Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

⊱◈Chapter 4◈⊰

──────⊱◈◈◈⊰──────

Hindi ko aakalain na anim na tao pala ang tumulong sa kanya. Ganan ba karami ang kaybigan niya? Wow lang ha! Tas may nag iisang babae pa sa grupo.

"Eto yung mga kaybigan ko na tumulong saakin kanina" Sabi ni mark saamin.

Isa isa silang nag pakilala saamin.

At ang huling nag pakilala ay yung nag iisang babae sa kanilang grupo.

"Hi i'm olive, 17 years old" Pagpapakilala niya saamin.

Hindi ko alam kung bakit ngiting ngiti siya saakin ata? Hindi ko sure.

"Ahmmm okay nagulat ako ang rami ninyo anyway let's eat" sabi ni mom sakanila pati na din sa akin.

Unang pumasok sa loob ng kusina si mom habang ang mga lalaki naman ang sumunod. Nilagay ko muna sa taas yung kanina ko pang bitbit na box, muntikan ko nang makalimutan ilagay ito sa taas.

Napansin ko na parang may sumusunod saakin kaya napalingon ako at muntikan ko nang mahulog yung box na bitbit ko dahil sa gulat ko kay olive.

"Wag ka naman manggulat" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ba kami naalala?" Tanong niya saakin. Nagtaka naman ako sa mga sinasabi niya.

"Ahm... Naalala sino? Kayo? Bakit naman, kilala ko ba kayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ako to kylen, yung babaeng laging iyakin" Sabi niya saakin at tinuro niya ang sarili niya, kaya mas lalo akong nalito.

Ano bang mga pinagsasabi niya?

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro