⊱◈Chapter 20◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
"Dahil sa kadahilanan na gusto ka daw niyang makita kaya dahil sayo ay nagkaroon ng malaking pagasa na makakita siya"
"Ah... gusto ko nang makakita muli siya. Dahil saakin kung bakit siya nabulag. Kung hindi niya sana ako sinundan at niligtas edi sana ako lang yung napahamak" nakatungong sabi ko kay ate.
"Wag ka sanang maging malungkit dahil duon at sisihin ang sarili mo kung ikay nakikita ngayon ni leo malulungkot yun. Dahil gusto ka niyang mabuhay pa kaya niligtas ka niya"
"Ang sama ko naman kasing kaybigan eh!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kaybigan? Kaybigan lang ba ang tingin mo sa kapatid ko?" Nagtaka naman ako sa tanong niya saakin kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Ha... oo kaybigan naman ang tingin ko sa kanya kahit sa inyong lahat" sagot ko sa tanong niya.
"Ah ganon ba. Paano kaya kylen kung sabihin sayo ng kapatid ko na gusto ka niya anong gagawin mo?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Kunwari lang naman"
"Hindi ko alam baka magugulat. Hindi ko naman malalaman yung magiging reaction ko kung hindi pa nangyayari"
"Alam mo kasi kyle-"
"Ate!" Parehas kaming napatingin duon sa sumigaw ng ate.
"Oh? Ano ba yun len?" Naiinis na sabi ni ate alexan kay len.
"Kakain na! Tama na yang paguusap ninyo!" Sigaw niya saamin at saka siya pumasok sa loob ng bahay namin kaya pumasok na din kami ni ate.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro