Ex.1
Sick.
"Pumunta ka na naman don?" Nakapamewang si Lexy habang pinapanood akong dampian ng malamig na ice pack ang ulo ko dahil sa pagkirot nitong muli. My head is still throbbing from the emotional encounter I had with Mikel.
Nakakapagod kayang magsalita tapos di ka kinakausap!
"Ano? Hindi mo ba titigilan si Mikel at ipipilit mo yang sarili mo?" Pagalit muli ni Lexy.
Lumabi ako at kumilos para talikuran siya mula sa kinauupuan kong sofa.
"Kahapon lang yun eh.." Bulong ko.
"Gabby."
Suminghot ako dahil sa nagbabadyang luha. Gusto kong manghingi ng music para sa feels pero tinatamad akong abutin ang MP3 player na nandoon sa ilalim ng TV.
"Kahapon lamang.. Kay sarap ng ating pagmamahalan, ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan..." Malungkot kong kinanta ang lyrics na eksaktong nagpapaalala ng nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin ni Mikel. Inekis ko ang nakasarang palad ko sa ibabaw ng noo ko.
"Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin.. Napakasakit na marinig, na ayaw mo na sa akin... Hapdi at kirot!" Tiningnan ko si Lexy na panay ang iling sa ginagawa ko. Hindi ata nagustuhan ako boses ko. "Sa tingin mo Lexy, sino kaya ang inspirasyon ni April Boy Regino sa kantang yon. Tagos eh.. Dito.." Tinuro ko ang puso ko. Halos umusok na ang gilid ng mga mata ko sa sobrang hapdi ng luha pero hindi pa din ako matigil sa pag-iyak.
"Lexy. Bakit ganon? Of all people, si Mikel pa.. Si Mikel na minahal ako non sa kabila ng kajubisan ko. Si Mikel na kahit payummy eh ako ang inibig sa lahat. Si Mikel yon, Bes... Ginto na, naging bato pa. Jackpot na ko eh! Nanalo na ako.. Bakit ganern? Pak ganern?"
Lumuhod si Lexy sa carpeted na sahig ng kanyang apartment para silipin ako. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang kanyang palad na halatang halata ang awa sa mukha.
"Sana naikwento mo din sa akin kung bakit.. Sana may sagot ako diyan sa tanong mo." Kumislap ang mga mata ni Lexy sa nagbabadyang luha. Napasimangot ako dahil doon.
"Gaga, wag kang umiyak. Ako ang nag-e-emote. Supporting actress ka lang, galingan mo lang sa facial expression. Yung pagbagsak ng salita mo kailangan may diin. Pero yung luha mo, wag mong patutuluin. Diyan nanalo si Alessandra De Rossi ng best supporting actress. Sa pagiging bestfriend nung bida."
"Gabrielle Bethany. Baliw ka talaga." Ngumiti si Lexy kahit alam kong nasasaktan siya para sa akin. Sumeryoso siya at tinapik ako sa pisngi. "Wag ka na ulit babalik sa condo ni Mikel, okay? I don't want anymore trouble, Miss Semilla."
"Pwede ba! Wag mo akong tatawagin sa apelyido kong yan." Napatakip ako ng tainga. Ngumuso akong muli at tinakpan ang sarili ko ng kumot. Hinawakan ni Lexy ang magkabila kong pisngi at hinilot iyon.
"Say Ah." Utos niya.
"Ah." Sunod ko naman.
"Eh?"
"Eh."
"I."
"I"
"O."
"O." Lahat ay nakukuha ko.
"Rapunzel."
"Lexy, inaantok na ako."
"No, Gabby. Say it. Rapunzel, Rebecca, Reema."
"R—r—a-Ra—punzel. R—r- R-reb-ecca."
Napakamot ako ng ulo. "Bukas na lang ulit."
"Gabby, you are just starting to talk. Inuna mo pa talaga ang kalandian mo. Sumugod ka agad kay Mikel?"
I sniffed and shrugged.
Starting to talk.
That's true. As far as I can remember, noong isang buwan lang akong tuwid na nakapaglakad, natutong kumain noong nakaraang linggo. Ang pagbabasa at pagsusulat ay kailan lang din. Madalas kong nakakalimutan ang mga bagay bagay hanggang ngayon. I did not suffer from an amnesia. I suffered worse.
Encephalitis.
Narinig mo na ba yun?
Unti-unting sinusunog ang utak mo ng virus hanggang sa makalimutan ng katawan mong magfunction kahit ang pinakanormal na bagay na dati mong nagagawa? The left hemisphere of my brain stopped functioning. I cannot write using my right hand anymore even I was never left handed.
I woke up from a deep sleep living differently. I was comatose for only God knows how long. I do not know how to chew my food. I was like a baby. The onset of my disease started seven years ago, and last year it was full blown, I was bed ridden. No life. No response. I lived by the machine and prayers.
My memories.. Oh. I lost most of it..
Most. Except for him. Except for Mikel. Siya ang pinakamalinaw sa lahat. Huminto sa kanya ang alaala ko. Kung saan mahal na mahal ko siya at hanggang ngayon, yun pa din ang nararamdaman ko.
When did I start unloving him? Or did I? Siya ba ang nagsawa o ako? Sino sa amin ang bumitiw?
"Gabby, you and Mikel broke up, seven years ago.."
Para iyong dinamita sa puso ko nang sabihin iyon ni Lexy. Yung mukha niya ang una kong hinanap nang una akong makakita. Si Mikel ang una kong tinawag noong natuto akong muling bumigkas. I was looking for the fragments of the years passed by without him beside me but it is not there. All I remember was him, loving me unconditionally.
Hindi pupwedeng hindi niya ako damayan sa ganong kalagayan. Hindi niya ako pupwedeng iwan dahil sabi niya, siya ang mag-aalaga sa akin at magiging reyna ng tahanan na siya mismo ang bubuo at ilalagay na lang ako doon.
Ang susunod kong ipapahayag ay medyo naughty at SPG.. Ikaw na ang bahala kung babasahin mo o hindi iintindihin..
Tandang tanda ko pa nung nakahiga ako sa kama at kalahati ng king size bed ang aking inookupa. Nandon siya, sa harapan ko. Walang pang-itaas. Ibinabandera ang tatoo niya sa dibdib na may pangalan ko. Fifth year anniversary namin at napagdesisyunan kong ireregalo ko sa kanya ang puri ko na noong panahong yon ay mahalagang mahalaga sa akin.
Kinalas niya ang kanyang belt na nakasukbit sa pantalon. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang kaba ng puso ko na naramdaman ko noon. Ang itim na boxers niya na bakat na bakat ang dapat bumakat, Bes...
Pagkatapos..
Pagkatapos...
Ayun na. Wala na akong maalala.
Talagang dun inihinto ng tadhana. Sana man lang doon sa after sexy time para narereplay ko paulit ulit.
"Natatakot ako, Lexy.." Bulong ko.
"Saan?"
"Sayo."
"Gaga. Bwisit ka ah! Ako na nga lang ang natira sayo!"
"If we broke up.."
"You did break up."
"Bakit ganon pa din?! Bakit mahal na mahal ko pa din, Lexy? Nakuha ba niya ang virginity ko?"
"Aba malay ko sa inyong dalawa! As if naman ikwento niyo sa akin yon na parang resulta lang ng basketball game. Well if you did. Wow ha, hindi ba nawasak ang kama sayo?"
Hinila ko ang buhok ni Lexy, malutong siyang humagikgik.
"Di ko alam kung kaibigan ba talaga kita e. Bakit hindi ko naikwento sayo yung break up namin ni Mikel?"
Seryoso akong tiningnan ni Lexy. She's my friend, my doctor, therapist and nurse at the same time. Ipinagpapasalamat ko na hindi niya ako sinukuan. The hospital bills were under her name, ang mga doctor na tumingin sa akin ay nag-waive ng professional fee dahil mga kaibigan niya naman. I suffered a rare case and everyone were excited to treat me like a guinea pig. Nakalibre tuloy ako ng gamutan.
"Gabby, if there's a small chance that you could remember your lost memories, answering your question is not one of them. Maaring makadagdag ng confusion mo ang sasabihin sayo ng ibang tao. You should stop asking questions and find in your heart what happened."
"But I love him.."
"Is that a statement, Gabrielle Bethany?"
"It is a fact, Lexy.. I was stuck on the feeling."
Lexy sighed. Still cannot process what happened to me.
"Hindi mo ba naiintindihan? You might have unloved him already."
"Love is a feeling, it is not a memory." I said, dismissing our conversation.
Bumalik ako sa silid ko para mapanatag na si Lexy. Hindi siya makatulog kapag alam niyang gising pa ako. Nag-aalala siyang tatakasan ko na naman siya. Like what I did the past few days. Nahirapan akong alalahanin kung saan ko matatagpuan si Mikel pero pagkatapos ng masusing pag-iisip, I found him. He's at his condo where he moved with me after we finished college. He planned everything with me in it. His future with me in it. He will be the CEO of their company and I will be his siksik-tary.
Malungkot kong tiningnan ang litrato ko sa side table ko. It was my graduation picture. I smiled bitterly. How I went thin like this, I don't even remember. Maybe the coma. Or maybe I went thin while I was dealing with the virus all those years. I am fat. Like 220 lbs fat.
Binuksan ko ang side table ko. Kinuha ko ang isang wooden box doon na ang disenyo ay mga lumang seashells na ako mismo ang nagdikit, I used to call this Mikel's box. Where his notes, chocolate wrappers, movie tickets, restaurant receipts and our polaroid photos were kept.
Ganon na lang ang gulat ko nang wala akong makitang kahit ano doon. Walang tanda na dumaan si Mikel Croix Dela Vega sa buhay ko.
It was a bad break up, huh?
I wiped my tears as I remember how I was bullied in highschool. I was the fat girl, my hair was unruly and to make it worst, I am an orphan. My parents died in a car crash. I hated myself for being fat but I hated the people more for not letting me have a peaceful life. People throwing garbage on my bag treating it like a trash bin, spilling juices on my shirt. Hiding my leather shoes after PE classes and I will walk barefoot.
Hanggang sa dumating si Mikel. The man whom the highschool girls would drool over. He's tall and lean. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang mga labi. His brooding eyes would hold anyone as his captive. I always thought he's a bully, he somehow is. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano ang nakain niya kung bakit nilapitan niya ako para ipagtanggol sa nagtapon ng sapatos ko doon sa kanal.
We became friends and he would follow me wherever I go. Pailalim akong naging tampulan ng tukso dahil doon but then, in the sea of the bullies, he proposed to me, Grade 12, Graduation Ball.
He asked me to be his girlfriend.
Ako? Si Gabby? Ang matabang babaeng ginagawang popcorn ang chicharon? Na naging tubig na ang isang litrong coke? Tatlong beses ang lapad kaysa kanya?
Gusto niyang maging girlfriend?
But he loved me, truly, dearly and honestly.. And that's all that I remember. Sa kabila ng ilang litrong mantika sa aking katawan, sa kabilang ng bugkol bugkol na cellulites sa aking binti. Sa kabila ng tila kuryenteng stretchmarks sa aking tyan.
He loved me.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap yakap at kipkip sa loob ng makapal na jacket. Sinalubong ang malamig na hangin na hinahalikan ang aking pisngi. I didn't remember days were this cold 7 years ago. It was so warm and fuzzy. Bright and happy. Mikel and I celebrated all the days happy.
Inabangan ko ang tren na huminto sa aking harapan. Wala sa sariling sumakay ako doon at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan. Binabalikan ko na naman ang kanina lang ay akin nang dinaanan.
Hindi pa ba sapat, Gabby? Kailangan pang ipagtabuyan ka niya ulit?
Hindi pa.. Tumitibok pa din ang puso ko na nagmamahal sa kanya.
"Merong mga bagay na hindi natin dapat makita, pero dapat paniwalaan.." Bulong ko sa sarili ko ng linya ni Jaclyn Jose sa Pedrong Palad. Ang galing niya don.
Napatingin sa akin ang nakaupo sa harapan ko, he smirked and I stick out my tongue on him kasabay ng pag-irap.
Bumaba ako sa tren nang may kaakibat na pag-asa sa puso. Makikiusap ako kay Mikel. Papakiusapan ko siya na ipaalala sa akin ang lahat.
Kung saan ako nagkamali. Bakit ngayon ako'y sawi.
Sumilip ako sa entrada ng condominium tower kung saan nakatira si Mikel. Alam kong banned na ako dito dahil pinag-utos na din iyon ni Mikel. I couldn't believe it! Ito ang mga bagay na hindi gagawin ni Mikel sa akin.
Nag-abang ako nang grupong papasok para masabayan, kaya lang, sa lalim na ng gabi, madalang na ang pumapasok sa condominium.
Isang taxi ang huminto at iniluwa non ang grupo ng mga lalaki na nagkakasiyahan. Anim sila na parang wala sa sarili. Most of them were foreigners.
Agad ko silang ni-intercept pagdating nila sa entrada ng lobby at sumiksik ako sa pinakagitna. Amoy sila alak at sigarilyo pero tiniis ko iyon.
"Who are you?" Tanong ng lalaking mukhang last week pa naliligo. Pinapungay ko ang mga mata ko at biglang humagikgik.
"I am your friend.. From the club." Sagot ko.
"We're not from the club!" Tutol naman nung isa.
"From English Club when we were in highschool." Nakita kong bumukas ang isa sa apat na elevator. Nagmamadali kong hinabol yon at sumakay. Sinarhan ko ang elevator door at napanatag lang ako nang umangat na iyon. Pinindot ko ang 12th floor at saka nagsimulang manalangin ng taimtim.
Please, Mikel.. Just one last time.. I need to be.. The one who takes you home...
I made slow knocks to his door. Walang nagbukas. Inulit ko iyon. Paulit ulit hanggang sa mamanhid na ang kamao ko sa pagkatok.
Unti unting dumausdos ang likod ko sa pader at pasalampak akong umupo sa tabi ng kanyang pintuan.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinipigilan ang pag-iyak.
Bakit naging ganito? Ganito ba ang pakiramdam ng break up? Yung mahal na mahal mo pa pero itinatapon ka na? My heart crumpled in so many pieces, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pulutin. The pain si bearable but the thought of our future isn't. Talaga bang aabante ang araw na hindi katulad ng dati? Na wala siya.
"Gabby.. What are you doing here?" Nag-angat ako ng tingin. Mula sa di kalayuan, nandon si Mikel. He's wearing he's longsleeves like it was his second skin. He grew bigger than the last time I remember. His eyes, they're more brooding, more like a sharp dagger thrown at me. Nothing in his face is gentle now. Puno iyon ng di ko maunawaang galit at pait na nakikita niya ako sa kanyang harapan. He's changed.
Isa iyong sampal na hindi nga kahapon lang ang pagmamahal na ipinatikim niya.
That, that was a long time ago.
"Mikel.. Pupwede bang mahalin mo na ako ulit? Tayo na ulit?"
Napatanga si Mikel sa sinasabi ko. He looked at me with an amused wide stares. "Gabby. Ano bang nangyayari sayo?"
"Nangyayari? W-wala.. I woke up and I realized that I still love you."
"After seven years? Wow." His jaw clenched as he looked away, it was so painful. His perfect physique that is almost shadow is hard not to look at.
"Maniwala ka naman sa akin Mikel.. Mahal na mahal pa din kita."
"It was a mistake, Gabby. You know that."
Umiling ako. Hindi ako handang tanggapin ang katotohanan. Walang mali. Ang mali ay ang sakit ko. But I won't tell him now. I don't want him to think that I am throwing a pity party. I want him to feel the love I am feeling right now, consciously.
"Hindi, Mikel.. Imposible namang mawala yun basta hindi ba? Nandyan lang yan.. Baka nasa bulsa mo. Nagtatago—" Paliit ng paliit ang boses ko habang patalim ng patalim ang tingin ni Mikel sa akin. He walked towards me. Hindi ako umatras. I still want him. The feel of his skin. I want to be covered with his body again. Ang kanyang pagpipilit na pagtagpuin ang magkabila niyang palad para lang mayakap ako noon dahil sa sobrang lapad ko.
"I am engaged, Gabby. I am getting married."
Napanganga ako. Para iyong sirang plaka sa pandinig ko. Hindi ako makapaniwala na naging ganito na pala kalayo. Sino ang magliligtas sa akin? Sino ang sasagip sa akin?
Wala ba akong minahal noong nawala siya? Baka meron naman...
Pero baka wala dahil si Lexy lang ang kasama ko nang magkaroon ulit ako ng malay.
Kumapit ako sa ulo, my head aches like it will be cut in half. I felt my body started to convulse but I am keeping my stance. Muli ay nahihilo na naman ako.
I saw Lexy at Mikel's back. Puno ng pag-aalala ang mukha na tumatakbo papalapit sa akin.
"Gabby.." I heard Lexy shout my name. Mikel moved like he was waken up from a dream, dinaluhan agad niya ako at binuhat na parang papel. I am losing it until Lexy opened my mouth and placed a sublingual medication under my tongue.
"Mikel.. Gabby is---"
"Beautiful." Kahit nanghihina ay naisingit ko pa. Umiling si Lexy. Nag-usap kami gamit ang mga mata pero halatadong ayaw makinig ni Lexy.
"Gabby is S—"
"Sexy!"
"Gab, ano ba?" Inis na tanong sa akin ng kaibigan ko. Umiling ako.
"Lexy please. I am too sleepy. I want to sleep. I am okay. Please. Mikel, don't leave me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro