⊱◈Chapter 14◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
(Alexan)
Nagulat ako ng makita ko ang mukha ng babae na kausap ni leo.
Nakilala na ba ni leo kung sino ang nasa harapan niya?
----
(Kylen)
Nagulat ako ng makita ko ulit yung babaeng humarang saakin noon sa school.
Lumapit siya saamin.
"Hi!" Bati niya saakin kaya nag hi naman ako.
"May ginawa bang masama yung kapatid ko?" Tanong niya saakin kaya napatingin naman ako sa lalaking bulag. Siya ba ang tinutukoy niyang kapatid niya?
"Ah... hindi po tinulungan ko lang po siya" sabi ko sa kanya.
"Ate Alexan?" Tanong ng lalaki.
"Bakit ka biglang umalis ha? Pinagalala mo kami!" Nagaalalang sabi ng kapatid niya sa lalaki.
"Nalaman ko kasi na bumalik na pala si kylen kaya sinubukan kong hanapin siya pero hindi ko alam kung saan at papaano ko siya mahahanap sa kundisyon kong ito" biglang lumaki ang mata ko dahil sa pangalan na narinig ko. Kylen? Ako ba yun? Hindi! Imposible hindi ko naman siya kilala.
"Nako leo! Narinig mo ba kami nag uusap ni Angelo?" Tumango ang lalaki sa tanong niya.
"Hindi naman si kylen yung tinutukoy namin ibang kylen yun"
Ha? Ano daw? Wait lang angelo ba?
Hala! Ang epal ko naman ay makauwi na nga at baka nag aalala na si mom.
Sisingit sana ako sa usapan nila ng may tumawag sa pangalan ko.
"KYLEN!" Kaya napalingon ako.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro