Victor.
"H-hindi totoo yan. Sinabi mo hindi ka nag-cheat. Sinabi mong hindi ikaw ang may kasalanan.. Kaya ka nga galit di ba?" Nanginig ang palad ko at pilit kong itinatanggi ang sinabi niya. That is not Mikel, he will not cheat.
"I lied.." Kalmadong sabi ni Mikel at doon ay nawalan nga ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.
Hindi ko alam kung saang parte ako nagkulang kung nagawa nga iyon ni Mikel. I may be a terrible girlfriend kaya nagawa niya akong ipagpalit. Maybe because I was too fat or I became ugly. Or I became too complacent. Baka hindi ko na siya ipinagluluto, nakalimutan kong alagaan siya. Maybe there's reasons. There will always be reasons.
I looked at Mikel intently, matapang niyang sinalubong ang titig ko.
"B-bakit? Bakit, Mikel? Am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"
"No, Gab.. It's just that—"
"Then Why??? Why Gio? Why?" Eksaherado kong sabi. Buong puso pa akong sumigaw na nagpa-atras kay Mikel mula sa kanyang kinauupuan.
"Who's Gio?" Kumunot ang noo ni Mikel.
"Ay sorry, akala ko si Enrique Gil ka at ako si Liza Soberano. But I have the same thoughts, don't get me wrong." Nahihiya kong sabi. Ngumiti si Mikel at binuhat muli ang tray.
"Ang tagal tagal na non, Gabby.." Tinapos niya sa ngiti ang usapan.
"Ang tagal tagal na pero nandito pa din!"
"Is that another line from the movie?"
"Yun nga ang nararamdaman ko eh."
"Let's just move forward, you should eat. Itinawag ko na din kay Lexy ang gamot na dapat ibigay sayo. You should take it with meal."
"Ikaw ang nagluto nito?" Nagdududang tanong ko.
"Yes." Tiningnan ko ang nakalagay sa plato, spam and egg, fried rice at sa tabi ay crab soup. My favorite comfort food at ang tanging kayang lutuin ni Mikel. Magana kong nilantakan ang pagkain. Kapag matindi akong nag-e-emote, nagugutom ako ng husto. Huli na nang maalala ko na dapat pala ay nagdadiet ako. Kakakain ko lang ng kanin dalawang oras pa lang ata ang nakakaraan at kumain akong muli!
"Oh my gosh, my figure." Buong pag-aalala kong bulalas sabay dighay. Muling natawa si Mikel dahil sa sinabi ko.
Natawa din ako kasabay niya pagkatapos ay inilahad ang palad ko sa kanyang harapan. "Friends?"
Alangan niyang tiningnan iyon pero tinanggap din, "Friends." He said. I looked away dahil ang utak ko ay binabash ako at sinasabing ang plastik ko but I want to stop those thoughts and stop being stupid. I want to let go of Mikel, with my memories back or not. I just want to stop hoping because hoping only gives a heartache. Hope only gives you will to live but it breaks your heart the most in the end.
Pag-asa. Sa tingin ko ay panandalian lang itong lunas sa masasakit na puso, but at one point or another, you need stop hoping and face the reality that nothing will ever going to happen. You cannot have everything you wished for and you need to pacify yourself with the things that's left. Hope as long as you need it, until you get numb at narito na ako sa posisyon na gusto ko na lang maging manhid para mapakawalan ko na siya.
"Umuwi ka na Mikel, maghahanap pa ako ng minus one sa Youtube para sa Talent contest."
"Are you sure you are okay?"
I nodded. I will try to be.
I made that my turning point. I busied myself with new things. Introduced myself to new friendship. Tuwing lunchtime ay sumasama ako kila Kristel at Jax kasama ang iba pa para kumain, hindi ko inaaya si Mikel na sumabay. I always say, "I will have my lunch, Mr Dela Vega."
He would just look at me and nod. Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip niya. Baka iniisip niyang mas mabuti na rin ang ganito kaysa noong kinukulit ko siya sa mga alaala kong nawala. Yung mga araw na iginigiit ko sa kanya ang feelings ko at naiinis lang siya. Now we are totally not friends but civil. Alam mo yung pinipigilan mo ang sarili mong sunggaban ang taong gustong gusto mong yakapin pero dahil hindi pupwede, ibabaling mo ang atensyon mo sa iba?
I want to tell him how my day went, what food I crave for or if I am having a bad day or not. I miss his strong arms wrapped around me. I miss his scent that always tickles my stomach. I miss us. The horrible thing was, he's just there, few inches away from me but I cannot touch him. We are mere strangers now. Tinatanong ko din sa sarili ko kung ano bang ginagawa ko dito, I can always leave, but the weak soul inside me tells me I cannot have another blow. I just woke up few moths ago and I learned that we broke up, the pain was unbearable, so now, I want to slowly drift away from him while he's giving me time. Yes, it is prolonging the agony but what shall I do, he's the only person I want to be with.
"Uy, kumusta naman ang paghahanda mo sa photoshoot mo mamaya?"
"Eto, natural lang, I woke up like this." Sagot ko kay Kristel sabay subo ng niluto kong bagnet na ibinahagi ko sa lahat.
"Wag ka masyado magkanin baka umumbok ang tyan mo mamaya, sayang nga at wala ng swimsuit competition, ang korny." Sumimangot si Kristel.
"Ikaw, ang manyak mo. Bakit gusto mong makakita ng naka-swimsuit?" Kantyaw ni Jax, tumawa naman si Eric at Yuri nang mangunot ang noo ni Kristel.
"Bakit? Ayaw niyo ba? Nakakainis lang kasi nung ako ang sumali, meron, ang unfair. Pwede naman palang wala."
"Wag mo nang intindihin yon... Nakalimutan naman na namin ang balat mo sa pwet." Eric teased.
"Wala akong balat!" Tili ni Kristel.
"Ay, hindi ba balat yun? Ano yung maitim na---"
Sinapak na ni Kristel si Jax. Ito ang usual na scene sa pananghalian namin. Somehow, I am getting used to this, with friends. Pupwede naman pala akong mag-exist na wala si Mikel.
"Yung dress mo, handa na ba?" Baling sa akin ni Yuri. Tumango ako. Binili ko pa iyon noong isang taon pero hindi ko naman nagamit. "Gandahan mo ang pag-makeup kay Gabby, Kristel."
"Of course. Bitbit ko ang makeup kit ko. Nagpaalam ka na ba kay Sir Mikel?" Tanong sa akin ni Kristel. Tumango ako, nag-email na naman ako kay Mikel at ni-reply-an niya din ng 'Noted'
Nang bumalik ako sa opisina namin ni Mikel ay wala siya roon, tingin ko ay nag-late lunch siya dahil ibinigay ko ang oras na aayusan ako ni Kristel, sinabi kong isang oras lang kaya baka hinahayaan niya kami mag-sarili.
Sinilip ko ang paperbag ko at napagdesisyunang mag-paayos na din kay Kristel. Nag-message ako sa kanya sa messenger at agad siyang pumasok sa opisina namin bitbit ang kanyang makeup kit.
"Bibilisan lang natin kasi alam mo naman ang boss mo!"
Nagsimula na si Kristel sa paglalagay sa akin ng manipis na foundation saka pinagtuunan ang eyeshadow ko. "Ang ganda ng kilay mo, nakahugis na talaga at ang ganda ng pagka-morena mo."
Humagikgik ako, "I know."
Nagpatuloy si Kristel at nakinig akong mabuti sa kanyang bilin kaya mabilis ang naging pag-aayos. Hindi ko hinarap ang salamin dahil ayokong maabala si Kristel, pagkatapos non ay tumayo na ako para makapagpalit ng damit sa restroom na nasa loob ng opisina ni Mikel.
Hinila ko ang laylayan ng suot kong yellow orange dress nang humarap ako sa salamin. Nagcompliment iyon balat ko, naturally sun-kissed. Ang mahaba kong buhok ay kinulot sa dulo, bukod sa smokey eyes na brown ang nasa mata, tanging gloss lang ang inilagay ni Kristel sa aking labi. I practiced a smile in front of the mirror saka huminga ng malalim. I opened the restroom door at inaasahang makikita ko roon si Kristel pero ang pares nang matang sumalubong sa akin ay yung kay Mikel. Napalunok siya nang makita ako. There's an awkward silence between us.
"M-mr. Dela Vega, m-merong photoshoot para sa Miss DVC, pupuntahan ko lang doon saglit." I didn't plan to stutter but there, I did. Habang nag-iisip ako kung may mali ba sa itsura ko. I silently wished I look gorgeous but shoo away the thought, I shouldn't care right?
"Uhm, yeah.. Okay.. Right now?" Paniniyak niya.
Tumango ako. Bumalik ako sa upuan ko para magpalit ng beige stilettos at tumayong muli. Every move I am making, there's a freaking sound. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon para magtungo na sa photoshoot venue, but then, bumalik ang tingin ko kay Mikel, he's staring at me and his eyes were serious, my reflex automatically pulled my dress down, I gave him a shy smile before storming away.
All eyes were on me as I went out. I smiled confidently and the pulled the perky Gabby out of the box. Jax and Eric whistled. Kumaway ako na parang nanalo na.
"Ganda! May nanalo na mga Bes!" Yuri said. "Masyado mo namang ginalingan! Dapat doon ka sa Maintenance Department magrepresent, balak mo palang manlampaso."
"Kailangan mo ba ng escort?" Tumayo si Jax at lumapit sa akin.
"Hoy, Jax, magtrabaho ka nga dito Kayang kaya na yon ni Gabby, di ba Gab?" Eric winked at me.
"Maraming salamat mga Fans, pero pigilan ninyo ang inyong sarili dahil baka kabagan kayo sa sobrang pagkalaglag ng mga labi. Masama din ang sobrang humanga, nakakamatay. Lalo ka na Jax, kahit sa malayo kitang kita ko ang pagtalon ng puso mo. Kailan pa yan natutong magsulat? May banner oh? Gabby, Gabby, Gabby Forever." Diniinan ko paulit ulit ang dibdib niya. "Salamat, salamat pero hinay hinay lang para kang adik. I'll go ahead." Tinapik ko siya sa balikat at nagpatiuna.
Binuksan ko ang pinto ng conference room kung saan nagaganap ang photoshoot. May ilang kandidata pa ang kinukuhanan ng litrato. Ang alam ko ay ilalagay ito sa facebook page ng DVC at paramihan ng makukuhang likes para sa mananalo sa Miss Photogenic. Mabuti na lang at naitext ko na ang mga kakilala ko na gumawa ng tatlong facebook account para mag like at share ng photos ko. Hindi ko na din mabilang kung ilang Facebook page na ang sinalihan ko para maibahagi ko ang aking litrato at mas marami ang bumoto.
Meron pang kasalukuyang kinukuhanan, nakasuot ito ng itim na tube dress at may mahabang pilikmata, ang kanyang kuko ay kulay pula gayundin ang kanyang labi. She smiled gracefully on the camera, masyado niya ring inililiyad ang kanyang dibdib na parang gusto niyang yun lang ang mahagip ng camera. May mga plastik ding kandidata na nagpapanggap na kanyang supporter at panay ang palakpak, kitang kita ko naman na ung ano ang pangit na anggulo, yon ang kanilang ino-okay-an. Tumayo lang ako sa corner at nag-intay ng pagkakataon ko at di na nakisali. Mukhang ako ang mahuhuli dahil ako ang huling dumating.
"Alright, thank you Iris! That's wonderful."
Ngumiti yung kandidata bago siya umalis sa likod ng kulay gray na backdrop.
"Next." The photographer called.
Lumapit ako sa gitna, I smiled at the two photographersin front and their jaw dropped. The fat guy with beard looked at me with so much amusement, he's the one in front of the tv monitor, ang lalaki naman sa likod na may hawak na camera ay mataman akong tiningnan, may gulat sa kanyang mga mata pero merong kakaibang kinang sa kanyang mga mata. He's got tattoos on his arms and legs, his hair is neatly combed in place yet his dark fashion is so opposing for his angelic face.
"Hindi man lang itinago ang pagkamangha." Bulong kong sabi.
"Gabrielle. I didn't expect you here. You are working in a corporate now?" The dark angelic face asked.
Napaamang ako sa pagiging pamilyar ng lalaking may hawak ng camera. He bit his lips making it more red. His boyish look made me convinced why the candidates didn't go after their turn. Mukhang nagpapa-cute sila sa photographer.
"Yes, I am?" Hindi tiyak na sagot ko.
"So you settled things with your boyfriend after that fight? Damn, ang hirap makabawi sa ganon kalaking away. I saw him here. Fck, don't tell me--- he owns this company?" May kabang bumakas sa photographer pero wala pa din akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya. It's like he knows me for a long time already and we're not just an ordinary acquaintance.
"You are dead man. He might destroy that bad-ass camera of yours again!" The fat guy chuckled and I am clueless as ever. The dark angel 'tsked' and placed his camera on his eyes.
"Let's make this quick. Damn it." Napapailing na wika ng photographer.
I posed in the camera as instructed. Every clicked I swayed my hips, changes expression to my surprise. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. I don't remember being fond of photoshoots, I don't even remember I am this comfortable with cameras.
"You are timeless, Gabrielle. Just like before." The photographer said while scanning at my photos. Pilit kong inaalala kung sino siya pero bumibilis lang ang tibok ng puso ko kapag pinipilit ko.
"And I guess you guys are still together so I have to get going. Nice hips you still got. I missed you, naughty girl." Sensual na bumulong sa aking tainga ang photographer na hindi ko talaga maalala kung sino, sa kamay ko ay may inilagay siyang card na hindi ko naisipang basahin agad, I froze for a moment. Nanatili ako sa isang gilid at parang lumalagpas lang sa tainga ko ang ingay ng mga kandidata.
Everyone was so excited about their shoot, while here I am, my palms are sweaty and thinking who ithe photographer is, tiningnan ko ang card na ibinigay niya pero nabasa ng kamay ko ang mga letra at umiikot masyado ang paningin ko para magbasa.
Gusto kong magtanong sa kanila pero natatakot ako nabaka mapagsamantalahan ng kung sino ang alaala ko. I shouldn't trust anyone that I don't remember. It might fragmentalize my memories even more.
Umalis na ang mga photographer at nanatili pa din ako sa may glasswall, kinakabahan at mabigat ang pakiramdam ng ulo. The girls were picking up their dresses and shoes they borrowed from each other and one by one leaving the conference room.
"Imagine! It is Victor Lo! Gumastos ang kompanyang ito para sa isang bahagi ng contest!" One contestant shrieked.
"Yes! The hottest photographer in the country! Sana naman madiscover niya ako at gawing subject sa isa sa mga shoot niya."
"Baliw ka ba! Gusto mong maging Victor Model? You mean, you're willing to be photographed naked? After your masters degree?" Di pagsang-ayon ng isa niyang kausap. My heart thumped even more.
He's Victor, the famous photographer who produces the number one men's magazine in the country, Victor Magazine and he knows me...
And he said I am timeless..
Napahawak ako sa aking dibdib. My head is about to explode but my heart had crazy palpitations that I cannot control.
Who is he? How did we meet?
---
Maki Say's: Mali po ang category ko, hindi po ito Romance, mystery po ang genre ko dito. :D Hi! Missing everyone!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro