at ganon na lang ang gulat ko nang makita nga na naghe-hello ang kulay baby pink kong bra. Nilipat ko ang tingin ko kay Mikel at pilyang ngumiti.

"Na-turn on ka?" Tanong ko nang may pakindat kindat pa.

"For pete sake hindi!" Napatakip siya ng mata gamit ang kanyang isang kamay. Inayos ko na lang ang suot kong blouse at itinaas ng kaunti, masyado namang makapagreact!

"Oo na, wag ka nang masungit, Biko.. Maayos naman ito. Maayos naman ang lahat."

"And please, don't call me that." Aniya nang hindi tumitingin.

"Alin? Yung Biko?"

"Miss Semilla!"

"O sige na, hindi na. Alam mo minsan iniisip ko--" Malungkot kong sinikop ang ilang papel at tumayo sa harapan ni Mikel. Tumaas ang kanyang kilay sa akin.

"What?"

"Makakaya ko ba kung mawawala ka sa aking piling? Paano ba aaminin? Halik at yakap mo, ay di ko na kayang isipin kung may paglalambing. Pag wala ka na sa aking tabi--"

"Quit playing, Miss Semilla. Hindi ako natutuwa." Pagpupunto niya, malungkot akong tumango at saka muling lumuhod at pinulot ang mga papel na nagkalat.

"Wala na bang pag-ibig, sa puso mo at di mo na kailangan.. Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan pano kaya-ahahahaha.. ang bawat magdaan--" ipi-nush ko pa din ang pagkanta ng favorite song ko mula kay Jaya pero natigil lang ako nang nagbe-beast mode na naman si Mikel nang lingunin ako.

Ang sama naman! Parang martial law. Masama bang kumanta?

"Mr. Dela Vega." Tumikhim ako nang harapin si Mikel. Iritado siyang lumingon na parang ako ang pinaka nakakainis na tao na kanyang nakita. Alam kong nakakainis ang kagandahan ko kaya nauunawaan ko naman siya.

"What?"

"Bakit galit ka kapag masaya ako? Bawal bang maging masaya?! Anong karapatan mong sabihin sa akin yan?! Diyos ka ba?! Ikaw ba na nagbigay ng buhay sa akin?! Sino ka ba?...Akala mo alam n'yo nang lahat ayoko nito! Ayoko nito! Ayoko nito! Vilma Santos in The Dolzura Cortez story. Pero hindi ako nagbibiro. Yan ang gusto kong sabihin sayo." Humalukipkip ako na blanko ang mukha mula sa makapanginig laman na pagbigkas ko ng linyahang pang Famas.

"I am not mad seeing you happy, I am just not happy seeing you around."

Napaawang ang labi ko, napawi ang lahat ng biro na tumatakbo sa isip ko, "Masakit yun ha." Sinubukan kong ngumiti pero bumagsak lahat. "Ganito pala ang pakiramdam nang inaapakan ang pagmamahal mo."

"Now you know."

"Mikel, why did we break up?" Seryoso kong tanong.

"It is not important now, five years ago is a long time ago. Consider this as my help in recovering your memory."

"Why can't you just tell me?" Frustrated na tanong ko.

"Because it is not how it should be. Damn it, Gabby. If I could just tell you! Just do your work okay. I am letting you to see me, that way you might remember what you have lost."

"But I am losing.. Just now. Pakiramdam ko mas nawawala ang sarili ko habang pinipilit kong alalahanin" Bulong ko kay Mikel, tiningnan niya lang ako. Kumuyom ang kamao niya at nag-iwas ng tingin.

"Masakit lang yan kasi hindi mo pa maalala kung paano ka nabuhay nang wala tayo sa isa't isa. Those were your best days, Gabby. You had the best days of your life when we were apart."

"Imposible." Giit ko. Umiling si Mikel.

"You told me... You told me how happy you are, Gab. And I was happy for you too."

"Are we friends?" paniniyak ko. Kahit yun man lang ay ipapaliwanag ang pagmamahal ko sa kanya ngayon.. Baka patuloy ko siyang minamahal noon kaya ngayon ay patay na patay pa din ako.

"Strangers."

Pagkasabi non ay tumalikod na si Mikel na parang pinupunit ang puso ko. How can he be a stranger? Bago pa sa pakiramdam na mahal ko siya, mahal na mahal ko pa siya ngayon.

Kinuha ko ang mga nagkalat sa sahig at inilagay sa lamesa ko pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Lexy.

"Gab? Oras ng trabaho ah. Umayos ka nga diyan."

Suminghot ako at hindi nakapagsalita agad.

"Hey, are you crying?"

"Si Mikel kasi. Ayaw niyang sabihin kung bakit kami nag-break."

"You are not supposed to ask him."

"Eh bakit nandito ako? Ano pang ginagawa ko dito kung hindi niya ako tutulungan?"

"That's the best that he could give you, Gabby. Isipin mo na lang kung sa ibang kompanya ka papasok. Eh baka mastress ka doon, at least Mikel, for sure won't give you a hard time."

"He is!" Pilit ko. "Galit siya sa akin."

"Wag ka kasing makulit. Magtrabaho ka lang na parang hindi kayo mag-ex. May girlfriend na ang tao, kung paulit ulit kayo sa usapan ng nakaraan niyo, malamang magagalit yan. Just act normal. Just be yourself without the break up part. Gab.. I know it is hard for you but it is hard for him too, but he's there to help. For old time's sake maybe.."

Bumuntong hininga ako at pumikit.. Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Lexy. Tama siya, wala siyang obligasyon sa akin at dapat kong tanggapin iyon. He's buying me time to recover. Wala siyang obligasyon sa akin pero tinutulungan niya ako dahil siya si Mikel, mabuti siyang tao. Not because of anything else.

Inisip kong mabuti ang mga tactic kung paano ako dapat aarte sa harap ni Mikel na hindi niya nanaisin na ipawalis ako sa janitor. Maybe I should act like a nervous employee.

"Wag po, Sir Mikel.. Wag diyan.. May kiliti ako diyan." Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin na parang nagmamakaawa. Pwede kaya ang ganitong trato.. "Wag po.. Lower po.."

"Tsk, magagalit naman yun. Ah eto na lang. Good Morning Mr. Dela Vega, how can I assist you today?" Bulong ko na parang robot. Hindi pa ako tapos sa pag-eensayo ko, bumukas ang pinto at agad kong kinuha ang isa sa mga papel at saka nagkunwaring abala doon sa binabasa.

"Just so you know, it is lunchbreak." Supladong bungad ni Mikel. Tipid akong tumango na hindi siya tinitingnan. Baka kung ano na naman kasi ang lumabas sa bibig ko.

"You may join Kristel, naroon sila sa common pantry."

Tumango ako muli at pasimpleng sinilip si Mikel, "E-eh ikaw, may kasabay ka ba?"

Umiling siya, "I am not yet hungry."

"Sabay na tayong kumain, madami naman akong nailuto--"

"I said, I am not hungry." Ulit niya ng may pag-didiin. Tumango ako at tumayo na para magtungo sa pantry ni Mikel. Kumuha ako doon ng plato at kubyertos para sa aking sarili. Hindi man lang nag-abala si Mikel na tingnan ako. Binuksan ko ang lunchbox ko na may lamang humba, chopsuey at kanin. Iniisip ko talagang bigyan siya kaya lang mukhang di naman siya kakain ng luto ko.

"Hmmm! Ang sarap ng humba, puro taba!" Pag-eendorso ko doon sa niluto ko. Hindi kumilos si Mikel. Ngumuso ako at nagsalin na lang sa plato ko ng pagkain at kumain mag-isa. Dedma ang lolo niyo.

Nang matapos ako ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at dumiretso naman sa banyo para magtoothbrush.

Nagtagal ako doon at nagpractice pa ako kung paano ko iaalok kay Mikel ang tira ko. Baka akala niya nilawayan ko na ang mga iyon, pupwede ko sanang gawin yon para umamo siya sakin pero hindi ko muna ginawa. Baka bukas. Isabay ko sa pagpapakulo ang laway ko para naman mawala ang germs, maselan pa naman si Mikel.

"Sir Mikel, gusto mo ba ng luto ko? Mainit pa." Bulong ko sa salamin habang hinahawi hawi ang buhok ko. "Ano ba yan, ang senswal."

"Sir Mikel, gusto mo ng humba?" Napailing akong muli, "Parang siga naman."

Umiling ako, bahala na nga! Iimbitahan ko siyang kumain, tapos. Nagulat ako nang lumabas ako, nadatnan ko si Mikel na tahimik na kumakain doon sa kusina nung pagkain ko!

Hindi ko na sana papansinin pero nagkatinginan kami.

"Don't leave your food unattended, baka magkaroon ng ipis sa opisina ko." Masungit na sabi niya sabay baling muli sa kanyang plato. Halos maubos na ang laman ng baunan ko na sobra pa sa kalahati kanina. Tingnan mo nga naman si Mikel, napaka-siba pala.

"Sorry, Sir."

Nagkibit balikat ako at bumalik na sa lamesa ko nang may madatnan ako na slice ng mango torte na nakapaloob sa transparent box at mukhang masarap. Siyempre, paborito ko ito! May note pa sa ibabaw na halatang sulat kamay ni Mikel.

"Rate it from 1-10."

Meron na palang cake sa Food Industry line ng Dela Vega. Sosyal. Binalatan ko ang cake at nilantakan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro