Ex. 13
Same.
"I cannot say that it is effective. You know, the eyes remembers. So maybe it helps. Kaya lang, hindi simpleng amnesia ang pinagdaraanan ni Gabby. She was sick with encephalitis. That means, her brain was burned, and her memories? It may not be there at all, who knows?" Paliwanag ni Dr. Robles sa amin.
In-eksamin niya ang aking mga mata gamit ang maliit na flashlight at inutusang sundan ng tingin ang kanyang mga daliri.
"But Gabby was emotionally drained. Not only when she woke up but since the day she's battling with the disease." Patuloy nito.
"And that was?" Tanong ni Mikel.
"Seven years ago. We don't know how hard it could get. Frequent headaches, moodswings, depression. Kahit ako mismong doktor ay natatakot na mangyari yon sa aking sarili. It was close to untreatable."
Nag-tiim bagang si Mikel. I smiled at him and reached for his hands. He looked at me with pity and warmth as he massaged my hands softly, an unconscious gesture that he always do.
'Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life, ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?..'
Di ko mapigilan ang pagkanta sa ginagawa ni Mikel. Tuwing malapit siya, palagay ko talaga meron kaming background music at nag-i-slowmo ang paligid.
"Gabby.." In a warning tone, Mikel said. Napangiti si Dr. Robles.
"Mapag-biro talaga ang pasyente kong ito. Hindi na ako nag-taka na nalagpasan niya ang sakit niya."
Mayabang akong ngumiti kay Mikel na nag-aalala pa din.
"Ang galing ko di ba? Nalagpasan ko ang lahat ng iyon."
"That's right! She's fine now. And maybe, yes, maybe she really needs more friends around her. Friends comes in handy. Cheapest cure should be an escape from stress."
--
Tahimik si Mikel habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital. The scent of the chlorine, alcohol and air sanitizer was a solid reminder that this was my home for so long. Nakapamulsa si Mikel at tila malalim na nag-i-isip. His thick brows are in straight line, his lips mimics it. Pinag-titinginan siya ng mga nurse sa paraan na unang beses kong nakita si April Boy nang malapitan. I almost fainted, Besh!
"Uy, ikaw naman, hindi mo naman kailangan mapilitang kaibiganin ako." Untag ko kay Mikel para pagaanin ang tensyon na hindi ko alam kung saan galing. He looked at me still with serious gaze.
"S-sa opisina ba, sino ang mga kaibigan mo?" Alanganin niyang tanong but of course, I don't mind the question. I flipped my hair and adjust my baby pink midi dress on the waist.
"Si Kristel, si Yuri, si Jax, si Greg. Yung mga naroon rin lang sa floor natin."
"And they are your friends because?"
"Ano bang klaseng tanong yan?" Natatawang pakli ko but then I stopped walking and looked at the ceiling to think, "Isipin mo na ang Dela Vega Empire ay isang batibot."
"And?"
"We are in a community where we are expected to get along for the audience. At ikaw si Kuya Bodjie! Ang pinakamatanda."
"Not funny." He cocked his brows and I laughed at him.
"They are easy to get along with. Mabubuti silang tao, Mikel."
"And you like them as friends?"
"Yeah, I think so." Ngumuso ako at nag-isip. Bakit kaya niya tinatanong? Mayabang akong ngumiti, "Isa pa, they are upper class citizens. Ganon ang mga gusto kong kaibigan. Mga sosyal, very outgoing. Class. You know, friends of the same feathers!"
--
"Alukin mo. Alukin mo na." Pamimilit na bulong ni Kristel kay Jax. Parang may zombie apocalypse, walang masyadong tao sa pantry. Everyone was just heating their food and rushing back to their stations.
"Bakit ako? Bakit hindi ikaw?"
"Eh bakit nga ako? Bakit hindi ikaw?"
"Eh idea mo!" Giit ni Jax.
"Guys, naririnig namin kayo." I broke the awkward silence in the pantry table where Mikel was seated together with me, Kristel, Jax, Greg, Yuri, Eric at Paolo. Katabi ko si Mikel at nag-sisiksikan sa harapan namin ang anim na tao na kung tutuusin ay tatlo lang ang kasya.
"S-sir Mikel, gusto niyo po ng adobong atay?" Nangingiming tanong ni Kristel. Tinusok ko ang liempo sa aking plato. Tamad na tiningnan si Kristel.
"Hindi siya kumakain ng---"
Bago ko pa man matapos ang salita ay tumusok na si Mikel ng atay mula doon sa lunchbox at isinubo yon. Napaawang ang mga labi ko. Tila bumukas ang langit at may mga kalapating nag-liparan sa paligid kasabay ng nakakasilaw na liwanag. I want to spread my arms and look up and then spill an iconic line which is the reason why Nora Aunor was my favorite.
'Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nilang lahat!'
Bago ko pa man sabihin yon ay nagmadali akong kumuha ng tissue at itinapat iyon sa labi ni Mikel, iginigiit na iluwa niya.
"Mikel, bakit mo kinain yan? Iluwa mo baka sumakit ang tiyan mo." I ordered. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng mga kaopisina ko, tumaas ang kilay nila ng sabay sabay.
"No, I swallowed it. It tastes great."
"W-why did you—" Mas lalong umawang ang labi ko.
"Don't embarrass me, Gabrielle." In a straight-face he said.
Hinayaan ko na siya. Kinain niya ang baon ni Kristel, mabuti na lang at marami akong nailuto para sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Mikel today. Mukha siyang sabik na sabik sa piraso ng laman, este, laman loob.
"Gusto mo pang rice?" Alok ko sa natira kong kanin. Walang pakemeng sinandok iyon ni Mikel at nilagay sa kanyang plato. Umikot ang aking mga mata.
"Gusto mo mag-Mang Inasal na lang tayo para unli-rice?" I asked. Kumunot ang noo ni Mikel at humagikgik naman ang aming mga kasama.
Tiningnan ko ng masama si Kristel, nag-peace sign siya sa akin. Ipinagmamalaki ko pa naman ang pagiging upper class citizen ng aking mga kaibigan heto't nagbaon ang isa ng adobong atay ng manok at ang masama ay nagustuhan iyon ni Mikel.
"Sir Mikel, mabuti naman at nakasabay kayo sa amin mag-lunch." Nahihiyang wika ni Yuri, siniko siya ni Greg na parang sinesenyasan na manahimik.
"Yeah, I would love to. Mukhang masaya ang lunch ninyo."
"Ay, oo Sir! Lalo na kapag may dalang baon si Gabby. Ang sarap mag-luto niyan."
I rolled my eyes pero napako ata iyon sa itaas nang akbayan ako ni Mikel. "I know. Kaya nga naiinggit ako sa inyo. Can I join you every lunch?"
"E-every lunch?" Naestatwa si Jax.
"Don't worry, I'll bring my own food tomorrow."
"Ipagbabaon na din kita, Mikel." Desisyon ko.
"UYYYYY!!!" Greg teased, tila nakalimot. When he realized that Mikel is our boss, bumalik siya sa pag-yuko at pagkain.
"Thanks for being a friend to Gabby. I really appreciate it. I would like to invite you to the VIP product launch next Saturday."
"VIP?" Napapalakpak si Yuri. "Totoo ba yan, Sir? Wala ng bawian!"
"Yeah. I will include your names on the list."
"Mikel..." Bulong ko.
Tumaas ang kanyang kilay, "They are your friends. I am sure you would love it if they are with you."
15 minutes before the lunchbreak ends, nag-aya na kaming umalis sa pantry. That's the most awkward lunch we had eversince I came here in DVC. Sana ay mas mapabuti ang sitwasyon sa mga susunod na araw na sasabay pa sa amin si Mikel.
Nag-tungo kami ni Kristel at Yuri sa comfort room para sa ritual naming brushing of teeth and re-touch bago pumasok ang pang-hapong gawain.
"Una, hindi natuloy ang coronation ng DVC dahil nag-walk out ang isang kandidata at ang judge ay naghabol." Panimula ni Kristel bago pa man isubo ang toothbrush sa kanyang bibig. Nakaharap ako sa salamin, flossing my teeth calmly.
"Pangalawa, sabay kayong mag-lunch, and worse! Gabby, isinama pa kami ni Sir Mikel at inimbitahan pa sa isang VIP Party. Ano? Kayo na ba? Kayo ba dati?" Dugtong ni Yuri.
"Ex ko si Mikel." I said. Wala naman nang saysay kung paglilihiman ko pa sila. "I got sick which made me forget some of my memories. At ngayon ay tinutulungan niya akong makaalalala ulit. Hindi ko maalala kung bakit kami nag-break, it was erased, wiped out completely."
"And?" Nag-mumog si Kristel.
"Sinabi niyang i-re-enact namin ang mga bagay na hindi ko na maalala."
"What? You mean, everything?" Pinanlakihan ng mga mata si Yuri.
"Just the snippets of it. Masyado namang mahirap kung detalyado pa."
"So, dating your ex, huh?" Nag-ngising aso si Kristel. Pinanlakihan ng mga mata si Yuri at napatakip pa ng bibig.
"Cannot be! Paano si Scarlette?"
"T-they broke up." Nagkibit balikat ako.
"Sila ba?" Tanong ni Kristel.
"Gagi! Sila naman talaga ni Scarlette, di ba?"
"Ewan ko lang ha, pero meron kasing chismis na—"
The bell rang and we hurriedly picked up our pouches to go back to our office stations.
Nang bumalik ako sa aking puwesto, naroon si Mikel. He smiled at me and went back to his computer. I understand that Mikel is putting a lot of efforts.
"Mikel, yung kanina, hindi mo na kailangan gawin iyon."
Nag-angat ng tingin si Mikel. "No biggie."
"Hindi iyon, Mikel. I don't want them to think that I am taking advantage."
"Gabby, you are not taking advantage of me. You have this condition and I want to help. That's what I promised your boyfriend." Lumunok siya at ibinaba muli ang tingin sa kanyang computer.
Boyfriend. Tama, si Rye iyon. I wonder how is he right now.
"Paano kapag hindi ko na maalala ang lahat?"
"We still need to try."
"Paano kung hindi na nga? Paano kung pagkatapos ng lahat ng ito wala akong maalala? Paano kung hindi na bumalik? Should we re-enact our break up then?" I panicked with my own thoughts. Paano kung sa bandang huli ay lalo lang akong nahulog. Paano kung mas masasaktan lang ako sa bandang huli?
"I doubt if parting ways would be painful to you, Gabby."
"Will you also show me how we started to break up? Will you slowly drift away? Sasanayin mo ba akong wala ka lagi hanggang sa hindi na kita mahal?"
Nag-tiim bagang si Mikel.
"Gabby, it is all in the mind. You don't love me anymore."
"No, Mikel. It is all in the heart! Because my mind cannot remember anything. It is here. Still here." Itinuro ko ang puso ko sa kabila ng pag-iinit ng mata. "You think it got sick, too? That it made me forget Rye? Ang unfair naman nito kung ganon. I shouldn't be a burden to you or to Scarlette because I am way overdue. I am not significant as I was seven years ago. At siguro, siguro nga may nasasaktan ako."
Tumayo si Mikel, pumatak ang luha ko sa aking lamesa, lumuhod siya sa aking tagiliran. He hauled me to his body. The up and down of his chest was so theatrical. It accompanied my sobs like it was family.
"Ssshh, just relax. Trust me on this. Gagawin nating lahat para makaalala ka. At the end of this and nothing happens, maybe you should think about stepping on the steps ahead of you. Not backwards."
"Salamat, Mikel. I know I don't deserve this."
Dahil alam kong nasaktan ko siya, pero ayaw niya lang sabihin sa kung paanong paraan.
Mikel went out for a short meeting in the afternoon. Mag-isa lang ako sa opisina. And after a short pee break, pagkabalik ko ay meron nang bulaklak sa aking lamesa. Three dozens of yellow and pink holland tulips, my favorite. May nakapaloob pa doong card.
"Can you be my date? – M"
Maigsi lamang ang mensahe pero sapat na para kabahan ako ng husto.
Dating my Ex, indeed.
I waited after my shift. Hindi ako umalis sa aking table. I should have asked kung binigyan lang ba niya ako ng bulaklak pagkatapos ay nag-tago sa sobrang hiya.
Paasa naman ang isang yon! Nakaharap ako sa compact mirror at sinasamba ang aking karikitan nang bumukas ang pinto.
"Ay Diyosa ng Kagandahan!" Sabi ko dahil sa gulat. Napangiti si Mikel. My panty dropped just like that.
Joke lang. Yung bra lang.
"S-saan tayo pupunta?" Inilagay ko ang takas na buhok sa aking tenga. His manly physique stood in front of my table. I adored him from head to toe. Sighs. And more sighs for this man. Saang part nga kaya yung nag-break kami? Ang tanga tanga ko naman kung ganon. He's my Chris Hemsworth, Pierce Brosnan, my Piolo Pascual, My Enrique Gil, my Daniel Padilla, my James Reid in one.
"Well, pumapayag ka na ba?" There's a small smile in his luscious lips.
"Ayoko nga sana, kaya lang the whole purpose of this---" Napatingin ako kay Mikel at nakakunot noo agad siya. "Chos! Ikaw naman hindi na mabiro. "
"It is just a dinner date, Gab."
"And? What's so special about it?"
"With you and me in it."
Nag-init ang pisngi ko. Pakiligin daw ba ako?! Akala niya ba nadadala ako sa mga ganyan ganyan! Oo naman yes! Kumibot kibot ang puso ko.
"Same reaction, never gets old."
Pati ba ang mga pakilig niyang ganon ay ire-re-enact niya din? Baka naman lalo lang ako mainlove kaysa makalimot!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro