Chapter 6: Gift
"You really are a frail woman, aren't you?" Nangungutyang aniya ni Erin.
Nakaupo siya sa sahig ngayon gawa ng pagkakatulak sa kanya kanina. Walang humpay sa pagtawa dahil sa katangahang muntikan ko nang magawa.
I was about to come with her just to see my sister. I'm so desperate to see her. I want to know so bad if she's alright. Because after all, she's still my sister. My only sister. We share the same blood. Even though we don't get along sometimes, I still care for her. She helped me during that time when I needed help. And it's my turn now to return the favor.
I shook my head. Hell, no. I'm actually not doing this just so we're now even. I am doing this because I love her.
A little while ago, I don't care anymore if Erin is just using my sister to lure me. I'm so disposed to help Astrid to the point that I'm willing to come with Erin even though I don't know if she's telling the truth.
I know I shouldn't trust nor believe someone, I never know, easily. But the fact that my sister is captivated by them extremely bothers me. I can't just sit here knowing that my sister might die anytime soon.
"I know right," Amanda replied, rolling her eyes.
I'd probably be with Erin right now if it wasn't for her. I was about to reach Erin's hand earlier when she suddenly showed up and pushed her away from me.
"You stupid bitch. She's insincere!"
I was in awe for a moment, wondering why she's here and what is she talking about. Saka ko lang siya namukhaan nang titigan niya ko ng masama.
Amanda. Iyong kasamang babae ni Megan noong nagpakilala ito. Of course, I've heard things about her. Halos lahat yata ng estudyante dito ay kilala siya. Sabi nila baka siya raw ang next na makapasok sa Jairo class. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa wrist niya at nakitang violet na ang kulay ng bracelet nito.
All students from Jairo were boys. So if ever Amanda improves more, she'll be the first ever girl who'll be joining this year's batch of Jairo class.
I then realized what she meant by what she said earlier. I suddenly remembered that her ability was to see other people's feelings. Perhaps she saw that Erin was insincere towards me, huh?
"You really are something, huh? I wonder why you're helping her," Erin smirked. "Hindi ba at mas maganda nga kung wala na ang babaeng ito rito, Amanda?"
"Shut up."
"What?" Pamamalintuna ni Erin. "It will benefit you in so many ways. Knowing the fact that you like-"
Saglit na natigil si Erin sa pagsasalita nang batuhin siya ng patalim ni Amanda. Agad niya rin naman iyong naiwasan at saka humagalpak ng tawa.
Amanda faked a smile. "I warned you."
"Wala ka pa rin talagang pinagbago," kutya ni Erin. "It was nice seeing you again, kid. But you're not the one I need to see."
Again? So they met before. Saan naman kaya? It seems like they know each other.
"Avy," Erin called. "I'm giving you 3 days to decide. Remember, ang kaligtasan ng ate mo ay nakasalalay sa 'yo."
I got goosebumps all over my body upon hearing her demonic laugh. I admit it, she looks scary. But the way she laughs is scarier. You'll know easily how evil she is.
"Don't believe her," whispered by Amanda.
"Uh-huh?" She grinned. "I'll send a proof to you, Avy. Perhaps your sister's finger?"
Hindi ko na napigilan at sunod-sunod ko siyang pinaputokan ng bala na walang hirap niya namang naiwasan. "Don't you dare!"
"Wow? I'm so scared," she sarcastically mumbled, mocking me with her fake terrified expression.
I suddenly looked down when I felt that someone is coming near our direction. Natigil din si Erin at agad sumeryoso, tila naramdaman niya rin ang naramdaman ko.
Agad akong lumingon sa likod upang tignan kung sino iyon.
"Hey, Amanda! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!" Bungad ni Megan. "Why are you with her?" She disgustingly asked when she finally noticed me.
Hindi ko nalang siya pinansin at nilingon ang pwesto kung saan nakatayo si Erin kanina pero pag tingin ko ay wala na siya.
"Avy!?" I heard Alex's shout, calling me. I think I should go back.
Aalis na sana ako nang magsalita bigla si Amanda.
"Don't even think about doing it. Don't listen to her. Don't do anything stupid!"
Agad na kumunot ang noo ko. "At ano naman sayo kung gagawa nga ako ng katangahan? Ako naman ang mapapahamak at hindi ikaw."
I rolled my eyes and continued walking back.
"I bet Theo would save you again. Kung sakali, baka siya pa ang mapahamak. I don't really care about you. Heck, don't even think that everything is about you. I'm concerned about Theo. Let's clear things here." She then walked past me.
Megan gave me a mocking gaze before leaving.
Natulala pa ako saglit dahil sa sinabi niya. Did I assume that? Did it come out that way? Kinurot ko ang sarili ko sa sobrang inis. I should have continued walking away instead of responding to her insincere warning. Of course, I know she doesn't care about me.
But.. but why the hell did she meddle, anyway? For Theo? Ridiculous!
"Hoy, ba't ka nandito?" Panguusisa ni Alex nang sa wakas ay nakita na ako. "Dito rin ba nanggaling sila Amanda?"
"Uhh, no," I lied.
"Okay," halata ang pagdududa sa mata niya. "Lagot ka kay Tyler! Late ka na sa training. Alam mo naman kung gaano kaimportante ang oras para sa kanya, 'di ba?"
Oh, shit. Iyong training! Dalawang araw nalang pala competition na. Tapos ngayon pa 'ko nalate! Lagot talaga ako nito.
Nagumpisa na akong tumakbo pabalik at agad naman siyang sumunod. "Ilang minuto akong late?"
"Gaga, isang oras!" Pabalang na sagot nito.
Inismiran ko nalang siya at mas binilisan pa ang takbo. Lagot talaga ako nito. Iwinaksi ko na agad lahat ng napag-usapan sa pagitan namin ni Erin para hindi ako madistract mamaya. Papagalitan na naman ako ni Tyler kung sakali!
Hinihingal ako nang dumating. Nakita ko naman si Tyler na nakadekwatro at nakakunot ang noong nakatingin sa relo niya. I should really prepare myself. He's mad, that's for sure.
"Sorry. May ginawa lang," sambit ko, kinakabahan.
He glanced at me. "This is our last training. Tomorrow is your rest day. And the day after tomorrow is the competition. How dare you be late?" Kalmado ang tinig nito kaya mas lalo lang akong kinabahan.
"I'm sorry. It's just that.. something came up and-"
He didn't let me finish my words. "Get ready. We'll have a 1v1 before we discuss the strategies."
Without further ado, I immediately pulled my gun. Hindi ko pa iyon tuloyang naaayos ay may narinig na akong putok ng baril. My immediate reaction was to avoid its trigger. Tinignan ko kung saan nanggaling iyon at nakitang nagmula kay Tyler.
What? He told me to get ready first, right? Eh, bakit agad agad siyang umaatake nang hindi pa ako handa!
Tumikhim nalang ako at hindi na nagreklamo pa. Kasalanan ko rin naman dahil late ako! Actually no, kasalanan to noong Erin na iyon.
Agad ko rin siyang pinaputokan pero walang hirap niya lang iyong inilagan. Ginamit ko rin lahat ng tricks na itinuro niya pero hindi ko manlang siya nagawang sugatan ni isa.
Naisip ko iyong nabasa ko sa library, iyong iba pang pag-atake na maaari mong gawin gamit ang baril. Ginawa ko iyon sa kanya, nagbabakasali na matamaan siya o madaplisan kahit sa braso lang pero hindi gumana.
It's so frustrating. Hindi pa nakakatulong iyong ilag lang siya nang ilag at hindi manlang ako inaatake. I feel so weak! And remembering what Erin said earlier, that I'm a frail woman, makes it even worse.
Out of frustration, I stopped the time and I consecutively shoot him. I know I shouldn't use my ability but I already did.
I regretted it after a second when I saw that he didn't even move a bit and he opened his mouth instead. The hell is he doing? Is he trying to get his self killed?
"What the fuck, Tyler!" I shouted, panicking now.
Everything slow-motioned. I estimated that the triggers were now only 5 inches away from him yet he isn't doing anything to spare himself. I watched how his eyes changed from serious to a teasing one.
I tried my best to stop the time or even just the trigger but I can't. I'm panicking and too distracted! All I can do is to stare at him who is just standing still and probably planning to do something stupid.
I closed my eyes out of fear. What if he gets killed? What will happen? For sure they'll punish me for doing something terrible! Hindi na talaga ako nadala. Una si Astrid. Ngayon naman ay si Tyler.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mabagal pero malakas na palakpak ni Alex. Agad akong nagtaka. Why is she clapping? Does she hate Tyler so much that seeing him get killed satisfy her? Oh, wait, does she?
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Una kong nilingon ay ang pwesto kung nasaan si Alex. Tumigil na siya sa pagpalakpak at nakangiti na lang ngayong nakatingin kay Tyler.
"Nice one, ang galing mo. Kinabahan ako ng kaunti roon, ah! Buti naman at alam mo na kung paano iyon gawin."
Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ni Alex. Anong ibig niyang sabihin?
Kaya naman kahit kinakabahan pa ay unti-unti kong inilipat ang paningin ko kay Tyler. He's.. he's fucking alive! Nanlaki ang mata ko sa tuwa. Paano niya nagawa 'yon?
"I can still taste it, though. I guess I haven't perfected it yet?"
He then smirked at me. Tila nagyayabang habang ngumunguya. Teka, anong kinakain niya? Ang kanina ko pang nakakunot na noo ay mas lalo yatang kumunot dahil sa pagtataka. Anong nangyari? Bakit sila lang yata ang nagkakaintindihan?
Inilipat ko ang paningin ko kay Alex nang may nagtatanong na mga mata. Mabuti naman at nagets niya ang paraan ng pagtitig ko kaya nagsalita siya upang sumagot.
"Hindi ko pala nasabi sa 'yo, Avy!" Napakamot siya sa kanyang batok. "Ginamit kasi ni Tyler iyong ability niya kaya hindi siya natamaan ng bala."
I just stared at her, still confused. Ability? Anong ability niya?
Nakita ni Alex na nagugulohan pa rin ako kaya nagsalita ulit siya.
"His ability is to replicate the ability of others. He copied my ability earlier and because, I think, you manipulated the time that's why it slow motioned, he's able to perform it successfully."
Napaawang ang aking labi. Hindi ako makapaniwala! He can copy someone else's ability? That's awesome. That's so dominant. Kaya pala masyado siyang bilib sa sarili niya. Ang yabang niya kasi may maipagmamayabang naman pala.
He stared at me with brooding eyes. The side of his lips rose up when he saw how astonished I was. He then directed his eyes at Alex so I can't help but to also glance at her. Little did I know, he is just duping me.
As soon as I switched my gaze to Alex, Tyler attacked me. He shoots my gun away first resulting in it to get out of my hand. He then runs towards me. And before I could react, a dagger was already placed at my neck.
"You are deceived easily. Even just the small things distract you. You pitied people without question that they're probably just fooling you, gaining your sympathy, and would betray you at the end. You don't know how to control your emotions!"
He smirked, belittling me. "Now tell me, how would you win, Avy?"
I clenched my jaw and closed my eyes tightly. I can't believe this! Of course! Of course, it was a trap. He seems so assertive earlier! Like as if he won't get killed by my shot. I should've known better.
Oo nga naman at hindi ko alam ang kaya niyang gawin. Hindi ko pa nga malalaman ang ability niya kung hindi niya ginamit kanina, eh. Bakit ko nga ba naisip na hahayaan niya ang sarili niyang matamaan ng bala? Gaga, Avy, Jairo 'yan. He won't be in the Jairo class for nothing.
Baka nakakalimutan mong si Tyler pa iyang kaharap mo! Isa sa pinakamagaling na estudyante dito sa Arcane. How dare me to think he'll do something stupid!
I clenched my fist this time. I feel so frail right now. Baka nga tama ang sinabi ni Erin? I'm a frail woman. I shook my head repeatedly. Why am I agreeing to her? Of course, I'm not!
Too much for worrying about what will happen after winning. Too much for people to keep underestimating me. Too much receiving insults and mockery. I'm going to prove them wrong! I will fucking win this match.
"Sorry, ha? Hindi ko nasabi sa 'yo. Akala ko kasi alam mo rin iyong ability niya. Nagalala ka ba sa kanya kanina?" Aniya ni Alex habang naglalakad kami pabalik sa dorm.
Pagkatapos ng laban namin kanina ni Tyler ay doon na rin kami kumain ng tanghalian. Nang matapos kumain ay saka niya sinabi sa amin kung anong dapat gawin at iba't-ibang klase ng strategies pagdating sa laban. Matapos niyang i-discuss ang lahat ng iyon ay binigyan niya pa muna ako ng nangmamaliit na tingin bago umalis.
Tipid akong ngumiti kay Alex bago sumagot. "Ayos lang iyon, hindi rin naman ako nagtanong. At oo, uhh, nagalala ako," sa sarili ko dahil paniguradong lagot ako kung sakali. Dugtong ko sana pero hindi ko na isinatinig.
Sakto namang nasa tapat na siya ng building ng dorm niya kaya agad na ring nagpaalam. Actually, iyong building na iyon ay dorm ng mga Wimp students. Nagkataon lang talaga na si Eli ang naging ka dorm mate ko kaya sa building ng mga Slavin student ako napabilang.
Speaking of Eli, I can see her looking at me right now. I immediately waved but she didn't wave back nor even smile. She just raised her brow and walked away. Papunta sa likod ng building, to be exact. Napakunot ang noo ko. Tuwing nagkakasalubong naman kami ay hindi siya ganyan. Minsan nga ay siya pa ang unang kumakaway o hindi kaya ay lumalapit. Weird.
Dahil sa pagtataka ay sinundan ko siya. "Where is she going?" Bulong ko sa sarili.
Wala pang isang minuto ay nakarating na ako roon. Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang hindi siya nakita. Ang bilis niya naman! Paano niya nagawa iyon?
Napagdesisyonan kong bumalik na sa dorm nang hindi ko talaga siya nahagilap. Naisip ko na baka nauna na siya at pinagtripan lang ako kanina, gaya ng madalas niyang ginagawa.
I was already heading back when I saw a pair of familiar black shoes getting on my way. Napatigil ako upang mag-angat ng tingin.
"Saan ka galing, ha? May kinatagpo ka ba ro'n?"
To my surprise, Eli is here in front of me with her usual teasing voice. Luminga-linga pa at pilit inaaninag kung sino ang kinatagpo ko raw. Napakurap ako.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kanya niyan? Saan siya galing?
"Sinundan kita," sabi ko, medyo nagugulohan. "Kaya ako doon nanggaling kasi nakita kitang pumunta sa direksyon na iyon."
She slightly poked my forehead. "Hoy! Anong pinagsasabi mo? Ngayon lang tayo nagkita! At saka, hindi ako nagawi sa likod ng building na iyan kaya anong sinundan?"
Natulala ako. Alam ko kung kailan siya nagbibiro at kailan hindi. Right now, I know she's telling the truth. Agad akong kinilabutan. Kung gano'n, sino ang nakita ko?
"Baka naman namalik mata ka lang! Pupunta pa lang sana ako do'n dahil nakita kong nandoon ka kaya imposible iyang sinasabi mong pumunta ako doon." She added.
Umiling ako. Hindi. Hindi ako namalik mata lang kanina. Alam ko na si Eli ang nakita ko. Matagal ko siyang natitigan kaya alam kong siya iyon.
"Baka naman pinagt-tripan mo ako, ha. Aminin mo na," pangungumbinsi ko.
Mas okay pang sabihin niyang pinagt-tripan niya lang ako. Tatanggapin ko pa iyon. Alam kong nagsasabi siya ng totoo pero hinihiling ko na sana, kahit ngayon lang, magsinungaling siya at sabihin sa 'king siya iyong nakita ko.
"No way. Wala akong oras para pagtripan ka, 'no! Sus, ikaw ha. Sige, kung ayaw mo pa munang ipaalam sa 'kin kung sinong kinatagpo mo roon ay ayos lang." She winked at me before she started walking.
Umiling nalang ako at nagsimula na ring maglakad. Alam niya naman na wala akong kaclose na lalaki dito kaya hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang paniwalaan na may kinatagpo nga ako kaysa sa sinabi kong dahilan.
Papasok na sana kami sa loob nang nahagip ng paningin ni Eli si Theo. Agad siyang nagngising aso at sumulyap sa 'kin. Oh, no. Agad akong nairita. Don't tell me galing siya sa likod ng building? Wait, that should be a good thing, right? Maaaring nakita niya iyong babaeng tinutukoy ko!
"Hmm, ikaw ha! Gumawa ka pa ng kwento para pagtakpan ang ginawa niyo roon sa likod," panunukso ni Eli.
Saktong pagkasabi niya no'n ay ang pagdaan ni Theo. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil sa kahihiyan. Baka kung anong isipin ni Theo! Sinamaan ko ng tingin si Eli pero mas lalo lang lumapad ang ngisi niya nang makita ang iritasyon sa aking mukha.
It's as if I was irritated because Theo and I got caught! That's what she's thinking. I want to clarify things but I know she won't listen. Or maybe she will... but she's just going to tease me for being defensive after.
I glared at her for the last time before I continued walking. Sumasakit ang ulo ko dahil sa nagkapatong-patong na impormasyon at kailangang isipin.
Pagkapasok sa dorm ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na dahil sa dami ng nangyari kanina.
Nasa kalagitnaan ako ng pagligo nang marinig ko ang malakas na boses ni Eli.
"Avy!" Tawag niya. "Omg! May regalo ka. Galing siguro to doon sa kinatagpo mo, 'no? Nakakainggit ka naman!"
Regalo? Kanino naman galing?
"Pero ang pangit ng design! Plain black lang ta's red 'yong font. Ang boring naman. Pero kung sabagay, ang importante naman ay iyong laman. Mayaman 'yon si Theo kaya bawing-bawi at saka.."
Ang dami niya pang sinabi pero hindi ko na inintindi pa. My mind wandered on that gift she's talking about. I tried so hard to think who could be the one who gave that. But I couldn't think of any!
Plain design? So hindi iyon regalo galing sa isang taong may nagugustohan. It's not that someone here likes me. What kind of gift could that be? Matagal pa ang birthday ko so surely it isn't a birthday gift.
Kumalabog ng malakas ang puso ko dahil sa kaba. I don't know why. I just suddenly felt nervous while thinking of that gift. Minadali ko na ang pagligo at agad lumabas.
Paglabas ko ay nakahain na ang hapunan kaya umupo na ako at nagsimulang kumain. Eli continued teasing me while eating. She also asked who gave me that gift but I just ignored her. I don't know what to answer, either.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kama. Nandoon iyong gift na tinutukoy niya. Isa iyong maliit na box, square ang hugis, purong itim lang ang kulay at kung hindi mo titignan ng malapitan ay hindi pa mapapansin ang mensahe na nakasulat.
Avy,
Narito na ang aking ipinangako. Sana magustohan mo.
My brows furrowed. Ipinangako? Sino ang nangako sa 'kin ng regalo?
Napagdesisyonan kong buksan na iyon habang nasa banyo pa si Eli. Unti-unti ko iyong binuksan, kinakabahan sa kung ano mang maaaring laman. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng matindi kahit hindi naman mainit.
Nang tuloyan ko na iyong nabuksan ay nanlaki ng sobra ang mata ko. Nahirapan akong huminga at agad namutla. I shook my head repeatedly as I stare at what's inside the gift.
Narinig ko ang paglabas ni Eli galing sa banyo at naabutan niya ako sa ganoong ayos.
"Hoy, anong nangyari sayo? Okay ka lang? Ba't ka namumutla. Teka, tubig," natatarantang aniya.
"Oh, eto," lahad niya sa tubig na kinuha. "Ano ba kasing nangyari? Anong laman ng regalo? Pating-"
Hindi niya na tinapos ang sasabihin sana dahil agad na siyang tumili nang makita ang laman ng regalo. Bago ko pa maabot ang isang baso ng tubig na hawak niya ay nabitawanan niya na ito.
"S-s-saan ga-ling i-iyan?" Si Eli, agad ding namutla at nanginig.
"Erin.."
"W-what?"
"I need to do something," I whispered as I left the room, getting mad and more anxious.
Ang laman ng regalo ay isang daliri ng babae. Kilala ko ang daliri ng ate ko kaya alam kong sa kanya iyon. May nunal ito malapit sa kuko at palaging may cutics.
I'll send you a proof. Perhaps, your sister's finger?
Damn you, Erin! Did she seriously cut my sister's finger? So Astrid really is their captive? Then why did Amanda tell me that Erin isn't sincere?!
I shook my head getting off the queries in it. I don't want to fill my mind with questions that I know I couldn't answer. One thing is for sure though...
I can't completely trust anyone here.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Salamat sa mga nagbabasa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro