Chapter 2
"Salamat naman at gising ka na, Caridad," ani Tiyang Saling. Titig na titig ito sa kanya habang naglalakad siya patungo sa komedor kung saan ito naroon at kasalukuyang nag-aagahan.
Lihim na nanikwas ang nguso niya. Umagang-umaga, pero may laman na pagbabanta ang pang-umagang bati ng tiyahin niya at mukhang alam na niya kung bakit.
"Maupo ka at mag-usap tayo nang masinsinan na bata ka," dugtong pa ng tiyahin niya, itinuro ang upuan sa hapag sa tabi nito. Patamad siyang tumalima.
"Anong ginawa mo sa ka-date mo kagabi?" birada agad ng tiyahin niya.
"Wala naman akong ginawa Tiyang a?" pagmamaang-maangan niya bago gigil na tinusok ng tinidor ang hotdog na nakasilbi sa hapag. Akma na sana niyang isusubo iyon kaso pinigil siya ng tiyahin niya.
"Aba'y inirap-irapan mo raw sabi ni Kumareng Cion!"
Tuluyan nang rumolyo ang mga mata niya. Maingat niyang inilapag sa plato ang kakainin niya sanang hotdog bago kalmadong humugot ng hininga.
"Tiyang, paano 'ko hindi iirap-irapan e dinaig pa ang ipo-ipo sa kahanginan? Hindi nga maaskad ang mukha, puno naman sa hangin ang katawan."
"E kahit na. Pinagtiyagaan mo na lang sana, Caridad!" reklamo ulit ng tiyahin niya, namaywang pa.
Tuluyan na siyang naimbyerna. "Ay hindi, Tiyang! Hindi ko hahayaang lait-laitin ng Jack na 'yon ang propesyon ko bilang writer!"
Dumiretso ang likod nito, lalong nangunot noo. "Nilait ka?"
"Naman! Sabi pa niya, na ang pagsusulat daw ng mga kuwento ay hindi propesyon. Hobby lang daw, Tiyang. Hobby!" nanggigil na sagot niya bago wala sa sariling kumagat sa hotdog.
Nanumbalik sa kanya ang mga eksena kagabi sa date nila ni Jack Emmanuel Hernaez. Sa totoo lang, guwapo ito. Like niya nga at first sight e. Mukhang anghel sa unang tingin. Pero, mukha lang. 'Pag nag-umpisa na itong magsalita, tiyak na bubuhaghag ang buhok mo sa lakas ng hangin na taglay ng ipo-ipo stories nito tungkol sa mga achievements nito at sa family background nito. Kesyo raw nag-aral ito sa Oxford at kasalukyang nagma-manage ng import-export family business ng mga ito. Hindi rin daw talaga ito mahilig sa blind dates dahil marami naman daw siya talagang choices pagdating sa girls. Hindi lang daw niya talaga mahindian ang amiga ng tiyahin niya na close family friend nito.
"Don't get me wrong, you're pretty and I have nothing against you and your job. But writing stories is not a profession. I need a wife who can do more than just a hobby."
Nanikwas na nang tuluyan ang nguso niya. Gigil siya ulit na kumagat sa hotdog. Umagang-umaga pero nangangati na naman ang kamay niyang manapok!
"Sinabi niya 'yon?" pukaw ng tiyahin niya maya-maya. Tumango siya bago sumandok ng sinangag at naglagay din sa plato niya ng sunny side-up. "Aba, aba, aba! Hindi pupuwede sa akin 'yang pangmamata ng Jack and the beanstalk na 'yan! Makikita niya! Makikita niya!" gigil na dugtong ni Tiyang Saling. Madali nitong hinugot ang cellphone nito sa bulsa ng daster nito at nagsimulang tumipa roon.
Nagsalin naman siya ng kape sa mug niya mula sa coffee maker bago nagmamadaling binitbit ang plato niya papunta sa garden. Doon na lang niya itutuloy ang agahan. Ayaw niyang makinig sa umagang talakan ng tiyahin niya at amiga nito.
May maliit na pergola at garden set sa hardin nila. Isa 'yon sa mga una niyang pinatayo nang kumita siya sa unang libro niya. Mahilig siya kasi sa mga halaman at bulaklak. Namana niya 'yon sa Tiyang Saling niya na noon ay may puwesto ng tindahan ng mga halaman. Kaya naman kahit medyo pricey ang pergola at malakas makasosyal, pinush pa rin niya para may place of rest siya sa bahay nila.
Pag-upo niya sa garden set, doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga. Bago lihim na ni-recite ang mantra niya.
Today is better than yesterday!
Today is better than yesterday!
Today is better than yester─
"Ay peste!"
Napaigtad siya nang makarinig ng malakas na busina kung saan. Inis niyang ipinagala ang tingin sa paligid. Humantong ang mga mata niya sa truck na nakahimpil sa bahay sa tapat. Dati iyong bahay ni Mrs. Sebastian, ang dating college teacher na nag-migrate sa Canada kaya naka-for sale na ang bahay.
Muling bumusina ang truck sa tapat ng bahay ni Mrs. Sebastian. Ilang sandali pa, bumukas ang gate ng bahay at lumabas doon ang isang lalaki na naka-cap at shades.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Ni anino ng lalaki hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. At natitiyak niya, ito ang nakabili sa bahay ng dating teacher.
Agad na nagising ang mga chismosa hormones niya. Pasimple niyang sinilip-silip ang bago nilang kapitbahay na base sa tindig at kilos ay mukhang masarap.
Napakurap-kurap siya at tumikhim. Nagmadali rin siyang uminom ng kape upang tablan siya ng kaunting nerbyos.
Masarap? Iyon talaga dapat ang unang adjective na pumasok sa utak niya?
Puwede namang guwapo lang. O kaya, maganda ang hubog ng katawan. Putahe ba ang bago nilang kapitbahay at nasabi niyang masarap?
Jusko!
Nagiging mahalay na naman ang takbo ng isip niya umagang-umaga! Kasalanan 'to ng bed scene na sinulat niya noong isang araw. Kapag pa naman nagsusulat siya ng bed scenes, tulala siya ng ilang araw. Paanong hindi, kailangan niyang mag-research nang bonggang-bongga. Wala naman siya kasi pang karanasan sa pagiging intimate sa isang lalaki. She and Liam never got there. At saka, ni hindi rin sumagi sa isip niya ang sex habang sila pa ni Liam. Paano, bago sila mag-date noon ng lalaki, pinagpe-pray over silang dalawa ng tiyahin niya. Nagnonovena pa nga ito e mula pag-alis hanggang pagbalik niya ng bahay. So, sino ang makakaisip ng landian 'pag gano'n?
But more than he aunt's strong religious beliefs, she also believes that sex is just for married couples. And doing it outside marriage is a sin. Call her prude but that's just the way her mind works. And being in conformed to society was never her goal, not as an individual or as a writer. Her works speak of it loudly. In a writing world where everyone writes of happy-ever-afters, she writes tragic-romance stories instead. Sino ba namang writer ang nasa matinong pag-iisip na matapos magpakilig sa unahan ng libro ay tatapusin ang kuwento sa iyakan dahil namatay ang bida? Siyempre, iilan lang sila. And she wants to belong on that few brave breed of writers who write stories the way they like it.
Inayos niya ang pagkakaupo at nag-concentrate sa pagkain. Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya. Nag-flash doon ang pangalan ni Janine, isa sa mga close friends niya. Empleyada ito sa isang malaking construction company sa Makati. May asawa na ito at dalawang anak. At isa sa mga pinakamasugid na taga-reto ng mga lalaking iba-blind date niya. Patamad niyang sinagot ang tawag.
"Kumusta ang walang jowa?" bungad agad ni Janine sa kanya.
Nanikwas ang nguso niya. "Kumusta naman ang babaeng malandi na buntis na naman kahit kapapanganak lang noong isang taon?
Humalakhak si Janine. "E at least confirmed na hindi ako bakla at fully functional ang baby factory. Kayo po?"
Inirapan niya ang hangin. "He! Kung tumawag ka lang para laitin ako, ibaba ko na 'to."
"Hala! Ito na man, napaka-highblood! Siguro pangit 'yong ka-date mo kagabi 'no?"
Nanikwas ang nguso niya. "Anong pangit? Guwapo kaya. Kaya lang, nuknukan ng hangin. Pag-uwi ko, naka-blower na ang buhok ko."
Humalakhak ulit si Janine. "'Yan, sinabi na kasing h'wag ka nang papayag na makipag-date sa mga nirereto sa 'yo ni Tiyang Saling. Hindi ka ba nadala do'n sa DOM na pina-date niya sa 'yo?"
Agad na nagsitayuan ang balahibo niya nang maalala ang senior citizen na pina-date sa kanya ni Tiyang Saling ilang buwan na ang nakaraan. Ang sabi ng tiyahin niya, mayaman daw ito, single at mabait. Ang iniisip niya, isang eligible bachelor gaya ng mga sinusulat niya sa libro ang makaka-date niya. Nakalimutan lang sabihin ng tiyahin niya na isinilang pala ito noong panahon ng mga gerilya at puwede nang pumasang lolo niya! Marahas siyang umiling habang kinikilig sa diri.
"Janina Marie, busy ako. Kung tumawag ka lang para mang-okray at magpaalala tungkol sa katigangan ng lovelife ko, tapusin na natin 'to," supladang pahayag niya bago umiling humigop ng kape.
"Sandali lang naman kasi. Ito naman, minsan ka na lang mahagilap dito sa outside world dahil lagi kang nasa lungga mo at nagsusulat, nagmamadali ka pa. Anyway, birthday ni Brianna sa Sabado. Pumunta ka. Hindi puwedeng hindi. Last year, hindi ka pumunta sa birthday ng inaanak mo at ikaw lang ang wala sa barkada."
"Nangunsensiya ka pa. Alam mo naman na may deadline ako no'n. At saka nagregalo naman ako ng dessert cart."
"E iba pa rin ang presence mo. At saka matagal na tayong hindi lumalabas nina Karen at Faith kaya dapat pumunta ka ngayon," pamimilit pa rin ng kaibigan. Classmates din nila sina Karen at Faith noong highschool. They took different courses in college but remained friends until now.
"Kasama ba mga jowa nila?" aniya, alanganin.
"Naman! Alam mo na naman 'yong mga 'yon, walang pinapalampas na okasyon para i-display ang mga jowa nilang pinagpala," ani Janine. Parehong model ang boyfriends nina Karen at Faith. Palibhasa parehong nagtatrabaho sa isang sikat na TV network kaya kabungguang-siko ang mga may pinagpalang genes. "Don't worry, prepared ako. May in-invite din ako na ipapakilala ko sa 'yo," dugtong pa ng kaibigan.
"Hay naku, Janine, sino na naman 'yan? Required ba na may date talaga ako sa birthday ng inaanak ko? Hindi ba puwedeng, mag-isa lang ako para peaceful ang mundo?"
"H'wag ka nang choosy, Legit na bachelor 'to. Gwapo, mayaman, at fresh na fresh at 30 years old!" eksaheradang sagot ni Janine. "Ano, G?"
Napabuntong-hininga siya, tunog wala nang magagawa. "Oo na, sige na."
"Ayan! See you!" masayang sabi ni Janine. Sandali pa itong nakipagdaldalan bago tuluyang nagpaalam.
Nang maibaba niya ang cellphone niya, agad na nag-advance ang huwisyo niya sa Sabado. Tatlong araw pa siyang puwedeng maghanda. Nag-iisip na siya ng mga drama kung sakaling hindi niya bet ang lalaking sinasabi ni Janine. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla siyang makarinig ng ingay sa malapit.
"What the hell is wrong with you? I said be careful!" inis na sabi ng lalaki na bago nilang neighbor. Nakatayo ito sa gate at pinapagalitan ang mga empleyado ng movers company na abalang bumibitbit sa mga gamit nito papasok ng bahay. Nagkanda-haba tuloy ang leeg niya sa pagsilip sa katapat na bahay.
Englisero with a perfect american twang, sabi niya sa sarili. Mukhang dededmahin niya ang bago nilang neighbor. Bukod sa hindi sanay ang ilong niya sa pakikipag-usap sa English, mukhang masungit din ang bago nilang kapitbahay.
Nang bumaling ang tingin ng lalaki sa kanya, agad siyang nahimasmasan at tumungo sa kanyang plato.
Nagmadali siyang kumagat ng hotdog at sumubo ng kanin. Maya-maya pa, nakatanggap siya ng message mula sa editor niya. Pinapapunta siya sa opisina.
*****
"Hindi po ako kumportableng magsulat ng gano'n, Ms. Kathy," malumanay na reklamo ni Carrie sa head editor at owner ng Jewel Publishing, ang publishing house kung saan siya isang exclusive writer. Iyon ang publishing arm ng Jewel Bookstore, ang isa sa pinakamalaking bookstore sa bansa.
"But why? Are you not up for the challenge?" ani Ms. Kathy habang marahang ibinababa sa coffee table ang tasa nito ng capuccino. Pasimple rin nitong inayos ang kulay brown na buhok nito at cat's eye shaped glasses bago tuluyang tumitig sa kanya. Nakaupo silang dalawa sa settee ng opisina nito at masinsinang nag-uusap.
Kumibot-kibot ang bibig niya. Gusto niyang sumagot ng enumeration type kung bakit ayaw niyang magsulat ng kuwentong may happy ending. Kaya lang, baka dumilim na ang paligid hindi pa nauubos ang rason niya kung bakit hindi niya trip magsulat ng kuwentong may happy ending!
Ngumiti si Ms. Kathy. "Alam kong bago ka palang sa industriyang ito, Carrie. And going out of your comfort zone scares you. In fact, lahat tayo takot na gawin ang mga bagay na hindi natin nakasanayan. But true success only comes to those who are willing to go outside of their comfort zones. You are one of the best selling authors of your generation, Carrie. Believe me, the world is your oyster. Alam na naming kaya mong magpaiyak. Now convince us to believe in happily-ever-afters once again."
Hindi siya umimik. Abala ang isip niya kung saan siya hahagilap ng sangkaterbang kilig sa katawan niyang tigang na tigang sa lovelife at kung paano iyon isu-sustain hanggang sa ending ng isinumpang kuwentong may happy ending!
"Don't worry,hindi naman kita bibiglain. I'll give you at least a month to finish that book with a happy ending."
Lihim siyang napalunok at itinutok ang mata sa tasa ng kape na para sa kanya. Kahit siguro one year pa ang ibigay sa kanya na palugit ni Ms. Kathy, baka alanganin pa rin na makatapos siya ng isang kuwentong masaya. Kahinaan niya talaga kasi ang pagsusulat ng mga kuwentong may happy ending. Mas madali kasing magpaiyak kaysa magpakilig.
"So, what do you think?" untag sa kanya ni Ms. Kathy maya-maya. Nang bumaling siya rito, magaan ang bukas ng mukha nito, parang sure na sure na papayag siya.
At dahil ayaw niyang ma-disappoint ang boss niya, alanganin siyang tumango. "S-sige po, susubukan ko po."
"I knew you would," ani Ms. Kathy, kuntodo ang ngiti. "Your book will be included on the Valetine's Day Bookfair of Jewel Bookstore three months from now. I'm sure it will be a hit! I'm so excited! I can't wait for for you to write more."
Isang walang tunog na ah lang ang naisagot niya bago alanganing ngumiti.
*****
Tuliro si Carrie habang papalabas siya ng building kung nasaan ang opisina ng Jewel Publishing. Katatapos lang ng meeting nila ni Ms. Kathy. At ngayon pa lang, inaatake na siya ng anxiety dahil sa pinapagawa sa kanya ng boss niya.
Maisip pa lang niya, parang gusto na niyang mag-wish na sandali munang mawala na parang bula sa mundong ibabaw. Noong nag-uumpisa pa lang siyang magsulat, nagsusulat naman siya ng mga kuwentong may happy ending. Kaya lang kung hindi kulang sa depth ang kuwento, kulang naman siya sa characterization. Hirap siya kasing magsulat ng mga kuwentong wala siyang karanasan. Dahil mula pagkabata, wala siyang happy moments references. Maaga siyang namulat sa pait at sakit ng tunay na buhay. And she had always regarded her life as just another sob story-- normal but nothing happy in it.
Puwede naman siyang magbasa ng libo-libong romance novels as her references. Kaya lang, iba kapag nagsusulat ka ng galing sa puso at galing sa sarili mong karanasan. Mas natural. Mas totoo.
Kailangan niya siguro talagang seryosohin ang paghahanap ng boyfriend, 'yong magpapakilig sa kanyang naghihingalong hormones. She needed to learn how to feel once again. But more importantly, she needs to find a man who will renew her faith in love itself.
Wala sa sarili siyang napapadyak at nagkamot ng ulo. Saan siya hahanap ng gano'n sa loob ng isang buwan?
Jusko! Ano ba naman itong napasok ko?
Ilang sandali rin siyang nagtumanga sa puwesto niya. Hanggang sa "Excuse me, you're blocking the door," anang lalaking nasa likuran niya. Taranta siyang lumingon. Marami na nga ang nakapila likuran niya na papalabas din ng building.
Nagmadali niyang tinulak ang rotating door at dire-diretsong lumabas ng building.
*****
Sabado, 5pm
Nagmamadaling umibis ng taxi si Carrie bago pumasok sa reception hall ng events place kung saan ginaganap ang party ng inaanak niyang si Brianna. Dalawang oras na naman siyang late. Bukod sa napuyat siya dahil sa pagbabasa ng romance novel na walang kasing cringy sa kakornihan ang main characters, nahirapan din siyang pumili ng susuotin niya para sa okasyon. She wanted to dress for the occassion for Arnold-- ang lalaking ipapakilala sa kanya ni Janine. Nitong nakaraang mga araw, napagisip-isip niya kasi na kailangan niyang maging intentional sa paglalandi, hindi lang para puso niya para na rin sa kinabukasan ng career niya bilang writer.
Pag-apak na pag-apak niya sa reception hall, kinakantahan na ng birthday song ang panganay ni Janine at ng asawa nitong si Chester. Pasimple niyang ipinagala ang tingin. Sa table na pinakamalapit sa make-shift stage nakaupo sina Karen at Faith na parang mga linta kung makalingkis sa makikisig na dyowa ng mga ito. Agad na nalukot ang mukha niya. Sigurado siya, makakasaksi na naman siya ng sobra-sobrang PDA na sadyang ginagawa ng mga bruhilda niyang kaibigan para inggitin siya.
Matapos ang birthday song at dasal para sa pagkain, saka pa lang siya lumapit sa pamilya ni Janine. Mabilis na yumakap at humalik sa pisngi niya si Brianna nang ibigay niya rito ang dala niyang regalo. Mabilis naman siyang iginiya ni Janine sa table ng mga kaibigan nila. Abot tenga ang ngisi nina Karen at Faith nang makaupo siya sa table nila.
"Quit smiling," aniya sa mga kaibigan bago umirap.
"Hala siya! Pati sa ngiti allergic ka na? 'Yan ang nakukuha mo sa pagbababad mo sa lungga mo," ani Karen, na hinagod pa patalikod ang bagong rebond nitong buhok.
"Hay naku, i-reserve mo 'yang pagsusungit sakaling hindi mo feel 'yong lalaking inirereto sa 'yo ni Janine," sabi naman ni Faith na sinuyod pa ng makahulugang tingin ang suot niyang damit bago bumaling kay Karen. "Ready. Naka-outfit."
Sinilip din ni Karen ang suot niyang pink chiffon floral dress na hanggang tuhod ang haba. Nakangisi itong bumaling kay Faith pagkatapos. "Sosyal din ang shoes, Aldo. Dressed to paimpress," kantiyaw nito.
Umirap siya. "Anong dressed to impress? H'wag niyo nga akong intrigahin, puyat ako."
"Hay naku, kahit hindi ka puyat, masungit ka Carrie," ani Karen.
"Kaya nga, laging pinapahalata ang pagiging bitterela,"dugtong pa ni Faith.
Sasagot pa sana siya kaya lang lumapit si Janice sa kanila. "Andiyan na raw si Arnold. Pina-park lang ang sasakyan," balita nito.
Nagkatinginan silang magkakaibigan. Hindi na maperme sa kinauupuan sina Karen at Faith. Panay na ang tukso sa kanya na may kalampungan na raw siya at puwedeng bumuhat sa kanya na parang si Dawn Zulueta! Siya naman inatake na ng nerbyos. Panay na ang inom niya ng tubig.
"O ayan na siya," ani Janine, nilingon pa ang entrance ng events place. Nakilingon na rin silang magkakaibigan.
Pumasok sa entrace ang isang lalaki na bakat na bakat ang muscles sa suot nitong t-shirt, matangkad at nakasuot ng aviator shades. Kasunod nito ang isa pang lalaking kasing tikas at kahulma rin ng katawan nito. Nang tumayo si Janine, kinawayan nito ang direksyon ng mga lalaki. Agad namang naglakad palapit sa puwesto nila ang mga lalaki.
Jusko, isa na siguro sa mga 'yon si Arnold.
Tumayo na rin silang magkakaibigan. Panay na ang sundot ni Karen sa tagiliran niya, mas excited pa 'ata sa kanya. Si Faith naman panay na ang hila sa manggas ng suot niyang damit habang pinipigil ang paghagikgik.
Ilang hakbang mula sa kanila, parang telon na bumukas at gumilid ang dalawang lalaking may malalaking kawatan. Doon niya napansin ang lalaking may itsura naman, naka-get-up ng pangmayaman, kaya lang kinulang sa tangkad. Sa height niyang 5'7'', baka hanggang kilikili lang niya ang lalaki o mas mababa pa.
Nakangiti itong nilapitan ni Janine at binati ng, "Hi, Arnold!"###
3190words/6:36pm/091520
#DatingMsWriterHDG
Ed: 3250wc12162022
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro