⊱◈Chapter 1◈⊰
──────⊱◈◈◈⊰──────
"Hey kylen wake up we are here" Bulong ni mom saaking tenga, kaya napamulat ako at inilibot ang aking mga mata. Hmmm eto yung ayaw ko yung magigising ka nalang at nandito ka na pala.
"Bumaba ka na diyan kylen at tumulong ka" Sabi ulit ni mom na nakababa na pala ng sasakyan at nag aayos na ng aming mga gamit.
Nakaramdam ako ng kaba habang binubuksan ko ang pintuan ng sasakyan namin. Nag dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi ngunit ako ay nahulog dahil sa kusang pagbukas nito na hindi ko alam ang dahilan.
Hanggang ngayon ay nakapikit parin ako, ayokong imulat ang mga mata ko at makita ang sarili na nakahandusay sa lapag. Ngunit may biglang umimik.
"Ahm ate ang bigat po ninyo" Agad ko minulat ang mga mata ko at napatingin sa paligid ko. Hindi ako nakahandusay sa lapag at may sumambot pala saakin agad kong inayos ang sarili ko dahil nakaramdam na ako ng hiya.
"Hala! Sorry po" Ilang beses na sabi ko sa binatang nakasambot saakin.
"Wala yun. Okay ka lang ba?" Tanong niya saakin.
"Ah oo okay na okay ako, ikaw ba okay ka lang ba? Sorry talaga ha!" Sabi ko ulit sa kanya.
"Hahahhaha wala yun" May bigla akong naalala dahil sa pagtawa niya.
"Mark?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro