⊱◈Chapter 9◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
(Alexan)
"Baka mas lalong mahirapan daw si kylen makaalala kung malalaman ni leo na nandito na si kylen" sabi niya saakin.
"So anong connect naman noon?"
"What if kulitin ng kulitin ni leo si kylen baka lumayo ulit siya saamin"
"TANGA BA KAYO HA! Nag dudusa parin hanggang ngayon si leo dahil kay kylen kaya bakit hindi ninyo sasabihin sa kanya na bumalik na siya. Malay natin pag nalaman niya ay bumalik siya sa dati niya at si kylen naman ay maalala niya tayo dahil kay leo!" Sigaw ko sa kanya.
"Edi mas lalong lumala si leo kung malalaman niyang bumalik na si kylen. Ate! Bulag si leo paano niya makikita si kylen ha! At hindi niya kilala ni isa saatin paano pa kaya si leo" At duon ko lang naalala ang nangyari kay leo.
Napatahimik ako ng saglit...
"Bakit ba siya bumalik?" Tanong ko kay olive.
"Hindi rin naman daw siya tatagal ulit dito sabi ng mama niya, nagulat nga siya ng makita niya kami. Ilang beses niya kaming kinausap at ilang beses kaming sinabihan ng sorry dahil sa nangyari kay leo" malungkot na sabi niya saakin.
"May naging kasalanan din tayo bakit nag kaganon yung dalawa" sabi ulit niya saakin.
"Edi wala na tayong magagawa... hayaan nalang natin sila" yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Hindi kaya may pagasa pa?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Ano naman yun?"
"What if ipaalala muna natin kay kylen ang nakaraan niya at saka natin silang dalawang magkita in that way baka gumaling si leo, sabi ng dictor may chance pa daw makakita si leo, at baka yun ang chance na iyon"
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro