Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

⊱◈Chapter 25◈⊰

──────⊱◈◈◈⊰──────

"Kylen buti dumating kana. Kanina pa namin hindi mahanap si leo!" Natatarantang salubong saakin ni olive. Gabi na pero wala parin siya.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat. Napansin ko na bigla silang napatahimik at agaw pansin si ate alexan na hagulgul na ang iyak.

Nilapitan ko siya para patahanin siya pero tinaboy niya ako kaya nagulat ako.

"Wa-wag na wag kang lalapit saakin! Pa-pag may nangyari la-lang kay LEO i-ikaw ang may kasalanan" sabi niya saakin habang naiiyak siya.

"Ha? Bakit ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kaya nagulat naman ako ng tignan niya ako ng masama.

"KYLEN! HINDI KA BULAG KATULAD NI LEO KAYA DAPAT ALAM MO!" At ngayon naman ay sinisigawan na niya ako.

"Ha? Alam ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"MATAGAL NANG MAY GUSTO SAYO SI LEO! HINDI MO BA PANSIN HA! IBINUWIS NIYA ANG BUHAY NIYA NOON PARA ILIGTAS KA NIYA! SINO BANG TANGANG TAO ANG IBUBUWIS ANG BUHAY NIYA SA ISANG BABAE NA WALA NAMANG KAALAM ALAM SA PALIGID NIYA" Nangagalaiting sabi saakin ni ate. Hindi ko alam ang magiging reaction ko kung magugulat ba ako o magagalit dahil kasalanan ko nanaman?

Hindi ko aakalain na may gusto siya saakin.

"Oh? Bakit ka ngayon na pa tulala at natameme ha? Dahil nalaman mo ang nararamdaman niya para sayo?" Hindi ko pinanasin ang sinabi niya at tumakbo nalang ako papalayo sa kanila.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro