⊱◈Chapter 2◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
"Ahm ano po?" Magalang na tanong niya saakin.
"Mark?! Mark ba pangalan mo?" Nagaalinlangang tanong ko sa kanya kaya nahalata ko sa kanyang mukha ang pagtataka.
"Ah oo yun yung first name ko" Nagtatakang sabi niya saakin.
"Taba?! Ikaw pa yan? Ako ito si iyakin!!" Nakangiting sabi ko sa kanya ngunit naka kunot lang ang kanyang noo, na mukhang hindi niya alam ang mga pinagsasabi ko.
"Ako ito yung lagi ninyong kalarong batang babae na naiyak!" Kwento ko sa kanya ng nakaraan namin.
"Kylen! Ano ba-" Napatingin ako kay mom.
"Po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil may sinabi siya saakin pero hindi niya ito tinuloy hindi ko alam kung bakit.
"Nako kylen!" Sigaw niya sa pangalan ko kaya nagulat ako.
Lumapit si mom kay mark at hinawakan niya ito sa balikat.
"Nako kylen, napagkamalan mo bang si mark to? Hindi ito si mark na kaybigan mo noon, eto yung pinsan niya na kamukha niya" Pagpapaliwanag ni mom saakin at nginitian niya si mark napakamot naman sa ulo si mark.
"Ha?" Yan lang ang nasabi ko. Akala ko talaga si mark na kaybigan ko noon ay siya.
"Hala! Sorry ha! Natawagan tuloy kitang taba" saka ko lang naalala yung mga sinabi ko sa kanya kanina na kung ano ano kaya nag sorry ako sa kanya.
"Hahahhaha wala yun, sanay na din akong pagkamalin na si mark yung pinsan ko dahil nga sa parang magkamukha kami" nakangiting sabi niya saakin at saka kami iniwanan ni mom.
Pero bago siya umalis ay sinabihan kami na tumulong na dahil maabutan na kami dito ng gabi sa labas, na hindi pa naipapasok sa loob ang iba pang mga gamit.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro