Ex 15
Mag-isa.
"Ang daya mo!" Masama ang tingin ko kay Mikel na mapayapang nakapikit.
"You should have at least left your undies on, Gabby. I am not at fault."
Parehas kaming nakabalot ng silk robe, ako lang ang hindi kumportable because I sent my undies to the laundromat. Malay ko bang kailangan ay mayroong maiwan?
Yes, dear, it is an open game down there!
Huwag lamang akong magkakamaling bumuka kundi ay maeexpose kaagad ang dapat kong itago. The robe is just tied on the waist. It is really uncomfortable sleeping this way. If Mikel was not wearing an underwear, probably there will be a flag ceremony in the morning, the pole must be sticking in between his legs and I will be force to stand up and salute!
"Your dirty mind, Gab." Mikel's hands rubbed to my face. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit niya alam?
"Paano kung mawala ka sa sarili. Tingnan mo nga ang paligid. It is so inviting. Look at the red Tantra Chair."
"I am not looking anywhere, Gab."
"Baka magising na lamang ako at inilagay mo na lang ako don!"
"Ako talaga?" Mikel snorted.
"Alangan naman ako. Hindi kita kayang buhatin."
"So kung kaya mo pala, then?"
"Hay naku, Mikel! Ang dumi dumi ng isip mo. Bahala ka nga dyan." Kinuha ko ang isang unan at inilagay ko sa aming pagitan. Even in closed eyes I know that Mikel is smiling internally. Silently in triumph na may nakatabi siyang diyosa.
I looked at the window, hindi namin naibaba ang makapal na kurtina, only the white transparent curtain stayed as our cover. Hinahangin iyon ng aircon kaya nasisilip ko pa din ang nasa labas. It is furor mess out there. Parang nagalit ang kapre at iwinawasiwas ang kanyang tutuy dahil sa direksyon ng hangin ay hindi maipinta. Parang may pa-disco ang langit dahil sa patay sinding liwanag mula sa kidlat.
Kinakabahan ako. Hindi sa posibleng multo kundi ang posibilidad na mag-landing ang kidlat sa aming bintana. Takot ako sa kidlat with matching kulog 'no!
Pumikit ako at maayos na pumwesto sa kama. "Heto ako, basang basa sa ulan! Walang masisilungan!" I started singing to overlap the noisy rain unearthing the city, sapat na ata ang malalaking patak para mabuksan ang lupa!
Biglang kumulog at kumidlat. Napakislot ako at itinapon ang sarili kay Mikel. Napadilat siya dahil doon.
"Mikel, kumikidlat!" Sumbong ko na para bang hindi niya narinig iyon.
"Nagagalit na ang langit sa sobrang kulit mo." Bulong niya sa aking tenga. Inayos niya ang aking buhok at masuyong hinaplos iyon. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya.
"Hindi ako makulit. Wala akong panty!"
"Do you want my briefs then?"
Pinamulahan ako ng mukha. "G-ginamit mo na yan. That's unsanitary."
"But it will keep you at peace."
"Then you will unleash the cracken, then what? Kakalabitin mo ako sa gabi at ano? Aayain mo ako sa Tantra chair at—"
"I should ask the housekeeping to remove the chair from here."
"Hindi na!" Pagalit kong wika at saka pumikit. Napayapa ako sa tibok ng puso ni Mikel at ang marahan niyang haplos sa aking buhok. Hindi ko na namalayan ang pagkakahimbing ko.
---
"Duh! Such a slut." Tiningnan ako ni Lexy ng nanunuyang tingin. Kakauwi lang namin ni Mikel at nag-anunsiyo ito na walang pasok dahil malakas pa din ang hangin sa paligid. The city was a mess. May ilang parte na walang kuryente at tubig. May mga nag-bagsakang poste at mga puno sa paligid. Makulimlim pa din ang panahon at wala pa ding tigil ang pag-ambon ng malalakas.
"Slut agad?!" Humiga ako sa sofa at inilipat ang channel sa Asian Food Network.
"Yes, so landi! Natulog kayo ng magkatabi at wala kang panty!" I darted my eyes to Lexy who's comfortably sitting on the bean bag, sa kanyang katabi ay si Poleng, curled on a ball, sleeping.
"It was not intentional, Lexy."
"Ha, wish ko lang sa ginagawa niyong niyan, walang umiyak. At yung Rye na yon, kawawa naman siya. How can you be so heartless?"
"I am not being heartless, Lexy. Alangan namang sumama na lang ako kay Rye basta eh hindi mo nga rin siya kilala, how would I know kung totoo ang sinasabi niya? Sige, ipamigay mo ako sa kanya, tingnan natin kung hindi mo ako mabalitaang chinop-chop na pala at ni-flush sa bowl! At ikaw! Iiyak ka at makokonsensya ka. Mumultuhin kita hanggang sa araw ng honeymoon mo at hindi ka magiging masaya! Tatahiin ko yan!" I pointed my fingers between her thighs and she cringed with the thought.
"Fine, point taken! So how was your night together? Awkward? Siguro ginapang mo si Mikel no?"
"Grabe ka naman! Well, it was a honeymoon suite but I didn't do anything. Nakatulog lang kami and when we woke up, Mikel was working. Sabi niya ay susunduin niya ako mamaya."
"Sa kasagsagan ng bagyo?" Tumaas ang kilay ni Lexy
"He wants to re-enact something. Hindi ko alam kung ano."
"Ng bumabagyo? Ano? A kiss in the rain? Sex in the rain?"
"Pwede ba Lexy?" Umirap ako. "That is Mikel, hindi siya perverted kagaya ko."
"Hayun! Umamin din, ano?"
I took a nap unconsciously and when I woke up, I heard the doorbell and I saw Mikel at our doorstep.
"Hi.." He smiled boyishly and my stomach did a backflip. He's wearing a dark shirt and white khaki shorts, bahagyang basa pa ang kanyang buhok na ginulo ng hangin, pinagpagan niya iyon, still smiling, he's pearly white teeth can give him a spot in the next toothpaste commercial.
"N-naku, Mikel. Sorry. Hindi pa ako nakakabihis." Tiningnan ko ang aking sarili, I am sporting a baby blue onesies na merong hood. I changed to this after I took a shower, malamig kasi ang panahon at kumportableng matulog ng ganito.
"No, that's perfect." Napangiwi ako. Perfect? Ano ba ang date namin? Baka dalhin ako sa daycare at ipaalaga ako sa nanny, I look like a baby just went out from a mother's womb. "We'll stay at my place the whole day, we'll have some activities that can help you. Maybe. Let's try?"
Tumango ako. Natutulog si Lexy at si Poleng kaya hindi ko na ginising, nakita ko si Manang Divine sa kusina kaya kumaway na lang ako at hindi na gumawa pa ng ingay.
The drive to Mikel's condo was short, maybe because there's no work, no school. Sumisipol pa din ang mabagsik na hangin gawa ng bagyo but it felt comforting when we entered his unit. The masculine black walls and white furnitures was something that I will never choose for him, but now, I know it fits.
Sa kanyang centertable ay ilang mga photo album. Tumaas ang kilay ko, I saw my old baby blue instax camera.
"Gumagana ba pa ito?" Hinawakan ko iyon, I turned it on and it lit.
"Try it."
Hinarap ko ang camera sa aming dalawa ni Mikel at kinuhanan ang aming mga sarili, the flash blinded me for a second. Nang lumabas ang film at iwinasiwas ko iyon sa hangin. Agad na lumabas ang aming litrato. I looked at it for a few seconds and realized that there's a lot of things that changed.
Ang kunot sa noo ni Mikel, marahil dahil sa stress sa trabaho, ang pagpayat ko ng husto, dahil naman sa pagkakasakit. Our smile was awkward. The only thing that stayed the same would be the glint in our eyes. It never changed, it tried to be lively as it could be. I feel sorry for the lost times, for the lost memories. Alam kong sayang kung ilulubog sa limot ang mga alaalang iyon, masaya man o masakit. Painful memories taught me how to be strong, it shouldn't be a waste, right?
"Hot chocolate?" Mikel asked. Naroon na pala siya sa kanyang kusina. I nodded. He scooped my favorite Swiss Miss in two cups, a big baby blue cup and his is red.
He's smiling while preparing the cups. Lumapit ako sa centertable at umupo sa classic na Persian rug. Pinakialaman ko ang ilang nakapatong doon sa lamesa. Photo album na walang laman ang bawat pahina.
Lumapit sa akin si Mikel at ibinaba ang dalawang tasa.
"Thanks."
"And our activity would be..." Kinuha ni Mikel ang brown envelope at bumuhos iyon sa lamesa, every thing was neatly organized with a rubberband and dates on it. "Your favorite photos. Iaayos natin ito sa photo album. Sinabi mo na gusto mo itong gawin simula nang makahiligan mo ang pagkuha ng pictures natin but we didn't had a chance. Ngayon, tutulungan kita."
Halos masamid ako sa sarili kong laway. How could he be so keen to keep these photos? Hindi ba kung hindi maganda ang aming break up ay dapat itinapon na niya ito. I looked at Mikel, the man that I loved and still loving, siguro ay naging mahirap sa kanya ang lahat, siguro ay hindi din niya gusto pang balikan ang lahat ng ito pero tinitiis niya.
"Mikel, we don't have to do this."
"No, I insist."
"Mikel.."
"Maybe this is what I need too, Gabby. I need closure. Siguro mas okay kung sabay tayong papunta roon."
Closure? How can we close something that only he is willing? Ayoko. Kung gusto niya ng panibagong kabanata ay magagawa niya iyon, ako ay hindi. I can't and I won't. Masyadong malalim ang nararamdaman ko para utusang kalimutan ang lahat ng ito ngayon.
I sipped on the hot chocolate. Umugong ang kulog mula sa labas ng mataas na unit ni Mikel. I stiffened. Inilagay ni Mikel ang kamay niya sa aking likod at saka ako tinapik. "It is fine. I am here."
Paano ko kakalimutan ang ganitong pag-ibig? Siguro ang pagkakamali ko ay ang pinakawalan ko ito noon. At ngayon, magdudusa ako, mag-isa. Habang unti-unti niyang binibitawan ang kamay ko sa paniniwalang ito ang makakabuti, patuloy na hahawak ang puso ko. Kahit ako na lang. Mag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro