⊱◈Chapter 8◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
Sino sila?
"Ahm excuse po" magalang na sabi ko sa kanila pero hindi sila tumabi at nakaharang parin sila saaking unahan.
Nagulat ako ng bigla akong yapusin noong isang babae yung tipong hindi na ako makahinga.
"Hindi po ako makahinga" mahinang sabi ko sa babae.
"Ay sorry" sabi niya at saka niya ako pinakawalan.
"Kylen! Akala ko hindi kana babalik. Miss na kita! Bakit hindi saakin sinasabi ng kupal na iyon na bumalik kana" nakangiting sabi niya saakin.
Kilala ko ba siya?
"Ahm sorry po pero hindi po kasi kita kilala" sabi ko sa kanya kaya kumunot naman ang kanyang ulo siguro aynag tataka siya sa sinabi ko.
"Ha? P-" naputol ang sasabihin niya ng may malakas na hanggin ang humigit sa kanya, ay hindi pala may tao palang humigit sa kanya. Kaya yung taylong babae naman ay sknundan siya.
Ang weird naman noong mga yun.
------
(Alexan)
"What the heck OLIVE! Ginulat mo ako duon ah!" Pagrereklamo ko sa kanya.
"Ate alex wag kang maingay" nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Ha? Maingay? Ano?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Hindi niya alam ang tungkol saatin. I mean hindi niya naalala tayo" sabi niya saakin.
"Ha sino?"
"Si kylen! Hindi niya tayo naalala, at hindi din alam ni leo na bumalik na siya. Walang nag sasabi saaming magbabarkada sa kanya na bumalik na si kylen"
"Bakit hindi ninyo sinabi sa kanya?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro